#KulturangPopular
Explore tagged Tumblr posts
erikaolan110-blog · 5 years ago
Text
Filipino Slang sa Kulturang Popular
Mabilis ang pagbago ng wika dahil patuloy itong umuunlad noong panahong 70s' hanggang sa kasalukuyang panahon. Isang halimbawa ay ang salitang kalye, salitang kanto o salitang balbal ay kilala ngayon sa tawag na "Filipino Slang". Ito ay halimbawa ng salitang balbal, na ibigsabihin ay hiniram ito sa mga wikang dayuhan. Maaring dinadagdag, binabawas o binabaliktad ang mga salitang balbal na galing sa wikang dayuhan upang makalikya ng panibagong salita. Parte ng pagpapalawak ng bokabularyo ang mga salitang balbal.Ang ating bokabularyo ay dinamiko, maaring ang ilang filipino slang na ginagamit ay hindi na kasalukuyang ginagamit. Ang mga ginagamit o mga  tanyag na Filipino slang na salita ay maaring nanggagaling sa mga kanilang naririnig at napapanood sa telebisyon at radyo. 
EPAL
Tumblr media
[eh pal] To be an unnecessary part of a group. From pumapapel [pooh mah pah pel], to insist on taking on a role. Like court the same girl you like by your friend. Some friend you are.” (p. 48, Ano ‘yon? Ano ‘yan? The Whats and Whys of Being Filipino, 2008)
Isang slang na pangkaraniwang ginagamit sa Pilipinas ay ang salitang "epal". Tinutukoy nito ang isang taong mahilig makisawsaw o 'di kaya naman taong "basag trip". Hango ito sa salitang "papel", o "mapapel". Bagamat wala pang malinaw na paliwang kung bakit dito binase ang salita, maaari nating ihalintulad ito sa pelikula, ang mga "role" o papel ng mga karakter ay nakasaad sa pisikal na script, at saan ba ito nakalagay? O, hindi ba't sa papel? 
Ang pagkakaroon ng mga salitang kagaya nito ay nagpapakita na kaya nating ipahayag ang ating mga nararamdaman sa konteksto ng paggamit ng slang bilang pahagi ng kulturang popular. Masasabi kong dahil sa mga Filipino slang na nauso, nagkakaroon ang tao ng kakayahang ipahayag ang kanyang mga damdamin, negatibo man o positibo, dahil hindi na lang tayo limitado sa mga salitang pormal.Pinapakita rin nito ang kakayahang maging malikhain ng mga Pilipino, dahil ang salitang ito, at ang mga susunod pa rito, ay nagsimula nang sumikat noon pang ika-19 na siglo.  Pinapakita rin kung paano naging bahagi ng kulturang popular sa Pilipinas ang slang dahil bukod sa ginagamit na ang mga ito sa pang araw-araw na pamumuhay, ay matagal na itong sumibol at hanggang ngayon ay tinatangkilik pa rin natin ito. 
TOKA
Tumblr media
Ang salitang toka ay nanggaling sa salitang Espanyol na 'toca'/’tocar’ na ang ibig sabihin ay ‘turn’/’touch’. Masasabi na kapag ikaw ay toka sa isang bagay, ikaw na ang bahala sa pag-aasikaso nito. 
"Ikaw nakatoka sa lechon ah! Ako toka sa softdrinks." Sikat ang Filipino slang na 'toka' pagdating sa potlucks para sa mga salu-salo, kapistahan, reunions, at iba pa. Madalas itong gamitin ng mga nakatatanda tuwing naghahatian sa dadalhin na pagkain ng bawat isa. Minsan nama'y sa pagtakda ng gawain o trabaho. Subalit, kumpara sa iba pang Filipino slang, ang salitang 'toka' ay malimit nang marinig lalo na't sa kasalukuyan kadalasang ginagamit na lang ng mga Pilipino ay ang Taglish. 
Pero, dahil sa patuloy na pagbabago-bago ng kulturang popular sa Pilipinas, patuloy rin ang pagbago ng wika. Maaari pa itong mas mauso o kaya nama'y mapunta sa panganib.
LINTIK
Tumblr media
Ngayon, ang salitang ito ay ginamit na sa iba’t-ibang paraan. Isa na rito ay sa anyo ng kanta, kung saan ito ay lubhang sumikat sa masa. Ang kantang ito ay binuo ng isang Filipino Reggae band, ang Brownman Revival na pinangalanang, “Lintik na Pag-Ibig”.  Makikita sa liriko na binanggit nila ang katagang, “Lintik na pag-ibig, parang kidllat”, kung saan ipinapakita nito ang relasyon ng salitang “lintik” sa kanayang pinanggalingan na salita- kidlat. Ang salitang ito ay nakilala rin sa katagang, “Lintik lang ang walang ganti”, na nagmula rin sa isang palabas noong 1991. Ang katagang ito ay kadalasang isinasaad ng mga taong mayroong hinanakit o sama ng loob sa ibang tao. Ngayon, masasabi natin na ang mga salitang hindi pangkaraniwan o hindi kaya ay slang lamang, ay umuusbong parin sa panahon ngayon, na patuloy paring isinasalita ng mga Pilipino.
“Lintik!” Kadalasan natin itong naririnig sa kalsada, na binabanggit ng iba’t-ibang klase ng tao. Ngunit, ano nga ba ang tunay na kahulugan nito? Ang lintik ay isang Filipino slang na nagpapakita ng negatibong ekspresyon ng tao. Maaaring ito ay nagpapakita ng pagkadismaya o hindi kaya ay inis. Ang salitang ito ay nagmula sa salitang lightning o kilala rin bilang kidlat.  Bilang karugtungan, madalas na ginagamit ang salitang ito sa pagnais ng tao na matamaan ng kidlat ang kanilang sinasabihan. Madalas na naririnig ang salitang ito sa mga kalye na binabanggit ng mga taong dismayado. Ang kadalasan kong naririnig sa kanilang pananalita ay tulad ng “Lintik naman oh!” na isinasaad sa malakas at pagalit na tono.
KUPAL
Tumblr media
Ang salitang kupal ay isang salitang balbal o Filipino slang na nagagamit upang ilarawan ang isang nakakainis na tao. Ayon sa karamihan, ito rin ay nag mula sa salitang pa-cool. Katulad ngayon nauuso ang pagbabaliktad ng mga iba’t ibang salita, kaya’t nabuo ang salitang kupal dahil sa binaliktad na salitang pa-cool. Itong nausong salita ay ginagamit din upang maipahayag ang kanilang mga damdamin ngunit mayroon din itong ibang kahulugan sa ibang diyalekto.
Ito ay isang halimbawa ng wikang kolokyal, na popular na ginagamit ng mga kabataan sa pakikipagtalastasan araw-araw. Kaya nauso ang salitang kupal dahil ginagamit ito madalas kaya’t ito ay naging maimpluwensya sa karamihan lalo na sa mga kabataan. Kasi ang wika ay makapangyarihan sa media dahil ito ay pangunahing daluyan ng komunikasyon, at napakadali na para sa mga tao na makiuso at magpauso sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng media. 
PABEBE
Tumblr media
Ang mga salitang nauuso rin ay naipapalaganap sa iba’t-ibang paraan tulad ng media. Apat na taon nang nagagamit ang salitang pabebe na nagmula lamang sa isang viral video noong 2015. Ang Facebook clip na nanggaling sa isang user na nagngangalang Senyora Santibañez ay nagsisilbing kapanganakan ng salitang ginagamit ng kabataan. Makikita sa video ang dalawang batang sina Janet na Michelle, na nakikilala na ngayon bilang Pabebe Girls dahil sa kanilang pagpapacute na ugali. Ang salitang pabebe ay nabubuo sa unlaping “pa” na dinagdagan ng salitang “baby” na may kahulugang nagsisikap umaarte ng parang bata kahit hindi naman talaga. Kahit nagviral na ang salitang pabebe, talagang sumikat ito at nabahagi sa mga buhay ng mga Pilipino nang nagsimula ang KalyeSerye ng programang Eat Bulaga. Dito natin makikita ang abilidad ng media na lumikha ng mga panibagong slang na parte ng kulturang popular sa modernong panahon.
Pagkatapos ng pagkalat ng salitang pabebe sa kulturang pinoy, lumaganap na ito sa ang aksyong tinatawag na pabebe wave. Sinimulan ito ng tauhan ng Dub Series na si Yaya Dub na may kaugaliang mahiyain pero nagpapacute kaya maliit lang ang kaway nya sa kalove team nyang si Alden Richards. Nagviral ang pabebe wave  at naging simbolo ng paggamit ng slang na ito. Maraming sikat na brands ang gumamit ng pabebe wave bilang isang marketing tactic dahil sa pagkakakilala nito sa buong nasyon.
Sa slang rin na ito nabuo ang National Pabebe Day na ipinagdidiriwang sa 26 ng Setyembre kung saan nagpa-pabebe wave ang mga sikat na artista sa buong mundo. Ang salitang pabebe ay naghandog ng malaking kultural na pagbabago sa ating bansa at makikita pa rin sa henerasyon natin sa araw na ito.
TUKMOL
Tumblr media
Ginagamit ang salitang tukmol bilang pang larawan sa isang taong ubod ng kapangitan, isang halimbawa ay “Tukmol ka!” kung saan ang literal na ibigsabihin ay “Ang pangit mo!”, maaring ginagamit ito upang mang lait sa kapwa natin o kaya naman ay pang asar sa ating mga kaibigan. Masasabi nating ito ay produkto ng kulturang popular dahil nakikita ang pagiging malikhain nating mga Pilipino sa pag gamit ng mga salita kung saan ay inihahambing natin ang pangalan ng isang bagay bilang pang larawan sa isa pa, kung saan ay maaaring nagtataglay ng parehong katangian.
Isa pang salitang balbal na makikita o maririnig natin sa larangan ng kulturang popular ay ang salitang ‘tukmol’ kung saan ang literal na kahulugan ay taong pangit, bobo, o walang alam. Ang salitang ito ay nanggaling sa pangalan ng isang uri ng kalapati; ilahas o kilala bilang turtledove na mas maliit ang sukat at may mapula-pulang mga balahibo o pakpak. Nakakatawang isipin na pati ang pangalan ng isang inosenteng uri ng ibon na hindi naman gaano ang kalaswaan ng itsura ay binigyan ng hindi kagandahang kahulugan ang kanyang pangalan. Makikita sa larawan na ang ibon ay hindi naman kapangitan, sa katanuyan ay maaliwalas ang itsura, kung kaya’t hindi tayo tunay na sigurado kung paano o saan nagmula ang paghahambing ng salitang balbal na ito.
Konklusyon
Karamihan sa mga slangs na ginagamit ngayong araw ay hindi natin alam kung saan ito nanggaling. Karamihan din sa mga ito ay  alam natin kung ano ang ipagsabihin. Ang alam lang natin ay madalas itong ginagamit. Kaya ito bahagi ng popular na kultura kasi ito ay kadalasang ginagamit ng mga tao at ito ay kadalasang rin ba ginagamit sa pakikipagusap sa kapwa o ginagamit rin sa pagtukoy ng mga bagay-bagay.
MGA SANGGUNIAN:
Internet
Astudillo, R. (2018, March 14). Your Unofficial Guide To The Etymology Of Filipino Slang and Memes - Positively Filipino: Online Magazine for Filipinos in the Diaspora. Retrieved from http://www.positivelyfilipino.com/magazine/your-unofficial-guide-to-the-etymology-of-filipino-slang-and-memes. 
Bolanos, G. (1982) Tagalog Slang. Market Scene. Retrieved from http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/salitang_kalye.htm
De Guzman, N. (2017). Fascinating history behind Filipino Slang. Retrieved from 
https://www.esquiremag.ph/culture/the-fascinating-history-behind-pinoy-slang--a1729-20171107-lfrm 
[EatBulaga]. (2015, October 28). KalyeSerye Day 1: Ang Simula ng Forever [Video file]. Retrieved from https://www.youtube.com/watch?v=rWDpTFoN6RY
Kram Ssirc. (2011, July 25). Lintik - Brownman Revival” [Video File]. Retrieved from https://www.youtube.com/watch?v=4paZeM11BK0
Limos, M. (2019, December 15). Filipino Slang Through the Decades: Origins and Meaning 
n. a. (2019, June 18). 11 Filipino Slang Words With Surprising Origins 
Posadas, F. (1991). Lintik lang ang Walang Ganti!” [Motion Picture]. Philippines
4 Reasons Why Filipino Slang Words Will Make You Fluent. (n.d.). Retrieved from https://www.filipinopod101.com/blog/2016/07/28/4-reasons-why-filipino-slang-words-will-make-you-fluent/. 
Libro
Austero C. et al.  (1999). Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina. Marikina City Library, pp. 3, 5, 40
Baron C. (2008). Ano ‘yon? Ano ‘yan? The Whats and Whys of Being Filipino. Marikina City Library, pp. 48, 92.
Tolentino R. & Santos J. (2014). Media at Lipunan: Wika at Media. University of the Philippines, Quezon City: The University of the Philippines Press, pp. 191-198
1 note · View note
worldofkanisha · 6 years ago
Text
Kulturang Popular (HALLYU WAVE)
Noong bata ako, lagi akong sinasabihan na may kamukha ako sa mga ‘asian dramas’ na pinapalabas sa tv dahil sa aking pagiging chinita. Kung gayon ako mismo ay naging mas interesado sa mga bagay katulad ng ‘kdramas’ at ‘kpop’.
Tumblr media
Isa sa mga pinakamaagang alaala ko tungkol sa mga dramas ay ang ‘Meteor Garden’. Patok pa ang pagkakaroon ng mga bag o kaya naman damit na makikita ang mga mukha nina ‘Shan Cai’ at ‘Dao Ming Si’. Minsan ay pinagaagawan pa naming mga magkakaibigan ang mga regalo tuwing Pasko dahil mas gusto namin ang litrato na nakalagay sa iba kumpara sa aming natanggap (o kaya naman mas ‘type’ namin ang mukha ng isang lalaki).
Tumblr media
Naging uso rin dati ang mga ‘kdramas’ tuwing hating gabi at dahil lagi kaming magkasama ng aking nanay ay napapanood na rin ako. Tuwing gabi habang hinihintay ang aking tatay galing trabaho, may palabas sa tv tungkol sa ‘historical korean dramas’ katulad ng ‘Jumong’. 
Tumblr media
Sabihin na lang natin na isa sa mga naging unang ‘crush’ ko ay si ‘Jumong’ (naka pula at nasa pinakakaliwa). Hindi man gaanong kaangkop ang storya sa aking edad noon ay isa ito sa mga palabas na mas nagbigay daan sa akin sa mundo ng mga ‘kdramas’.
Sa isang artikulo sa net, isinaad dito ang mga rason kung bakit patok ang mga kdramas sa ating mga Pinoy. Ito ay ang tema, ‘storyline’, ‘production design’, ‘characterization’, at ang ‘Hallyu Phenomenon’ (ang pagsikat ng kultura ng South Korea sa Pilipinas). Ito ay puno ng ‘romance’, ‘friendship’, at mga’ family values’ kung kaya’t naman mas madali at mas nauugnay natin ang ating sarili at ang ating emosyon sa mga aktor at aktres na ating nakikita [1]. Sa isa namang artikulo kung saan ang manunulat ay nagtanong sa mga tao tungkol sa kanilang persepsyon sa ‘kdramas’, iniulat ng manunulat na ang mga mahilig manood ay dahil sa balangkas ng mga palabas [2]. Karamihan kasi ng mga storya sa lokal na telebisyon ay lagi na lang tungkol sa mga ‘kabit’ o kaya naman ‘mahirap na naging mayaman’. Mas maraming pwedeng pagpilian sa mga listahan ng ‘kdramas’.
youtube
Dumako naman tayo sa musika. Nakakagulat man malaman ay ang aking tatay ang unang nagbunyag sa akin tungkol sa kpop. Tandang-tanda ko pa noong pinakita niya ang ‘music video’ ng ‘Wonder Girls’ habang kumakanta ng ‘Nobody’. Sino bang hindi mabibighani sa kanilang mga boses at ang kanilang talento sa pagsayaw? Dahil dito ay mas nagsaliksik pa ako ng iba pang mga ‘kpop groups’ at dito ko nakilala ang 2NE1 (na wala na ngayon :c), Super Junior, at Girl’s Generation. Sila ang mga sinaunang nagpalaganap ng musika ng South Korea sa Pilipinas.
Tumblr media
Dahil din sa aking pagkahilig sa musika ay nalinang ang aking talento sa pagkanta. Di man pawang ‘kpop’ ang aking kinakanta ay naging malaki ang parte nito upang yumabong ang aking interes sa pagkanta. 
Tumblr media
Ngunit hindi rin ako nakaiwas sa mga taong may negatibong persepsyon sa ‘hallyu wave’ at ang pagtangkilik ng mga ‘cultural products’ (palabas, musika, etc.) ng ibang bansa. 
Sa isang pananaliksik, tinalakay ang kultural na pagkakakilanlan sa aspeto ng bansa. Noon pa man ay produkto na tayo ng kolonyalismo. Kung kaya’t nagkaroon na tayo ng ‘inferiority complex’ sa mga kultura ng ibang bansa [3]. Nagkaroon na tayo ng sistema ng pag-iisp na mas nakakataas ang kultura ng ating mga ‘colonizers’ kumpara sa ating sariling kultura. Nagkaroon na tayo ng inklinasyon na tangkilikin ang kultura ng ibang bansa at mas makikilala natin ito sa deskripsyon na ‘colonial mentality’.
Sang-ayon ako na dapat mas mahalin natin ang ating sariling kultura. Lahat ng bagay ay masama kung ito ay nasobrahan. Pwede nating hangaan ang mga paboritong ‘kpop groups’ sa tamang paraan. Sobra naman na kung aabot tayo sa punto ng pagiging ‘stalker’. Pwede nating gawin ang ‘Hallyu Wave’ bilang ‘source of entertainment’ ngunit dapat hindi tayong maging depende dito at mas iangat ito kumpara sa kultura ng Pilipinas.
Talababa:
[1] Escoto, Vicky. "5 Reasons Why Korean Dramas Are Popular Among Filipinos." M2Comms PR Agency Philippines. March 14, 2017. https://www.m2comms.com/blog/2017/3/7/5-reasons-why-korean-dramas-are-popular-among-filipinos.
[2] Gandia, Precious Grace. "Why Millennials Love Korean Drama." Sunstar. December 07, 2017. https://www.sunstar.com.ph/article/408741.
[3]  Igno, Jay-Ar M., and Marie Cielo E. Cenidoza. "Beyond the “Fad”: Understanding Hallyu in the Philippines." International Journal of Social Science and Humanity, September 2016. http://www.ijssh.org/vol6/740-SH013.pdf.
Talasanggunian:
Escoto, Vicky. "5 Reasons Why Korean Dramas Are Popular Among Filipinos." M2Comms PR Agency Philippines. March 14, 2017. Accessed February 05, 2019. https://www.m2comms.com/blog/2017/3/7/5-reasons-why-korean-dramas-are-popular-among-filipinos.
Gandia, Precious Grace. "Why Millennials Love Korean Drama." Sunstar. December 07, 2017. Accessed February 05, 2019. https://www.sunstar.com.ph/article/408741.
Igno, Jay-Ar M., and Marie Cielo E. Cenidoza. "Beyond the “Fad”: Understanding Hallyu in the Philippines." International Journal of Social Science and Humanity, September 2016. Accessed February 5, 2019. http://www.ijssh.org/vol6/740-SH013.pdf.
0 notes
akurue99 · 9 years ago
Photo
Tumblr media
Me to Self: "Gagawin ko ang lahat pati ang Thesis mo." All I'm tryin'to say is I'll do whatever it takes to gather the information we need for this BABY THESIS. Even it means we have to visit Libraries and read BOOKs BOOKS BOOKS. Instant Applicable for Library ID the only way to enter National Library. #NationalLibrary #ResearchPaper #KulturangPopular #AldubPhenomenon
0 notes
glendyloupalen · 10 years ago
Photo
Tumblr media
This is the day You made, I'll rejoice & be glad with all that I am This is the day You made, I'll rejoice & be glad in you. :) - This is the day najud. Defense najud namu. Dili na pwd ma extend ky last nani nga week. Kaya nko ni. Speak life! :) Think positive. :) #Defense. #Filipino101 #KulturangPopular.
1 note · View note