#Lakes in Dumad
Explore tagged Tumblr posts
Text
Virod Lake Gets a New Lease of Life
#EFI#Environment conservation#Environmentalist foundation of india#Lake Restoration#Lakes in Dumad#Lakes in Vadodara#Water bodies of Gujarat#Water Conservation
0 notes
Text
Hi Good Day po!
Nahihiya man po ako pero. Hihingi po sana ako konting tulong sa inyo.
Si mommy po currently is president ng Solo Parent Federation dito po sa Trece Martires City Cavite. Lalakasan ko na po loob ko, Hihingi po sana ako sa inyo ng tulong para mga solo parent members ng mommy ko po. Karamihan mo sa kanila ay indigent at may mga anak na pinapagatas. Yes po, meron naman pong tulong na dumadating from office of the Mayor pero syempre po hindi po ito sapat lalo na sa mga wala halos trabaho at walang mapagkuhanan ng pera.
Pwede po kayo magdonate ng Cash or Milk mismo ( Bear brand) po ang karamihan na gamit ng mga bata. Kung cash po pwede nyo po ideposit pwede po Bdo or Bpi or paymaya or kung may iba pa Let me know lang po.
Sa milk naman po since pansamantala po eh nakaduty ako sa SM Trece Supermarket pwede niyo po ihatid sa akin ang donation niyo. Pasensya na po at need pa ihatid d ko po makukuha sa inyo ng weekdays since may work po ako. Weekends po pwede pero limited lang po ang place na pwede ko mapag pickupan wala po ako masasakyan. Pero let me know din po baka pwede ko po makuha kung malapit lang.
Don’t worry regarding po sa cash will send you yung receipt mismo ng bibilhin kong milk and Kung ilan ang total collected donation 😊
Sa way na to super malaking tulong na po ito madami pong nag send ng message sa mommy na walang wala na po talaga sila lalo na iba sa kanila mga trabaho eh paglalako paglalaba at karamihan no work no pay pa. Sana po eh. Kahit konting tulong lang ay NAPAKA LAKING BAGAY NA TO. Pleae help us to help them 🙏🙏
Thank you and God bless po
Helping a friend. PM lang po sakin. Thank you po!
77 notes
·
View notes
Text
Almost
There will always come a time na mararamdaman natin na para bang sobrang unfair ng mundo sa atin. Na bakit pinanganak akong ganito at hindi ganyan. Mapapatanong nalang tayo kung bakit ang malas natin sa lahat ng aspeto ng buhay. Kung bakit hindi natin makuha kuha yung mga bagay na gusto at kailangan natin. Kung bakit di maibigay sa atin yung mga bagay na deserve natin. At dumadating talaga yung oras na kahit gaano pa tayo kalakas bilang isang tao, kakainin nalang tayo ng lungkot at ng pakiramdam na mag isa tayo. Kahit na alam natin na napakadami ng nagmamahal satin, bakit di natin kayang mahalin yung sarili natin at maging masaya.
Last night, I almost ended my life. I was so sick and tired of everything. I planned on committing suicide. Ready nako. Alam ko kung saan nakalagay at nakatago yung painkillers sa bahay. Plano ko mag overdose then slit my wrist para mas mabilis. I also made my last message for the people na mahal ko. Ipopost ko dapat dito sa account ko hoping that one of my friends would see it at sila nalang ang magpakita sa parents ko. Some may think that it's really selfish. Pero pagod na pagod na talaga ako. I wasn't having second thoughts about it. Nasa lake ako nung times na yun and I was alone. Listening to music habang tulala sa lawa. I messaged my friends kasi gusto kong makipagkita sa kanila for one last bottle of beer. Para sana before ako mawala, makatawa at makangiti man lang ako sa huling pagkakataon. Kaso busy sila at okay lang naman yun. Pero I felt this urge na pumunta sa bahay ng isa kong kaibigan. So I went there. We sat there at nagkwentuhan at nag inom ng konti. While I was there, nakausap ko via twitter yung isa kong friend and I told here everything. All my plans for that night. Pero di ko magawang sabihin lahat. Kasi there's something inside of me na nagsasabing baka mairita or mabadtrip lang sya sakin. Anxiety hit me again. Kahit pa andami nyang nasabi na inspiring words, bakit parang hirap akong iabsorb. I appreciated what she did. But my depression is more powerful. The sadness and willingness to commit suicide was still there.
I still wanted to do it. Ayun nalang talaga yung nakikita kong way out sa lahat ng problems ko. And so I went home. Pero napansin ko na walang kuryente sa bahay pati narin sa buong subdivision. Which means I can't post my last message kasi wala akong data and walang wifi. I also looked for the painkillers but they weren't there. I looke all over the house but I can't find them. My dog saw me enter our house. And nakita kong tuwang tuwa sya. He wanted to play with me eventhough it was 3:30am. And then it hit me. There are some na excited tayong makita. Yung presence palang natin sapat na. There are people who will always be waiting for us. People who will love us. Ending my life would only cause pain to those eople na nagmamahal sa akin. Especially for my family. My dog reminded me of that. God sent me an angel. Binasa ko ulit yung suicide note ko and I felt like a freaking idiot. It was the most stupid thing I have done this year so far. I almost ended it all. Good thing hindi ko tinuloy. I would've regreted it for sure. God still gave me an answer kahit na nagduda ako sa kanya.
For those people na nararanasan din yung pinagdadaanan ko ngayon, there's still hope. Wag tayong susuko. Laban lang. Kaya natin to. If you someone to talk to who will understand your pain, andito ako. We can talk it out. Better days will come. Maraming nagmamahal sa atin. And soon matututo din tayong mahalin yung sarili natin at maging masaya. Things will get better. Maybe not now, but someday.
4 notes
·
View notes
Text
hindi ko alam kung nasan ako ngayon. napapagod ako sa sarili kong isip. napapagod ako sa takbo ng isip ko. hindi ko maprocess lahat. parang gusto ko nalang matulog para hindi ko maalala na may iniisip ako. ang lungkot lungkot. andami, sabay-sabay. hindi ko alam.
andaming hindi sigurado. andaming baka. namumuhay nanaman tayo sa takot. kelan ba tayo magiging okay. kelan ba tayo makukuntento kung ano lang ang mayroon sa atin. kelan ba natin marerelease lahat ng baggage na to. ayoko na dalhin.
nov 24, 2021.
nawala ka pa. iniwan mo na kami. yung sa huling sandali na yons abi mo sakin, “okay ka na kasi nakausap mo ko.” madami pa tayong pag-uusapan pa. madami pa. gusto pa kita makasama ng matagal. ang hirap tanggapin. nasira ulit ako. may nawala ulit sakin pero hindi ko na magagawang ayusin pa yon kasi never kana babalik. andaming sana. andaming namumuo na pagsisisi. mga “dapat” na nagawa. bakit nagkakaroon ako ng sama ng loob, nang galit na sana hindi ako ipinagdamot. akala ko dati ok na ako na makilala kita. hindi pa. hindi manlang kita nakilala. di kita nakabonding. puro “baka” eto gusto mo o kung ano man. muka lang akong hindi apektado pero masakit. ansakit padin, mahirap padin tanggapin na wala kana.
natatakot ako sa lahat. natatakot ako sa buhay ko. yung dating masaya at carefree na buhay. pero bat ngayon puro burden. mga desisyong ako lahat sumasalo. hindi ko naman pinili to. di ko ginusto lumabas dito. di ko gustong ipanganak. lahat ng trauma. lahat ng emosyon. lahat ng galaw. kontrolado.
dumadating na sa point ko na ayoko na magkaroon ng partner balang araw. natatakot ako na baka hindi yon sapat pero eto ako, crave na crave sa atensyon. sa assurance. tumataya sa hindi sigurado. natatakot sa responsibilidad na baka maulit ulit yung kinalakihan ko. pangarap kong maging kumpleto ng sariling akin pero pano ko yon magagawa kung ako mismo, sira. hindi buo. kulang at hindi alam kung paano itrato ng ganito.
kaya ayoko magka anak, ayoko mapasa lahat ng trauma sakaniya. di nya yon deserve. di niya deserve mapasa lahat ng baggage na natanggap ko habang lumalaki. hindi niya yon deserve. deserve nya lang ay yung purong pagmamahal. di niya deserve makontrol kasi kahit anak ko siya, hindi ko siya pagmamay-ari. hindi niya deserve makarinig na “anak lang kita”. hindi niya din deserve na papiliin ko siya between me o sa magiging lalaki/babae na mamahalin niya. hindi niya deserve marinig yung mga salitang “hanggat nandito ka sa pamamahay ko, ako ang masusunod”. hindi niya deserve lahat. hindi niya deserve maleft out sa lahat. deserve niya yung pipiliin siya. deserve niya lahat ng magagandang bagay na dapat niyang maranasan pero baka hindi ko yon maiparanas sakanya kasi ang laking baggage na nandito sakin.
0 notes
Text
KLIMAAYOS PA KAYA?
(Paghihimay ng Impormasyon: “Climate Justice Documentary”)
𝐊𝐋𝐈𝐌𝐀 - Ang klima ay tumutukoy sa pangmatagalang kondisyon ng panahon ng isang lugar o bansa. Saklaw nito ang siyentipikong pagbabago na nagaganap sa ating kasalukuyan.
╰┈➤ Ang “climate change”. Ang climate change ay isang suliraning pangkapaligiran na dulot ng mga natural na penomenon, ngunit mas pinalalala ng mga tao. Ito ang kakaibang pabago-bago na panahon, at temperatura ng isang lugar na hindi nakakabuti para sa atin.
Natural ang pagbabago sa ating klima, ngunit ang paggamit ng mga fossil fuel at langis ang pangunahin sanhi ng pagkawasak ng ating klima. Ang mga simpleng pag-usbong ng mga bansa ay nagdaragdag din ng mga polusyon, pag-uubos ng mga puno, konstruksiyon at ang sobrang paggamit ng likas na yaman. Lahat ng mga ito ay gawang tao, ika-nga ay “man-made” at kung hindi natin ito sosolusyunan ng mas maaga, mas mananaig ang pagkasira ng ating mundo.
youtube
Isang dokumentaryo ang inihanda ni Howie Severino upang mamulat ang mga mata ng mga tao, mailaganap ang impormasyon ukol sa Climate Justice at matampok ang mga problema ng bawat indibidwal bilang tao sa ating mundong kinikilusan.
Si Horacio “Howie” Severino ay isang Pilipinong ‘Broadcaster Journalist’ mula sa GMA networks. Siya ang nanguna sa dokumentaryo ng Climate Justice, kasama ang kaniyang pangkat upang maipalabas ito sa “I-witness”. Ang I-witness ang pinakamatagal nang umeereng palabas ng mga dokumentaryo para sa Pilipinas.
CLIMATE JUSTICE
╰┈➤ Isa sa mga pinakamapinsalang dulot ng climate change sa ating bansa ay ang bagyong Yolanda (Typhoon Haiyan) noong Nobyembre 2013. Nagtala ito ng halos anim na libong mga namatay, higit sa isang milyong mga istrakturang nawasak, at anim na daang libong mga Pilipino ang nawalan ng tirahan. Ang sakit at hinagpis na naiwan sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda ang nagsimulang magtawag ng iba’t ibang boses, ngunit may iisang layunin, at ito ang tinatawag nating: CLIMATE JUSTICE.
Bago tayo magpatuloy sa ating blog, palinawin muna natin ang terminong, “ 𝑪𝑳𝑰𝑴𝑨𝑻𝑬 𝑱𝑼𝑺𝑻𝑰𝑪𝑬 ”. Ito ang pagkakapantay-pantay ng pagtrato, benepisyo, at tulong pinansyal, sa mga taong naapektuhan ng pinsala ng pabagobagong klima. Ito din ay ang ang sistema ng pamamalakad ng mga gobyerno ng bansa, upang maayos na masolusiyunan ang mga problemang pangkapaligiran ng pantay pantay.
Madami din ang humihingi ng climate justice dahil sa hindi parehong benepisyo natatanggap ng bawat mamamayan sa oras ng mga kalamidad. Isa ng halimbawa dito ang nangyari sa bagyong Yolanda kung saan nagsimula ng isang “Climate Walk” ang mga mulat sa epekto ng climate change, mula Tacloban (lugar na pinakaapektado ng bagyong Yolanda) hanggang Maynila ang lalakarin ng mga sumali. Hawak ang kanilang mga tarpaulin, umaawit ng mga kantang ayon sa klima, ang kanilang boses ay nagiging isa, humihingi ng pantay na pagtrato para sa bawat isa.
ISYU AT MASASAMANG EPEKTO:
“Ano ba ang mga isyu na nag-uudyok sa atin upang magkaroon ng Climate Justice?”
1.) Pagkakaroon ng Social Class.
Laganap sa kasalukuyan ang diskriminasyon at ang pagklasipiko sa mga tao base sa “social class pyramid” kung saan may upper class, middle class, at lower class. Ang mga nasa tuktok na upper class ang may pinakamataas na natatanggap na benepisyo kahit kaya naman nila itong makuha sa kanilang sariling pera at kapangyarihan. Subalit, ang mga nasa ibaba ng tatsulok o ang mga lower class, ay hindi nakakatanggap ng pantay na benepisyo at mas nahuhuli pang bigyan ng pansin.
Isang halimbawa na dito ang trahedya sa Yolanda kung saan nainterbyu ang ilang mga residente sa Tacloban. Mapapanood sa dokumentaryo na ni-isa sa dalawang nainterbyu ang may kamalayan sa terminong “climate change”. Nagkukulang ang impormasyon na dumadating sa kanila maaaring dahil sa kahirapan, bagkos saan sila kukuha ng impormasyon kung hindi nila kayang makabili ng mga radyo at telebisyon? Wala silang sapat na pera, at wala silang ibang maaasahan sa pangangalap ng impormasyon. Diyaan pumapasok ang kahirapan bilang isa pa sa mga pangunahing suliranin ng ating bansa na nagdudulot ng sanga-sangang mga problema gaya nito.
2.) Pagpapahintulot sa mga Coal Companies.
Matapos ang pagpupulong ng mga pinuno ng mga bansa sa Paris, pinahintulutan ng gobyerno ang 23 coal companies na magtayo at magsimula ng operasyon. Ang coal o uling ay isang uri ng fossil fuel na masama para sa ating klima; ito din ay ang pinakamurang klase ng enerhiya at higit na ginagamit ng masa upang makatipid. Nakakatipid nga tayo sa ngayon, pero napakalaking halaga ang binabawas natin para sa hinaharap.
3.) Kakulangan ng kaugnayan ng mamamayan at gobyerno.
Nang dumaan ang bagyong Yolanda sa Leyte, nagkaroon ng pagkukulang ang gobyerno at mamamayan. Hindi naintindihan ng mga mamamayan ang “storm surge” na nagresulta sa hindi paglikas ng mga mamamayan mula sa lugar na iyon. Kung mas naipalaganap ang salita, at mas naipaliwanag sa mga residente, mas mapapadali ang paglikas.
Isa sa mga biktima ng bagyong Yolanda si Agit Sustento, tattoo artist at musikero. Tinagurian siya bilang tagapreserba ng kultura nating mga Pilipino sa modernong panahon. Ngunit sa kasamaang palad, dalawa lamang mula sa kanilang pamilya ng pito ang nakaligtas mula sa hagupit ng Bagyong Yolanda.
Bakat na bakat sa muka at rinig na rinig sa boses ng mga kapatid ni Agit Sustento ang sakit na kanilang napagdaanan noong panahon na iyon. Isipin mo, napanood nilang malunod at mamatay ang kanilang mga mahal sa buhay--ngunit wala silang magawang aksiyon dahil malalagay din sa panganib ang kanilang buhay... Isa lang ang kanilang pamilya sa naaapaaakaadaming biktima ng bagyong Yolanda at ng iba pang mga mabibigat na penomenang dala ng climate change.
Matapos ang bagyo, madaming tirahan ang mga nawasak at tinaguriang “no build zone”. Ang mga lugar na “no build zone” ay bawal nang tayuan ng mga gusali at istruktura dahil sa pinsala ng bagyo. Pero, laking pilit parin ng mga residente na manatili sa kanilang mga tirahan, kesyo nandoon ang kabuhayan, at maganda ang lugar. Kung hindi sasang-ayon ang mga residente sa mga proteksiyon ng gobyerno, magkakaroon tayo ng bitak sa pagiging isa. Ito ang dahilan ng pagkakaroon ng mga hindi pagkakasunduan sa pamamagitan ng mamamayan at ng gobyerno.
4.) Climate Injustice.
Ang Climate Injustice ay ang hindi pagkakapantay-pantay ng tulong at benepisyong natatanggap. Nangyayari din ito kapag ang climate change ay nagiging banta sa kalusugan, kaisipan, tubig, pagkain, at tirahan ng mga tao. Humakot na ng 50,000 na buhay mula sa ‘Big 20 Countries’ ang climate injustice at patuloy pa raw itong lalaki, ayon sa dating pangulong Benigno Aquino III, noong 2015.
5.) Mga hamon ng Climate Change:
Ayon kay Dr. Peter C. Frumhoff mula sa ‘Union of Concerned Scientists’, madami pang mga epekto ang climate change na dapat nating malaman at mapigilan ang ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
➤ Pagtaas ng lebel ng tubig dahil sa pagkatunaw ng mga iceberg.
➤ Maaring maapektuhan ng tubig alat ang mga malinis na tubig mula sa mga aquifers.
➤ Matinding pag-init ng temperatura.
➤ Mas madalas na pagkakaroon ng mga thunderstorms.
Pebrero ng taong 2015, naramdaman ang El Niño, o panahon ng matinding tag-tuyot, kasama ng napakainit na temperatura. Lalo na sa Bukidnon kung saan nagkabitak-bitak ang mga pinagsasakahan.
SOLUSYUNAN NATIN!
1.) COP21
“Kapit sa Patalim”
Ang COP 21 o Conference of Paris ( 2015 United Nations Climate Change Conference) ang pagpupulong ng mga presidente ng mga bansa sa Paris upang masolusyonan ang nagbabagang problema na climate change. “DO NOT LEAVE PARIS WITHOUT AN AGREEMENT” tumatak sa akin ang mga katagang ito. Sapagkat, kung uuwi ang mga opisyal ng walang bitbit na pagbabago, bigo ang huling pag-asa ng mundo. Dalawang dekada na ring bakante ang mga ideya para sa pagligtas ng ating planeta, kaya sa COP 21, ang ating mga kamay; huling nakakapit.
At sa wakas, sa halos dalawang daang mga representatibo ng mga bansa ay nagkaisa na. Nabuo ang desisyon na sisimulan ng mga bansa ang pagaksiyon upang hindi tumaas ng 1.5 degrees celsius ang temperatura ng daigdig.
Kilalanin si Yeb Saño:
Si Naderev “Yeb” Saño ay isang negosyador ng klima mula sa Pilipinas (ngayon ay Executive Director of Southeast Asia). Siya at ang kaniyang kapatid na si AG Saño ay mga kaibigan ni Agit Sustento. Bilang alaala sa kanilang kaibigan, ipininta nila bilang mural si Agit, na sagisag ng klima, sa Point Ephemere, lugar ng mga sining sa Paris.
Nilakad din ng magkapatid mula Roma hanggang Paris sa kalagitnaan ng taglamig. Sa 59 na araw na kanilang paglalakad, nakapag-iwan sila ng mga mural sa mga nadadaanan, ang mga mural na ito ay nagsisilbing sining at gabay pamulat sa mga tao. Iniiaalay din nila ang sakripisyong ito para kay Agit at sa mga napakadaming biktima ng pagkasira ng klima sa iba’t ibang parte ng mundo,
Nag-iwan din si Yeb ng mga salitang tumatak sa isip ng madami, at naging gabay sa kampanya ng climate change, sa Warsaw Poland noong 2013. “If not us, then who? If not now, then when?”. Kung hindi sa ating mga sarili magsisimula ang pagbabago, kanino pa ba? Sana ay gamitin din natin ito upang madisiplina ang ating mga sarili upang makatulong kahit sa maliliit na bagay para sa klima.
2.) Greenpeace Southeast Asia at Philippine Rural Reconstruction Movement
Nabigyang solusyon na ang petisyon ng PRRM na maimbistigahan ang mga top producer and user ng mga fossil fuel at carbon majors na nagbibigay banta sa buhay ng mga tao, pagsuway sa mga karapatang pantao, at sa pagdragdag sanhi sa climate change.
Ilan sa mga kompanyang nagsasanhi ng anthropogenic climate change o man-made climate change, ay ang ExxonMobil, Chevron, Shell, BP at Repsol. Iyan ay ilan lamang sa mga napakadaming carbon majors ng ating bansa.
Ayon kay Human Rights Commissioner, Roberto Cadiz:
“Thus, we will be conducting a public inquiry, as triggered by this petition. The scope, elements and method of inquiry will be announced in the Philippines, on international human rights day, upon approval of commission en banc, after we return to Manila.”.
3.) Geothermal Powerplants ng Leyte
‘’𝙰𝚗𝚐 𝚖𝚒𝚕𝚊𝚐𝚛𝚘 𝚗𝚐 𝙻𝚎𝚢𝚝𝚎’‘
Ang Kananga (Malitbog) Geothermal Power Station ay isang 232.5 MW geothermal power plant na ikalawang pinakamalaking planta ng geothermal na enerhiya sa mundo! 30% ng elektrisidad sa Visayas ang mula sa powerplant na ito. Ang geothermal energy ay ‘renewable’ o napapalitan, mula ito sa init ng ating daigdig at hindi ito nakakapinsala sa ating klima dahil wala itong pinoprodyus na greenhouse gases. Ang geothermal energy na nakukuha sa ilalim ng lupa ay dumadaan sa iba’t ibang proseso bago ito mapunta sa mga turbines at maibabahagi bilang elektrisidad sa mga tahanan.
Ang solusyon sa climate change ay nasa lugar na pinakaapektado ng mga bagyo, ako ay umaasa na mas pagtuunan pa ng pansin ang paggamit ng geothermal na enerhiya para sa ikabubuti ng ating planeta, lalo na sa panahon ng modernisasyon, kung saan patuloy ang mga nadidiskubre ng malilikot na isip ng mga tao. Tatandaan natin na ang bawat kilos natin ay may iniiwan sa mundong ito; kaysa kasamaan, gawin naman nating makasaysayan.
SA KABUUAAN:
╰┈➤ Sa blog na ito, natutunan natin ang ibig sabihin ng climate justice, at nabigyan din natin ng spotlight ang mga kadahilanan kung bakit humihingi ang mga tao ng climate justice. Pangunahing rason ang climate injustice, kung saan napakadaming mga mamamayan ang hindi natutulungan at napakabagal ng responde para sa kanila sa panahon ng mga krisis pangklima. Natutunan din natin dito kung ano ang mga ginawa, ginagawa at posibleng gawin ng ating gobyerno upang masolusyunan, o kahit maibsan man lang ang epekto ng climate change sa ating bansa. Natuklasan din natin ang mga posible pang epekto nito sa atin kung hindi maagapan ng mas maaga.
Muli, hinihikayat ko ang lahat na magkaroon ng boses at gawin ang nakakabuti para sa ating planeta. Sa mga simpleng pagkonserba ng enerhiya, pagbabawas ng basura, hindi paggamit ng plastik, gawin ang tatlong R (reduce, reuse, recycle), gumamit ng mga tumatagal na bumbilya, pagboboluntaryo sa mga proyektong pangkapaligiran, pagtatanim ng mga puno, at napakadami pang iba. Gaya nga ng sabi ni Yeb, “If not us, then who? If not now, then when?”. Simulan na natin sa ating mga sarili at pamilya, at sabay sabay nating sagipin ang daigdig!
PADAYON!
Credits: Credits sa mga nag-mamayaari ng mga larawang nagamit, lahat ng gifs ay orihinal na edit ng manunulat ng blog na si Rance Loresca. Maraming salamat sa pagbabasa, hanggang sa susunod! ☺
1 note
·
View note
Text
Minsan mararamdam mo talaga na parang kailangan mong humingi ng sorry sa lahat kasi nageexist ka. Yung parang ang laking kasalanan na nakilala ka nila at nabuhay ka pa sa mundong ginagalawan nila. Yung parang puro lungkot lang ang nabigay mo sakanila. Yung pakiramdam na parang wala kang kwenta kasi wala ka namang napapasaya. Yung feeling na parang patay ka na kahit buhay ka pa naman talaga. Ewan ko ba, dumadating lang siguro talaga tayong lahat sa punto ng buhay kung saan mararamdaman mong napakawalang kwenta mong nilalang. Yung tipong kahit mawala ka sa mundo, walang magbabago. Baka nga wala pang makapansin kapag nawala ako. Haha ge!
22 notes
·
View notes
Photo
My 2017 was... (A Year Ender Blog Entry)
Pano ko ba mailalarawan ang taon na ito? siguro 'yung da best representation ng taon na 'to ay 'yung noong sumama ako sa outing ng tropa ko sa Laguna.
This year has a lot of ups and downs for me, it's like hiking on a mountain, it's more of striving to reach the end of the path, meeting the summit and discovering the beginning of everything, where water falls to the ground, flows down to form a river and ends up somewhere to make a lake. (Oh Man, it's not easy to get there, I can tell.) This year has been so tough and brought me instances that gave some chills to my bones.
I got tired several times, dumadating 'yung point na nalilimutan kong pwede nga palang magpahinga kapag napapagod na. Tinuruan ako ng mga pangyayari na pumili sa dalawa, "Ang huminto at bumalik na lang kung 'di na kaya" o "Magpapahinga sandali at itutuloy ang lahat dahil kakayanin naman." Dahil malayo pa ang destinasyon, pinayuhan ako ng kaibigan na maglagay ng malamig na tubig sa batok para manatiling kalmado. Pero minsan kailangan ko lang talagang mabatukan para matauhan. Ang punto? Chill lang (na aaminin kong hindi ko pa rin magawa)
I almost gave up, I get intimidated, looking at the course and how dangerous it was, how steep and slippy it was, so it made me feel unsecured if it's worth to take the step or not. Every occurring situation has a risk, win or lose, make or break, pero tinuloy ko pa rin, kahit ilan sa mga desisyon na 'yon ang bumigo sa'kin. Oo, nadapa ako ngayong taon, nadulas ng maraming beses, ngunit bumangon ako at sumubok ulit ng panibagong hakbang. Hanggang sa 'di ko namalayang nalagpasan ko pala ang ilan. I almost die trying, pero sabi ko, minsan ko lang susubukan ang mga 'to, wala akong mararanasan kung aatras pa 'ko. You didn’t know I almost die, you didn’t know.
Yes, sometimes, things may not happen according to what was planned. Delay and dismay, these are the things that would try to stop us. These would tempt you to choose what's the opposite of your goals, and if you mistakenly fall to it, you'll end up sitting under the shade of a rock like a mushroom, only waiting for the time to die. My conscience said: "Hey, you're not some kind of a rooted creature, you have feet, so move." I learned that, you have to try until you see what's on the other side of that mountain and realize how wonderful things are down there.
I'm glad that I'm here now, I made it, matatapos ko ang taon ng may payapang isip. So for the amazing adventure I've been and for the greatest people who stay beside me, thank you for the joy and fun, for the sweat and tears. Gusto ko pang gumawa ng maraming alaala kasama kayo at kung maipagkakaloob ng itaas, sana kasama s'ya. Dahil ang mga alaala ay parang talon, aagos hanggang sa mawala ang nasa mababaw ngunit ang nasa malalim na bahagi ay mananatili.
I'm Looking forward for the brand new journey this 2018, and hopefully, enable myself to use the lessons gained from yesteryear.
2017 is a year of trying and finding luck through the fog of uncertainty.
2018? 'di ko alam ang gagawin sa'kin ng bagong taon, pero gagalingan ko na lang!
Para sa tatay at kapatid ko na alam kong sagad na sa pag-unawa sa'kin at sa mga kaibigang nandyan lagi para tawanan ako, pero alam kong mahal ako, salamat dahil meron akong kayo. Sana nandyan pa din kayo 'pag natapos na ulit ang dumating na taon. This has been micko, and have a HAPPY NEW YEAR!!! © 12/31/2017 | We have to dare until we know if it’s all worth the try.
3 notes
·
View notes
Text
Alamat Ng Bulkang Taal
Mayroon isang Datu na bukod na kapita-pitagan ang kanyang reputasyon, mabuti siyang pinuno, maayos at maganda ang pamamalakad sa kanyang nasasakupan. Datu Balinda ang tawag sa kanya. Ang kanyang balangay ay matatagpuan din ang balangay ng Batangan.
Isang nililiyag na anak na babae ang madalas pagtuunan ng Datu. Bukod sa kaisa-isa lamang, magigiliw ka sa taglay nitong katangian. Maganda, mayumi at mahinhin si Taalita at mapagmahal sa sariling tradisyon at kultura. Prinsesa Lita o Taalita ang tawag sa kanya, na ang kahulugan ay Taal sa Tagalog at puspos ng ugaling kinagisnan.
Masasabing si Prinsesa Taal ay mahahalintulad sa pausbong na bulaklak na wala pang nakakadapong bubuyog upang higuping ang tamis ng kanyang pagmamahal. Ang kanyang kutis ay sariwa at humahalimuyak. Dahil ang tirahan nila ay malapit sa lawa, nakahiligan ng Prinsesa Taal ang mamangka pagmalapit ng lumubog ang araw sa Lawa ng Bunbon. Dahil siya ay isang Prinsesa, tinatanuran siya ng kanyang alipin at mga abay. Mayroon isang pagkakataon, pagkatapos mamangka ay luhaang humarap si Prinsesa Taal sa kanyang ama na si Haring Balinda:
“Ama kong Datu, mapatawad po sana ninyo ako. Mayroon po akong kasalanan na nagawa. Pagkagalit ay huwag mo sanang magawa.”
“Anak, bakit ka umiiyak ano ba ang nagawa mong pagkakamali?”
“Mahal kong ama, nahulog po ang singsing ko sa lawa habang ako'y namamangka,” sagot ni Prinsesa Taal, na animo'y nahihintakutan.
“Ano! Dapat ay nagging maingat ka. Iyan na lamang ang bagay na nagpapaalala sa amin ng iyong ina n gaming pagmamahalan. Ilan ninuno na natin ang napasali-salin sa singsing na iyan. Saksi iyan ng aming sumpaang binigkis ng nasira mong ina.”
“Alam ko pong napakahalaga ng singsing na iyan. Minahal at pinakaingat-ingatan ko ang singsing na iyan gaya ng pagmamahal ko sa aking ina,” sagot ni Prinsesa Taal na lumuluha.
Lumuhod si Prinsesa Taal sa harap ng ama.
“Anak, tumayo ka at huwak ng lumuha. Naguguluhan lamang ako sa narinig kong balita sa narinig k mula sa iyo. Alam mo ban a ang singsing na iyan ay ibinilin pa sa aki8n ng iyong ina bago siya namatay. Sinabi niya sa akin na ipagkaloob ko saiyo tanda ng kanyang pagmamahalat pag-alala sa iyo!”
“Tumahan na anak at ang pagkagalit ko'y kinalimutan ko na,” paamong wika ng Datu.
Niyakap ng Datu si Taal, na halos mapaiyaksa sandaling iyon.
“Huwag ka ng mabalisa, hahanap tayo ng magagaling lumangoy upang sisisrin ang nahulog mong singsing. Maibabalik rin ang singsing at maisusuot sa daliri mo,” paliwanag ng Datu.
“Salamat ng marami po, Ama ko,” ako po'y nagagalak sa pang-unawa ninyo.“
Ilang sandali pa ang lumipas. ” Anak, hindi ba dapat ika'y mag-asawa na. Nasa tamang edad ka na para lumagay sa tahimik. Matanda na rin ako at kailangan ko ang isang matapang na Datu na siyang hahalili sa akin. Kailangan mo rin ng makakasama pag ako'y lumisan na,“ pakiusap ng Datu.
"Siya pong mangyayari Ama ko,” Sagot ng Prinsesa.
Nagpaanunsyo kaagad ang Datu saanmang dako upang ipahayag ang kanyang nilalayon. Ipinaalam sa madla na kung sino ang makakakuha sa singsing ang nahulog sa sa Lawa ng Bunbon ay siyang mapapangasawa ng ng mayuming prinsesa.Ang balitang ito ay agad kumalat saanmang dako ng kapuluan. Maraming dugong bughaw ang dumating mula sa iba’t ibang lugar. Kasama rito ang mga Morong Datu myla sa Jolo at Tawi-tawi. Hindi rin nagpahuli ang angkan ni Bukaneg mula sa Kabisayaan at Kabikulan. Hindi rin nagpadaig ang Kapampangan at dumating si Dau Pisot upang subukan ang kapalaran. Sa sinamang palad walang sinuman ang nagtagumpay upang maibalik ang singsing ng prinsesa.
Marami ang araw ang lumipas sa paghihintay ng mag-ama. Pagkainip ang kanilang naramdaman.
Di kalaunan may isang Datu, ang humingi ng tulong sa mga anito. Panalangin tulungan siyang masisid ang nawawalang singsing mula sa Prinsesa. Datu Mulawin ang ngalan ng laslaki at nagmula siya sa Nasugbo.
Matiyaga niyang nilusong ang Lawa ng Bunbon. Mula umaga hanggang hapon. Walang tigil sa paglangoy.
Habang sa pagsisisd ni Datu Mulawin ay may nahuli siyang buteteng laot na malaki ang tiyan.Nagtaka ang lalaki dahil sa maliit na butete ay malaki na agad ang tiyan nito. Ginwa niyang hiwain ang tiyan nito upang malaman ang laman. Ngunit laking gulat niya ng matagpuan doon ang nawawalang sinsing ng Prinsesa. “Isang himala ito!’ laking tuwa ni Datu Mulawin. "Ito kaya ang tugon sa panalangin ko at magandang hangarin sa Prinsesa Taal?.”
Kaya’t ang pangako ng Pinunong Datu ay nangyari.Agad ipinakasal si Prinsesa Taal kay Mulawin. Nagdiwang ang buong balangay.Mayroon sayawan at kantahan.Lahat maligaya sa nangyaring okasyon. Ang pagsasama ng mag-aswa ay nasaksihan ng boung balangay ang magagandang pamamalakad ni Datu Mulawin at masayang masaya si Prinsesa Taal sa piling ng asawa. Subali’t ang pagsasama ay hindi lagi masaya. Madalas ay may problema ring dumadating na siyang nagiging balakid sa pagsasama.
Isang gabi, Maliwanag ang sikat ng buwan, namasyal ang mag-asawa. Ang gabing iyon ang simula ng gulo sa kanilang pagsasama.
Mayroon isang matandang nuno pala an gang nagmamay-ari ng Lawa ng Bunbon. Matagal niyang sinusubaybayan ang takbo at pangyayari sa palasyo masayang pagsasama ni Datu Mulawin at Prinsesa Taal. Ang matandang nuno pala ay ay naiinggit sa sarap ng buhay sa palasyo at masayang pagsasama ng mag-asawa.
Nang gabi ring iyon ay namangka ang mag-asawa sa lawa. Habang sumasagwan si Datu Mulawin, siya naming kumakanta ang Prinsesa kasabay ang tugtog ng kumintang.
nang Makita ng Prinsesa ang magandang bulaklak ng lotus, dahil nabighani ito, pilit niyang inabot. Sa kasamaang-palad ang prinsesa ay nahulog at limubog. Bilis naman tinalon ni Datu Mulawin ang asawa upang sagipin. Subalit, kapwa sila lumubog. Lumubog sila dahil sa kapangyarihan ng matandang nuno na binalak silang mapinsala.
Ang mga alipin na nakakita sa pangyayari ay agad ibinalita sa tagaroon. Marami ang nagtangkang sisisrin ang dalawa upang Makita ang bangkay. Ngunit nabigo silang lahat. Mula noon, may isang pulo ang lumitaw sa gitna ng Lawa Bunbon. Ang tawag nila rito ay Bulkan Taal. Pangalang ibinigay ng Datung pumalit kay Mulawin. Tanda na rin ito para laging maalala si Datu Mulawin at Prinsesa Taal.
Source: Alamat ng Bulkang Taal. (n.d.). Retrieved from https://www.pinoyedition.com/mga-alamat/alamat-ng-bulkang-taal/
0 notes
Text
Ang Aking Tahanan
Naaalala ko pa noon, pag gising ko pa lamang sa umaga ay bubungad na sa aking mga mata ang mukha ng aking ina na gumigising sa aking mahimbing na pagkakatulog upang kumain na. Pagkabangon ko, makikita ko na sa aming hapag ang nagdadamihang pagkain, makikita mo sa hangin ang mainit na usok na masasabi mong bagong hain pa lamang mula sa pagkakaluto. Matapos akong paghandaan, agad namang ginising ng aking Ina ang aking mga kapatid. Naupo na ang lahat. Nagsimula na kaming kumain at kasabay naman nito ang pagdating ng aking Ama na galing sa bukid na may dalang isang piling na saging. Makikita mo dito ang tumutulong dagta mula sa pagkakaputol ng tangkay sa saging. Bagong pitas. Masaya kaming kumain at pagkatapos namin ay nagligpit na ang aking Ina ng hapag kasabay naman ng pag-aayos ng aking mga kapatid sa kani-kanilang mga sarili. Nagsisipaghanda na din sila para sa kanilang klase. Naalala ko pa noon, habang sila ay papaalis ng papalayo ng bahay, pilit ko silang tinatanaw ng mumunti kong mga mata habang tuluyan na silang naglaho sa aking paningin. Ngayon, ako na lang ang naiwan sa aming tahanan, kasama ang aking Ina na nag-aayos pa din ng hapag samantalang ang aking Ama naman ay bumalik na sa bukid. Masaya ang aking kabataan noon, simpleng pamumuhay lamang ang tanging hangad ng aking musmos na isipan. Ngunit habang ako ay nagkaka-iisip na. Nakita ko ang malaking pagbabago sa aming pamilya. Tuwing minumulat ko ang aking mga mata sa umaga, ang aking hinihiling na masilayan ay wala na. Wala ng gumigising sa akin. Wala ng naghahanda at wala ng dumadating na may dalang bagong pitas na saging galing bukid. Makikita ko na lamang na ang aking nakakatandang kapatid na nasa labing-tatlo taong gulang na naghahanda ng aming kakainin sa umaga.
Dumating na din sa pagkakataon na ako ay tumuntong sa unang baitang ng paaralan. Tinutulungan ako mga-ayos ng sarili ng aking kapatid na lalaki. Habang inaayusan niya ako, ang iba ko pang mga kapatid ay tapos na magbihis at handa ng pumasok. Ako na lamang ang hinihintay. Nang matapos akong ayusan, nagtungo na kami sa paaralan. Walang naiwan sa aming tahanan kundi ang munti naming alagang asong puti na noon ay kakabigay pa lamang sa amin. Malayo-layo din ang aming nilakad. Mga tatlumpong minuto ng makarating kami sa paaralan. Nakita ko ang nagdadamihang tao. Bawat isa ay may kaniya-kaniyang grupo na kinabibilangan, habang ang aking kapatid na lalaki ay nakahawak sa aking kanang kamay. Pagkatapos magbigay ng paunang salita ng isang lalaki, marahil yun ang punong guro, hinatid ako sa aking silid aralan na noon ay puno ng librong makukulay. Mga laruan na ngayon ko lamang nakita at mga bata na katulad ko din na ngayon pa lang ang kanilang pagsisimula. Pagkatapos ng unang araw na 'yun. Muli, sabay sabay kaming umuwi habang ang araw ay nasa aming mga uluhan.
Nasanay na ako sa ganitong sistema. Paggising sa umaga, makikita ko ang aking mga kapatid na naghahanda para magtungo sa eskwela at pagkauwi ay magluluto habang kami naman ng iba ko pang kapatid ay inutusang maglinis ng mga sulok-sulok ng aming tahanan. Minsan may dumadaan sa harapan ng aming tananan, isang babae na may ka-edaran na din. Ang sabi sa akin ay tiyahin namin ito.
Hanggang sa tumuntong ako sa edad na limang taong gulang. Ganito ang sistema ng aming buhay. Ng aking buhay. Hindi sumagi sa isipan ko kung ano ang mga nangyayari, kung bakit wala ang aking mga magulang sa aming tahanan. Kung nasan sila o wala na ba sila. Hanggang isang araw, may dumating sa aming tahanan. Madaming dalang mga bagahe at nakita ko na buhat-buhat ng aking mga kapatid ang naglalakihang mga bagahe na ito at ibinaba sa tapat ng aming tahanan. 'Sino kaya ang dumating?' Tanong ko sa aking sarili at nang makita ko ang mga taong ito. Isang lalaki at babae na may bitbit na maliit na dilaw na supot. Pinalapit ako ng babae, at may binigay sa akin. Isang laruan na robot. May kalakihan ito kaya naman laking tuwa ko 'tong tinatanggap at agad takbo sa loob ng aming tahanan uapang kilatisin ang laruang ito. Nakita ko na nag-usap ang aking kapatid na lalaki at ang babae na may ngiti sa kanyang mga labi. Dumating din ang Tiyahin ko na mula pa sa kabilang bayan para kausapin ang mga taong bagong dating. Dito ko na lamang nalaman ng ipaliwanag sa akin ng aking kapatid kung sino ang mga taong dumating. 'Sila ang ating mga magulang.' Sila pala 'yun. Yung nag-aalaga sa akin noong bata pa ako, yung naghahanda sa umaga para sa almusal at ang nagdadala ng bagong pitas na saging sa umaga. Nagpunta daw sila sa Maynila para maghanapbuhay para sa amin angsa bi ng kapatid ko.
Hindi nagtagal ang pananatili nila doon sa amin, mga ilang linggo lang ay umalis na din sila. Nagtungo pabalik sa maynila. Hindi ko lubos maunawaan ang mga pangyayaring iyon kaya naman ipinagsawalang-bahala ko na lamang at bumalik kami sa dating nakasanayan naming pamumuhay. Bumalik sila ng ako ay tumuntongnna sa siyam na taong gulang at nagpasiyang isama na kami pabalik
Hindi nagtagal ang pananatili nila doon sa amin, mga ilang linggo lang ay umalis na din sila. Nagtungo pabalik sa maynila. Hindi ko lubos maunawaan ang mga pangyayaring iyon kaya naman ipinagsawalang-bahala ko na lamang at bumalik kami sa dating nakasanayan naming pamumuhay. Bumalik sila ng ako ay tumuntongnna sa siyam na taong gulang at nagpasiyang isama na kami pabalik sa maynila. Hindi naman sila nahirapan na kumbinsihin ang aking mga kapatid dahil nais sin nila na mgakakasama-sama kami. Pero para sa akin, ay ayos lang kung manatili kami dito o lumipat.
Magmula noon, nalayo na ang loob konsa mga magulang ko. Marahil dahil matagal ko din silang hindi nakasama o nakita kaya ganoon na lamang ang pakikitungo ko sa kanila. Pero hindi ko din naman sila masisisi kung bakit sila umalis para maghanapbuhay diti sa maynila. Para din naman iyon sa kapakanan namin. Ngayon, naiintindihan ko na ang mga sakripisyo ng aking mga magulang para sa amin at sa katunayan ay maayos na din ang relasyon na namamagitan sa aming pamilya.
Ronnel Novela
3 notes
·
View notes
Text
red paper bag 01
Ayoko na sanang magkwento tungkol sa pag-ibig. Minsan nakaka-umay na din. Dahil gaya ng lumang mantika na ilang beses na pinagprituhan, maanta na sa panlasa. Sarap magmumog ng atsara. Lahat kasi sa modernong liko ng pakikipagkapwa tao, yun ang sanhi ng kasiyahan o puno’t dulo ng problema. Pero ano pa nga bang pwede kong ibahagi? Ang kagilagilalas na pagtutupi ko ng aking brief at panyo kaninang tanghali? Kung paano ko buong tapang na kinuskos ang kalawang sa patungan ng naghihingalo naming kalan? Bakit kanang kamay ang ginagamit kong panguha ng ulam sa hapag-kainan imbes na kaliwa o di naman kaya ay kutsara? Wala namang matutuwa dun. Mukhang walang palag. Sige. Pag-ibig na nga lang ulit.
Sabagay, hindi naman ito kwentong ordinaryo.
Sabi nila, isa sa mga advantage ng kababaihan sa mga lalaki ay ang woman’s intuition. Ang matinding kapangyarihan na ibinibigay lamang sa mga may vagina. Kaya siguro karamihan sa mga manghuhula sa Quiapo ay mga babae. At kalimitan, kapag kapwa babae ang nagpapahula ng tungkol sa kanilang buhay-pag-ibig ay dalawa lang ang posibleng resulta: (a) ‘magkakatuluyan kayo, ikakasal at tatanda ng magkasama’ at (b) ‘may kabit ang kupal na yan’.
Pero teka. Para lang ba sa mga lihim na ka-draguhan ng mga lalaki gumagana ang alamat ng woman’s intuition gaya ng spider sense ni Batman? Mali ata yung pagkukumpara. Hindi ba ito applicable sa mga positibong pangyayari gaya ng isang lalaking palihim na may gusto sa isang dalaga na sadyang walang sapat na lakas ng loob at dami ng ‘moves’ para umamin o magparamdam man lang. Kailan ba nagsisimulang magkaroon ng woman’s intuition ang isang babae? May age limit ba at tipong kailangan isang full fledged woman na talaga? Nasa bra size ba? Kapag tinubuan na ng buhok sa kili-kili? Kapag inahit na ang unang bugso ng buhok sa kili-kili? Kusa lang ba itong dumadating at automatic na sasapi sa katawan nila? O may isang underground training facility na magsasanay sa mga kababaihan para lumakas ang kanilang pang-amoy at pangdama sa bumubulang third-party?
Hindi ko kasi alam kung meron siya nun. At kung meron man, sapat kaya ang wavelength ng antenna nito para kahit pahapyaw na singhot man lang ay nalaman niyang halos kainin ko ang table of contents ng english textbook na madalas naming sabay na basahin tuwing may reading exercise. Hindi na siguro kailangan ng mahabang paliwanag at masalitang deskripsiyon ng mga pangyayari. Torpe ako. Panaginip siya. Hindi ko nasabi. Naubos ang oras. Cliche ng lahat ng mga cliche.
Naaalala ko na lang yung huling beses na nakita ko siya. Mga huling araw na estudyante kami sa iisang paaralan. Kumaway na lang ako habang papaalis na siya. Ewan. Wala man akong sexist gift of sight, parang may kung anong nagsasabi sa akin nun na yun na ang huling beses na magkikita kami.
Bakit ako masyadong apektado ng presensya o kawalan niya? Hindi ko din alam. Sa totoo nga medyo irita din ako sa kanya noon. Para kasi siyang perlas sa loob ng isang endangered na kabibe kung ituring ng mga teacher namin dati. HIndi man ako naaalibadbaran sa talino niya, nakaka-urat lang talaga dahil wala namang espesyal pero parang lahat aligagang bilhin ang atensyon niyang binudburan ng kinayod na niyog sa ibabaw.
Pero sa bandang ending, wala eh, nahulog din ako. Una mukha, salubsob at hindi na makabangon. Huli na ng malaman kong patapos na ang oras samantalang nagpapagpag pa rin ako at pilit na sinisilip ang mga galos. HIndi ko na siya nakita ulit. Kung namumuhay ba siyang mapayapa at buong kasiyahan o nagsisilbing pataba sa lupa at source of nourishment ng mga bulate ay hindi ko alam. Sino bang may alam? Wala na akong natanggap na balita.
Hindi naman big deal. Hindi naman ako namatay o nalublob sa matinding depression. Kaso gaya ng kati sa likod na kapag puro pahapyaw lang ang kamot, maya-maya, paminsan-minsan, bumabalik ang alaala niya. Makulit. Walang balak manahimik. Nagkaroon na din ako ng girlfriend. Iniwan na din ako ng girlfriend. Nagkaroon ulit. Tapos nawala din pagkatapos niyang malaman na kami na pala.
Sabi kasi nila, pagdating ng panahon kung saan nasa bandang takip-silim ka na ng buhay, mas pagsisisihan mo daw ang mga bagay na hindi mo nagawa kaysa sa mga bagay na ginawa mo. Wala man akong malinaw na paliwanag o matibay na eksplenasyon kung bakit, pero sa tingin ko, hanggang huli, iisip isipin ko pa rin kung ano kayang nangyari kung sakaling niyaya ko siyang lumabas para manood ng sine o kung sinabayan ko siyang pumunta ng library. Ako rin. Hindi ko maintindihan.
Hindi kaya dahil sa gitna ng punyemas na kahulugan ng salitang destiny o fate eh may nagtatagong hibla ng katotohanan at posibilidad. Na baka kaya kahit anong hinay lang ng naging koneksyon namin ay hindi ko siya maipagpag. Hindi kaya nabuhay na kami noon. At patuloy na nagku-krus ang aming landas sa bawat pahina ng reincarnation evaporated milk theory. HIndi kaya mag-sing irog kami sa panahon ng mga kastila kung saan isa akong katipunero samantalang treasurer naman siya o taga lista ng not in proper seat sa tuwing may lihim na pagpupulong ang Katipunan? O di kaya ay isa siya sa mga teller ng bangko na aking hinoldap noong panahon ng great depression? Pwede ring ako ang pinakaunang tao na gumamit ng bato bilang kasangkapan sa pangangaso samantalang siya naman ang unang gumamit ng balat ng hayop bilang underwear.
Baka kahit anong lipat, bago at lipas ng tagpo, anyo at panahon, pilit kaming pinagkikiskis ng pagkakataon. Parang nang-aasar lang. Nanunuya. Naghahanap ng mabu-bwiset. Tipong saktong dikit lang, makadama lang ng konting init ng kislap, iiiwas na din kami at saka na ulit. Sa susunod na yugto ng walang katapusang kwento.
Nagising ako kanina. Tumayo para kunin ang isusuot. Laking gulat ko ng makita ang mga lumang poster na nakadikit pa rin sa walang pinturang dingding ng aking kwarto. Ilang taon na mula nang pinilas ko ang mga iyon. Napaglipasan na kasi ng panahon ang mga basketbolistang tampok. Kailangan na ding ayusin at pinturahan ang parte na pinagdidikitan nila para hindi mabulok sa tuwing malakas ang ulan. Nakakapagtaka. Paano sila nakabalik?
Mas lalong naging praning ang eksena nang makita ang uniform ko na nakahanger sa hawakan ng aking lumang cabinet. May kung anong retro-party bang nangyayari sa bahay namin? Bigla bang naging sentimental ang nanay ko at palihim na binabalik ang mga bagay na matagal nang nabago?
Bumaba ako. Amoy hotdog na pinirito. Bakit daw hindi pa ako bihis sabi ni nanay. Male-late na daw ako sa klase.
ANONG LATE? ANONG KLASE? SAAN? NAKA-ECSTASY BA LAHAT NGAYON? WORLD ECSTASY DAY?
Pumasok ako ng banyo. Naghilamos. Baka kasi kapag sinampal ko ang sarili ko ng tubig, magigising din ako habang nasa kama kung saan napapaligiran ako ng madaming bote ng beer at ilang bukas na supot ng lecheng chicharon na vegetarian daw pero mas maalat pa sa karagatang pasipiko.
BAKA LASING LANG AKO.
Kaso wala. Walang warp o flash ang dumating para umayos ang mundo. Naririnig ko lang ang paulit ulit na pagmamadali sa akin ni nanay habang buong sindak ko namang tinititigan ang de bateryang toothbrush na niregalo sa akin noon ng ninang ko mula sa ibang bansa. Bakit buhay pa ‘to? Tandang tanda ko pa noong magretiro ito at gamitin ko na lamang bilang panglinis ng sapatos. Ano bang nangyayari?
Saklaw pa rin ng takot, kaba at pagkalito. Pero pinilit kong umayos. Ayokong magcommute papuntang mental hospital. Nagbihis na din ako at pumasok. Lahat ng lugar, bahay at kalsadang madaan ko ay tila umatras ng ilang taon. Malala na ‘to.
Pumikit ako saglit, ilang hakbang bago pumasok sa classroom. Baka kasi sa pagkakataong ito, umayos na. Pero isang tuktok ang dumating sa katauhan ng chalk box ni Ma’am Chemistry. Ano daw ang tinatayo tayo ko dun gayong madumi pa ang blackboard. Naalala ko, madalas nga pala akong mautusan na maglinis ng pisara at singhutin ng buong giliw ang mga puting alikabok sabay pagpag na din sa mga napunta sa pantalon ko.
Umupo ako sabay lumingon sa kabilang row. Andun siya. Nakatingin sa harap. Walang kibo. Gaya ng dati. Gusto ko siyang sigawan o sutsutan. Kahit ano. Matawag lang ang kanyang atensyon. Pero paano kung panaginip lang ito? At paano kung hindi?
(tbc)
3 notes
·
View notes
Photo
Ready ka na? I’m Drunk, I Love You review
I went on an early lunch out. It’s almost time for the screening by the time I got to the theater, 25 minutes before the movie and I found myself tapping my feet constantly: shit, it’s senior’s citizen free movie day and they were having trouble with the computer; only the senior citizen ticket counter’s serving. In my head, I’m ranting: Pakshet bakla, tumakas ka lang sa opisina, kailangan maabutan mo yung 11:00 am screening, at kailangan maabutan mo ang magkapatid na Bernal sa 20 minute-film ni Tarog.
I almost ran to the theater. Surprise surprise, I was the only one in the cinema. Imagine how creepy that was. If it weren’t for Koronel Enriquez bargaining with Miguel, I would’ve remained standing off the entrance. Almost halfway through and a girl sat in front of me, followed by a guy sitting at the back. You can count the number of people inside the theater with your hands and it’s just sad really, because not a lot of people can watch the brilliance of Tarog and Habac on screen. Their combination makes it more than your money’s worth.
I’m Drunk, I Love You touches the cliché ‘stupidly falling in love with your best friend’ scenario. Boy and Girl meets, become best friends for years, girl falls in love with guy and holds that torch for him for 7 years. 7 years of one sided love, silently hoping that it would take on the next level; that the guy would see her as a girl and not just a friend. We’ve seen My BestFriend’s Wedding, we’ve heard that rustic line “oh yes, kaibigan mo ako… kaibigan mo lang ako! And I’m so stupid to make the biggest mistake of falling in love with my best friend!” What makes this film any different?
I’m Drunk I Love You however, tells the story of how it actually is: no impossibly dramatic line, no elaborate script, no absurd scenes. It paved the way for a simple, yet very realistic storytelling of what it’s actually like to fall in love with your best friend. It was an honest representation of the journey of Carson and every other person’ who felt more than they ought to
“Ready ka na?”
This question from Irma Adlawan in the movie resonates loudly. For someone who has experience in that type of cliché firsthand, it’s that question that’s on repeat. Ready ka na? 3 words, pero sobrang loaded yan. Ready ka na ba na tumigil sa pag-asa? Ready ka na ba mag-move on? Ready ka na ba bumitaw? Ready ka na ba maging kaibigan na lang habambuhay? O Ready ka na ba kalimutan ang pagkakaibigan nyo?
I read this somewhere in social media: There is a Carson in all of us. I didn’t believe that initially. Not until I find myself being transported back to the time when I fell in love with my closest guy friend. (P.S. mine didn’t last 7 years though haha 4 years ata give or take)
“Mahal kita, seven years na.”
This particular scene I find very relatable. Dumadating kasi talaga sa punto na sobra na, sobrang overwhelming na nong nararamdaman mo, nong weight ng pagtatago, ng sakit – that when you finally say the words, when you admit how you feel, it’s like “shet, nasabi ko na, makakahinga na’ko.bahala na si batman”. Ang o.a. pakinggan pero realtalk, once na nasabi mo na mababawasan yung weight on your shoulders. I think for me it was 2010 when that weight was lifted from mine. I fell in love with my closest guy friend in 2006 and I told him through text, confessed more like back in 2010. It was a slip actually; I was reading this book while texting him and I suddenly find myself overcome with emotions that I composed this elaborate text message confessing I love him more than I should. Hindi nagreciprocate yung pinagsabihan ko, pero hindi rin naman sya nag-sorry kagaya ni Dio. Pero sobrang laking bagay nong pagsasabi ko. Alam mo bakit? Kasi when I said those words? I meant them. When I said I love you, I was letting go of my control over the situation. Kumbaga nasabi ko na eh di bahala na sya kung meron o wala. At least hindi ko na sya paghihirapan itago. Alam na nya eh.
Sabi nga ni Carson: “We make a good pair eh, kaya lang hindi nya ako mahal”
Paulo Avelino was brilliant in his portrayal of Dio. Ang gwapo. Ang swabe. Pano ka ba naman hindi maiinlove don? Juskolord. But Maja Salvador? Maja Salvador WAS CARSON. It wasn’t a portrayal. It felt effortless. It was played naturally that you have to wonder, “nag-character analysis pa ba ‘to?” Kasi kuhang kuha nya eh. Kuhang kuha ng mata yung pagpipigil, yung adoration, yung sakit, yung suporta, yung pagmamahal. Syang sya niya. Ganap na ganap yung Carson ko from years ago. While watching, it was like seeing yourself from the time when you were this in love with your closest guy friend – like looking in a mirror or like a high definition slideshow of your experience playing in front of you.
And it wasn’t just Carson and Dio’s story, mind you. It was subtle but their take on Jason Ty’s story was hard to miss. That as we watch Carson and Dio in their complexities, there’s Jason on the side who served as Carson’s rock when he himself needed to find his own courage in taking a chance on love. Kudos to Dominic Roco by the way, they owe the comedic take on the film all to you. The quips, the hugot lines … millennial na millennial eh, napapanahon baks!
And the music, oh the music! The soundtrack played a huge role in the movie hitting all the right and tender parts of your heart. Each song was obviously selected with a particular scene in mind. And I guess, it’s the scene and the emotions exchanged, but this specific song has touched my heart the most:
Akala ko habambuhay tayo Akala ko hanggang dulo Kayhaba pa ng kalsada, dito na ba tayo bababa Kung ganito na nga ba ang usapan Kung dito na ang hangganan Dapat siguro nang iwasan ang maraming kamustahan Mga nakasanayan dapat nang kalimutan Hanggang dito na lang Hanggang dito na lang
More than the characters, the artists who played them, the music, the dialogues, and the premise of the story, it was the ending that totally got to me. Because it was my ending. When love isn’t reciprocated, when you’ve lay it all on the line, you bare yourself the way Carson did and you got the same response from Dio, then you ultimately find yourself at a crossroad: do you still continue being friends or do you leave it all behind to move on? What’s more important: love or friendship? Do you keep hoping that one day he will fall for you or do you let it go completely? And just like Carson, I chose the same path:
Graduate na’ko
#paulo avelino#maja salvador#i'm drunk i love you#idily#carson#dio#bestfriend#love#bff#dominic roco#jasmine curtis smith#irma adlawan#jim paredes#jp habac#jerrold tarog#indie#film#review
87 notes
·
View notes
Text
Daddy's girl
“My dad broke my heart way before any boy had a chance to.”
I love my dad so much, I love him more than anything in this world. Nakita ko kung gaano siya kabuting ama, nakita ko kung paano siya mag work hard para sa kinabukasan naming magkakapatid. Siya nagturo samin kung paano maghugas ng pinggan, maglaba, magplantsa and mag ayos sa bahay. Pinapakita niya and talagang alam ng buong tao na kilala namin kung paano niya kami ingatan and mahalin. Kahit minsan dumadating sa point na nagkakatampuhan kami and dumadating sa point na nasasaktan niya ko hindi lang physically pati na din emotionally gumagawa siya ng paraan para makabawi. Sobrang sweet namin sa isa’t isa, kinikiss ko siya sa cheeks kapag kauwi niya galing work, hindi niya nakakalimutan tumawag kay mommy para kamustahin kami and kapag nagchachat kami, lagi kaming may I love you’s and I miss you. Ang daming naiinggit dahil nakikita nila kung gaano kami kamahal ng daddy ko, na cool siya and game sa lahat. I even saw him crying nung nalaman niya na may period na ko, hindi daw niya matanggap na dalawa na kami ni ate na dalaga na. And yung nalaman niya na may crush na ko and si ate, umiyak siya. Si daddy yung tipo ng tao na ang laking tao, malaki katawan pero sobrang pusong mamon. Masakit siya magsalita sobra pero yun siya eh, kapag mahal mo tatanggapin mo. Nakita ko and saksi ako kung gaano kamahal ng mommy ko si daddy, she’s willing to do everything. Everytime na hinihika ako and dinadala ako sa hospital, gusto ko nandon siya kasi kapag nandon siya feeling ko safe na ko. Kahit nga magpa bunot ng ipin eh, gusto ko hawak ko lang kamay niya. Sobra ko ipagmalaki daddy ko sa ibang tao, sobrang proud ako sakanya dahil hindi lahat nagkakaron ng tatay tulad niya. He’s willing to support us kahit saan basta alam niyang masaya kami, never siya nangielam sa mga bagay na tungkol sa college kasi ang gusto niya kung saan kami masaya kahit hindi pa kaya gagawan niya ng paraan, makita lang niya kaming masaya. May scar ako sa noo, nakuha ko yon nung bata ako kasi hinahabol ko siya kaya ayun nalaglag ako sa stairs and yung ulo ko yung unang tumama, ilang beses akong tinanong kung gusto ko daw bang ipaalis yung scar kasi nga may balak akong mag Flight attendant kaya dapat wala kang scar kahit saan, pero sabi ni daddy, “Wag. pag nakikita ko yan naaalala ko kung gaano mo ko ka love. Na daddy’s girl ka.” Kaya hanggang ngayon may scar pa din ako sa noo ko. Hindi ko kayang mag tanim ng galit kay daddy, kapag napagsasalitaan niya ko pinapatawad ko pero nakatatak sa isip at puso ko yung sinabi niya, hindi ako galit sakanya. Galit ako sa mga sinabi niya. Lumaki ako na I’m looking up to him lang, na nakatatak na sa isip ko na kung magaasawa ako gusto ko katulad ni daddy, responsible father and higit sa lahat magaling magluto. I remember pa nga na may usapan kami ni daddy na siya yung pinaka unang makakaalam kapag nagka boyfriend or manliligaw na ko and I’m keeping that promise, gusto ko talaga siya makakaalam agad kasi makikita niya naman yon if sasaktan lang ba ko nung guy na yon or magiging happy ako sakanya eh. Kapag may event or something, makikita niyo ko na naka hug sa daddy ko, wala eh. Sobrang mahal ko siya. Minsan pa nga pag nasa mall kami, kami yung magka holding hands imbis na sila ni mommy eh. I admit it, sobrang selfish ako pagdating sa daddy ko, gusto ko yung love niya samin lang magkakapatid. Selosa ako, kaya nga tinuruan ko si LA na baby sister ko na akin lang si daddy eh. Hindi ko kayang may makikihati pa sa pagmamahal niya, kaya sobra akong nasaktan nung nalaman ko na hindi lang pala kami.
Sobrang sakit nung nalaman ko na may anak siya sa iba. Na nagkaron siya ng babae, sobrang nadudurog yung puso ko everytime na maalala ko yon. Sobrang bata ko pa non pero alam ko kung ano yung mga nangyayari non, kung gaano kalaking gulo yung nangyari non. Kaya sobra sobra na lang galit ko sa mga kabet, home wrecker sila. All this time, akala ko okay kami. Na sapat na kami, pero bakit ngayon nararamdaman ko na hindi kami enough sakanya? Bakit kailangan magkaron ng iba? Bakit kailangan magkaron ng anak sa labas? Tangina. Sobrang sakit. Hindi ko ineexpect na yung taong pinakamamahal ko na yung taong tinitingala ko, yung taong winiwish ko magiging katulad ng magiging asawa ko kaya pala kong saktan ng ganito. Sobra akong nadurog sa mga nangyari. I even saw my mom na nagpapakamatay na, naglalaslas siya sa CR non. Kitang kita ko kung gaano karaming dugo yung nawala kay mommy non and pani siya sinugod sa hospital, kaya dito nabuo yung takot ko. Yung takot ko na sakin mangyari to, na pano kapag ako naman yung niloko, pano kung ako naman yung kinaliwa? Or worst, pano kapag ako pa yung naging kabet? Hinding hindi ko mapapatawad yung sarili ko kapag nakasira ako ng pamilya. Laging sinasabi nung mga kakilala namin na kaya daw puro kami girls kasi pambayad utang daw kami, meaning kami yung magsa suffer sa dami ng pinaiyak at nasaktan ni daddy na girls, kami naman daw yung iiyak. Sobrang ano lang kasi everytime na magkakaron ako ng lovelife, ako lagi yung iniiwan and umiiyak. Hindi kaya ito na yon?
Natatakot ako na baka pag nagasawa ako lokohin niya ko kasi ngayon pa nga lang na daddy ko ang gumawa di ko na kaya what more pa kaya kapag sarili ko ng asawa? Tangina baka mabaliw ako. Nag sorry siya kay mommy non, sa lahat actually. pero yung pagkakamali na yon naulit pa ng madaming beses, hindi ko alam kung paano natiis ni mommy yung ganon, yung ilang beses niloko pero dapat pa ko magpasalamat kasi atleast, hindi kami nadagdagan. Seryoso, pag nalaman ko pa na may iba pang anak baka magpakamatay na ko. Sobrang sakit sa feeling nung maramdaman mo na hindi ka enough kaya nagagawa kang ipagpalit diba? Sobrang sakit sakin pero what more pa kaya sa mommy ko? Sa sobrang pagmamahal niya kay daddy tinatanggap niya ng paulit ulit si daddy kahit sobra na siya nasasaktan.
1 note
·
View note
Text
BATI NI MAHAL 08-13-2K17
12:00 midnight❤ this is it☺ HAPPY SECOND ANNIVERSARY MYONLYONE😍❤ IHIM.. 8:00 PM GUMAGAWA AKO NG PLATE NUMBER NAMIN SA DRAFTING NAG UUSAP TAYO NON KAKA GALING KO LANG SA DITO SA SCHOOL NON HABANG GUMAGAWA AKO NG PLATE NAISIP KO NA UMAMIN SAYO AT YUN NA NGA😍 DI NASAYANG YUNG INIPON KONG LAKAS NG LOOB😉😄 KASI ANG TANGING NASA ISIP KO NON EH BAKA MA BUSTED AKO😁 PERO HINDI NANGYARI ANG NASA ISIP KO KASI SABI MUNGA MATAGAL MUNA RIN AKONG GUSTO😍(ANGPOGIKO😁)HIHI O DIBA REAL QUICK ASARAN TO MAHALAN❤ BAGAMAT DUMATING MAN ANG TIME NA NAG TATALO NA NAGTATALO NA TAYO EH ETO PARIN TAYO PATULOY NA LUMALABAN AT TINUPAD ANG MGA PINANGAKO NATIN❤ NAALALA KUPA NGA NG BUWAN NG "DECEMBER'' YAN YUNG ARAW NA NASIRA KO TIWALA MO😪 ALAM MUBA LABIS KONG PINAGSISIHAN YAN SA BAWAT DUMADAAN NA ARAW NON INIISIP KO BAKIT ANG TANGA TANGA KO NA BAKIT KO SINABI SAYO YUN AT BAKIT KO GINAWA YUN SAYO NA KUNG TUTUUSIN EH DAPAT IKAW ANG GUMAWA NON SAKIN KASI SYEMPRE NAPAKA GAGO KO SAYO😞💔 AT LAKING PASASALAMAT KO NON NA MULI KONG NAIBALIK TIWALA MO SAKIN NO😍 DUMAAN PA ANG MGA BUWAN SATIN NANDON PARIN ANG PAG TATALO NA LALONG NAG PATATAG SATIN , MAY TIME NA DUMADATING PARIN YUNG SINASABI MO SAKIN NA SUKO KANA PERO AKO TONG SIGE SA PAG HABOL😍 SAYO KASI ALAM KONG IBIG SABIHIN NON DAHIL BAKA PAG SINUNOD KUNA NAMAN YUN NAKO SIGURADO BAKA MAG KA WORLD WAR 3😁(CHARUT)TAPOS MAY TIME PA NA KONTING MALI KO PANG EH MAGAGALIT KANA AGAD PERO WALA SAKIN YUN ALAM KONG GANON KANA NA KAHIT PO EH NAPAKA LIIT NA BAGAY NAPAKA LAKI NA SAYO😅 AT ALAM KO RIN NA NATURE NA SA INYONG MGA BABAE YUN😉 AT DAHIL SA GANYANG UGALI KO MAS LALO KITANG MINAHAL NG SOBRA✋😉❤ MAHAL ALAM KONG LAGI KO TONG SINASABI SAYO(SALAMAT) SALAMAT PO KASI NAPAKA DAME MAN NA PROBLEMA ANG DUMATING SATIN E ANDITO KAPA RIN SA TABI KO DINADAMAYAN AKO SO TUWING AKO AY LUGMOK😪😥 AT SA MGA AWAY NATIN NA MAPA MALAKI MAN O MALIIT EH DIMO PARIN AKO SINUSUKUAN😣 SANA MAHAL HINDI KAPA RIN MAG BAGO KAHIT NA ALAM KONG MARAME PANG DARATING SATIN NA PROBLEMA O KAHIT ANO PA MAN NA MAGIGING SANHI PARA HUMINA TAYO. MAHAL DIBA KAHIT ANO PONG MANYARI DIBA DIPO TAYO MAG HIHIWALAY DIBA?😞 AT KAHIT GAANO PA KALAKI ANG PAG AWAYAN NATIN DIBA DIMO PARIN AKO SUSUKUAN😞 AT KAHI LAGI AKONG PALPAK DIBA ISSUPPORT MO PARIN AKO? DIBA PO😞 MAHAL UMAASA PO AKO NA IKAW YUNG BABAE NA HULI KUNG MAMAHALIN❤ UMAASA AKO NA IKAW YUNG BABAE KONG PAKAKA SALAN UMAASA AKO NA IKAW YUNG MAGIGING INA NG MGA ANAK KO UMAASA AKO NA IKAW YUNG KASAMA KO SA PAG TANDA MAHAL KAPIT PO AH DIBA SABI KO SAYO AKO LALABAN SA MGA HAHADLANG SATIN AT IKAW ANG SUPPORT KO(LOL ANG GANAP😍) BASTA MAHAL A WAG KANG AALIS SA TABI KO PANGAKO MO SAKIN YAN AH?☺ DAHIL ASANG ASA NAPO AKO. SA MAGIGING KINA BUKASAN NATIN😍🌠 YUNG BAHAY NA IKAW ANG KASAMA KO YUNG MGA ANAK KO NA IKAW ANG TATAWAGIN NA (MAMA👪)😍 WAAAAAH ANG SAYA SAYA NG FAMILY NATIN😌❤ A BASTA PO KAHIT GAANO KATAGAL O KAHIT ANONG SAKRIPSYO ANG GAWIN KO PARA MAAYUS LANG LAHAT SA ATIN MAHAL KO GAGAWIN KO😉❤ AT KUNG DI MAN SILA PAPAYAG NAKO MAHAL KO SINASABI KO SAYO ITATAKAS TALAGA KITA MAG KAMATAYAN NA💪 HINDI AKO PAPAYAG NA HADLANGAN NILA AKO SAYO.😉 ANO YUN? AKO NAG TANIM TAPOS IBA KAKAIN NAKO HINDI PWEDE😤 DADAAN MUNA SILA SAKIN BAGO KA NILA MAKUHA💪 ANO AKO GAGO ANG LAKI NA NG HIRAP NA DINANAS KO TAPOS GANON GANON LANG HINDI PWEDE YUN MAHAL KO😍 ANG AKIN AY AKIN LANG AT WALA AKONG PAKIALAM SA KUNG ANO ANG MERON SILA BASTA SAKIN KALANG😍❤ KAYA MAHAL SORRY KUNG DI KITA KAYA PAKAWALAN AH KASI NASANAY NA AKO NA IKAW YUNG KARAMAY KO SA LAHAT ORAS EH IKAW YUNG KASAMA KO IKAW YUNG KATABI KO😍😋 KAYA DI TALAGA PWEDE MAHAL KO😉 KASI SABI KO SAYO NON I CAN'T IMAGINE MY WORLD , MY DAY AND NIGHT WITHOUT YOU😍❤ KAYA SORRY SILA LALO NAYANG "A____" NAYAN NAKO LAMANG LANG SAKIN NG TANGKAD YUN PERO PANIS PARIN SAKIN YUN💪 TUMABA LANG TALAGA AKO KABOG SAKIN YANG MGA CRUSH MO😁😅 DJOKE LANG ILOVEYOU❤ AT ITO NA NGA ISANG MASAYA AT MAPUSONG TAON NATIN MAHAL KO😍❤ YUNG PROMISE MO/ NATIN A TTUPARIN NATIN YUN OKAY KAYA WAG NA WAG MOKO SUSUKUAN PAG NAPAGOD PO PAHINGA LANG SAGLIT TAPOS GORA NA ULIT OK? KASI SI HUBBY MO NEVER MAPAPAGOD TO NEVER MAG PAPAHINGA LALABAN AT LALABAN RO😉❤ KASI SAYO LANG NAG KA GANITO TO IKAW LANG ANG NAKAPAG PABAGO SA TAO NATO😇 KAYA MAHAL WILL YOU MARY ME💍 AND WILL YOU BE MY QUEEN FOREVER?😍 PROMISE I'LL BE YOUR KING/HUBBY/BAYAWAK/JIRUS/BABAB/MAKO/ IN THIS WOLRD FULL OF OPPA😁❤ ILOVEYOUVERYMUCH❤ AND ILOVEYOUALOT💗 MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA WIFFY KO AND YES ROAD TO FOREVER NA THIS KAHIT NA SINASABI NILA NA WALANG GANON😓 MERON NAMAN TALAGA EH NASA PAG DADALA LANG TALAGA NG RELATIONSHIP YUN😉 AT AKO KAHIT NEWBIE PALANG AKO SA GANITONG LARANGAN EH KAHIT PAPANO PO EH MAY ALAM SI HUBBY AT SOON YUNG (LAMBING/SUYO)NAYAN PINAG PRAPRATICESAN KUNA MAHAL KO😉✋NAGAGAWA KUNA MAN NA PERO MEDYO DIPA NA TALAB😁😅 HIHI HAPPY HAPPY HAPPY HAPPY HAPPY HAPPY ANNIVERSARY MAHAL KO😍🎉🎊🎈 SAYANG DIMO AGAD MABABASA TO😁 MUKANG TULOG KANA HIHI😅 KAYA BUKAS NALANG PROMISE MAIIHI KA SA KILIG😅 KUNG KILIGIN (CHARUT) HIHI DINA KINAYA NG MESSENGER TAE MAY LIMET DIN PALA TO😅😂 GOOD NIGHT NA MAHAL KO AT ISANG MATAMIS NA PANAGINIP PINAKA MAMAHAL KO😍🍯🍭🍬🍫😴 AT PAG GISING MO YUNG SINABI KO SAYO NA BAWAL SUMIMANGOT AT MAGALIT AH KAHIT SA SUNOD NA ARAW MUNA LANG AKO AWAYIN😁😅 DIJOKE LANG MULI ISANG MASAYANG TAON PARA SATIN😍😘 MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MANAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA NG HIGIT PA SA BUKAY KO PRINSESA❤/MAHALOVESKO❤/KALBO❤/WIFFY❤/BABAB❤/DUDAY❤/ #HAPPYANNIVERSARY👜n#ROADTOFOREVER👜n#LABAN LANG NG LABAN👜n#KAYANATINTO❤ #MAGAAWAYLANGTAYOPERODITAYOMAGHIHIWALAY😍❤ #2YEARS0FLOVE😍❤
0 notes
Text
HSP
Hello! Mukhang wala naman atang makakabasa nito sa mga kakilala ko eh 😅 Hindi ito ang unang beses na naisipan kong mag suicide. Maraming beses na actually. Kaso andun lagi yung kaba kapag gagawin mo na. Bigla kong maaalala yung bunso kong kapatid sina mama yung mga kaibigan ko. Natatakot ako hindi para sa sarili ko kundi sa kung anong mararamdaman nila. Nacucurious ako ano kayang pakiramdam ng maging multo. Yung nakikita mo sila pero di ka nila nakikita. Yung parang hangin ka lang sa paligid nila ramdam yung presensiya pero di nakikita. Ilang beses ko nang hiniling sa Diyos na sana mamatay nako. Sabi nila masama daw kitilin ang sarili mong buhay pero anong magagawa nila kung pagod ka na at di mo nakayang harapin ang bukas? Nakakatawang isipin na sa lahat ng bagay na nagiging dahilan ng pagluha ko ay ang pamilya ko. Naaawa ako sa magulang ko dahil may naging anak silang tulad ko. Gusto ko malaman nila na simula pagkabata nakatatak na utak ko lahat ng mga masasakit na salitang sinabi nila sakin. Ako yung tipo ng bata na hindi pala sagot po at opo lang ang sagot ko lagi sa kanila. Lagi nila akong tinatanong bat di ko binabago yung ganung pag uugali? Bakit hanggang ngayon na malaki nako ganun pa din ako sumagot pag pinagagalitan nila ako? Ganito kasi yun. Napuno ako ng takot nung bata dahil pag sumagot ako nasasampal ako at nasasabihan nang "at sumasagot ka na ngayon!" kaya naisip ko na wag na lang sumagot kaso dumating sa punto na ayaw kong sumagot nasampal pa din ako sabay sabi nang "bat di ka nasagot?!" Gulong gulo ako nung mga panahon na yon hanggang sa feeling ko nagkaroon nako ng phobia. Phobia makipag usap sa pamilya ko. Pag nasa school ako ibang iba ako bibo masayahin madaldal pero sa bahay kabaliktaran ako ng lahat ng yon bakit? Kasi lahat ng ginagawa ko kahit tama laging may mali kahit di ko kasalanan damay pa din ako. Tatlo kaming magkakapatid. Ako at yung sumunod sakin never kaming nagkasundo. Para sakin napaka plastic niya at napaka makasarili. Nung third year ako nagkasakitaan kami ako yung duguan at napuruhan pero ako yung napagalitaan tanging kasambahay lang namin nun ang nagtanggol sakin. Lahat ng kamag anak ko siya ang paborito. Di kasi ako palaimik sa kanila hindi gaya nung isa na laging nakikipag kwentuhan sa kanila. Hindi naman kasi ako madalas makipag usap sa kanila gawa nga ng takot ako sa iisipin nila sakin at sa mga magulang ko. Tinawag nila akong black sheep ng pamilya. Walang kwenta. Patapon ang buhay ko. Maagang mag aasawa. Mapapariwa lang daw ako. Simula ng araw na yun di nako close sa tatay ko kasi maski siya hinusgahan ako dahil sa kwento ng kapatid ko kahit na di pa nila napapakinggan ang kwento ko. Laking pasalamat ko sa kasambahay namin that time isipin mo yun sumabat siya kina mama para mapagtanggol ako. That time narealize ko nakakatuwa dahil love niya ako at nakakalungkot dahil kung sino pa ang pamilya ko sila pa ang dahilan ng pagkadurog ng pagkatao ko. Lahat ng masasakit na salita at alaala mula pagkabata hanggang ngayon nasa utak ko lahat. Ang dami kong kinatatakutan ang dami ko ding inaayawan. Hindi ko alam bakit ako ganun. Minsan naiinis na din ako sa sarili iniisip ko bat ba kasi ang walang kwenta ko? Lumaki ako dumami lalo yung pinag aawayan namin ng kapatid ko. Tinry kong maging mabuting ate pero wala eh ni hindi niya nga ako magawang tawaging ate tinigil ko na ang pagsusuyo sa kanya. Nasasaktan lang ako habang tumataas naman ang tingin niya sa sarili niya. Sa totoo lang gusto ko sabihin kina mama na napapagod na kong maging ate sa kanya. Na hindi na talaga kami magkakasundo pa. Kaso alam ko masasaktan sila mama kaya ang sinasabi ko na lang magpaparaya na lang ako kaso dumadating talaga sa punto na napupuno nako sa babaeng yun. Sobra masyado ang tingin sa sarili. Hindi ko na kaya. At ang pinaka nakakainis pa ay yung nagawa niyang magsabi sa mama ko na "lalayas na lang ako kaysa tumira jan" Bakit? Kaya niya na ba sarili niya? Yan ang mga tanong na pumasok sa utak ko nung tumawag ang mama ko para hanapin siya dahil baka mapano siya. Alam mo yung feeling na putang ina ang kapal ng mukha niyang maglayas eh ni hindi pa nga siya nakapag tapos ng pag aaral. Nakakatakot na isipin na nagagawa niyang maglayas layasan ng ganun kahit wala pa siyang nararating pano na kaya pag may narating ba siya baka ipapatay niya na kami pag nagalit siya. Papatawarin ko siya para kina mama at papa at kay nene pero hindi ako mangangako na magkakaayos pa talaga kami. Magpaparaya ako dahil ayoko na siyang makausap at makasagutan hindi para sakin kundi para sa mga magulang ko. I never imagined blogging can be a stress reliever. Sobrang pagod nako ang bigat ng nararamdaman ko pero wala akong karapatang mag reklamo dahil alam kong mas mabigat ang nararamdaman ng mga magulang ko. Di bale nang ako ang umiyak wag lang sina mama at papa at nene. Di man nila lagi nararamdaman na mahalaga sila sakin para sakin sila nag pinaka importante sa lahat. Nagmamahal, Walang kwenta (sa ngayon) na anak.
0 notes
Photo
Healthy or not, Chito Victolero wants Marc Pingris by his side for Star's playoff run MARC Pingris could leave as early as Wednesday for the US and could stay there for as long as a month to get treatment for his hip injury. The Star big man said he is just waiting for his passport from the French Embassy for him to push through with his flight on Wednesday to Los Angeles where he is set to undergo rehab for his hip injury that has kept him sidelined since the start of the PBA Commissioner's Cup. "Hopefully dumating na yung French passport ko mamaya, kasi every Tuesday dumadating yung mga passport eh," Pingris said in a chat with SPIN.ph after Star practice on Tuesday before going to the embassy. "Pag makuha ko na yung passport ko mamaya, alis na ako agad," the Filipino-French cager added on the eve of the Hotshots' final game of the eliminations against Alaska. Once he gets there, Pingris could be in the US for a month, possibly missing the Hotshots' entire playoff campaign. "Dun na rin ako magse-celebrate pag nag-champion na kami," the 35-year-old Hotshots star said in jest. But that's just how confident Pingris is with the Hotshots who have enjoyed the view from top, having won eight of their 10 games even without the defensive anchor. Pingris gave credit to coach Chito Victolero and returning import Ricardo Ratliffe, who replaced Tony Mitchell, for steering the squad to where it is. "Sobrang blessed nga eh," Pingris said. "Sobrang proud ako sa teammates ko, especially kay coach, talagang grabe yung work nila. Of course maganda rin yung import na nakuha namin, talagang nagtatrabaho. Of course kay Tony, nagpapasalamat din kami sa kanya." Still, Victolero is hoping for Pingris to arrive earlier to provide the team with leadership even from the sidelines. "Ang usapan namin, I want him to be here for the playoffs sana," Victolero said. "Kung hindi man siya makapaglaro, he's on the bench; ang laking tulong din sa amin yun eh na nasa bench siya, may veteran guy ako sa bench na he can talk to the players. Alam niya kung ano yung adjustment. "Kung makakabalik siya ng maaga, much better para matulungan niya ako sa bench," he added. Cto.
0 notes
Text
New Post has been published on PBA-Live
New Post has been published on http://pba-live.com/healthy-or-not-chito-victolero-wants-marc-pingris-by-his-side-for-stars-playoff-run/
Healthy or not, Chito Victolero wants Marc Pingris by his side for Star's playoff run
MARC Pingris could leave as early as Wednesday for the US and could stay there for as long as a month to get treatment for his hip injury.
The Star big man said he is just waiting for his passport from the French Embassy for him to push through with his flight on Wednesday to Los Angeles where he is set to undergo rehab for his hip injury that has kept him sidelined since the start of the PBA Commissioner’s Cup.
“Hopefully dumating na yung French passport ko mamaya, kasi every Tuesday dumadating yung mga passport eh,” Pingris said in a chat with SPIN.ph after Star practice on Tuesday before going to the embassy.
“Pag makuha ko na yung passport ko mamaya, alis na ako agad,” the Filipino-French cager added on the eve of the Hotshots’ final game of the eliminations against Alaska.
Once he gets there, Pingris could be in the US for a month, possibly missing the Hotshots’ entire playoff campaign.
“Dun na rin ako magse-celebrate pag nag-champion na kami,” the 35-year-old Hotshots star said in jest.
But that’s just how confident Pingris is with the Hotshots who have enjoyed the view from top, having won eight of their 10 games even without the defensive anchor.
Pingris gave credit to coach Chito Victolero and returning import Ricardo Ratliffe, who replaced Tony Mitchell, for steering the squad to where it is.
“Sobrang blessed nga eh,” Pingris said. “Sobrang proud ako sa teammates ko, especially kay coach, talagang grabe yung work nila. Of course maganda rin yung import na nakuha namin, talagang nagtatrabaho. Of course kay Tony, nagpapasalamat din kami sa kanya.”
Still, Victolero is hoping for Pingris to arrive earlier to provide the team with leadership even from the sidelines.
“Ang usapan namin, I want him to be here for the playoffs sana,” Victolero said. “Kung hindi man siya makapaglaro, he’s on the bench; ang laking tulong din sa amin yun eh na nasa bench siya, may veteran guy ako sa bench na he can talk to the players. Alam niya kung ano yung adjustment.
“Kung makakabalik siya ng maaga, much better para matulungan niya ako sa bench,” he added. – Spin.ph
0 notes