#HALA GAGAWIN Q BA
Explore tagged Tumblr posts
imblocking-you · 2 years ago
Text
Also, big throwback sa masc era ko. I feel very powerful wearing this lololol, as if I own the room. Ang nostalgic niya HAHAHA para nanaman akong lalaban and ramdam ko na pagkapanalo. Hala alam q n magiging traumatizing and nakakapagod and malaking commitment pero nattempt talaga kong bumalik
Had to replace my new lanyard because a hard to replace part of it kinda broke so I had to look for a lanyard inside the house. Found one for my mouth guard from old sports gear. I wore it and had kinda relived both the adrenaline and anxiety of games. How weak I was back then. I back down easily, I can't try and try again, I'm never on top of my game, there was no drive at all.
It made me look back at how much development I actually got these past few years. Like my fervour to learn now and never leaving things subpar, and all my pent-up anger will definitely help me thrive in my sport. I'm so different from who I was back then but it's insane how the fear and inability to believe in myself remained all the same.
1 note · View note
reigne19 · 3 years ago
Text
notes.
to my love
April 26/ 4:45 PM
hi love,
kumain na po ako ng meryenda sana kumain kana ng tanghalian mo po i miss you love super i hope ur okay na po i miss ur kisses and hugs always i love you po!
April 26/ 7:08 PM
hi mahal ko,
kakagising ko lang po sarap ng tulog ko sobra ang himbing po sana okay kana love at sana nakakain ka nadin po. Alam mo ba love nagtalo kami ng nanay ko kase nga gusto ko na magbayad bukas kaso tinatamad daw sya mag withdraw kaya hindi tayo makakapag kita bukas kaya malungkot nanaman but it’s okay lang love hihi i hope makapunta ka sa mismong kaarawan ko i love you love!
April 26/ 7:18 PM
hi loveeee,
sorry love wala akong magawa or paraan para hindi kana maging malungkot ang tanging alam ko lang is magiging okay din ang lahat mahal ko alam ko sa ngayon mahirap pa pero kahit paunti-unti magiging okay nadin. Kumain kana mahal ko ha, alam kong malungkot ka padin pero wag mo naman sana idamay pati katawan mo na ginugutom mo pa kain kana love ha. i love you!
April 27/ 9:32 PM
hi love,
goodmorning kakagising q lang ulit po sobranb sarap ng tulog ko netong nakaraan grabe yung pagka antok q hindi ko alam kung bakit pero anyway sana kumain kana ha. Hindi pa ako nakakababa kase tinatamad pa ako pero maya maya po baba naman na ako i love you!
April 27/ 9:48 PM
hello love,
nakakain na po ako nag coffee aq 1 cup lqng po hehe.
April 27/ 11:13 PM
hi loveee,
paka tagal mo mag reply po pero ayos lang. Grabe yung prof namin hataw na hataw sa pag bigay eh 10 pnts lang naman pero ayos naman na love nakapag pasa naman na ako. Kumain kana ba ng tanghalian? if hindi pa kain kana hihi kahapon kapa walang kain eh.
April 27/ 2:57 PM
hi,
inaantok nanaman ako mahal ang tagal mo naman ata mag reply? ako parin ba? sana nakakain kana po ha. baka makatulog ako love ha sorry po hehe i love you!
April 27/ 7:18 PM
hi love,
katapos ko lanv po maligo hehehe dimo ba ako namimiss? emz nakakain kna ba? kain kana po hehehe i miss you tapos nadin po ako kumain.
April 27/ 8:49 PM
hi loveeee,
kakagising q lang akalain mo yun nagising pako? emz sarap ng tulog ko sobra sobra po hihi kumusta ka naman at ano ginagawa mo nyan?
April 27/ 9:43 PM
hi love,
nagsukat aq ng bili kong damit sa shoppeee ang sisikip kaloka pero ayos lang naman ata sya hihi sana u doing good po hihi.
April 28/ 3:27 AM
hi loveee,
hindi ako makatulog amp hirap na hirap ako kase nakatulog ako kanina eh goodnight love!
April 28/ 12:09 PM
hi love,
nandito aq sa kfc bwahahaa iniwan ako ng nanay q mag isa kawawa naman aq emz. pero ano nahihilo kase ako hala ka jn. pero wala naman kase ako tulog kaya siguro nahihilo din ako kumain kana b? baka pagka uwi ko matulog na ako ewan ko lang sana makatulog aq wish mo pls bwahahah love you pi!
April 29/ 1:00 AM
hi loveeerr,
sorry hindi aq nakapag update halos puro aq tulog lang ginagawa ko hahaha sana nga makatulog aq eh. Napaka aga mo naman matulog mahal q po ayun lang love gusto q sabihin hihi love you po and goodnight hihi!
April 29/ 9:08 AM
hi loveeeer,
goodmorning hihi sana nakakain kana po ng breakfast and nakauwi kana hehe sana naman tawagan moko diba? emz. Alam mo ba ang sarap ng tulog ko sobra hindi ako nagising ng madaling araw balak ko pa nga sana matulog ulit kaso wala si mama wala mag aasikaso mwehehe kaya can we have bebetime muna? i miss you my loverrrr i hope to see you soon na po i love youuuu!
April 29/ 2:59 PM
hi loveerrr,
katapos ko lang po mag exam i got high score po but hindi po umabot sa passing score 2 points nalang love :< sayang. what are u doing po love? i want to rest na sana kaso hirap naman hahahaha nakauwi kana ba? kumain kana ba? kung hindi pa kumain kana po ah hihi. i love you my lover!!!
April 29/ 4:57 PM
hi love,
sorry po about what happen kanina natawa lang ako bigla sorry nood kana muna maging okay din po ang lahat sorry love. I love you!!!
April 29/ 7:38 PM
hi loveee,
iniisip ko kung gagawin ko naba biochem ko pero deadline na kase eh pero i will do it nalang siguro bwahaha no choice eh tangina ang tagal mo anman mag reply ako parin ba? HAHAHAHA emz love you!!!
April 29/ 9:26 PM
hi love,
tagal mo po mag reply nabulunan kana ba ng kinain mo ha? HAHAHAHAH emz i love you!
April 29/ 10:15 PM
hi loveeerrr,
katapos ko lang po kumain ng noodles kase tinatamad ako mag luto ng hotdog HAHAHAHAH then nag coffee na po aq hihi. tagal mo inaka i miss you and i love you!
April 30/ 1:00 AM
hi loveee,
yey it’s my birthday i’d like to spend time with you this day but you don’t have time naman po :< i know your sleeping na love hihi i love you mahal ko sleepwell!
April 30/ 2:44 AM
hi loveeee,
inaka ka nag oonline ka hindi mo nirereplyan inang yan binabadtrip mo ba aq? anyway kakagising q lang nahihirapan aq makatulog eh HAHAAHHAHA love you!
April 30/ 6:10 AM
hi loveeeerrr,
paalis na po kami hihi tulog nalang siguro aq sa byahe po hehe eat ur breakfast na loverrr hihi i love youuu!
April 30/ 9:26 AM
hi lovee,
andito na kami sa val nagpapahinga lang po ako ginagawa mo sarap naman po ata ng tulog mo mahal? sana nakakain kana hihi i love you ingat ka po!
May 1/ 6:01 PM
hi loverrrr,
sorry hindi me nakapag update ayun medyo hindi enjoy kase wala ka pero i’m so happy padin naman kahit papaano hehe tagal mo ata mag reply? aq paba? emz sana maganda araw mo ngayon mahal ko kakauwi lang po namin uminom aq ng ano soft drinks and gulaman po hihi. i love loverrr!
May 1/ 9:48 PM
hi,
inang yan grabe yung inis ko kase tagal mo mag reply amp grabe na tong pag ooverthink ko aq padin b? haha sana nakakain kana po love u!
May 4/ 12:16 PM
hi loveee,
mag take na ako exam ko po hihi and hindi na manghuhula i know u busy naman that’s why i did this isipin ko nalang na ganto palagi ako nakakapag update hihi sana nakakain kana goodluck sa game mo hihi love u!
May 4/ 5:42 PM
hi loveeee,
katapos ko lang maglaro bwahahaha gm iii na aq 🤪 mukhang may nakakalaro ka naman na eh cnu bha naman aq emz. goodluck po sa laro mo hehehe love u!
May 5/ 7:25 PM
hi loveeeeeer,
i miss you po hehe sana makapag kita naman tayo diba? hays i love you sobra mwehehehe sana nakakain kana po hihi ang cute ng aso namin no? nanay q nag name dun bwahhahaa update me pleaseee if ever na nasa pampanga kana mag cry na aq nyan hehe love u!
May 6/ 2:45 AM
hi loverrr,
enjoy ka lang dyan ha but please. wag kana kumausap ng iba or magpa reto ha u know the consequences diba if ever?? hayaan mo na habang binubuo ko yung sarili ko sinasama kita sa pag buo neto i love you mahal ko and i really miss u!
May 6/ 7:02 PM
hi loveeee,
grabe yung pagod sobra pero enjoy naman po mahal ko saya sobra bili nga sana aq merch eh :< kaso ayoko nakakatamd nasa dulo pa haba pa pila eh. Kumain kana ba? Kumusta ka naman? Musta naman araw mo? May problema ba? Ano gawa mo ngayon mahal? hahaha dami ko tanong no sorry ha. namiss kita sobra mwehehe love u po ingat ka sa lakad mo bukas ha i miss you po sobra balak ko nga sana puntahan kita kaso ano oras nadin message mo nalang ako kapag okay kana i love you po.
May 6/ 9:49 PM
hi loverrrr,
idk if tulog kana or ewan kakagising ko lang po hehehe and sakit ng lalamunan ko sobra kaloka akala ko nga bukas nako magigising eh kase grabe yung pagod talaga mwehehe sana nakakain kana po mahal ko i will sleep na po ulit mahal ko ingat ka po sa byahe hihi i love youuu!
May 7/ 9:49 AM
hi loveeee,
cutie same ng time sorry love if naging uncomfy ka about dun sa friend q hehe and about sa call sorry if nakaka abala pala ako sayo hahaha diko naman alam bigla akong nanghina at natakot dahil sa boses mo. Kumain kana ba? Nadala mo ba dapat mong dalhin? mag ingat ka po sorry i love you!
May 7/ 11:53 PM
hi loveee,
sorry hindi me nakapag update eh nalowbat ako sa byahe i want to buy u sana ng battle pass kaso ginastos ko pala may bili kase aq. sorry love bawi me next time u didn’t reply padin naman po hihi but i understand naman na kase may galit ka padin sakin sorry love i love you!
1 note · View note
firstofaugust-blog1 · 7 years ago
Text
07-26-2017
11:58 AM. JWU. Bakit ganon? Okay na ako kahapon eh. Ngayon ganito nanaman paggising ko. Sakit nanaman ng puso ko. Wala naman ako panaginip. Siguro namimiss ka lang nito. Ang sikip parang di ako makahinga. Dahil ata sa ulan ‘to eh, kaya malungkot yung gising ko.
Anywayyy good morning!! Lunch time na, ang aga ko nagising. 6 na ako nakauwi eh. Tinatamad ako pumasok. Umuulan ata sa labas eh. Ayoko din naman magmukmok nalang dito. So paano na? Haha. Lunch ka na, kumakain ka na ba ng ayos? Malamang diba di ka naman tulad ko haha. Sana masaya ka. 😊 Sana maluwag na yung dibdib mo. Hanggang kailan ba tayo ganito?
1:55 PM. Ayuun. Uber na ako. Nagbreakfast na ako sa wakas. Naglugaw sila sa bahay eh. Ang sarap hehe. With bawang, chili, pepper, onion springs and calamansi!! Miss kita ulit haha yung calamansi kasi ang lalaki eh. Lumapit nanaman si mommy. Ano daw problem ko. Hahaha. Sabi ko baliw sya. Atleast di na ako naiyak ulit. Wala na ubos na luha ko. Puso ko nalang umiiyak hahahaha char.
Nanood sila showtime hahahha nakakatawa pala yun? Yung Q&A ng mga bading hahaha sayang di ko natapos dumating na uber eh. Pero gusto ko manood araw araw hahaha nakakatawa yung mga bading ang wiwitty. Watch mo yung episode today! Haha. Naglunch ka na kaya?
3:27 PM. Office na meeeee. Katamad today. Hehe. Dami namin free time, dinner tayo! Hahahaha. Feel ko maaga kami uuwi. Dalaw ata si gianina dito, gusto ko magkwento pero baka yakapin ko nalang sya hehe. Nakakatuwa kahit papano may friends din naman ako na maaayos. Pero miss ko na bestfriend ko. 😢 Ikaw yon hahaha ngayon etong Tumblr nalang ang bestfriend ko.
Anywayyyy gutom ako ulit? Naglugaw naman me. Bili ako pineapplejuice at skyflakes sa family mart. Lamig ngayon, parang tayo. Hahahaha . Dinadaan ko nalang sa haha lahat para makalimutan ko na masakit. Hahaha. May lakad ka nga pala mo? San ka kaya pupunta? San ka kakain? Oks na din yun para bumalik na yung saya mo, alam ko naman lagi ka masaya pag kasama mo sila eh. Nafeel ko na kasi dati na parang di kita napapasaya katulad ng saya mo pag kasama sila. Kaya pag nagkkwento ka tungkol sakanila nalulungkot ako ng konti. Pero okay lang naman kasi alam ko naman na magkaiba kami. Anywayyyyyyyy hahaha enjoy ka later sana matuloy kayo. 😊 Behave ka lang ha hahahaha i love youuuu facebook muna ako. 😙😙😙
7:29 PM. Hiii. San ka na kaya? Natuloy kaya kayo? Or gym ka ngayon ulit? Or uwi na? Hmm. Dinner ka na ba? Nagugutom na ako. Dko alam ano kainin ko. Tatamad ako bumaba umuulan eh. Aun petiks ngayon dito sa office. 5 palang ticket ko sa buong release na. Hahaha wrong timing talaga kainis. Aun. Pwede pa ako umuwi ng maaga. Gusto ko na nga umuwi ng 10 eh kaso wala naman ako gagawin sa bahay kaya dito nalang.
Aun miss na kita, tinitignan ko ig feed mo kanina eh. Di ka narin naman nagppost ng pics natin!! Mas madami pa ako post kesa sayo this year no hahaha. Tapos nakita ko yung posts ko nung 5th anniversary natin. Lungkot nanaman ako. Ganda pa ng mga caption ko eh hahahaha tapos wala rin. Miss na kita love, balik ka na, akin ka na ulit. Tagal mo naman eh hahahaha. Sana sa anniversary natin okay na ulit na parang joke lang to lahat hahaha. Pero syempre asa naman ako diba. Hahaha. Pano kaya ako mabubuhay sa araw na yon? Deploy pa naman. Hmm. Lutang nanaman siguro ako nun. Anywayyy sige code na ako ulit. Mahal kita. 😙
7:47 PM. Hala tamad talaga ako. Lumilipad yung isip ko sayo. Ano na kaya ginagawa mo ganun? Tumatawa ka kaya? San ka na kaya. Hmm. Dapat dinner tayo ngayon eh hahaha gutom na talaga ako. Kaso ayaw ko kumain sa baba wala ako kasama malulungkot lang ako kakaisip. Hayss balik ka na kasi!!! I miss you so much 😢😢😢
8:01 PM. Tatamad talaga ako magwork!!!! 2 days na tayo wala usap ahhh. Tibay ahh. Hahaha. Gutom na ako huhu tagal ni jen sasabay ako eh.
8:49 PM. Tagal putek. Di parin sila tapos. Kung kaya ko lang kumain magisa ngayon eh, kanina pa ako tapos. Hayyy. Kumain ka na kaya? Nakailang refresh na ako ng facebook. Sobrang bored ko wala ako magawa haha. Actually may tickets naman pero wala ako gana. Miss na kita kausap. Hay.
0 notes
czrv · 8 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
SG MEETING!
May 24, 2017:
Gumising ako ng maaga kasi may meeting ang Student Government Officers, gagawa raw tayo ng pang exhibit para sa first day. So ako si pabida, excited.. kumain at naligo (syempre). Pagkapunta ko don sa school, wala namang tao? Hahahaha! Ang nakita ko lang don, sila Bettina, yung gradeschool na SG officer din, anak nung adviser ko nung grade 9. Andon din yung tres marias, mga grade 7 naman sila. Tinanong ko, nasaan sila? Sagot naman nila, nag SM daw! Uwian na raw. Eh hala, kakarating ko lang, uwian na agad? :(
Since poor ako and walang data, nakichat ako kay Bettina, tinanong ko kung nasaan ka na? Ang tagal mo naman. Tas hindi ka pa nagrereply.. sabi ko, hihintayin kita kahit anong mangyari. Oha! So ayun na nga, umalis na ako don sa mga bulilit at umupo nalang don sa blue chair, malapit sa cashier. Umuwi na rin sila Bettina. Wala masyado tao kasi lunch time na, dumaan naman si Maam Magisa sa harap ko (SG Adviser). Sabi niya, nag uwian na nga raw since wala masyadong gagawin. Umuwi na rin daw ako, sabi ko, may hinihintay lang po. Napa-sige na lang siya, at umalis na rin. Hahaha! Tas nandun na siya sa gate, sinenyasan niya ako, “eto ba yung hinihintay mo?” Tapos ayun, sa wakas, dumating ka na ring panget ka! Tinawanan mo lang ako habang inis na inis ako. Oy ah, kalahating oras din yun! -_-
So, yun na nga, lumabas na tayo ng school, “san tayo pupunta?” ang mahiwagang tanong sa mga isipan natin. Ewan, basta tara na! Tapos, naglalakad na tayo sa tapat ng school, bigla kang huminto sa motor. Edi ako naman kalma lang... HA!? BAKIT KA MAY DALANG MOTOR? BALIW KA BA! DELIKADO, ANG INIT INIT MAG MOMOTOR KA? DI AKO SASAKAY DYAN NATATAKOT AKO! (Syempre, nag-inarte ang maganda.) Sabi mo, kain na lang tayo sa Love Mugs Cafe. Magtricycle na lang ako. Eh sabi ko, wag na. Umuwi nalang kami. Pagkurap ko, nakasakay na ko don sa motor, umaandar na, sumisigaw ako! WAAAAAA, MAMAAAAAAAA! HOY ANO BA WAG MO BILISAN MABUBUNGGO TAYO! HAHAHAHA. Kung binabasa mo pa rin to hanggang sa point na to, wow congrats, pinag-aaksayahan mo na naman ako ng oras. Ayun na nga.. tuloy natin sa next paragraph.
Broooooom broooooom brooooom, sabi ng motor.
WAAAAA MAMA YAW Q NA, sabi ko.
Hala, sarado. Pagasolina muna tayo, sabi mo.
So bumaba ako sa motor mo, umupo don sa gilid ng pagasolinahan. Para akong natrauma kasi natulala ako. Pagkatapos mo magpagas, lumapit ka sakin, sabi ko ayaw ko naaaaaaaa hindi na ako sasakay dyaaaaaaaan! Kumurap ulit ako at nakasakay na ako. Pano nangyari.. Hahahaha! At ang ending, nag SM nalang tayo. Syempre, mag papark ka. At sabi mo matutuwa ako don, nagtaka naman ako. Bakit ako matutuwa sa pagpapapark mo? Baliw ba ako? 
WAAAAAAAAAAAH ANG SAYAAAAAAAAAAA! HAHAHAHA. Ayon na nga, ang saya. Nagsaya ako. Tama ka! Hahahaha! Paikot kasi na pataas yung papunta sa parking ng mga motor so eto namang ako, enjoy na enjoy. Pinapark mo na nang humiling akong isa pa kasi masaya. Pero sabi mo, “BALIW!” Hahahaha. Pagkapasok natin ng SM, kumain tayo sa Mcdo. (Wow, bagong-bago) At pagkakain natin, nilibot natin yung Marian Exhibit sa Event Center. Ang cute lang kasi nag-aaway tayo kung anong imahe ni Mama Mary yon, ikaw puro ka “Our Lady of La Naval” dyan. Hahaha! Pinatayo mo rin ako don sa tabi ng isang poon. Tas sabi mo, wag ako gagalaw. Edi ako naman, uto-uto. Sa hindi ko alam na dahilan, sumunod ako. Pagkatapos nagvideo ka. Sabi mo, mukha akong poon kasi sa buhok kong kulot at buhaghag.. -_- Naisahan mo ako don ah, pasalamat ka at feeling blessed ako nung mga time na yun. Hahaha! So, yun, picture picture lang tayo kay Mama Mary at nilibot ang SM.
Nang wala na tayong magawa, tumambay tayo doon sa parking, nakaupo tayo doon sa motor mo, habang nakatingin sa asul na kalangitan at nag-uusap ng mga malalim na mga bagay. “Ang ganda ng buhay noh? Ang daming bagay na hindi natin ineexpect na mangyayari. Pero andito tayo, nakaupo sa motor, mukha tayong ewan, pero masaya tayo.” Ang ganda rin ng tanawin, hindi natin napicturean para maipost dito. But no regrets, because I enjoyed being with you behind the camera. Kung ano man yung kinekwento ko ngayon dito, these words are nothing compared to those moments. Sobrang priceless talaga, I’m happy I spent this day with you. 
This is only our story retold, some details could not be written. But in that very moment, our hearts were full of happiness and contentment. That is the reality I never thought would happen. You.. are my reality.
To end this kwento, nung tapos na tayo magdramahan, nagmotor ulit tayo pabalik ng bayan, gusto ko kasi ng ice cream.. so tumungo tayo sa swirls. I bought two. One for you, one for me. Sabi mo wag na. Pero deep inside alam ko gusto mo rin. Dinagdagan ko na rin ng fries kasi patay gutom ako. Hahahaha! After that, hinatid mo ako sa GT OIL (sakayan ko ng jeep), saying “last na, na sasakay ka sa motor na ‘to ha, sabi kasi ni Ate, wag kita isakay dito, baka madamay ka pa kung mapapahamak man ako. Sorry, kung sumakay ka ngayon.” I was touched kasi 1) pinaexperience mo lang sakin, you made me feel happy and try new things 2) super love mo si Ate Ria, kasi gusto mo siya sundin and palagi mo siya kinekwento. You might not directly say na mahal mo siya, pero super pansin ko ‘yon. Yup, this is the last time na sasakay ako don, thank you sa experience.
Today’s supposed to be for Student Government meeting but it turned into memories I never expected and would always treasure. It’s a happy, happy, happy, happy, happy day! :)
0 notes