#LabanSaDiscrimasyon
Explore tagged Tumblr posts
safechoices ยท 11 months ago
Text
๐๐€๐†๐‹๐€๐๐€๐ ๐’๐€ ๐’๐“๐ˆ๐†๐Œ๐€ : ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ธ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ-๐˜ข๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ต ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ต๐˜ข๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ ๐˜๐˜๐˜.
Sa paglipas ng panahon, ang HIV ay hindi lamang isang sakit, kundi isang laban sa nakalipas na dalawang dekada. Ngunit sa harap ng diskriminasyon at stigma, mayroong mga tapang na indibidwal na nagiging tanglaw ng pag-asa. Ang bawat kwento ay nagdudulot ng lihim na galak at nagbibigay inspirasyon sa pagtahak ng landas ng pagtanggap at pag-unawa. Sa ating pag-usad, tuklasin natin ang kahalagahan ng pag-alis ng takot at pag-angat ng mga boses ng mga taong bukas ang puso at handang magsalaysay ng kanilang mga karanasan. Ito ang panahon na buksan natin ang ating mga puso at isipan, at sa pagtutulungan, itanghal natin ang mga tinig ng pag-asa laban sa mabigat na kamalian ng HIV stigma.
Tumblr media
Ang taong nasa larawan ay si Mr. Raffy Aldemir isang taong may HIV sa loob ng pitong taon. Ayon kay raffy hindi naging madali sa kanya ang pagtanggap sa naturang sakit. Nagpalipat lipat sila ng pagamutan, inabot ng halos tatlong buwang pakikibaka sa loob ng Ospital. Dumating sa puntong gusto na niyang sumuko sa sakit, na ayaw na niyang lumaban at magpahinga na lamang ng tuluyan. Sa timbang na 60 kilos ay bumagsak ito hanggang 30 kilos na nagdulot sa kanya ng labis na panghihina. Sa mga oras na nalaman niya na siya ay may HIV ,gumuho ang kanyang mundo tila ba nawalan na siya ng pag-asang mabuhay at magpatuloy sa kanyang nasimulan gayunpaman hindi sya nagpatalo sa sakit , naging gabay niya ang Dios ,ang kanyang ina at kapatid lalong lalo na ang mga malalapit na kakilala upang siya ay mabigyan ng kaalaman laban sa sakit na HIV.
Tumblr media
Ang discriminasyon ang pinakamalaking pagsubok na hinaharap ng mga taong may HIV. Hindi natin hawak ang isipan ng mga tao kung paano nila tingnan ang mga taong may HIV lalong lalo na kung sila ay walang mga sapat na kaalaman hinggil sa sakit na ito. Ayon kay raffy una niyang naranasan ang discriminasyon sa kanyang mga kaibigan, marami ang lumayo ng malaman ng mga ito ang sakit ni raffy. Doon lang niya napagtanto kung sino ang totoo niyang mga kaibigan bagkus pinatunayan niya sa mga ito na may mga tao pa ring handa siyang tanggapin kung sino at ano sya at ito ay ang kanyang mga pamilya.
Sa paglipas ng pitong taong pakikipaglaban nalampasan ni raffy ang pagsubok na hindi niya inakalang malalampasan nya. Isa ng case manager sa sakit na HIV si Raffy sa isang pribadong Pagamutan at isa rin siyang HIV/AIDS councilor advocate. Doon din niya naipamahagi ang kanyang kaalaman sa paglaban sa sakit na HIV. Na ito ay hindi dapat maging hadlang sa mga pangarap ng mga taong may HIV na hindi pa ito katapusan ng mundo. Aniya habang may buhay may pag-asa.
Tumblr media
0 notes