#LiwLiwa
Explore tagged Tumblr posts
grendel-menz · 1 year ago
Text
Tumblr media Tumblr media
a little comic about first mate liwliwa and gunner eliska's chance meeting
688 notes · View notes
lycadisdotmp4 · 8 months ago
Text
A night at Liw-Liwa, Zambales
Yes, nagdinner lang po talaga kami sa Liw-liwa. Grabe! Sana makabalik kami soon for a proper vacay. We ate at Sunday Kitchen. Good food and great vibe. Hope to try other food as well if we come back! We really loved the vibes here. Sobrang relaxing and calming. it was like we were living a slow life for a minute. truly an escape from the harsh reality 🍃
2 notes · View notes
jrchvntr · 10 months ago
Text
Tumblr media
2 notes · View notes
soypurematchalatte · 10 months ago
Text
Planning to go solo to LIWLIWA, ZAMBALES, RECOS PLEASE 🥹
5 notes · View notes
jamesabelc · 1 year ago
Text
Tumblr media
Long legs
2 notes · View notes
janny1989 · 2 years ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
The Vibe at Liwa
As we continued to talk, I realized that we already did know each other. 😬
So glad to meet you all! I hope you had a good time with me as well. 🫢
Thanks for the memories, Braders 🤘🏼
( my brothers for another mother charot! )
youtube
2 notes · View notes
arkibonitin · 2 years ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
liwliwa, zambales.
📷 kodak m35 🎞 kodak portra 400 ⚗️: fotofabrik
3 notes · View notes
jueyun-chili · 5 months ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
The right kind of chill with mah homies and their furbabies 😆🐶✨
0 notes
lycadis-zip · 8 months ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
⋆.˚ sponatenous trip ⋆.˚
ate some good food and enjoyed the sound of waves under the tree at Sunday Liwa (@sundayliwa on ig)
📍Liw-Liwa, San Felipe, Zambales
1 note · View note
lakadmatatag · 9 months ago
Text
Liwliwa: Isang Yapak sa Kaharian ng Kapayapaan at Saya
Tumblr media
Sa pook ng Liwliwa Zambales, ako'y naglakbay at natagpuan ang isang lihim na kaharian ng kapayapaan at saya. Ang bawat alon sa baybayin, huni ng mga ibon, at simoy ng malamig na hangin ay nagsilbing gabay sa aking paglalakbay patungo sa pook na puno ng kapayapaan.
Tumblr media
Sa munting pook na ito, nakatuklas ako ng yaman ng simpleng buhay, kung saan ang pagpapahalaga sa kalikasan at pagkakaroon ng oras para sa sarili ay naging pangunahing aral. Sa lugar na ito, isinusulat ko ang mga kwento ng kagalakan at saya na hatid ng Liwliwa sa bawat paglipas ng oras.
Tumblr media
Noong ika-13 ng Enero, 2024, kasama ang aking mga kaibigan, nagpasya kaming pasyalan ang Liwliwa Zambales upang tuklasin ang taglay nitong kagandahan. Matapos ang mahigit tatlong oras na biyahe mula sa Bataan, dumating kami sa destinasyon at agad kaming nabighani sa kagandahan ng lugar. Ang unang pagtapak namin sa mala-abong buhangin at malinis na baybayin ay naglahad ng simula ng aming kakaibang karanasan sa Liwliwa.
Tumblr media
Sa pagkikipag-usap ko sa mga lokal, nalaman ko ang epekto ng pagsabog ng Bundok Pinatubo sa lugar. Ang abong bumagsak sa lupa at ang lahar na dumaloy sa ilog ay nagdala ng maraming volcanic materials patungo sa dagat na nagdulot ng halo-halong kulay ng buhangin sa baybayin ng Liwliwa.
Tumblr media
Sa aming pananatili sa Liwliwa, masasabi kong ang pag-check-in namin sa Ruca Liwa ay isa sa mga pinakamasayang bahagi ng aming karanasan. Ang lugar ay kilala hindi lamang sa kanyang masigla at kaakit-akit na kapaligiran, kundi pati na rin sa mga masarap na pagkain na handog nito. Dito ko nasubukan ang iba't ibang luto gaya ng Crispy Pata at Sisig na tunay na nagpasaya sa aming mga panlasa.
Tumblr media Tumblr media
Hindi rin namin pinalampas ang pagkakataon na bisitahin ang Mommy Phoebe’s, isang kilalang kainan sa lugar na nagsilbing sentro ng lokal na pagkain. Sa bawat kagat, naramdaman namin ang pagmamahal at pagpapahalaga sa pagkaing handog ng Liwliwa, na tila ba nagbigay pa ng higit na kulay sa aming mga karanasan sa pook na ito.
Tumblr media
Sa pagitan ng aming paglilibang sa mga masasarap na lutuin ng Liwliwa, hindi namin napigilan ang sarili na hindi subukan ang iba't ibang aktibidad na iniaalok ng naturang lugar. Nag-surfing, lumangoy sa dagat, nag-camping, at nag-ATV ride. Sa bawat oras ng aming paglagi doon, napuno ng pagkasabik at kasiyahan ang aming mga puso sa bawat bagong pakikisalamuha sa kalikasan.
Ang surfing at paglangoy sa dagat ay nagdulot sa amin ng kakaibang kasiyahan at kalinawan sa aming isipan. Ang pagharap sa malalaking alon at ang pagtangkilik sa magandang dagat ng Liwliwa ay nagbigay sa amin ng pagkakataon na malimutan ang mga alalahanin at maramdaman ang kahalagahan ng kalayaan. Pagkatapos ng isang buong araw ng aktibidad, sinubukan din namin ang pag-camping. Sa ilalim ng magandang tanawin ng bituin at ang malamig na simoy ng hangin, naroon ang di-matutumbasang karanasan ng pakikipag-ugnayan sa kalikasan at pagtangkilik sa kanyang mga biyaya.
Tumblr media Tumblr media
Ngunit ang pinakapang-akit na aktibidad para sa akin ay ang ATV ride. Ang pagmamaneho sa ATV sa malawak na baybayin ng Liwliwa ay nagdulot sa akin ng kakaibang damdamin ng kalayaan at kagalakan. Sa bawat sipa ng hangin at bawat liko ng aming paglalakbay, ang aking puso ay nag-aalab ng kagalakan na tila ba sumasalamin sa walang hanggang kaligayahan ng lugar.
Tumblr media
Ang aking pagbisita sa Liwliwa ay hindi lamang isang karanasang puno ng saya at pakikisalamuha sa kalikasan, kundi isang paglalakbay ng puso at isipan. Ito ay hindi lamang isang simpleng paglalakbay, kundi isang pagtuklas sa yaman ng kultura at kagandahan ng Pilipinas. Sa Liwliwa, hindi mo lang matatagpuan ang mga kwento ng kalikasan, kundi maging ang iyong sariling kwento ng pagbabago at pag-unlad.
1 note · View note
being-in-the-mom3nt · 2 years ago
Text
ZAMBALES 2023! 🫶🌊☀️🥂🎶
Unang dagat sa 2023!
Feb 18-19, pre-bday celebration ko na to with friends. Sa totoo lang, gusto sana namin to biglaan bago ang birthday ko. Pero that week rin ay sobrang hectic ng sched ng ibang friends, at bonus na nakapasa ng job interview si Pao. So na move and sa wakas natupad din ang drawing! Kinaumagahan nung alis di ko sila nirereplyan agad kasi nagprep and gawa ako ng spam musubi. Ang epic lang kasi sinubukan ko yung may cheese on top, e nagmamadali na ko since malelate na kami, ayun di ko napatay agad sa oven. Natosta yung ibabaw hahaha pero masarap pa rin. Then nung otw na, yung pinaka mahalaga pa talaga na tent nakalimutan ko! So bumalik pa kami ☹️🥺
Sobrang thankful ako kasi I'm with friends na super love ako. Di lang yung sumama sa Zambales, even them na hindi present sa vid. Love na di man verbally, pero feel na feel ko to the point na kahit di ko sila laging kasama ay mga good memories (na may kalokohan syempre) at laughtrips ang naaalala ko. Yung pag magfaflashback sobrang matatouch ako even sa small things they did to me. Dito pala sa trip namin, ang bait ni Soj kasi sa pagda-drawing pa lang ang dami na niyang suggestions. siya din usually nag iinitiate ng mga magandang gawin at puntahan. Tho nakakahiya, kaya sa tent pitching ako naman tumoka. Nagkaconflict nga lang sa bahay (samin na lang sorry), pero tinuloy pa rin namin. Ayun worth it naman hahahaha
More on tambay sa tabing-dagat, nagtayo ng tent, magbasa/chika, maligo sa dagat, abangan ang sunset, lakad-lakad hanap ng food, magkape! At magukulele jam sa gabi, picture here and there. At pinakilala pala kami nila ate Mabel and kuya Rodel sa asosasyon ng mga riders (EAGR) na inisponsor-an namin dati ng mga baked products ko nung active pa rin ako magbake. Bigla ko tuloy namiss maging busy at gumawa ng cookies tyaka banana cake! Anywaaayyy parang for me that time, maliit na bagay lang yun. Nahiya nga ko kasi yun lang naambag ko. Tapos ayoko rin sana magpakita hahaha medyo di na ko sanay makisalamuha masyado sa mga bagong tao. Pero naibroadcast na daw na ipapakilala ako ganun e baka sila ate at kuya naman yung magmukhang sinungaling dun kaya ayun nagpakita ako. Pero syempre nagpasama ako kila Pao and Soj. Grabe din nun kasi nag iinuman sesh kami nung gabi, tapos ang layo pa nung resort na venue nung sa EAGR. Tanggal amats namin e nagising sa lakad hahahahaha tapos kaliwa't kanan yung soundtrip mga parang bar na may nagpeperform, or parang iba chill lang, yung ibang group may dalang speaker pa tapos inuman lang din.
Tapos ang galing kasi saktong bago kami magpakita, konting steps na lang biglang may fireworks! Ang galing nung timing kasi ang lapit talaga namin and ilang seconds before kami iintroduce nung nagstart yun. Feeling ko para sakin yun e kasi magbibirthday na ko HAHAHA char. Nung New Year di ako nanood ng ganun. Kaya ang amazing.
Nung pinakilala na kami, nahiya ako kasi pinakausap sakin yung president ata nun and may isa pang di ko na matandaan pero kinakausap ko rin out of courtesy. Medyo tanders na sila pero nakakatuwa na parang kinakausap nila akong madam ganun hahaha tapos ako na medyo di prepared, kino-compliment ko naman sila tyaka encourage na magkaroon pa ng maraming projects since mahilig din sila tumulong sa komunidad. Naappreciate ko naman din yung pag welcome tho habang tumatagal kami dun, paulit-ulit lang yung usapan na sa ganto ganyan magandang pumunta sa Zambales. Buti to the rescue sila kuya Rodel and Pao hinila na ko sa usapan kasi di ako talaga marunong mag cut ng convo hahahaha. enjoy naman talaga, yung paghiga lang namin sa tent na hindi pantay dahil wala kaming sapin + magdamag nagkakaraoke sa kabilang resort at hilik ng kapit-bahay HAHAHAHA.
Sa food, nasulit naman, sakto lang yung prices unlike Elyu na mas mahal para sakin. Yung pag stay namin over all satisfied ako kasi yung shared bathroom nila madami at di pahirapan kung pipila. Yun lang medyo malayo sa location ng tent pero sa ambiance (sunset! Winner talaga) at basta friends kasama mo hindi talaga nakakaboring.
P.S.
Medyo nagpanic kami nung pauwi kasi nung dumaan kami sa duty free sa Subic, nilapitan kami nung traffic officer nila dun at pinagilid yung sasakyan. pero nalusutan po ng aming team 😆. Yung mga chocolates naman sabi mura daw dun, parang konti lang difference. Smooth naman yung byahe tyaka puro kami stopover ihi break at para lang bumili ng pasalubong at tupig!
Grateful for the friendships and sana more travels to come!
1 note · View note
grendel-menz · 1 year ago
Text
Tumblr media Tumblr media
Accidentally deleted my first mate liwliwa post I’m gonna scream. Here he is again
710 notes · View notes
jrchvntr · 10 months ago
Text
Tumblr media
0 notes
jamesabelc · 1 year ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
With Kahel and Jem
0 notes
mauvevlinder · 1 year ago
Text
GANDANG LIWLIWA, SAN FELIPE, ZAMBALES
Tumblr media
Tuwing sasapit ang tag-init, Liwliwa, San Felipe, Zambales ang takbuhan ng mga nais magpalamig. Sapagkat ito ay may malaking parte ng anyong tubig na siya namang ipinagmamalaki ng lungsod at dahil din sa kaakibat nitong mga magagandang tanawin at nakakarelaks na tunog ng hampas ng alon ng dagat. Ito rin ay kilala dahil sa maganda nitong sunset at kilala rin itong isang surfing spot ng mga eksperto pati na rin ng mga baguhan at kung nagnanais kang maranasan na ikutin ang dalampasigan mayroong ATV bike adventure na maaring rentahan.
Tumblr media
(Ang larawan na ito ay galing sa https://www.rome2rio.com/map/Dinalupihan/Zambales)
Dalawang paraan ng pagbiyahe mula Dinalupihan papuntang Zambales
BUS - 2 hours and 26 minutes
DRIVE - 1 hour and 31 minutes
Ang plano naming magkapatid na pagbisita sa Liwliwa, San felipe, Zambales ay biglaan lamang, ninanais lamang namin bumisita sa lugar ng isang araw. Kaya habang bumabyahe ay naghahanap na rin kami ng lugar na tutuluyan pansamantala sapagkat halos lahat ng mga hotel sa lugar ay kinakailangan muna ng reservation at hindi nirerekomenda na mag walk-in. Idagdag din ang pagbuhos ng ulan na hindi namin inaasahan, kaya kami ay nagdadalawang isip kung itutuloy pa ba namin o hindi sapagkat inaalala namin ang aming seguridad sapagkat madulas ang kalsada at hindi namin batid ang dulot nito sa aming kaligtasan. Ngunit sa huli ay napagdesisyunan naming ituloy at mag-ingat na lamang sa pagbyahe.
Sa pagdating namin sa bungad ng lugar ay ang pagharang sa amin ng mga tourist guard na siyang nagtanong sa amin kung saan kami galing at kung ano ang aming pakay. Hiningan nila kami ng entrance fee dahil ito raw ay regulasyon ng departamento ng turismo para sa pagpapangalaga ng kapaligiran at pagpapanatili ng kaayusan nito. Sumunod ay ang paghahanap namin ng aming tutuluyan, kami ay nahirapan sapagkat ito ay na sa kabilang dulo ng aming lokasyon. Ang lugar din ay hindi sementado at dahil nga sa pagbuhos ng ulan ay mayroong nabuong mga putik at baha. 
Tumblr media
Nang amin ng pinasok ang compound ng aming tutuluyan bumungad sa amin ang nipa hut, lababo, paliguan, kusina at bahay kubo. Dahil tatlo lamang kami ay isang nipa hut lamang ang aming nirentahan. Napansin namin na parang ginawa ang lugar na ito sa makalumang paraan at tradisyonal. Kulang din ang mga gamit gaya ng pang kusinang kagamitan at kabinet na lalagyan ng aming mga kagamitan o damit. Sa pagpasok namin sa nipa hut ay maliit lamang ito ngunit kasya naman kaming tatlo at pwede na rin tuluyan pang isang araw. Wala ring internet ang lugar at signal kaya kung nagnanais ka ng pahinga malayo sa syudad at mga tao ang lugar na ito ay para sa iyo. Noong kami ay nakapag-ayos na ng aming mga gamit ay pinuntahan namin ang dagat at naligo sumandali ngunit hindi kami lumayo sa dalampasigan sapagkat napakalakas ng mga alon. Pagkatapos naming maligo sa dagat ay bumalik din kami sa aming tinutuluyan upang makapaghanda sa hapunan.
Tumblr media
Dahil nga biglaan lamang ang pagbisita namin ay wala kaming baon na pagkain kaya napagkasunduan namin na lumabas at maghanap ng makakain. Dahil ang lugar na aming tinuluyan ay halos sa dulo na ng lugar ay mahaba at matagal na lakaran ang aming ginawa, idagdag din ang baha at putik na sumalubong sa amin sa paglalakad. Ang una naming pinuntahan ay ang carinderia ni Mommy Phoebe ang mga pagkain na hinahain nito ay lutong bahay at mga ihaw-ihaw gaya ng isaw, betamax, at barbeque.
Tumblr media
(Ang larawan na ito ay galing sa restauranguru.com)
Tumblr media
Kasunod na aming pinuntahan ay ang Kapitan’s Liwa, ang mga pagkain na hinahain nito ay mga pasta, filipino food, pastries at american food.
Tumblr media Tumblr media
Bago kami bumalik sa aming tinutuluyan napagdesisyunan ng aking ate na pumunta sa dalampasigan upang maglakad at pakinggan ang tunog ng alon ng dagat. Sa aming paglalakad ay nakita namin na may bukas na bar malapit sa dagat na may pangalang Bangan Beach Bar kaya naman amin itong pinuntahan at bumili na rin ng inumin. Kami ay nanatili sumandali at nanood ng lalaking sumasayaw habang may binubugang apoy, sa pananatili, amin itong kinagiliwan at kinamangha. Pagkatapos nito ay bumalik na kami sa aming tinutuluyan upang magpahinga at gumising ng maaga para pumunta sa dagat.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Kinabukasan kami ay gumising ng maaga at naghanda para sa almusal. Kumain kami ng almusal sa Fely’s store and Canteen mayroon silang iba’t-ibang bariyasyon ng almusal gaya ng tuyo, tocino, at spam. Mayroon ding silang libreng kape na ibinibigay.
Tumblr media
(Ang larawang ito ay galing sa Tripadvisor.com.ph)
Pagkatapos naming mag-almusal ay naglakad ulit kami ng matagal papunta sa dalampasigan at naligo sa mababaw na parte ng dagat. Mga bandang 10am ay umahon na kami at bumalik sa aming tinutuluyan upang makapaghanda na sa aming pag-alis sa lugar.
Tumblr media Tumblr media
Isama ko na rin ang aking karanasan sa mga residente ng lugar na siya namang napakabait at matulungin sa mga turista. Sila ay maasahan at mapagkakatiwalaan. Banggitin ko rin ang mga turista na siya ring nakakagulat na masayang kasama, kahit na hindi namin sila kilala ay may respeto at pagpapahalaga silang ipinapakita. Marami rin silang kwentong dala tungkol sa kanilang karanasan sa buhay. Nakakatuwang isipin na kahit hindi namin kilala ang aming mga nakasalamuha ay may kabutihang loob silang ipinakita.
Sa pagtatapos ang aral na aking nakuha mula sa aming karanasan sa pagbisita sa Liwliwa, San Felipe, Zambales ay napakahalagang magplano sa lahat ng okasyon, dito ko nabigyan ng importansiya ang pagplaplano ng detalyado at mayroong back-up na plano kung sakaling may mangyaring hindi inaasahan. Bago rin pumunta sa lugar na nais puntahan ay dapat na alamin ang panahon sa araw na iyon at iayon ang kasuotan at gamit na dadalhin upang masaksihan at maranasan ng mas malaya ang lugar para rin makapag hanap ng lugar na matutuluyan na pasok sa inyong standards. Akin ding isasama na magdala o magbaon na lamang ng pagkain imbes na bumili sa labas sapagkat may kataasan ang presyo ng mga bilihin sa lugar. At panghuli, kung ninanais ninyong bisitahin ang Liwliwa nirerekomenda kong puntahan ninyo ito sa panahon ng tag-araw upang maranasan ninyo ng mas masaya ang paglalakbay.
4 notes · View notes
badjsarchive · 7 months ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
🖇️ Zambales Dump 3/3 (April 12, 2024)
1 note · View note