#Kape sinukuan
Explore tagged Tumblr posts
Text
📍Rodriguez Nature Park • Kape Sinukuan • Arayat, Pampanga
This is what I wanted for a long time. I always want to reconnect with nature. I'm amazed by the calm trees, the sounds of birds and crickets, the fresh air, the long walks, the sunset, and the overlooking landscape.
They say this is gala but for me this is life. I'm living my life. This helps me to heal and to reset. I really enjoyed my own company with fascinating food, iced coffee, book, and the view. I couldn't ask for more.
Whenever I take pictures, I always compare it to the real one and I'm just like "iba pa rin sa personal" or maybe I just don't know how to get a good shot. That's why instead of taking more pictures of places that I've been to, I'm more into savoring the moment. I don't even have a selfie! Haha
Cheers for more adventures self, you got this!
16 notes
·
View notes
Text
sometimes i pretend i’m graduating
Now a Graduate. Legit na talaga, tapos ko na thesis ko.
Me nung naddepress na ako dahil sa thesis VS. Me nung natapos ko na thesis ko
Ayoko sana mag-drama sa social media but the past 2 years have been difficult. Sobrang thankful ko sa mga taong naging patient sakin, ang dami kong iniwan na responsibilidad at iniwasan na mga tao nung mga panahon na yon. Naiwanan ko yung pagiging officer ko sa org dahil naging madali iwasan lahat at ang feelings~ muntik makipagbreak sa jowa dahil naging manhid, ni-ghost ang thesis adviser dahil walang mapakitang manuscript, tumunganga sa harap ng kompyuter kahit nakapag-kape na, nag-deactivate ng social media ngunit distracted parin, naging mainitin ang ulo at galit sa mundo, nagpahula na din ngunit kulang... pero sa wakas!!! TAPOS NA DIN.
Salamat sa totoo kong blockmates noon, 4LIT2 2018, hindi ko makakalimutan kung paano niyo pinagaan yung loob ko nung nalaman niyong hindi niyo ako makakasamang magmartsa. Matagal na yon, at marami-raming luha ang naiyak ko nung retreat, pero hindi ko kayo makakalimutan. Salamat sa mga kaibigan kong hindi pinaramdam sa akin na nahuhuli ako at kailangan ko nang ayusin buhay ko. Salamat dahil pinaramdam niyo sa akin na hindi karera ang buhay. Salamat kay Bernadette na naniwala sa akin, nagtiwala at naging sugar mommy ko tuwing kailangan kong mag all nighter sa kapehan (charot not charot.) Salamat dahil suportado mo ako sa lahat ng desisyon ko. Naging mahirap ang lahat, pero hindi ka kumalas. Salamat.
Salamat sa pinakamamahal ko na adviser, Sir Jan Raen Ledesma, sobrang laking pasasalamat ko na hindi niyo po ako sinukuan. Salamat at nagtiwala parin kayo sakin kahit ilang beses akong hindi tumutupad sa deadlines, salamat sa pakikinig nung panahon na humagulgol ako. Salamat ng sobra, sobra, Sir Raen, ggraduate na ako at alam kong wala ako ngayon dito, kung hindi dahil sa inyo. Salamat, Sir Raen.
Salamat sa mga naging propesor ko sa Literatura. Salamat dahil tinuruan niyo ako maging kritikal, maging mapagmahal sa bayan, wika at panitikan. Salamat dahil natutunan ko na lahat ng tagumpay ko ay hindi lamang para sa akin, para din sa lipunan at akademya. Salamat din sa mga kolektib ko, malaki ang ambag niyo sa pagbangon ko. Kayo ang nag-udyok at nagpaalab ulit ng damdamin ko. Cheesy man pakinggan pero sa dami kong natutunan sa inyo, muli kong nahanap ang sarili ko. Salamat sa spirit guides at angels ko. Salamat sa bumasa sakin at nagsabing “Set your soul on fire.” Hindi ko akalaing magiging relevant ang lyrics ni Katy Perry na “Firework” Salamat kay Mama Fe, kahit marami tayong pagtatalo simula sa aking pagiging pasaway, bastos, at pagkakaiba natin ng prinsipiyo, salamat dahil alam kong mana ako sayo pagdating sa pagiging “strong independent woman.” Makaka-graduate na ako, Ma. Natupad na pangarap mo sa aming magkapatid, salamat sa pagsisikap mong mapagtapos kami. I love you, Ma, nandito parin ako para sayo.
0 notes
Text
PAG TYAN MO NA ANG NAGKAPROBLEMA!
Putangina ang hirap ng may problema ang tyan. Kasalanan ko din naman bakit ko nararanasan to. puro skip lunch nung hs, papalipas oras kalalaro sa computer, tapos puro spicy lagi ang kinakain and shitty other stuff. Ayun, last week sinukuan na nga ata ako ng tyan ko. After 5 days na masakit at parang nag buburn ang tyan nagpacheck up nako and ayun baka daw gastritis. Binigyan ako ng gamot na nag rereduce ng production ng acid ng tyan. So heto, bawal ang soft drinks (malamang pati hard), tsaa, kape (babye T_T) at gatas (ULTIMO CHOCOLATE MILK AT MGA ICE CREAM PARANG NAKAKASAKIT NA RIN. POTA ANG SAD T_T)
0 notes
Text
Ngayon ko lang na realize na napaka busy pala talaga ng month of March for me (weekends), dayoff well spent talaga.
3/9-10 • Zambales
3/16 • Arayat (Kape Sinukuan, Mini hike)
3/17 • Coffee date with hs bff
3/23-24 • Benguet - Mt. Ulap hike
3/25 • approved VL, visited my prev colleague (Lupus warrior)
3/30-31 • Attended 7th bday (private resort)
As an introvert, di ko alam paano ko na gain tong enough energy to go outside and to also meet new people. It takes a lot of courage, tho introvert ppl loves to socialize naman talaga. It's just at the end of each day, naddrain ang social battery and need to have alone time sa sarili to recharge.
During weekdays, nakakapag OT pa or minsan ginusguto ko nalang mag OT TY kapag wala naman ako gagawin sa boarding house. Okaya kapag natatapos naman agad workloads, morning walks lang muna at abangan ang sunrise.
Dinadala ko nalang din sa work yung book na bet ko basahin para kapag lunch break or free time/bago umuwi. Literal na uuwi nalang ako sa boarding house to sleep. They know me as someone na taong bahay lang before at masaya kapag may naccancel na lakad. Pero ngayon, feel ko kasi the more na mag stay ako sa boarding house, parang ang lungkot lalo na wala naman yung immediate family ko dito na mapuntahan kahit weekends lang.
Hinahayaan ko parin naman sarili ko minsan na maging malungkot, pero konting breakdown lang tapos smile ulit, laban ulit. Ang dami paring dahilan para maging masaya. Masaya parin naman gawin yung mga bagay bagay kahit mag isa.
Looking forward for this month of April! Chill chill nalang muna siguro, will look for good cafés na may nature vibes parin.
7 notes
·
View notes