#Maria Nila
Explore tagged Tumblr posts
Text
Beauty Haul for the whole year of 2023!
View On WordPress
#2023#beauty#clarins#dashl#glossgods#hair care#Haul#hickap#hudvård#IDA WARG beauty#idun minerals#indy beauty#isadora#kvd beauty#Lh cosmetics#make up store#makeup#maria nila#mavala#nyx#skin care#smink
2 notes
·
View notes
Text
Maria Nila Heal Masque
#Maria nila#hair mask#hair#beauty#skincare#hair care#beauty products#make up#mua#make up artist#fashion blogger#style blogger#beauty blogger
1 note
·
View note
Text
FILAY JUMPSCARE
#maria clara at ibarra#maria clara at ibarra fanart#mci#mci fanart#ang harot nila sarap sabugin#my art#maria clara infantes#fidel#klay#filay
126 notes
·
View notes
Text
#edvin ryding#i wanna be financially compensated for the suffering this caused me#holy FUCKING shit#the song choice as well........ I'm............................
23 notes
·
View notes
Text
Madelaine Petsch for Maria Nila September 2023
40 notes
·
View notes
Text
ang ganda sana ng latest na video explainer ng rappler re: israel-palestine pero nag-double down sila sa potanginang both sides bullshit nila 😒 maria ressa your days are fucking numbered.
7 notes
·
View notes
Text
Teleseryes, leitmotifs, and my obsession with things happening in the background
Ngayong taon lang ulit ako nagsimulang sumubaybay sa teleserye. Dalawa ang pinapanood ko ngayon: Darna at Maria Clara at Ibarra. Darna has a leitmotif for Valentina, and Maria Clara at Ibarra appears to have one for Padre Salvi—posibleng para sa iba pa, pero distracted pa ako sa ibang details until I just few episodes ago. Ang malinaw sa akin sa ngayon ay gusto kong marinig ang full recording ng themes nila. Napapaisip tuloy ako kung may mga inilalabas bang OST para sa mga teleserye (bukod sa theme songs mismo).
Sa Darna, mukhang si Valentina lang ang meron. Si Darna mismo, meron dapat, kaso ang inconsistent sila e; 'yung opening theme ba dapat ang leitmotif niya, or 'yung Patuloy Lang ang Lipad? I prefer the former as a leitmotif, though, kasi mas pang-superhero talaga 'yun.
Malamang sa malamang, mas pinag-iisipan ko pa itong Darna kaysa mismong si /ˈdʒeɪ ˈɑːr ˈbiː/, but, eh. Gusto ko lang sabihing dapat may Custodio household leitmotif; pwedeng gamitin 'yung BGM noong unang bumisita si Regina sa bahay ng mga Custodio. And while we're at it, why not have leitmotifs for Narda and Regina? Mainam siguro kung malapit-lapit sa theme music ng alter ego nila, pero distinct enough to be considered a different piece. Meanwhile, gusto kong malaman kung may letmotifs din ang ibang characters sa MCI. Meron naman yata, hindi ko lang napansin pa. I'll check kung mayroon sina Ibarra, Maria Clara, at Damaso. Aabangan ko rin kung mayroon si Elias. Ang sigurado ko lang ay mayroon si Padre Salvi and it's so recognizable. I checked kung shared ba 'yung music na 'yon kay Padre Damaso (making it a prayle letimotif instead), pero mukhang hindi naman. Kung hindi ako nagkakamali, sa episode 10 ng MCI nagsimula ang paggamit sa Salvi letimotif, nang magkita sina Ibarra at Salvi. Another instance na ginamit ito ay sa episode 23 noong "nangumpisal" si Klay kay Salvi. I admit, late kong napansin na may leitmotif si Salvi, sa episode 37 na nang biglang dumalaw si Salvi habang nag-uusap sina Maria Clara at Ibarra tungkol sa gagawing pagtitipon; I believe dito rin pinakamatagal tumugtog ang Salvi letmotif. Kapag nainip ako, babalikan ko ang previous episodes ng MCI to check kung may iba pang leitmotif, at aabangan ko rin kung magkakaroon si Elias. As of writing, hindi ko pa napanood ang episode na base sa Elias at Salome.
Anyway, hindi talaga ako musically inclined. Malimit lang mag-fixate sa details. Kaya gudlak na lang sa akin sa pag-spot sa mga recurring pieces.
#darna#maria clara at ibarra#valentina#narda custodio#regina vanguardia#crisostomo ibarra#maria clara#padre salvi#elias#teleserye
29 notes
·
View notes
Text
#FromTheArchives: Aba, Nilapastanganang Maria!
This is a piece that I wrote during high school—an attempt to make something bold, controversial, and unapologetically wicked piece with a clement conclusion.
Ermita, Maynila. Alas-doce ng hatinggabi.
Naglalakad ako sa kahabaan ng Padre Faura St., malapit sa may baywalk. Suut-suot ang pekpek shorts na ibinubulgar ang makinis kong singit. Maganda ako, sabi nila. Kaya siguro patok ako sa mga parokyano. Hinubog ng prostitusyon ang aking magagandang labi at pinalusog ng kahirapan ang aking malulusog na suso. Pinapaswitan at pinagtitinginan ako ng mga kalalakihan habang binabagtas daan patungo sa patay-sinding ilaw na tinatanglaw ang mga mukha ng mga kalalakihamg uhaw sa pagmamahal at parang mga hayok na buwata na nag-aabang ng butas na papasukan.
Bilang prosti, bawal akong maging choosy. Tanggap ako nang tanggap kahit bata o matanda---basta magkakapera---mairaos lang ang buhay ng anak kong mahimbing na ang tulog. Nakapikit, at hindi nakikita kung paano babuyin ng iba ang aking katawan.
"Tara?" sabi ng lalaking halos linggo-linggong bumibisita sa akin.
"Sige, magkano ngayon?" tugon ko.
"Dalawang libo?" sagot ng manyakis.
"Tangina, matagal kang labasan, dalawang libo lang?"
"Eh 'di apat na libo,"
"Tara."
Ala-una, dinala niya ako sa kulay pulang gusali na may karatulang may pamaypay na takip ang kalahating mukha ng babae.
Pagpasok pa lamang, sinunggaban niya agad ang mga labi ko. Nilamas ang malulusog kong suso. Hinalikan niya ang bawat bahagi ng aking katawam. Pinasok niya ang malaki niyang tarugo. Kasabay ng pag-indayod ng kayang katawan laban sa akin ay ang pagtusok at pagtagos nito sa aking kaluluwa.
Masama ba akong tao? Gusto ko lang naman ng magandang buhay para sa anak.
Malapit nang labasan ang lalaking ito, kasabay nito ay paglabas at pagtulo ng aking luha---dahil sa pandidiri sa aking sarili.
Natapos ang gabing puno ng kasalanan. Nauna na siya samantalang ako'y hubo't hubad pa.
Lumiliwanag na ang kalangitan, pasilip na ang araw---simbolo ng pag-asa. Napagpasiyahan kong magtungo sa lugar na minsan sa buhay ko lang mapuntahan. Sinindahan ko ang aking yosi at hithit-buga habang papalapit ako sa lugar na ito.
"Tangina. Baka masunog ako rito."
Pinatay ko ang apoy ng aking sigarilyo at dumiretso papasok sa simbahan bitbit ang mga panalanging matagal kong inipon at mga kasalanang nagbigay-depinisyon sa pagkatao ko---at handa ko nang i-kumpisal ngayon.
Habang papalapit, natanaw ko ang mukha ng lalaki na pamilyar sa akin.
"Siya nga," siya ang kumantot sa akin kagabi.
Habang papalapit, nanginginig ang tuhod ko. Puta, baka masunog ako. Katawan na naman ba tatanggapin ko, at dito pa sa loob ng simbahan? Sabagay, ang prosti nga pala ay 'di dapat choosy.
Lumapit ako sa kanya.
"Katawan ni Kristo," sabi ng lalaking kasabay ko nagparaos kagabi.
"Amen." Tugon ko.
5 notes
·
View notes
Text
Captain Marvel: Unang Female-Lead ng MCU
Noong 2019, ipinalabas ng Marvel Studios ang Captain Marvel, ang kauna-unahang pelikula na babae ang pangunahing bida sa buong Marvel Cinematic Universe o MCU.
Pumapatungkol ang pelikulang ito sa buhay ni Vers, isang miyembro ng Starforce sa planetang Kree na may misyong talunin ang mga shape-shifting na aliens na tinatawag na Skrulls. Mayroon siyang malakas at kakaibang superpower na nakuha niya galing sa energy core ng isang importanteng makina. Ngunit, hindi niya ito maalala sapagkat mayroon siyang amnesia. Dahil sa kaniyang misyon, dahan-dahan niyang naaalala ang kaniyang nakaraan, ang kaniyang totoong pangalan na si Carol Danvers, at ang pagiging isang piloto sa U.S. Air Force. Nalaman niya rin ang katotohanan sa labanan ng Kree at mga Skrulls at ang pagsisinungaling ng Kree sa kaniya. Dahil dito, pinalaya ni Danvers ang kaniyang sarili mula sa manipulasyon ng Supreme Intelligence, ang pinuno ng Kree, gamit ang kaniyang malakas na superpower.
Bukod sa matindi at nakakatuwang kwento ng Captain Marvel, natatalakay parin nito ang mga isyung panlipunang nararanasan sa totoong buhay lalo na ang sexism. Sa pelikulang ito, tinatalakay ang sexism bilang isang isyung panlipunan sa pamamagitan ng paghamon sa mga stereotypes ng kababaihan at ang pagkomento sa patriyarkal na sistema sa ating lipunan.
Bilang isang dating piloto ng U.S. Air Force, hinahamon na agad ni Carol Danvers at ang kaniyang matalik na kaibigan na si Maria Rambeau ang stereotype na panlalaki lamang ang pagiging piloto. Pinapakita ng karakter nina Danvers at Rambeau na walang kinalaman ang kasarian sa kakayahang maging piloto. Isa ring halimbawa ang isang flashback sa kaniyang military training kung saan minamaliit at pinagtatawanan siya ng mga lalaki niyang kasama. Sinasabi nila na “mahina” siya at hindi para sa kaniya ang pagiging piloto. Bagama’t maiksi lamang ang mga eksenang ito, pinapakita parin nito kung gaano kalaganap ang patriyarkal na sistema sa totoong buhay. Dahil sa patriyarkal na sistema na makikita sa ating lipunan, nakakaranas ng iba’t ibang diskriminasyon at harassment ang mga kababaihan.
Isa ring eksena sa pelikula ang pagcatcall ng isang lalaki kay Danvers kahit na hinahanap niya lang ang isang lugar gamit ang isang mapa. Para sa karamihan, isa lamang itong nakakatawa o comedic na eksena. Ngunit, pinapakita ng eksenang ito na laganap pa rin ang sexual harassment kahit na sa mga pampublikong lugar. Isa ito sa mga isyung kinakaharap ng karamihan sa mga kababaihan araw-araw.
Sa pelikulang ito, nagsisilbing mensahe ang karakter ni Carol Danvers bilang Captain Marvel na hindi lamang mga lalaki ang maaaring maging “superhero” sa ating mundo. Huwag natin sundin ang mga stereotype na mahinhin at mahina lamang ang kababaihan sapagkat matapang, determinado, at malakas sila sa katotohanan. Bilang mga tao, huwag tayong mangdiskrimina ng ibang tao batay sa kanilang kasarian. Ilagay natin sa ating puso’t isip na kahit anuman ang ating kasarian, pantay tayo lahat. Gawin natin ang lahat ng ating makakaya upang magkaroon ng isang lipunan na pantay at payapa.
2 notes
·
View notes
Text
Ngayong araw, alalahanin natin ang kabayanihan ng mga babaeng walang takot na lumaban sa diktadurya ni Marcos. Mula kaliwa: - Maita Gomez - Carol Araullo - Sister Porferia Ocariza - Lualhati Bautista - Etta Rosales - Sr. Mary John Mananzan - Cory Aquino - Judy Taguiwalo - Eva Kalaw - Nelia Sancho - Soledad Duterte - Gemma Cruz - Maria Lorrena Barros Iilan lamang sila sa daan-daang mga bayaning Pilipina na hinarap ang kamay na bakal at mapang-aping Batas Militar. Mula man sa iba't-ibang sektor at iba-iba man ang naging uri ng kanilang paglaban, ipinakita nila na ang babaeng Filipino ay walang kapantay sa katapangan.
---
Kuha ang larawan at impormasyon mula sa Project Gunita
#Kalakian#neverforget#MgaBayaniNgBatasMilitar#DefendHistoricalTruth#Internstional women's day#Babae#Babaelabanbatasmilitar#Babae laban batas militar#Never forget#Mga bayani ng batas militar#Defend historical truth
4 notes
·
View notes
Text
natapos ko na yung Maria Clara at Ibarra, sadt wala na naman ako ibibinge watch haha. medj di ko bet ending, though maganda naman kaso bitin ako haha. umaasa pa naman ako na may konek parin sa present yung sakanila ni Fidel. chariz! haha. pero tuwing nakikita ko si David Licauco ang dami kong naaalalang lalake na kahawig niya, common talaga pag chinito e parang pare pareho mukha nila haha. char. pero kahawig niya talaga si Kers, pinaghalong xian lim at david nga lang haha. wala lang, kaya ayaw ko i-crush si David kasi naaalala ko sakanya ex-fling ko lol hahaha.
4 notes
·
View notes
Text
Lagalag ng Calle Crisologo, akala nila ako si Maria Clara 😂😂
3 notes
·
View notes
Text
Henlo. Gusto ko lang i-blog yung Filipino serye na nagustuhan ko after OTWOL
I just happened to watch one of “Maria Clara at Ibarra” clips sa Twitter, then parang naaliw ako kaya tinry ko i-watch yung isang episode nya sa TV. And mind you, IT DID NOT DISAPPOINT. I loved the fact that it is a reimagined Noli Me Tangere and that it is a Philippine Historical drama, so ayun, bininge-watch ko lahat ng episodes hahahah
As a Kapamilya since birth (lol) ngayon lang ako nanood ng GMA serye haha. Ang galing pala ni Barbie Forteza sa RomCom, naaaliw ako sa acting nya dito sa Maria Clara at Ibarra tapos OMG ANG GWAPO PALA NI DENNIS TRILLO! Ganda ng mata pistiiii! HAHAHA! Honestly, ganda ng chemistry nila ni Barbie kahit malayo ang age gap (bet ko chemistry nila pero illegal na i-ship sila sa series kasi nga mag-jowa si Ibarra at Maria Clara (which is being portrayed by Julie Ann San Jose)). Pero kilig akooooh. Di ko sure kung kilig ako sa kanila ni Barbie or kinikilig ako dahil kay Dennis hahaha
#SKL sobrang na-a-attract talaga ako sa movies/series na old settings.. yung damit, language at culture noon, sobrang ganda for me. I wish I was born in their generation or at least be able to experience living in their era kahit saglit lang (minus syempre yung World Wars). At kung hindi nyo naitatanong, pangarap ko talaga ma-address na ‘binibini’ hahahah.
P.S. I’m so glad GMA made this reimagined Noli Me Tangere. So ABSCBN, you should take note. Nakakasawa na theme ng seryes nyo sa true lang 😅
6 notes
·
View notes
Text
Ako si Shynne Louie Encabo. Ipinanganak ako noong October 21, 2007. Ang isa sa paborito kung pagkain ay walang iba kundi ang chicken joy. Ang paborito kong color ay kahit ano basta pastel. Ako ay nasa ika labing-isa na baitang. Isa ako sa pinaka masayahin na bata sa aming pamilya. Ako ay nakatira sa aking lola sa Purok 3B Managok Malaybalay City.
Ito nga pala ang mga kaibigan ko, sina Asley Blaise Patajan, Princess Jian Macarulay Talle, Janiah Mae Cahimtong, Kent John Cabaluna, Sophia R. Grapinag, at Maria Niña Zafra. Sila ang isa sa mga dahilan kung bakit palagi akong nagtataguyod mag sumikap. Kung may problema ako, handa silang mag lapag ng mga jokes para lang mapasaya ako. Handa kong ibigay ang lahat para sa kanila.
Ang London ang isa sa mga gusto kong puntahan kapag ako ay nakapagtapos na ng pag-aaral. Matagal ko na itong pangarap. Ang dahilan bakit ko ito gustong puntahan ay dahil dito ipinanangak ang aking mga Idolo sa 1 Direction. Ako ay palaging nahahanga sa lahat ng gamit at lugar nila. Malapit na ay, pupunta ako dito kasamo ang aking mga mahal sa buhay.
Ito ang aking mama at nanay. Mula sa bata hanggang sa paglaki ay si nanay na ang nag alaga sa akin at si mama naman ang nag su-sustento sa kahat ng kailangan. Hindi ako swerte ngunit ako ay pinagpala dahil meron akong sila. Magtatapos ako ng pag-aaral upang maahon ko silang lahat sa kahirapan mabigay ko ang lahat para sa kanila.
At diyan lamang nagtatapos, maraming salamat sa oras na iyong ibinigay 🤍
0 notes
Text
Ang pangalan ko: maria clara infantes carpio
Maari yun ako tawagin "clarita"
Nakatira ako sa
Cabuyao laguna
Windfield 1 phase 5 block 12 lot 17
Paborito ko
Panuodin: mallari)gomburza)
Maria clara at ibarra) pulanf araw)
Paborito ko salita:wika salita at español
Paborto ko subject: english science filipino ap
Esp)
Ayawko subject: math mapeh
Mahilig ako mag basa ng libro
Marami ako alam
Pagdating sa mga kasaysayan
Palagi ako nagdadasal upang ligtas tayo mga fikipino
Sana magbago na iinsip ng china at mag punta nalang siya sa taiwan para wala na gulo
Yun ang tunay na kalayaan saatin bansa ng pilipinas
Ako ay isang matapang at palaban na babae
Pero mabait ako
At may awa sa kapwa filipino higit sa lahat kaya kaya ko tumulong sa kapwa natin filipino at para sa bayan natin
May talino ako
At may panfunawa sa lahar
Kaya kaya natin ipaglaban ang bansa natin
Huwag tayo susyko
Wag natin pababayaan ang sarili natin bansa
Iisisigawa sa bayan: atin ang west philippinez sea
Ang totoo niya
Nakita ko sa mapa natin hindi west chiba sea yun
Ang totoo nakalagay ay west philippine sea saatin yun kaya ipagpatuloy at ipaglaban ang karagatan na ito ay tiretoryo natin yun wag na wag na tuparin ang binabalak ng china at kawawa tayo mga filipino pero hindi tayo kawawa
May laban at may tapang tayo mga filipino
Upang magsakripisyo saatun sarili bayan
Tanda yun ba sinasabi ni dr. Jose rizal at heneral luna
Ito
Sinabi ni jose rizal
Dr.jose rizal sabi:
Tamad ka mag aral
Pero may talento ka
Maganda ka
Hindi ka lang nag aayos
Ayaw mo ayaw mo lang subukan
Ito pa
Heneral luna sabi:huwag kayo maniwala sa matatamis na salita ng mga amerikano
Negosyon o kalayaan o bayan o sarili pumili ka
Yan po
Ang akin naalala
Sa mga sinabi nila
Listen this ans understand
(Gracias)
0 notes