#Lesbiyana
Explore tagged Tumblr posts
prinsipengpoot · 1 year ago
Text
Proto-lesbiyana si Flerida. Other lesbian scholars see it, and I see it din! Leonatiko siya sa aking paningin. Period.
7 notes · View notes
arkibero · 2 years ago
Text
Cinemaddict: Feb2022 Film Log
1. Ten Little Mistresses – ★★★2023 ✍️ Jun Lana Hindi lahat ng kasalanan ay dapat pagbayaran. Ito ang kabit-kabit na kuwento ng paghihimagsik ng mga babae, bakla, at lesbiyana sa tuwing pinagsasabong ang mga inahin at dumalaga ng tandang at patriyarka.
youtube
View On WordPress
0 notes
knchuchi · 5 years ago
Text
Bilang buwan ngayon ng Hunyo, bakit hindi rin natin subukang bisitahin ang ilan sa mga ganap sa Pilipinas na may koneksyon sa diwa ng Pride? 🏳️‍🌈
     Habang inaalala natin ang kasaysayan ng Pride— ang riot sa Stonewall, pagbalikwas sa police brutality, at pagyakap sa sariling identidad bilang parte ng komunidad ng LGBTQ+— mainam ring tandaan ang mahabang kasaysayan ng pakikibaka ng mga Pilipino para sa pagkakapantay-pantay, na nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan.
     Nakatatak na sa mindset ng maraming Pilipino ang stereotypes at prejudice sa mga LGBTQ+, at ito’y maaaring i-trace back sa kolonisasyon ng Espanya sa ating bansa. Ayon sa aking pagkaka-alala, bago pa man kasi ang kanilang pagtapak sa ating lupain, walang supremacy sa kasarian at non-existent ang konsepto ng homosekswalidad. Hindi rin inferior ang tingin sa kababaihan, dahil malaki ang kanilang gampanin bilang mga manggagamot at/o katuwang ng lider sa mga tribo. Ang pagiging babaylan o katalonan na dati umanong ginagampanan lamang ng mga babae, ay kinalaunang ginampanan din ng mga lalaki na tinawag namang asog o bayogin (dito maiuugat ang salitang “binabae”). Sa aking palagay batay sa mga nabanggit, ang pagkakatatag ng patriyarkal na sistema sa ating bansa ay nagsimula lamang sa impluwensya ng mga Espanyol at ang kanilang pag-impose sa ideya na ang babae ay para lamang sa 3 K’s—  kusina, kama, kumbento.
     Ang pagpinta rin ng mga prayle sa mga isinagawang ritwal ng mga babaylan bilang “demonic acts” (kung hindi ako nagkakamali, sila rin ang naturingang mga sinaunang aswang) ay nakapag-ambag sa paghubog ng mga kumbensyon sa lipunan— ang gasgas ngunit degrading na “babae ka lang” treatment, ang pagiging mahina raw ng isang effeminate na lalaki (ang salitang “bakla” ay orihinal na ginamit bilang panukso sa mga “unmanly” na lalaki na sila ay mahina), at iba pa. Biruin mo, ito’y nangyari dahil lang sa layunin ng mga dayuhan na maging dominante sa ating lupain, at binyagan ang mga Pilipino sa kanilang relihiyon. Ang mga kaganapang ito ay nakapag-luwal din ng iba’t ibang porma ng diskriminasyon na laganap pa rin hanggang ngayon.
     Gayunpaman, patuloy na binibigyang-diin ng kababaihan, mga bakla’t lesbiyana ang kanilang posisyon at kahalagahan sa lipunan. Nariyan ang pagkilos ng mga militanteng babae upang bawiin ang ating kalayaan mula sa mga banyaga, ang pag-aambag ng mga LGBTQ+ sa ating kultura at wika (na kung iisipin, ang paggamit ng gay lingo o swardspeak ay epekto rin ng diskriminasyon at pag-exclude sa kanila sa maraming bagay o usapin), at ang pakikilahok ng parehong kababaihan at LGBTQ+ sa laban ng iba pang marhinalisadong sektor sa bansa. Makikita ang panghuli sa pagsasagawa ng taunang Pride march o events sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas (gaya ng sa Metro Manila at Baguio), paglawak ng representasyon sa komunidad sa media at literatura (hindi ibig sabihin nito na palaging maayos ang representasyon na naibibigay, ngunit patuloy rin namang dumadami ang mga manlilikha at manunulat na mas dedikadong bigyan ng tama at maayos na portrayal ang mga LGBTQIA+), at pagtindig sa mga panawagan ng hustisya at pagwawakas sa opresyon kasama ng ibang sektor.
     Sa kasalukuyan rin ay isinusulong ng komunidad at kaalyado ng mga LGBTQ+ ang pagpapasabatas ng Anti-Discrimination Bill na naglalayong protektahan ang sinuman mula sa anumang uri ng diskriminasyong batay sa kanilang sexual orientation, gender identity at expression (SOGIE). Ito rin ay upang mas palawigin ang safe spaces ng mga LGBTQ+ na madalas ay nakararanas ng malupit na pagtrato hindi lamang sa lansangan kundi’y maging sa loob ng pamamahay, trabaho (bilang marami ring mga bakla at lesbiyana ang kasama sa hanay ng mga manggagawa), at iba pa.
     Marami pa mang kailangang baguhin, at mahaba pa man ang lakbayin upang mabuwag ang umiiral na patriyarkal at hetero-normatibong sistema, hindi dito natitigil ang ating paglaban. Tunay ngang isang protesta ang Pride, at hindi lamang selebrasyon at pagkilala sa diversity ng komunidad. Patuloy tayong sumulong para sa pagkakapantay-pantay! 🌈✊
9 notes · View notes
laugh-of-the-medusa · 4 years ago
Text
“According to Robertson, doseiai was coined at the turn of the century ‘to refer specifically to a passionate, but supposedly platonic, friendship between females, although sexologists found it difficult to distinguish friendship from homosexuality among girls and women: where did one end and the other begin?’” — Linda Garber, Where in the World are the Leabians?
GAL PALS AMPOTA ewan ko sa inyo pota :))
2 notes · View notes
erroreena · 5 years ago
Text
Tangi
Papa: Sino ba ‘yang lalaki na ‘yan? Pakilala mo nga sa amin.
Ako: Ipakikilala ko naman, eh. (Patlang.) Kung gusto rin niya ‘ko.
Nangilid na lang ang luha ko nang mga oras na ‘yun at sumirit ang katiyakan kung gaano ako kaseryoso sa ‘yo. Handa kitang ipakilala sa pinakamamahal kong mga magulang at amining ang bunso nilang lesbiyana ay nahulog sa iyo. 
Kapag tinatanong ako ng mga tao kung ano na ang sekswalidad ko matapos ang nakalipas na dalawang taong naglaro ako, alam ko naman ang sagot. Iba ang pagmamahal sa paglalaro. Ikaw lang ang lalaking mamahalin ko. Katangi-tangi ka. Marunong kang magmahal, wala kang bahid ng machisimo, mataas ang respeto mo sa kababaihan, palagi mong sinisigurado na kumportable ako sa sarili ko, at pinapaalala ang mga kalakasan ko. 
Huwag kang mag-alala at hindi ko naman inaasa ang kaligayahan ko sa ‘yo dahil kaya ko mag-isa. Hindi ko hinihiling na magustuhan mo ‘ko. Ang gusto ko lang ay panahon kasama ka. 
Sa alternate universe, magiging nobyo kita kahit ilang buwan lang. Parehas naman nating alam na lilisan ka rin, mag-uumpisa ng panibagong buhay sa ibang bansa pero sana kahit sandali lang magkaroon tayo ng pagkakataon. Kahit minsan, gusto kong kumapit sa kasalukuyan at lasapin ang bawat minuto nito. Pagod na akong balikan ang nakaraan para manghinayang at magsisi. Pagod na akong matakot sa kawalang katiyakan ng hinaharap.
Napanood ko ang IG story mo na nasa UP ka at inassume ko na nag-attend ka ng lantern parade kasama ang crush mo. Nasa table ako nun kasama sina Mama at Papa. Pakanta ko pang binanggit sa kanila na malamang ay kasama mo siya. Bigla na lang bumuhos ang luha ko. Niyakap ako ni Papa. Umiyak ako sa kanya. Saan nanggagaling ang mga luhang ‘to? Bakit ko kailangan maramdaman ‘to? Bakit ako nasasaktan? Mabuti pa si Papa, natanggap niya ang  mga luhang ‘to.  
Napagpasiyahan kong makipagkita sa best friend ko at magwalwal. Gusto lang talaga ilabas lahat. Sa kalagitnaan ng kwento ko, nakita ko ang manipis mong katawan, suot-suot ang maluwag na puting t-shirt, at nakapusod ang buhok  Alam kong ikaw ‘yun. Bahagya akong nangingig sa kilig at excitement. Siyempre kinalabit kita at kinausap saglit. Kung pwede ko lang sigawan muli ang uniberso para sabihing “Hoy, ano naman ang gusto mong iparating?” Kung tutuusin, hindi naman talaga malayo ang posibilidad na makita kita sa gabing ‘yun at maliit lang mundong ginagalawan natin. Umakyat ako sa maliit na events place na ‘yun. Karamihan sa mga attendees ay iisa ang hulma ng pormahan at hilig. Kung tutuusin, ang dami kong nakasalubong na pasok sa hulma ng type kong babae. Pero nanlabo lang ang aking paningin. Hindi pa rin sila ang nakikita ng mga mata ko dahil ikaw pa rin ang nasa isip ko. 
Sabi ko magmu-move on na ako. Move on bago amin. Pinagtatawanan ko na lang ang sarili kong kagagahan. 
Kaibigan: Bakit magmu-move ka na agad?
Ako: Wala naman akong choice. Wala namang patutunguhan ang nararamdaman ko para sa kaniya. 
Sa isang phone call natin, nagsabi ako ng “I love you” sa iyo habang nagpapaalam. Bukod sa nakasanayan kong sabihin ‘yun sa mga kaibigan ko sa pagtatapos ng pag-uusap, nais ko lang din alamin ang iyong isasagot. “Ingat,” ang naging tugon mo. 
Palagi kang magiging mahalaga sa akin kahit anong mangyari. 
2 notes · View notes
n0t-kyle · 3 years ago
Text
Gender Roles
Magandang umaga sa lahat, ngayon ay ating pag uusapain kung ano ang ibig sabihin ng gender roles, paano makikita ang pagkakaiba ng gender roles ng mga kalalakihan at mga kababaihan sa mga sumusunod na aspeto ng media, edukasyon, trabaho, pamilya at lipunan. At huli ay paano ka personal na naaapektuhan ng mga gender role stereotypes sa ating lipunan?
ANO ANG IBIG SABIHIN NG GENDER ROLES?
Tumblr media
Ang gender role ay ang itinakdang mga pamantayan na tinatanggap ng karamihan bilang basehan ng pagiging babae o lalaki. Ito ay batay sa panlipunan o interpersonal na ugnayan. Minsan ay ginagamit din ang gender upang tukuyin ang pagkakilanlan ng isang tao na hindi pasok sa karaniwang kahulugan ng lalaki at babae. Samantalang ang gender naman ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin kilos at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki. 
Tumblr media
Ang pagkakakilanlan ng kasarian ay kung paano mo tinutukoy ang iyong sarili maging bilang isang lalaki babae o ibang bagay na buo. Ibang kasarian gender-variant o neutral na kasariang pag-uugali pananamit ayos ng buhok at mga katangian ng pagpapabuti ng sekswal na kalusugan. Ang paglaban sa sunog o firefighting ay itinuturing bilang trabaho ng lalaki samantalang ang nursing ay itinuturing na trabaho ng mga kababaihan. Ang isang lesbiana, lesbiyana o tibo ay isang babaeng homoseksuwal. Sa kalalakihan naman may gay o bading.
Paano makikita ang pagkakaiba ng gender roles ng mga kalalakihan at mga kababaihan sa mga sumusunod na aspeto:
Tumblr media
1. Media, sabi ng mga karamihan ay mostly mga babae na nabibiktima sa mga kwentong balita. marami rin dito ay nafefeatured sa news headlines bilang spokespeople or experts. Meron rin sa ibang apps tulad ng instagram na kung saan maraming celebrity or sikat ang mga nagpopost dun. May ibang website sa media na tinuturo sa iba na ang lalaki ay laging nagttrabaho samantala ang kababaihan naman ay nasa bahay lamang nagluluto o nag aalaga ng bata.
Tumblr media
2. Edukasyon, dito naman ay may makikitaan tayo ng diskriminasyon sa bawat gender ng kabataan dahil may ibang mga guro ay biased sa kanilang mga estudyante. Ang kababaihan ay laging nasa top or one of the achievers palagi ayon sa mga polls.
Tumblr media
3. Trabaho, ang kababaihan ay lalong nagtatrabaho ng matagalan kumpara sa mga kalalakihan tungo ito sa pag kakapantay-pantay sa loob ng maraming taon. May iba daw na nagsasabing mababa daw ang sahod o suweldo ng mga kababaihan kumpara sa kalalakihan.
Tumblr media
4. Pamilya, dito naman ay ang kababaihan ay sila dapat lagi ang nagawa sa mga gawaing bahay habang nagtatrabaho ang mga lalaki ng iisang pamilya. Dito pa lang makikita natin ang pagiging diskriminasyon sa kababaihan sa iisang pamilya.
Tumblr media
5. Lipunan, Kadalasan ang mga babae ay nakakandado sa pagtupad ng mga tungkulin bilang mga ina, asawa at tagapag-alaga. Inilalagay ng mga pamantayan sa kasarian ang mga babae bilang mga tagapag-alaga, na humahantong sa hindi pagkakapantay-pantay ng kasarian sa kung paano ipinamamahagi ang mga tungkulin sa antas ng sambahayan. Nagreresulta din ito sa kakulangan ng edukasyon dahil sa paghihigpit sa mga oportunidad sa labas.
Paano ka personal na naaapektuhan ng mga gender role stereotypes sa ating lipunan?
Tumblr media
Personally ako nasasabihan minsan na “lalaki ka dapat hindi ka naiyak, kasi malakas tayo” wag daw ako umiyak kasi di daw ako babae para umiyak, babae lang daw naiyak sa panahon ngayon. Like that type of mindset is just ew for me kasi men have feelings din. We can cry whenever we’re feeling down. Meron din about sa kpop like bakit daw ako nanonood ng kpop(mostly twice pinapanood ko) tatanongin ako if I’m gay or whatsoever it’s annoying lang. especially if you’re living in a toxic environment. Literally everywhere you go is just very toxic and judgemental.
0 notes
factboi-not-a-fuckboy · 4 years ago
Text
“Qu'est-ce qu'une femme?” (20201014)
Napansin ko na nag-trend ang hashtag na #NationalComingOutDay sa Twitter nitong nakaraang araw ng linggo. Maraming miyembro ng LGBT community ang nagbahagi ng kanilang sariling karanasan mula sa pagtatago o pagiging closeted tungo sa paglalantad1 o pagiging out, mula sa iba't ibang panig at dako ng mundo. Empowering para sa marami ang kanilang paglalantad-kasarian--maging sa mga taong cisgender.  Batid ko na nakapanghihimok ng positibong diskurso hinggil sa katarungang pangkasarian ang mga ganitong pagkilos, pero napapaisip lamang ako: bakit at para kanino naglantad-kasarian ang indibidwal? Sa pagtalakay ni Beauvoir na ang ideya ng pagkababae ay umiiral dahil may naunang umiiral na ideya ng pagkalalaki, sa aking pakiwari, umiiral naman ang ideya ng pagka-LGBT dahil may naunang umiiral na ideya ng pagka-cisgender. Kinikilala ang pagkababae bilang "hindi lalaki," ang LGBT bilang "hindi cisgender." Gaya ng paggamit ng terminong "people of color" para ipangkat ang mga mamamayan, na pasalaming tumatanaw mula sa indibidwal na puti ang kulay ng balat, gayon din ang pagkakakilalang pangkasarian. Nakabatay o tila ba nakaangkla ang pagkababae at ang pagka-LGBT mula sa pagkakaunawa ng pagkalalaki o pagiging cisgender male, bilang paraan ng pag-iiba at paghihiwalay. Every gender identity that is non-cisgender male, exists as a mere negation of the identity of a cisgender male. And we are either victims or perpetrators--some may even be both--of this rigid understanding of gender identity. While the self exists in relation to the other, the self in its being does not exist as a result from a presupposed and negated other.
Nauunawaan ko na paraan ito upang malaman at makilala ang ating kapwa na LGBT, para ma-normalize at mabigyan ng 'ika ngang visibility, ngunit sa tingin ko, mas mainam na hindi na lang maglantad-kasarian kung gagamitin lamang ang paglalantad bilang token at caricature. At hindi nga ba patunay na nakamit ng ating lipunan ang katarungang pangkasarian, kung hindi na kakailanganing alamin pa kung ano ang kasarian ng ating kapwa? Dahil sa lawak at lalim ng pagiging tao, malayo sa o 'di kaya'y maliit na bahagi lamang ng kaibuturan ng pagkatao ang kasarian ng indibidwal. Tao siya bago natin malaman na bakla, lesbiyana o trans siya, o kung ano mang kasarian na kinikilala niya ang kaniyang sarili. Kaya ating katungkulang walang pasubali na hindi hayaang manaig ang mga umiiral na istrukturang panlipunan na ipagkait sa kanila ang kanilang mga karapatan--kanilang mga karapatang pantao--dahil lamang sa kanilang kasarian.
Iniiwasan kong isalin ang "coming out" sa "pag-amin" dahil sa dalang negatibong konotasyon nito sa konteksto ng kultura at karanasang Pilipino, na para bang may kasalanang aaminin.
0 notes
turtleduckie · 7 years ago
Photo
Tumblr media
Birthday gift ko sa sarili ko, mga librong komiks ng mga magagaling na Filipino komikero at komikera! 
Guys, kung bet niyo ang simple pero makabagbag-damdamin na paggunita ng mga araw ng kabataan, basahin niyo ang Meläg ni Bong Redila! Ang galing, parang ang simple lang ng mga guhit niya pero ang eksperto niya sa pagkwento!
At kung trip niyo naman ang kasaysayan, kabaklaan at katibakan, para sa inyo ang Dead Balagtas, Tomo 1: Mga Sayaw ng Dagat at Lupa ni Emiliana Kampilan (@deadbalagtas)! Ang ganda-ganda ng mga ilustrasyon, lalo na yung pag-drowing sa karagatan! At may mga bakla! At mga lesbiyana! At kasaysayan! At ang paborito kong alamat ng paglikha, ang tungkol kina Tungkung-Langit at Alunsina (o Laon-Sina)!
Kung mahilig kayo sa mga komiks, o kahit mga kwento lang, basahin niyo ‘tong dalawang ito. Hindi kayo magsisisi.
4 notes · View notes
indiobotod-blog · 5 years ago
Photo
Tumblr media
Buhay pa itech! • Mass Testing kailangan nami hindi sedition charges dahil kritikal kami sa kapalpakan ng rehimeng ito. // Lesbiyana Kontra Armas x Sigaw ay Test Kit in the Time of Corona Virus (2020) 😷🏳️‍🌈🎨🌈 #OustDuterte #60dayartchallengeonCoronaVirus #art #artph #manilaart #artwork #asianart #asianartist #conceptualart #design #photography #visualarts #asia #viology #southeastasia #COVID29 #coronavirus #wheninmanila #ManilaLockdown https://www.instagram.com/p/CARrdyfhKnX/?igshid=2l2vikip5x90
0 notes
prinsipengpoot · 1 year ago
Text
Kung nabasa ninyo ang marisinang fic na "Umagang Kay Sarap" sa AO3, share ko lang na may komiks adaptation nito!
Halaw sa marisinang fanfic na ito ang "Sa Wakas, Nakauwi Na," isang er0tikong komiks na mababasa sa Rurok anthology ng Komiket! Kasama ko rito si S. Invicta, kapwa lesbiyana rin.
Kung interesado kayong bumili ng kopya, takits sa October Komiket! :D
1 note · View note
knchuchi · 5 years ago
Photo
Tumblr media
     Pride month na, mga ses!
     Sariwain natin ang pinag-uugatan ng lahat ng ito, at tumindig na rin sa ipinaglalaban ng ibang marhinalisadong sektor dahil hindi nawawalay ang ating mga karanasan mula sa kanila. Sama-sama nating buwagin ang sistemang sumusupil sa ating mga karapatan, at bigyang-diin ang kabuluhan ng ating komunidad sa lipunan.
     Makibeki, ‘wag mashokot! 🏳️‍🌈✊
4 notes · View notes
indiobotod-blog · 6 years ago
Photo
Tumblr media
Sa mga kapwa kong lesbiyana at mga mahal ko! 🌈 #TigerBeerCrystal 🍺 #Tigerbeer #Pride #Pride2019 #rainbowmarch #PrideMarch #PrideMarch2019 #beer #beergram #asianlager #film #filmphotography #lager #asianbeer #wheninmanila #gourmanila #pepperph #asia #southeastasia https://www.instagram.com/p/BzSvdWYn4Sh/?igshid=11t26e6e6ybej
0 notes