#Idadaan ko nalang sa kanta
Explore tagged Tumblr posts
krias-d · 1 year ago
Text
10.29 | 12:40 PM
so nasa flight ako ngayon. tahimik ang byahe. walang signal. naka airpods ako. nakapikit. ito 'yung nakatugtog. full volume.
habang nakapikit ako at nakikinig, ang tangi kong nakikita ay
'yung mismong gabi sa condo - parehas tayong nakatingin sa bintana - pinagmamasdan ang mga dumadaang sasakyan, ang mga ilaw mula sa mga buildings, at 'yung bakanteng lote na ngayo'y naging seaoil station na. haha.
first time kong marinig ang kantang ito nung gabing 'yun. hindi ko maalala kung ikaw nga ba ang nag introduce sa akin nito? pero nung una kong narinig ay nagustuhan ko agad ang kanta.
nagustuhan ko hindi lamang dahil ang ben & ben at si moira ang kumanta, ngunit ang lyrics ay parang nagsasalita para sa nararamdaman ko sa iyo noong mga panahong 'yun.
matagal ko nang alam na mahal kita. hindi ko lang alam kung paano, kailan, o kung dapat ko bang sabihin sa'yo. afterall, meron tayong "crystal", 'di ba?
pero ewan ko ba. kapag ang puso na ang dumikta, ang hirap pigilan. ang puso ko noong mga panahong 'yun, di ko maintindihan. ang lakas ng tibok. may gustong sabihin. dagdag pa ang mga lyrics na ito:
Pasalubong naman sa'king nararamdaman
'Pag umamin sa'yo, sana ay mapagbigyan
Kaibigan o kaya bang mag-ibigan?
Kapalaran ka ba, o pangarap lang?
'Di ko alam kung may pag asa ba sa'yo
Nalilito
O malay natin, pareho lang tayong natatakot
Kaya idadaan nalang sa tawanan
Ang palaisipan kung kaya bang
Maidahandahang ika'y makatuluyan
wala lang. ang pakiramdam ko ngayon habang nagpe-play ang kanta, para akong nandoon sa moment na 'yun. naaalala ko na hindi kita matingnan sa mata kasi maiiyak ako. mahal na mahal kita. at hindi man ako sigurado, pero sa tingin ko, mahal mo rin ako. (o baka assuming lang ako?)
ang sarap lang maalala. napaka nostalgic talaga ng kantang ito. ang nakakatawa pa, pang lima ko na ata itong ulit sa kanta habang nasa flight hahaha. (baka makarating na ako ng Davao na ito lang ang nakatugtog 😅 ) nakasandal pa ulo ko sa window seat ng eroplano na parang nasa music video! hahaha!
ang sarap lang isipin. ang sarap balikan. ang sarap sa pakiramdam.
ngayon lang, nag iikot-ikot ang flight attendant, namimigay ng usual snacks. kasama ng snacks ay tisyu, hindi ko namalayang kakailanganin ko pala ang tisyu para punasan ang luha ko at hindi para sa pagkain. hahahaha. parang tanga. naiiyak na pala ako??? napansin kaya ako ni mojo and kuya mike??? 'di bale na.
hahaha
wala lang. nami-miss kita.
nagpapasalamat ako na nag e-exist ka.
tinanong moko kanina kung mahal parin kita. hindi ko ata maisusulat ang lahat ng ito kung hindi.
mahal parin kita.
mahal na mahal.
1:59 PM - just landed in Davao. yay!
0 notes
whoskyo · 3 years ago
Text
“when you wanna be alone but you’re really lonely
when you don’t even have energy to smile
when you have so much to do
and it builds up and doesn’t go away
when you keep sighing
you can lean on me
with you you, whenever
you can lean on me and rest my dear
with you you, i understand”
15. nasa lyrics na mismo yung gusto ko sabihin sayo bb. i'm not really good with words so sa lyrics at kanta ko nalang idadaan.
1 note · View note
ae-diaries · 5 years ago
Text
A BEACON OF HOPE FOR MY BACON
...Dumadaan ang araw
Di mo na malayan naubusan ka ng oras
Pwede bang humiling isa pang araw na ikaw lang ang kasama?
Kulang na kulang ang panahon
Di sapat ang meron tayo ngayon.
Pwede bang humiling isa pang araw?...
~"Isa Pang Araw" by Sarah G.
Idaan ko nalang ba sa kanta lahat ng message ko? 😂
I suddenly remembered this was the song I sang during my last class with you? (If I'm not mistaken).
Well, to be honest, meeting you was like singing this song and knowing it would be my favorite.
Ano gang drama ni Ma'am? 🤣
It's actually from dilemma-turned-into-drama:
Hindi ko kasi alam kung may makikilala pa ba ako na katulad nyo. Ano nga bang meron kayo?
Let me put into words the things I cannot say in person (due to ECQ & shy type si Ma'am).
For the past two years, you have given me so many reasons to be proud of the persons you've become. Here's some of them:
1) Anjan yung B. E. L
You've proven that there is more to the school day than academics. Na ang life sa SHS ay hindi puro aral lang. You didn't complicate rules to experiencing happiness. Anjan palagi yung pang balanse; mga times na idadaan nalang sa kaen, harutan, parinigan? sampalan? jamming sessions, sayaw, moba, selfie, tiktok, gagamitin ang kawawang kurtina at walis tambo makarampa lang kapag feeling burned out na due to overloaded requirements. You always managed to #BEL yourselves (Balance, Enjoy, Learn) at the same time which is the trait na namana nyo sa adviser nyo. Yan ang tatak Bacon.
And yes there were really times that I gave you the freedom inside the room (anything under the sun but still in adherence to classroom rules) to let you know that you are accepted and loved for who you are. It's my way of training you to explore your individualism, become decisive and matured individuals. You're not in Junior High anymore, kaya nga 'guide-on-the-side' lang ako and not a school guard to monitor you 24 hours. I believe you cannot bloom in an environment that is too controlling. And I think maganda naman ang kinalabasan nyo noh? Batak kung batak lols.
2) SOLIDARITY & INITIATIVE
Right from the start, I'm proud to say na nagbunga naman ang pangungulit ko kasi marami na tayong naipundar sa loob ng classroom, bukod sa Homeroom PTA projects: wall fan, stand fan, tv, remote, bulletin boards, cabinet, cleaning materials, printer, kulungan ng manok este deban, at higit sa lahat ang masasayang nating alaala at SOLID na samahan.
May nabuong attachment, love team, at may mga bagong dumating. Ang nakakalungkot lang ay mayron ding nagpaalam ng di inaasahan. (RIP Rommel 😭).
Hindi rin mawawala na mayroong namuong selosan, bangayan, at nawasak na pagkakaibigan. Surely, you annoy each other, but along with your fight comes the INITIATIVE to make things right without even asking for my help. You fight but you got each other's back. You also find ways para hindi ma-stress si Ma'am. Salamat sa PEACE OF MIND, nakakaganda pala yon? 🤣
And yes, our fam is imperfect but I'm still thankful that despite the many changes and struggles, God did not allow one thing to change. That is UNITY and GENUINE AFFECTION for each other, which becomes your strength and trademark as a section.
(PA-CORNY NA ANG LABANAN. Pls bear with me.) 😜🤣
Minsan nasabi ko, "Okay naman ako bago ko sila nakilala, kaya siguro naman magiging okay ulit ako by the time na gagraduate na sila."
Yan yung bagay na sumagi sa isip ko noon. Pero di pala ganon kadali yon lalo na kapag napalapit na ang loob mo sakanila. Hindi naman sila pdf pero bakit madali akong na-attached? 😜 Nakakamiss lang kasi yung ganitong feeling...nagsisimula at natatapos ang status ng klase na 'feeling overjoyed' ka sa sobrang natural at kalog nilang turuan, pero hindi ko rin maiwasang nasusundan ito ng lungkot at panghihinayang (on my end) sa tuwing maiisip ko na aalis na sila. Eto na naman ako, pahirapan sa pag-disconnect. Marami akong sinulat sa planner na gusto ko pang gawin sana kasama sila. Di ko namalayang naubusan na pala ako ng oras.
Ngayong tapos na, alam kung may kulang na at wala akong choice kundi tanggapin na lang na at the end of it all, iiwan padin naman nila ako. Hindi ko kasi alam kung may makikilala pa ako na kasing hype nila. Gayon pa man, patuloy ko padin silang mamimiss at ipagdarasal kahit ako nalang toh. (Apaka drama 😜)
To my HUMSS 12 - Francis Bacon, it has been an amazing ride with you. Pwede bang 'Isa Pang Araw?' (Pa-corny natoh 😅)
Kulang na kulang ang 'thank you' at 'I love you' with all the celebrations you threw, which left footprints in my heart. Sinabi ko sainyo noon na I'm not used to these kasi nga lowkey type lang si Ma'am at feeling ko di ko naman 'deserve' yun. Never it occurred to me na may makaka-appreciate pa pala saken kagaya ng pinaramdam nyo. You had no idea kung gaano nyo ko napapasaya at napapaiyak (secretly). Sobrang kong mamimiss lahat ng prank, kaCOOLitan, #powerNgangabu, artistry nyo sa stage play (dito talaga kayo the best eh) at higjt sa lahat yung respeto (kahit magkaka-edad lang naman tayo 😜). Napabilib nyo talaga si Ma'am. 👏
I will be forever thankful that you and your parents have trusted me enough to cradle you in my arms for the past two years. You are not perfect, but that's perfect for me!
This has been your adviser Mamshie Ae (Angel/Ivana), now signing off. Peace out! 😘
#spilledink #since2018 #solidFB #forkeeps #beacon_of_hope_for_my_Bacon #quarantinediaries #WeHealAsOne
6 notes · View notes
thenandemonai-blog · 5 years ago
Text
Hangarin
Alam mo pinaka ayokong nararamdaman ko sa sarili ko? Yung magka gusto sa isang tao.... Kasi di mo alam yung posibilidad na mangyari kapag nag kakagusto ka na mapupunta ba siya sa maganda na magiging siya na talaga or ito ay magiging parang nakaraan lang na dumaan upang saktan ka. Noon kasi yung pinaka plano ko talaga dati pa kung sino una ko maging irog ay siya na talaga hanggang sa huli na isasaskripisyo ko ang lahat para sakanya. Kaya nag intay ako ng napakatagal para dumating yung taong yon hiniling ko siya at ayon dumating naman siya ayon tumagal kami. May mga pag subok na dumating na magiging dahilan upang mag hiwalay kami kaso hindi yon nangyari dahil ipinag laban namin ang isa’t isa. Kasi ganon naman talaga kung mag mamahal ka handa ka dapat ipag laban kahit na masakit na. Kagaya ng pakikipag hiwalay niya lagi na nakaka ubos ng sarili. Na hindi ka na makapag salita kasi alam mo kung ano yung sasabihin niya kapag naprepressure na or nahihirapan na siya sa isang sitwasyon yung salitang “Break na tayo” or “Mag hiwalay na tayo” haha. Sa tuwing maririnig ko yung salitang yan. Kusa nalang tumutulo luha sa mga mata ko na kahit ilang beses niya sabihin yon hindi nag babago yung lungkot ko hindi ako nasasanay. Takot na takot akong mawala siya. May mga sitwasyon din na talagang nabaliw ako o naparanoid sa isang bagay na sinabi niya. Ilang araw akong di makatulog, at sa tuwing sasabihin niya iyon ay namumutla ako at yun ay ginagawa niya lang biro. Sinabi ko naman sa kanya yung bagay na yon na wag gawing katatawanan kasi nakaka apekto siya sa akin ng sobra kaso di ako mapakali na baka totoo nga iyon ang hirap sobra nung sitwasyon na yon pero nakalagpas naman kami sa pag subok na yon. Yun nga lang narealize ko na di niya nararamdaman kung ano yung nararamdam ko nung panahon na yon. At itong sumundo na pag subok ay pinayagan ko siyang makipag meet dun sa reunion nila nung highschool sila at yung mga highschool na kaklase niya ay inaasar siya dun sa isang kaklase nila na nagustuhan niya din nung highschool pa sila. At pagkatapos ng pag kikita nila na yon ay nakita ko yung chat niya dun sa isang kaclose niya na kaibigan na nahuhulog na daw siya dun sa taong yon. Nag intay lang ako na sabihin niya yon sakin kaso tumagal ng ilang buwan tila nakalimutan niya nalang na kailangan ko din malaman yung sitwasyon na yon. Linggo linggo ay nakikipag break siya, nagkaka gusto siya sa ibang tao habang kami pa, madalas sobrang cold niya at yung ginagawa niyang katatawanan yung isang bagay na seryoso na sinabi ko na wag gawing biro dahil iyon ay nakaka apekto ng sobra sa nararamdaman ko. Gumagawa pa din ako ng paraaan upang lumakas ang apoy sa relasyon naming dalawa. Simula ng naging kami ay tila ako ay isang manliligaw pa din hanggang sa huli. Lahat ng bagay naman ginawa ko para sa kanya, oras, effort, bulaklak, sorpresa, sulat, kanta, at tula. Yung sarili ko ay umiikot sa mundo niya. Lahat ng bagay na ginagawa ko ay laging nakalaan para sa kanya, lahat ng masasayang bagay na sa tingin ko na makakapag pasaya sa kanya, mga lugar na puntahan na gusto ko ay kasa-kasama siya, at kahit saan pa man basta kasama siya masaya na ako. Ngunit ang mga bagay na yon ngayon ay nawala na. Limang taon kong pinoprotektahan siya ngunit ngayon ay may kumuha na sa kanyang iba at yung bagay na pinaka mahalaga pa sa kanya  ay nakuha pa, na pinoprotekthaan ko hanggang sa magkasama kami sa altar. Pero ngayon ay naging magandang mag kaibigan naman kami ngunit wala na yung pag ibig na nakikita ko sa kanya at alam ko naman na masaya na siya sa iba. Alam mo yon kung talagang mahal mo talaga yung isang tao mas pipilliin mong mas sumaya siya kaysa sa kasiyahan na mararamdaman mo yung ang ginawa ko nung tinanong ko siya kung may pag asa pa ba kaso ang pinili niya ay iba. Hinayaan ko siya at sinuportahan sa taong gusto niya na kahit na sa sarili ko ay masakit na mawala siya. Pagkatapos namin dalawa ay nahulog ako sa kakilala niya at ayon din ay ginawa ko ang lahat at pinaramdam ko na napaka espesyal niya na kahit na may ibang lalaki siyang nakakasama at nakakatalik niya ay naag eeffort pa din ako na sana maging kaming dalawa. Ngunit sa ginagawa ko palang yon ay sinisira ko lang ang sarili ko na alam ko naman na sa sarili ko ay wala ng pag asa ngunit ako ay tuloy tuloy pa din sa pag mamahal sa kanya. Hahaha. Nakakalungkot man na alalahanin ngunit dito mo lang malalaman kung tapos ka na ba sa mga yugto na dumaan sa buhay mo at nasakop mo na ba sila o andun ka pa din nakatayo at nakikipag laban sa gera. At ayun nga pagkatapos kong alalahin itong lahat ay masasabi kong natalo ko na sila. Masaya akong dumaan sila sa buhay ko na sa bawat dasal ko ay laging kasama sila at hinihiling ang proteksyon nila galing sayo Panginoon. Maraming salamat sa pag daan nila sa buhay ko dahil walang mabubuong Ako kung di sila dumaan sa buhay ko. Ngayon ay nahuhulog nanaman ako at nakaka gusto sa isang tao. Ngunit natatakot na akong masaktan ulit dahil lahat nalang ng dumaan ay ang naging katapusan ay sakit. Pero masaya pa din ako sa mga saya na ibinigay nila habang nakasama ko sila. Talagang sa isipan lang ng tao na mas tumatatak ang lungkot kaysa sa saya. Na kung bibilangain mo ay kakaunti lang ang lungkot at saglit lang kaysa sa saya na ibinigay nila. at ang lungkot ay dumating nung huli na kaya mas tumatatak siya. Kaya ang tanong ko ngayon sa sarili ko ay “tuluyan ko bang tatakbuhan itong nararamdaman ko na kagaya ng dati o ipag lalaban ko to na parang bulag na hindi alam kung ano ang mangyayari, Ngunit ganon naman talaga pag may gusto ka sa isang tao na handa kang isakripisyo ang puso at damdamin mo kasi ganon naman talaga kapag nag mamahal kung di ka masasaktan ibig sabihin lang non di ka nag mahal. Gusto kong ituloy to ngunit gusto ko muna ng basbas o senyales galing sa Panginoon kung itutuloy ko ba siya. Alam mo ba kung bakit natatakot ang isang tao na malaman ang isang bagay na gustong gusto nila kung mapapasa kanya ba o hindi? Yun ang malaman na hindi pala siya talaga nakatakda sayo ngunit gusto mo siya sa buhay mo. Kung dati ay hinihiling ko ang isang tao. Ngayon ay idadaan ko  sa pag titiwala ko sa Panginoon ang pag ibig na inaasam asam ko. Dahil bawat galaw ko simula ng dati pa ay idinadaan ko pag hingi ng senyales galing Sayo. Hindi ako nag mamadali dahil ang gusto ko ngayon ay kung sino ang dumating ngayon na ibinigay ng Panginoon ay siya na talaga. Ayoko nang panandalian lang na pag mamahal na hindi katulad ng karamihan ng mga lalaki na gusto ay panandalian lang . Matutupad kaya ang senyales na ito? Sana dumating ka na.
0 notes
highsareoverrated · 6 years ago
Text
Ang Huling Biyahe Pauwi ng Rizal
Ika - 12 ng Mayo 2017, Pagod nako. Ramdam ko na ang lamig ng silid sa aking ilong at mga daliri, Bawat hininga ay mas mababaw kaysa sa una. "Putangina kape na muna" Bulong sa sarili. Alas sais na pala ng dapithapon, dalawang oras ko na pala binabasa ang aking libro. "Marlboro Pula tsaka kape patimpla". Bawat higop sa kape at hithit sa yosi iniisip kita; "Asan ka na kaya?" buga "May pag-asa pa kaya?" Higop. Ubos na yosi ko pero madami parin akong tanong ang daming bakit pero walang sagot. Ramdam ko na malapit na ang katapusan, dapat handa nako, Alam kong iiwan mo ako pag nagkita tayo, mas mabuti ata na magkahiwalay nalang tayo ng eskwelahan para narin matuto ako mag-isa at makalimutan narin kita sapagkat hindi rin naman kita kayang panatiliin sa aking piling.
"Putangina Alas onse na, sa bahay nato." Habang nililigpit ko ang mga gamit ko, tumugtog yung kanta nating dalawa. Yung unang kanta na isinayaw nating dalawa sa ilalim ng mga bituin? Oo ayun. Nasa labas nako ng building, Nagyoyosi sa harap, pinapanuod lahat ng sasakyan at ang mga lasing umuwi sa kani-kanilang mga bahay.
Pauwi nako, Alas dose na, Naka- Limang yosi agad ako. Sarado na ang mga establishimento at tahimik na ang mga kalye. Tuwing dumadaan ako sa lugar nato laging kong sambit "Dito nagshooting yung autotelic para sa music video ng gising". Di ko alam kung bakit pero bakit parang alam ko kung nasan ka? Parang alam ko na andyan ka lang sa tabi ko, parang may parte ng kaluluwa mo na natira sa katawan ko; Di bale na idadaan ko nalang sa yosi to.
Dumaan na yung bus, Ang huling Biyahe pauwi ng Rizal, madalas tayo sabay umuuwi dati. Pero ngayon, uuwi nako ng mag-isa. Kasi kaya ko na at alam kong hindi ka na babalik.
Tayo lang ang may alam. Pero sa kwento na'to, ako lang.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
iamtricialansang · 8 years ago
Quote
Pag-ibig na palaisipan sa kanta nalang idaraan
Narda, Kamikazee
0 notes
korekkongbata · 12 years ago
Audio
Migraine
Oo nga pala,  Hindi nga pala tayo Hanggang dito lang ako  Nangangarap na mapa-sayo Hindi sinasadya Na hanapin pa ang lugar ko Asan nga ba ako? Andiyan pa ba sa iyo?  Nahihilo, nalilito Asan ba 'ko sa'yo?  Aasa ba ko sayo?  Nasusuka ako,  Kinakain na ang loob Masakit na mga tuhod,  Kailangan bang lumuhod?  Gusto ko lang naman,  Yung totoo Hindi po ang sagot,  Ay 'di rin isang tanong Nahihilo, nalilito Asan ba ko sayo?  Asan ba ko sayo?  Nahihilo, nalilito Asan ba ko sayo?  Aasa ba ko sayo?  Dahil 'di na makatulog (makatulog) Hindi na makakain (makakain) Dahil 'di na makatawa (makatawa) Dahil hindi na...  Oo nga pala, hindi nga pala tayo Hanggang dito na lang ako Nahihilo, nalilito Asan ba ko sayo? Asan ba ko sayo?  Nahihilo, nalilito Asan ba ko sayo? Aasa ba ko sayo?  Nahihilo... Nahihilo...  Nalilito...
33 notes · View notes