#GUSTO KO LANG NAMAN NG KONTING ATENSYON MO~
Explore tagged Tumblr posts
frollosversion · 25 days ago
Text
I got tired in the middle of drawing the final outline so guess who's animating the frame drafts 😭😭😭
His beard and earring kept disappearing LMAOOO
31 notes · View notes
lasswel · 7 months ago
Text
Sa totoo lang, I no longer hold grudges against you,I just don't care. May sarili ka nang buhay and I have my own too. Indifferent na ko halos eh.. konting konti nalang, di na ko magsstalk lol. Siguro routine nalang talaga siya na nakasanayan pero wala na talaga akong pakealam.
Siguro tinanggap ko nalang din na kahit gano ko kamahal ang tao, kahit gano ko isipin, kahit gano ako mag long sa presensya at atensyon, wala naman magbabago. Tanggap ko na. So wala na lang talaga akong pake.
Ano magagawa ko? Malungkot pa lalo tungkol dun? Di ko pa ba ginawa for the past 1 and a half year? Edi sinayang ko lang energy ko knowing na ikaw nga walang pake o balak alamin kung ano pinagdadaanan ko.
Wala din naman magagawa yung mga paragraph na isend ko dahil either iwan sa seen o wala ka lang talagang pake. So bakit ako manghihinayang pa?
Kung kayo nga kaya niyo, ano pa ko?
Either way, matatapos lang din naman sa mga katagang: wala namang magbabago kahit magmakaawa pa ko sa Diyos na bumalik pa. Walang magbabago sa pangangatwiran na wala ka namang babaguhin sa status mo, masaya ka siguro o kontento ka na kaya ganun, either way, wala na kong pake.
Ginawa ko na role ko, nagmakaawa, naglupasay, naging desperado, nagsend ng drunk text na di ko na matandaan, nagpapansin.. lahat lahat para lang maramdaman na andito padin ako nagaantay pero nakakasawa na.
Di ko pwede ibaon nalang sarili ko lalo sa lungkot at multo na iniwan mo habang kayo nagpapakasaya at bumubuo ng mga memorya sa iba.
Pag dumating yung araw na napansin mo na bakit wala na ko o kamusta na kaya ako, sana maintindihan mong, ako yung huling sumuko. Kahit naman dati pa. Ikaw yung unang nagkaron ng bago.. ikaw yung unang umalis.. tingin ko dapat ako naman unahin ko. Di ko nadin naman sinasabi to para magsumbat kasi wala na talaga akong pake kahit ano pa isipin mo, nilalahad ko nalang kung ano side ko at naramdaman ko
Pagod na ko magantay, pagod na ko maging kawawa para sa sarili ko at umasa na may babalikan pa kaya kung mababasa mo man to, sana alam mong kahit nagkaron ako ng iba, hindi ka nawala sa isip ko, ang gago, oo at pinagbayaran ko yon dahil alam kong hindi pa ko handa.
Sa kadesisyunan na gusto kitang kalimutan at gayahin ka, nagkaron ako pagtapos mo pero wala na kong dapat explain pa dahil tapos na. Napatunayan kong di ko lang din talaga kaya gawin yung ginawa mo at lesson saken yon para kilalanin pa sarili ko.
Either way, etong mga natitirang salita na to ay ramdam kong pakonti konti nang nawawala, uubusin ko na to dito sa page na to hanggang makahilom.
0 notes
bor-salazar · 4 years ago
Text
Malas? Hindi ba't nakaramdam ka naman ng sarap?
Tumblr media
Sa halos sampung buwan na ating pinagsamahan, siyam doon ang labis na kaligayahan. Ngunit ang natirang isang buwan ay puro pagdurusa.
Siyam na buwan, dito ko napatunayan na sa simula lang talaga malalasap ang saya. Lambingan, tawanan, harutan, at mga kwentong walang katapusan. Halos buong araw gusto na palaging magkasama. Magkatabi sa ilalalim ng buwan habang magkahawak ang mga kamay. Pinapangarap ang mga plano sa buhay at kung ilan ang gagawing mga anak pagdating ng araw. Palaging pangako ang pagsungkit sa mga bituin at siyempre hindi mawawala doon ang gasgas na mga linyang "magsasama sa hirap at ginhawa, sa saya at pagdurusa."
Pero dumating ang isang buwan, isang buwan lang pala ang tatapos sa lahat. Nawalan na ng gana. Naiirita, nagagalit, naligo naman ako pero ba't parang halos ayaw akong makatabi. Mahirap pigilan ang hindi pagtatanong kung anong nangyari, kung bakit lahat ay isinantabi. Kaya't paulit-ulit kang kinulit kahit palaging tugon mo ay konting espasyo lang saglit. Patawad, ngunit huli na dahil di ko namalayang nakaalis ka na. Akala ko'y magpapahinga ka lamang ngunit napagpasyahan mo na palang lumisan.
Ang bilis ng mga pangyayari. Mala-kisapmata kang nawala. Pilit kitang hinabol, patuloy ako sa pagtakbo pero hindi ko alam kung saang direksyon ang tinahak mo. Magulo, di ko alam kung ipagpapatuloy ko pa ba ang kahibangang ito. Masakit, dahil sa aking patuloy na paglapit ay patuloy naman ang iyong paglihis. Nakakapagod, paano kita maaabutan kung sa kawalaan tayo naghahabulan. Paano kita mahahanap kung nakapiring ang aking mga mata sa paghahanap. Mauupo na lamang ako dito, pero hindi na aasang magbabalik ka.
Ngayon ay isang taon na din ang nakalipas mula nang dumaan ang isang buwan na puro hirap ang aking dinanas. Siguro'y kaya ka lumisan dahil ako'y nagmistulang tambayan mo lamang. Matapos sumaya at mabuo ika'y nagpasyang lumayo kahit alam mong ito'y aking ikadudurog. Akala ko'y totoo ngunit kathang isip lamang pala talaga ang mga binuong plano. Yung pangakong magsasama sa hirap at ginhawa, sa saya at pagdurusa ay sa iba mo pala gustong ialay, kaya't heto ako ngayon, tinatahak mag-isa ang buhay ng wala ka. Ang daling sabihin ng paalam pero bakit ni hindi mo nagawa? Isang yakap lang sana bago ka lumabas sa pintuan na iyong iniwang nakabukas. Isang halik man lang sana ang iyong iniwan bago mo pinaramdam na tapos na. Nasira na ang lahat, gumuho na ang mga pangako, nalusaw na para bang mga sinisilaban na pako. Ayoko nang isipin ang nakaraan pero bakit? bakit ayaw akong tantanan? Hindi ko na sana naramdaman ang siyam na buwan na puro lambingan kung sa paglipas ng isang buwan ay tutuldukan na ng tadhana ang ating kabanata. Madaya, diba? Dahil kung sino pa ang nagpadama ng langit ay siya din pala ang may dala-dala ng sakit.
Malas, malas talaga hindi dahil sa nawala ka, pero dahil nawala ko ang aking sarili noong panahong nandito ka pa. Sa labis na pagpapasaya ko sa'yo ay sa'yo ko natuon lahat ng aking atensyon. Sa labis na pag-aalala ko sayo ay hindi ko na natatanong ang sarili ko ng "kumusta?" Hindi ko sinasabing hindi na sana nangyari ang ika-isang buwan o ang buong siyam. Ang sa'kin lang ay sana nagpaalam ka ng harapan dahil sa sobra kong pagmamahal sa'yo ay hindi ko naramdaman na mistulang sobra na ang aking napaparamdam. Nakakaumay nga naman. Kung mangyari man na muli tayong pagtagpuin ang tiyak na lalabas lang sa'king bibig ay ang mga salitang paalam, patawad at salamat habang tumutulo ang mga luhang isang taon ko na ring pinipigilan sa pagpatak.
4 notes · View notes
rhoewrites · 5 years ago
Text
Higa - a short story
https://open.spotify.com/track/63qA4ydokzNOFpsaNlsYsC?si=WsFEuj7jTyaWzFNDRG3ngw
“Parang mali, no?” Sabi niya sakin, napatingin ako sakanya.
Nakatuon ang atensyon niya sa nagdidilim ng langit, magaala-siyete na rin naman ng gabi.
“Ang?”
“Kami.” Agad niyang sagot.
Natahimik ako ng ilang segundo, sa totoo lang wala akong masyadong alam kung ano man nangyayari sakanila. Hindi ko naman tinatanong, hindi rin naman siya nagkukwento.
Siguro ayaw niya rin sabihin, dahil sa kung ano kami dati.
May nagpatugtog ng Higa ni Arthur Nery sa malakas na malalaking speaker na nasa bus stop, dahil kami ay nasa gitna ng field nakahiga.
Hindi gaano kalakas ang naririnig namin mula sa aming kinahihigaan, pero tama na yung lakas para maapektuhan ang mga damdamin ko.
Kailangan mong malaman
Kung kailan ka kailangan
Parang 'di na naranasang
Ikaw naman ang ipaglaban
“Paano mo naman nasabi?” Tanong ko sakanya, at tumingin sa mga ulap, nakikita ko na ang mga bituin.
“Parang wala ng patutunguhan eh, nagsasawa na ata siya sakin.”
“Nanggaling na ba mismo sakanya?”
“Wala na nga kong naririnig sakanya eh.”
Nagulat ako sa mga binanggit niya. Ako rin ay nalungkot.
Bakit palaging isinasantabi
Ang iyong sarili para sa iba?
Naghahangad sa taong 'di babalik
Subukan mo namang magpahinga
Napaisip ako na siguro kung hindi niya ako iniwan hindi siya nasasaktan ng ganyan ngayon, kahit ilang taon na ang lumipas, kahit nagkaron ka na ng bago, siya pa rin talaga eh.
Sobrang espesyal niya, bakit hindi makita ni Lisa ‘yon?
Bakit niya sinasaktan si Marco ng ganito?
At dahan-dahang ihiga ang katawan
Nang 'yong malamang 'di ka nag-iisa
Halika na't 'di kailangang pilitin
Dahil para sa 'kin, ika'y mahalaga
“Kailan kayo huling nagusap?”
“Nung huling linggo pa,” rinig mo ang lungkot sa boses niya.
“Pinuntahan mo na ba siya?”
“Hindi niya naman ako kailangan, bakit pa ko magpapakita?”
Mayro'n ngang puso
Ngunit hindi mo nakikita ito
Kahit pa tayo'y nasa sulok
'Di ka pa rin magpapasuyo
Marco, ang tanga tanga mo. Bakit hindi mo ko makita?
Hindi niya nga magawang maging nandyan lagi para sayo, bakit ba siya ang pinili mo?
Lagi naman akong nandito para sayo, bakit hindi nalang ako?
Konting pilit pa ba ang kailangan?
O sadyang 'di ako ang gusto?
Kaunting silip naman
Sa aking nararamdaman sa 'yo
“Subukan mo pa rin, malay mo naman maayos pa.”
“Sa tingin mo ba, dapat ko pang ipaglaban?” Tanong niya, at bumangon muna sa hinihigaan.
“Kung mahal mo ipaglaban mo, diba?” Sinabi ko sakanya at nginitian siya.
Nawala ang munti na ngiti sa kanyang mga labi.
At dahan-dahang ihiga ang katawan
Nang 'yong malamang 'di ka nag-iisa
Halika na't 'di kailangang pilitin
Dahil para sa 'kin, ika'y mahalaga
“Alam mo, tama ka.” Muli siyang nagsalita matapos ang ilang segundo ng katahimikan.
“Ipaglalaban ko siya, kasi mahal ko siya.” Dagdag niya.
Bumangon ako at umupo katabi niya, nakatingin lang siya sa langit.
“May mga bituin na.” Banggit niya, tumungo nalang ako bilang sagot pero hindi ako sa mga bituin, nakatingin at nakatitig ako sakanya.
Nagiisip.
Ika'y mahalaga
Ang unfair ‘no?
At dahan-dahang...
Siya ipaglalaban mo, pero ako hindi mo nagawang ipaglaban.
At dahan-dahang...
Dumaan na ang taon, nandito pa rin yung sakit. 
Dumaan na ang taon, mahal pa rin kita.
At dahan-dahang...
Mahal na mahal pa rin kita, kahit may mahal ka ng iba.
Ihiga, oh, oh
“Uwi na tayo? Hatid kita sa sakayan malapit sa inyo.” Tumingin siya sakin at agad akong tumaliwas ng tingin. “Puntahan ko na rin siya pagkatapos kita ibaba.”
“Sige.”
Kinuha na namin ang mga gamit namin na nakakalat at naglakad pabalik.
Naglalakad ako at sinusundan lang siya, dinadama ang lamig ng hangin.
Dinadama ang puso ko.
Araw-araw nalang ba sasakit?
Masaya ako na magkaibigan kami, pero araw-araw, ang sakit-sakit.
At dahan-dahang ihiga ang katawan
Nang 'yong malamang 'di ka nag-iisa
Halika na't 'di kailangang pilitin
Dahil para sa 'kin, ika'y mahalaga
Siguro kailangan ko ng aminin sa sarili ko na hindi ko ‘to kaya.
Hindi ko kaya na maging kaibigan lang sakanya.
Kailangan ko makausad.
“Marco.”
Bigla siyang tumigil at lumingon sakin.
“Rosé.” TInawag niya ang pangalan ko, nakangiti.
Parang dati lang, pero iba pa rin yung tatawagin niya ko, nung panahon na alam kong mahal niya pa ko.
“Mauna ka na pala, may kailangan pa ko puntahan at baka matagalan ako.” Palusot ko.
“Hatid na kita.” Pilit niya, “Kaya naman kita hintayin.”
Hindi mo ko kaya hintayin.
Hindi mo nga ko hinintay maging okay bago ka nagmahal ng iba.
Ang bilis mo kong pinagpalit.
“Kaya ko na sarili ko, magiging okay lang ako.”
Sorry Marco, hindi mo na ko makikita.
Sa matagal na panahon.
At dahan-dahang ihiga ang katawan
Nang 'yong malamang 'di ka nag-iisa
Halika na't 'di kailangang pilitin
Dahil para sa 'kin, ika'y mahalaga
“Sure ka ba?” Tanong niya ulit, may halong pagaalala sa boses niya.
“Kaya ko na, Marco, mauna ka na. Mag-ingat ka.”
“Sige, Rosé, mag-ingat ka rin.”
Tumungo nalang ako bilang sagot.
Yun ang huli kong narinig sakanya bago ako talikuran at tumakbo paalis.
Yun na rin siguro huli niyang maririnig sakin sa ngayon.
Paalam Marco, babalik nalang ako pag okay na ko.
Sana sa pagbalik ko, tanggapin mo pa rin ako bilang kaibigan mo.
3 notes · View notes
mariellewritesalot · 5 years ago
Text
Tumblr media
Minsan ay naniniwala akong patay ang awtor ng tula. Pero gusto ko lang 'to bigyan ng konting konteksto: Kahapon sa klase namin ng MPs 174 (Pagsulat ng Drama) ay mayroon kaming aktibidad kung saan kailangan magkapares. Bale "mirror" ang tawag dito. Kailangang may pokus ang bawat isa para gayahin ang galaw nung kapares mo. Kahit nakapikit o nakatalikod ay sisikapin mong magsabay kayo. Eye contact naman pagkaharap. Dahan-dahan lang. Tahimik. Sa klase kasing ito bago kami magsulat o mag-isip ng para sa sariling dula ay mayroong proseso: aarte ka. Hahasain muna ang kakayahan mong makipagdiyalogo sa isang eksena. May mga ehersisyo na tumutulong hanapin ang aming sentro para hindi kalat ang isip o enerhiya sa paglilikha.
So, 'yon nga. May ginawa kami na kailangan namin kilalanin ang kamay ng kapares gamit lamang ang pandama. Pagkatapos ay ilalayo kami sa isa't isa, parehas nakapikit, at susubukan namin hanapin ang mga kamay na kinabisa. Marami akong nahawakang kamay. 'Yung iba alam ko kaagad na hindi iyon ang pinag-aralan ng palad ko, mayroon ding mga nakalilinlang. Pero nung nahawakan ko yung kamay ng kapares ko (hi Thea!), medyo sigurado na ako. Manghang-mangha kaming dalawa pagkamulat at tama kami!
Buong klase kong inisip na kahit pala gaano mo katagal kasama ang isang tao, hindi mo mamamalayan na hindi mo masyadong binigyang atensyon yung pakiramdam ng hawak mong kamay. Yung hugis, gaspang, pasma. Ganun. Biruin mo ha, nakasanayan mo 'yon. Para bang masaya na lang tayo sa pagkakaalam na hawak na natin ito?
Pwede ka palang mangulila sa hindi mo na maalala.
At 'yon na nga: hindi ko na maalala.
(Salamat Toni Panagu sa tulong pag-eedit! Alam niyo naman ako, mas bihasa sa Ingles. Pero ever since naman nag-aral kami kung paano tumula ng isang semestre naging conscious na 'ko sa mga pinagsusulat ko. Haha!)
mariellewritesalot.tumblr.com
6 notes · View notes
neverknowndeeply · 3 years ago
Text
LAST NIGHT..
Last night we had a great conversation.
Sabi ko uwi siya agad after work and he did. 🥰
Though, nag aaya kumaij yung workmates niya. Yet, he chose not to join them kasi daw natatakot siya sakin.
Kwento niya pa, sinasabihan daw siyang "Angas angas ka dito sa trabaho, under ka naman pala sa jowa mo"
Then I asked him if feeling niya ba under siya sakin, and he answered "Hindi, hindi naman pagiging under yung gusto kong pagsunod sayo tska naisip ko lang din yung sinabi mo sakin kagabing nag inom ako after maglipat na bumaba ka na para mameet ako. Para maayos natin relasyon natin"
I admit, kinilig ako. Hindi naman kasi siya laging ganyan magsalita. And it amazes me na narealize niya pala yon.
Habang kumakain siya kwentuhan pa rin kami.
Kinukwento niya na pinagyabang niya ko sa mga kasama niya. Kasi there are times daw na kapag may magandang babaeng dumadaan sa area nila, tinatawag ng mga kasama niya yung atensyon niya para tignan din yung babae and he always answers na "Mas maganda pa jan jowa ko". At may nag hamok pa daw sakanyang patingin nga daw ng jowa niya. Kapag panget daw jowa niya, tatawanan siya.
Kaya kahapon, dinala niya phone niya. Una para ipakita sakin yung booth nila sa harap ng mall dahil sale sila. Second para ipagyabang sa workmates niya.
Pinakita niya pictures ko. Nakita daw nila na yung gallery niya puros pictures ko. And one of them said daw na kaya naman pala baliw siya sakin. (Kasi nga daw maganda ako.lol)
Until nagpapakita ako sakanya sa cam sa konting liwanag galing sa phone (off lights na kasi kaya madilim sa end ko).
Suddenly, he smiled at me. Sabay sabi ng "Alam mo hindi talaga nagbago yung tingin ko sayo mula nung nagsend ka ng picture noon hanggang ngayon. Gandang ganda pa rin ako sayo lalo kapag ngumingiti ka. Ngiti mo pa lang naiinlove na ko. Naalala ko pa nung nagkita tayo ng personal, nasabi kong mas maganda ka pala sa personal. Ang ganda mo na sa picture pero mas maganda ka pa pala sa personal. Kaya nga nahihiya hiya pa ko nun sayo."
Nag flashback sakin yung first meet namin. Well, oo nga naman. Sobrang nahihiya siya sakin to the point na di niya ko matignan hahaha.
Habang nagkukwento siya, you can see that his eyes smiles too.
Kinikilig pa rin ang baby ko every time nagre-reminisce on how inlove he was.
Until the videocall ended...
Nagka QA kami. Somehow I got the answer to my questions that's running through my head.
And it ends up na both of us sees the future with each other.
Hindi daw niya nakikita sarili niya kasama ang iba. And it bothers him na what if hindi siya magustuhan ng parents ko.
I always told him na as long as mahal niya ko at tinatrato niya ko ng tama, ipaglalaban ko siya.
Besides, were both mid 20's na.
To my baby, always remember that I love you always.
Dito lang ako lagi for you Through ups and downs, I will stick by your side. Even at tines that my words contradicts my actions.
-Aug. 7, '22
0 notes
kulet1003019 · 3 years ago
Text
Changes
It’s 1:00 am, nandito ka sa tabi ko, mahimbing na natutulog, samantalang ako, eto hirap na hirap makatulog habang nag iisip ng kung ano ano. Hindi ko ma explaine yung nararamdaman ko. disappointed, nasasaktan, naiiyak. Hindi na nga din ako sigurado kung ano ba yung mga bagay na nakapag papa ramdam sakin ng mga ‘to.
Hindi ko nga alam kung nalulungkot lang ba ako kasi hinahanap ko yung dating tayo. O nalulungkot ako kasi halos hindi na kita maramdaman netong mga nagdaang buwan. Nalulungkot nga ba ako? O nasasaktan na ko?
Lumilipas yung mga buwan na palala ng palala yung lungkot na nararamdaman ko. Hindi ko lang masabi at maipakita sayo kasi choice ko naman ’to. Hanggat maaari kasi gusto kong ipakita at iparamdam sayo na iniintindi kita. Na lahat ng desisiyon mo at lahat ng gusto mo ay naiintindihan ko. Na masaya ako sa lahat ng ginagawa mo na alam kong nakakapagpa saya sayo.
Na mimiss ko na yung pag aalaga mo sakin. Yung excitement mo tuwing day off natin kasi kasama mo ako maghapon. Yung limited lang yung pag pho phone mo kasi mas gusto mong niyagakap at nilalambing ako. Yung lagi mo ko kini kiss kasi sobrang miss na miss mo ko. Nami miss kong nagkakaron ka ng time para sakin, para satin.
Kaso ngayon walang wala akong magawa. wala akong magawa kundi intindihin na mas priority mo na ang work mo. Wala naman akong laban kasi alam kong gusto mo yung ginagawa mo. Tanong ko lang, naisip mo ba na sa halos isang linggo na nagta trabaho ka, naisip mo din bang baka kailangan din kita? Baka kailangan ko din ng atensyon at pagpapahalaga mo? Siguro di mo na naiisip yun sa dami ng iniisip mo sa trabaho.
Nakaka lungkot lang na napaka daming nagbago na sa relasyon natin. Pilit kong iniintindi yung ganitong sitwasyon na meron tayo kahit alam kong malabong bumalik ulit sa dati yung relasyon natin. Nasasaktan at nahihirapan ako, sana alam mo yun. Sana isang araw maisip mo din ako, sana isang araw maisip mo ulit na lambingin ako, bigyan ako ng oras kahit isang araw lang. kahit mabilis lang. kahit konting panahon lang. Oo hinahalikan mo ko, niyayakap mo ko, sinasabi mong mahal mo ko, pero hindi na nagiging sapat yun minsan lalo na kung hindi ko naman nararamdaman na nandyan ka para sakin.
Nasasaktan ako, nahihirapan ako.. sana balang araw, pag nabasa mo ‘to, maisip mo na ang tagal tagal ko nang naghihintay na mahalin mo ulit ako gaya ng dati. Na maging interesado ka ulit sakin gaya ng dati. 💔❤️‍🩹
0 notes
lakanamihan · 3 years ago
Text
The Color of Goodbye
published on 12th december, 2021
inspired by Rocks That Bleed; song used: Here Comes The Sun | Edith Whiskers
“’Yung ngiti mo.”
“Anong meron sa ngiti ko?” tanong niya. Lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko nang sabayan niya ng pagtitig ang malambing na ngiti sa labi niya.
“’Yan. ‘Yan mismo,” napailing ako habang pilit na tinatago ang hiya sa pamamagitan ng pagtingin sa malayo. “Masyado kang pa-fall. Alam mo nang gwapo ka, pangiti-ngiti ka pa dyan.”
“Ayaw mo?” hamon niya. “Ano bang gusto mong nakikita, kung ayaw mong nakakakita ng gwapo?”
“Ewan ko sa’yo.”
Sandali siyang napatawa. Ako naman, nakatuon ang atensyon sa kulay-kahel na langit; sa malaking araw.
“Oh sige na, hindi na ako ngingiti,” maya-maya ay sabi niya, dahilan upang mabasag ang saglit na katahimikan.
“Bukod sa ngiti ko, ano pa ‘yung sa tingin mo ay hindi mo magugustuhan tungkol sa’kin?” patuloy niya.
Tumingin ako ulit sa kanya at sinipat siya nang maigi.
“’Yung boses mo,” sagot ko.
“Sigurado ka?”
“Oo. Medyo matinis kasi,” paliwanag ko.
Bigla siyang kumanta. Binibini. Napanganga ako nang bahagya. Hindi ko rin namalayan, napatitig na pala ako. Ang swabe ng boses niya—malambing pero ramdam mo ‘yung panunuyo sa bawat pag-abot ng tono at pagbigkas ng salita.
Nang matapos ang kanta ay muli na namang lumabas ang pilyong ngiti niya. “Last na ‘yun,” sabi niya, saglit na natigilan bago muling nagpatuloy. “Kasi ‘diba sabi mo ayaw mo sa boses ko?”
“Eh ikaw, anong ayaw mo sa’kin?”
“Ikaw. Hindi kita gusto,” sabi niya.
Tumango ako. “Sure ka?”
Tumango siya. “Sure.”
“Ano pang ayaw mo sa’kin?” muli niyang tanong.
“’Yung pangalan mo,” sabi ko. “Thomas Franco. Ayoko nun.”
“Binigay sa’kin ‘yang pangalan na ‘yan, kaya love na love ko,” sagot niya.
“Bagay sa’yo,” tahimik kong sabi. “Bagay na bagay. Ang ganda nung pangalan.”
“Salamat,” napangiti siya. May bakas ng konting pangungulila.
“Ganito pala ang pakiramdam kapag binabaliktad ang mga bagay,” simula ko. Nakatingin na ulit ako sa dambuhalang araw. Nakahawak ako sa railings na gumagabay sa’min para hindi kami mahulog mula sa rooftop. Malakas ang hampas ng hangin pero tagaktak ang pawis namin at ramdam ang pagpupuyos ng araw sa langit. Konti na lang ang natitirang oras.
“Ganito pala ang feeling kung sakaling hindi totoo ang mga nangyayari—at hindi rin totoo ang mga lumabas sa bibig natin kanina,” sabi ko. “Ganito pala ‘yung mararamdaman ko kung sakaling hindi nagugunaw ang mundo ngayon.”
“Anong pakiramdam?” tanong niya sa’kin.
“Ang saya-saya ko. Ang payapa. Pakiramdam ko nagtatatalon ang puso ko sa tuwa.”
“Buti naman kung ganun.”
“Salamat sa pagdamay sa’kin dito ha?”
“Wala ‘yun.”
Huminga siya nang malalim. Nagpamulsa siya ng kamay. Parang hindi siya mapakali sa tabi ko, at hindi makaisip ng paraan kung paano isasalin sa lengguwaheng naiintindihan ko ang mga tumatakbo sa isip niya.
Huminga siya nang malalim bago nagpatuloy. “Masaya akong nakilala kita sa huling pagkakataon.”
Ngumiti ako. “Ako rin.”
“Kahit ngayon lang tayo nagkakilala, at sakto pa sa pagkagunaw ng mundo, nasulit pa rin natin ‘yung mga natitirang oras, at kahit papaano ay nagkakilala tayo.”
Hindi na ako sumagot. Sinabi ko na ang lahat ng gusto kong sabihin sa pamamagitan ng mga titig ko sa kanya.
“Pwede ba kitang halikan?”
Tumango ako.
Lumapit siya sa’kin. Naglapat ang mga labi namin. Pakiramdam ko ay nakalaya na ako.
Inihiwalay niya ang mukha niya sa’kin. Nakatitig kami sa isa’t isa. May tatlumpung segundo na lang ang natitira bago magunaw ang mundo.
At heto ako, sa piling ng lalaking ngayon ko lang nakilala.
Hawak niya sa kamay niya ang mukha ko. Hawak ko sa kamay ko ang puso ko.
“Sana hindi na tayo magkita ulit, kahit kailan,” bulong niya sa’kin.
Labinlimang segundo. Nararamdaman ko na ang unti-unting pag-init ng paligid.
Ikinulong niya ako sa mga bisig niya. Sabay naming pinanood ang lahat.
“Kung magiging kulay ang salitang paalam, ano kaya ‘yun?”
“Pula,” sagot ko.
“’Diba color of love ‘yun?”
“Kasi paalam ang naging pag-ibig natin sa pagkakataong ito.”
0 notes
aryeaaahgood · 4 years ago
Text
Namimiss ko kung paano mo ko pakinggan..
Totoo😔
Sobra.
Kung paano ko makuha ng buong buo yung atensyon mo.
May ikwento man ako o wala.
May laman man yung kwento ko o wala.
Wag mo sana maisip na naalala lang kita tuwing malungkot ako, o hindi ako okay.
MAS naalala at namimiss lang kita sa mga ganitong pagkakataon.
Everyday...every single day...totoo yan..walang araw na hindi.
Haay. Yung pakikinig na buong buo. Walang side comments. walang pagkukumpara na mas mabigat yung pinag dadaanan mo kesa sakin
As in...buong pakikinig lang. Na mag sasalita ka lang pag alam mong turn mo na. Pag alam mong kailangan mo ng pumasok.
Yun!
Sobrang ikaw lang ang may kakayahan nun.
Yung minsan gusto mo ng sumabog, susubukan mong ilabas pero after mong mailabas, maiisip ko na sana hindi ko na lang sinabi kasi mas dumoble yata yung bigat ko kasi ang daming side comments. Na walang wala lahat ng yan sa pinag dadaanan ng iba..
Edi okay🙃
Bukod sa maraming bagay na namimiss ko sa taong to
Isa yun sa PINAKA...
Nasanay ako sa ganung klaseng pakikinig mo..
Sa ganyang kagaling na tenga.
Sa matalinong paraan mo kung pano mo ipaparamdam sakin na naiintindihan mo ko..
Bawat salita na lumabas sa bibig ko.
Bawat detalye..alam mo.
Sobrang marka yung iniwan mo sakin.
Kaya dumadating sa punto na hinahanap hanap ko.
Sa katayuan ng ibang tao.
Pero hindi.
Kahit kailan hindi mangyayari.
Namimiss kita..
😉
🥺
😢
Sana okay ka lang palagi.
Totoong naalala kita. Walang araw na hindi.
Naiisip ko kung kamusta ka.
Pero wala na kong lakas ng loob mangamusta pa😔
Hindi ko alam kung bakit..
Kung bakit nauwi pa rin sa ganito.
Sobrang paulit ulit na yung tanong. Pero paulit ulit din namang hindi nasasagot.
Kinamusta kita minsan sa isang kaibigan.
Kasi wala akong lakas para gumawa nun.
Nainggit ako. Kasi gusto din kitang makausap. Pero hindi ko alam bakit hindi ko na kayang mag simula.
Hiyang hiya na rin kasi siguro ko sa bulok na sistema ko noon na ako magsisimula mangamusta..
Pero ako din yung tatapos at magsisimulang magpaalam.
Sobrang gago ng ganung move ko.
Pero wala e.
Sa kagustuhan ko pa rin na makamusta ka. Maka alam ng kahit konting detalye tungkol sayo, ginagawa ko yun.
Pero dumadating sa punto na nagsisimula na naman akong mapalagay..maging komportable..mahalin ulit bawat salita na natatanggap ko sayo..kaya ako ulit yung babali nung sinimulan ko.
At paulit ulit na ganun..
Gago no?
Pero hindi ko masisi. Kung bakit sobrang naging attached ako sayo. Na hindi ko makalimutan. Hindi makalimutan ng pagkatao ko .
May mga takot ako na ikaw lang ang nakaintindi.
Na ikaw lang ang nakinig.
Maraming salamat talaga.
Kasi ikaw yung naging basehan ko.
Natatangi. Nag iisa.
😉
Alam ko, kahit hindi ko man nakikita, maganda ipinapakita mo sa trabaho o ano mang ginagawa mo ngayon..
Please!
Wag ka susuko☺ alam na alam kong kaya mo lahat yan. Kilala kita na walang sinusukuan. Sobrang dedicated sa lahat ng ginagawa.
At ikaw ang idol ko sa ganun. Sobra.
Kung alam mo lang kung gaano ako natutulala pag nag kkwento ka ng buhay mo sa trabaho dati. Sobrang galing mo.
Kaya wag ka mapapagod! Magbubunga lahat ng pinag hihirapan mo💪🏼
Haaay. Magiingat ka palagi.
Wag na wag..
Please ..
Wag na wag kang magkakasakit..
God bless you always batang maganda💖
Wag kang mapapagod sa buhay😉
Naiimagine ko yung mata ng hito. Hehe
Kaya natin to. Mabuhay everyday..
Kahit sobrang hirap.
. .... ... .. ....
0 notes
ireneaguilar-blog-blog · 4 years ago
Text
Attention?
Hala ano na naman to. Emosyonal na naman ako. Wala naman ako. Feeling ko ang uhaw ko sa attensyon nya. Normal lang naman un diba? Ako di naman namimilit pero gusto ko inuupdate ako. Alam ko busy ka. Naiintindihan ko yun pati stress at super pagod ka. May mali ba sa inaasal ko? Natatakot akong masakal ka well di naman sguro lampas 10yrs na tayo ngayon pako nagisip ng ganyan. Ako aminado naman ako selosa ako pero di naman ako ung nagbubunganga eh. Sinasabi ko din ung nafefeel ko kaso minsan I feel na di ako nagets. Parang sa nararamdaman ko ngayon nakakaiyak.. Di naman sa selfcentered ako (minsan lang) .. Or baka nga nasanay ako na kinakausap moko dati kaso ngayon busy ka sa work ojt at study na minsan paguuwi ka konting msgs nalang tas tutulog na. Grabe feel ko talaga napaka uhaw ko sa atensyon ngayon. Sabihin mo mali ba yun? Mali ba? Lilipas din to. Di na din ako maiiyak nyan. Mawawala dn tong pagka emotional ko. Sorry lord. 🥺😔
Irene kalmahan mo lang. Busy lang siya ngayon. Magiging okay ka din. 💕
0 notes
weirdworthlesspotatooo · 5 years ago
Text
                Rollercoaster Ride
"Mag-isa ka nanaman." araw-araw, isa, dalawa, tatlo. Hindi ko na mabilang kung ilan ang nagpapabalik balik upang sabihin ang mga katagang ito.
Kumusta? Kumusta ka na nga ba sa iyong mundong ginagalawan? Bakit tila mas ninanais mo mapag-isa?
Hindi ka ba napapagod mag-isa? Hindi ka ba nabibingi sa katahimikan?
"Sana okay ka lang." mga katagang paulit-ulit mo binabanggit sa ibang tao. Pero minsan ba'y tinanong mo sa iyong sarili, kung buo ka pa ba?
Kailan mo ba mahahanap ang iyong sarili, kailan mo ba makikita ang iyong sarili na nakiki-halubilo sa kanila? 
Hindi ko alam ang kwento sa kabila ng maskara, ngunit nawa'y hayaan mong mas kilalanin ka nila. Hayaan mo naman ang iyong sarili maging masaya, bakit ang damot damot mo sa pagtanggap?
Isa, dalawa, sisibol muli ang bagong bukas.
Sa kabila ng lahat, unti-unti mo na din natutunan maki-bagay. Tulad nila, nakabuo ka na din ng mga taong tatanggap sa'yo ng paulit-ulit.
Samahang nabuo sa makabagong mundo bagkus, tapat at dalisay.  Magkakaiba man ng pinaniniwalaan, kayo at kayo pa din ang pipiliin ko.
Hindi ako mapapagod mangamusta, hinding hindi ako mapapagod manalangin na sana, maging masaya na lang tayo. Matatapos man itong mga kataga, ngunit ang pagsasamahan ay mananaliti habang buhay, sana.
Isa, ito na, huli na 'to.
Isang pagkakataon, isang tyansa. Maaari ko ba malayang ipahayag ang aking tunay na nararamdaman?
Baka pwede lang kahit isang saglit?
Masabi lang na mayro'ng konting pagtingin
Discord. Sa discord kita unang nasilayan. Nakakatawa kasi, galing pa sa animated sitcom yung litratong gamit mo. Hindi mawari kung bakit at paano mo nakuha ang atensyon.
Baka pwede lang kahit pa pasaring?
Sa sarili ko'y magsisinungaling
Ano ba kasing meron sa'yo? Ngayon na lamang ulit tinamaan, ano ba kasing meron sa'yo? Ito na, ito na ang unang beses na  ako'y naglakas loob.
Kailan ba makakatulog nang mahimbing?
Kahit ilang minuto lang na 'di ikaw ang nasa isip
Tila hirap mo abutin, o baka talagang nilalayo mo lang iyong sarili? Hindi ko alam, hindi ko talaga alam. Pero naiintindihan ko na, oo, alam ko mahirap.
Baka pupwede lang naman, huwag ka munang magparamdam?
Dahil sawang-sawa na akong marinig na ako'y kaibigan lang
Ano ba kasing laban ko sa apat na taon? Ako lang 'to, ako lang 'to na biglang pumasok sa buhay mo. 
Ba't ba ganon, ba't ba walang mali sa 'yo?
Gustong gusto kita laging kausapin, ngunit pinipigilan ang sarili. Ayokong mas mahulog pa sa'yo, baka kasi ako lang 'to. Asan ka ba? Nasa kanya ka pa din ba?
Di magawang umiwas at tuluyan nang lumayo
Kahit na ano'ng gawin, sinusuway ko pa rin
Nawa'y hayaan mo muli ang iyong sarili maging masaya. Kahit hindi na ako, kahit hindi na ako ang susunod na dahilan ng iyong saya at pagmamahal.  
Simulan mo na maging malaya, simulan na natin maging malaya.
Hanggang dito na lang, kap.
[Balang Araw - I Belong to the Zoo]
ps. may 1% na mabasa mo 'to, oo ikaw. may tyansa man o wala, please know that na ako pa din 'to. Ako pa din 'to, I'm still your friend..
Tumblr media
0 notes
Text
Misa
Pagkatapos ng klase ko tuwing linggo, diretso kaming Quiapo para magsimba. Nagpa-park kami sa Quinta market, sa may taas ng isang fastfood, tapos lakad na lang papuntang simbahan. Pera lang at yung parking ticket ang dinadala namin para iwas sa ano mang aberya. Pero madalas naman iniiwan niya talaga yung phone niya, tulad kapag nagutom kami sa gitna ng gabi at lalabas para kumain. Ng minsang tinanong ko siya kung bakit di na niya dinadala yung phone niya sinagot niya ako ng "Bakit pa? Eh kasama ko naman na yung taong mahal ko. Wala nakong importanteng kakausapin." Nakuha ko naman yung punto kaya iniwan ko na lang rin yung akin.
Sa labas pa lang ng simbahan kita mo na kung gaano kadami yung tao. Pero hindi pare-parehas, minsan kaunti lang, pero minsan naman wala ka ng malakaran sa dami ng tao. Kaya naman pagpasok sa loob, hindi na kami nagtatangka pang maghanap ng mauupuan. Pwesto lang kung saan kaya kong makita yung monitor bilang gabay sa takbo ng misa. Inakala ko na sa tagal ko ng hindi nagsisimba sa katoliko eh marami na akong hindi alam, marami ng binago. Pero may mga bagay talagang hindi nalilipasan ng panahon at hindi nalilimutan. Parehas pa rin naman pala ang misa, kabisado ko pa rin pala ang mga tugon at kanta. Ngunit ang mas mahalaga, saan man ako magsimba, isa lang yung pananampalataya ko sa Kanya.
Hinahanap ko din kung saan pwedeng tumayo na may hangin, kahit gaano kasi kalaki yung mga bintilador ng simbahan ng Quiapo pag-papawisan ka pa rin sa dami ng taong nagsisiksikan. Sobra din kasi ako kung pagpawisan. Konting kilos lang tumatagaktak agad yung pawis ko sa noo, anit, leeg, likod at kahit sa braso. Wala naman sanang kaso sa akin, uuwi din naman kami pagkatapos magsimba, ililigo ko lang naman yun. Pero madalas niyang hawakan yung kamay ko. Kukunin niya tapos hahawakan ng mahigpit sabay bulong ng "Hon I love you". Gusto ko sanang ituon lang yung buong atensyon ko sa misa pero paano? Ang tagal ko namang idinasal Sayo to Lord, na bigyan mo ako ng makakasama sa buhay, maiintindihan mo naman siguro kapag panandalian akong lumingon sa kanya upang ngumiti at tumugon din ng pagmamahal.
Ilang minuto din niyang nahawakan ang kamay ko bago niya naramdaman yung lagkit ng pawis ko. Natawa siya na pati yung braso ko eh namamawis. Maya-maya nagpaalam siyang lalabas lang saglit. Hindi na niya siguro kinaya yung init, kaya hinayaan ko lang siya at muling nakinig. Pagkaraan ng ilang minuto, bumalik siyang may dalang malaking pamaypay. Tumayo siya sa kanan ko at nagsimulang magpaypay sa amin. Ng mapagod na siya pinalipat niya ako sa kabila para daw mapaypayan niya pa ako, sabi ko naman okay lang ako sarili niya na lang ang paginhawain niya. "Kaya nga ako bumili nito para sayo, ayokong nakikita kang pinagpapawisan". Hindi ko alam kung paano itatago yung ngiti ko, halata pa man din kapag kinikilig ako. Kaya nagpasalamat na lang ako at sinabihan siyang huminto na lang kapag napagod. Napatapos namin ang misa, nakakain sa labas at nakauwi kami ng maayos.
Naalala ko noong una ko siyang inaya magsimba. Biniro niya ako ng "Magpapasalamat kana ba sa Kanya dahil ibinigay niya na ako sayo bago ka mag trenta?" Oo hon, nagpapasalamat ako sa Kanya araw-araw na dumating kana sa buhay ko. Ganito pala yung pakiramdam ng may nagmamahal sayo ng sobra. Yung kahit maliit na bagay nagiging malaking usapin dahil sa kalakip nitong pag-ibig. Palagi kitang aayain magsimba, hanggang tumanda tayo. Pagpapawisan pa rin ako, pero may pamaypay naman.
0 notes
ivymarj-blog · 6 years ago
Text
NAKAKAPAGOD.
Nakakapagod talaga ang magmahal ano? Hindi mo alam kung susuko ka or magpapahinga lang. Bigay mo naman lahat, pero bakit parang kulang pa rin? Ang sakit-sakit na e. Nadudurog ako palagi. Pero kaya naman. Kayang kaya. Kaso sana dumating yung panahon na twing may lakad ka, maalala mo na may ako na sa buhay mo. 😅 Nakakahiya na kailangan ko laging ipaalala sa'yo na "huy, andito ako. girlfriend mo ako. naghihintay at nag-aalala sa'yo." Sa dalawang taon natin, palaging ganito. Palagi mo akong nakakalimutan sa twing kasama mo ang mga kaibigan mo. Sabi mo nga, yan ka e. Yan ang nakasanayan mo, sakit mo na yan. Pero sana makapag-adjust ka na. Dalawang taon na e. Ilang taon pa ba ang kailangan mo? Hinahayaan kitang lumabas kasama ang mga kabarkada mo. Syempre, hindi pwedeng ako na lang ng ako nakikita mo. Mauumay ka nga naman nun. Pero pwede mo kayang matandaan na existing na ako? Ang sakit e, twing lalabas ka kasama sila wala na ako sa'yo. Isang chat lang naman para sa akin, isingit mo lang sa chikahan niyo, okay lang ako. Masaya ako kapag masaya ka. Gusto ko naeenjoy mo ang buhay. Sana magawa ko rin yang ginagawa mo, na kapag kasama ko mga kabarkada ko, ang oras at atensyon ko, kanila lang. nakafocus ako sa kanila. Sana maging ganan rin ako. Gusto ko na lang maging manhid para wala akong madaming drama sa buhay.
Sa twing maiisip ko yung lintek na Wein yun, alam mo bang nadudurog ako? Kapag umeeksena siya. ichachat ka niya at rereplyan mo naman, kumukulo ang dugo ko. Konting konti na lang pasensya ko sa kanya. timping timpi na ako. Kaya pasensya kapag di ko na kaya magpigil, ichachat ko siya. Magalit ka pa. Wala na akong pakialam. Yung dahilan mong, work lang naman. sige lang. Pero kapag mababasa ko yung mga chat niya? wow. ganito pala yung work, "i will miss your face. " HAHAHA! mapapatangina na lang ako e. 😅 Mali ba? Mali bang maramdaman ko eto? Para kasing lagi mong ipinaparamdam na katrabaho lang naman. Ang kitid ng utak ko. Ang liit ng pang-unawa ko. Galing! Hindi ko mahawakan cellphone mo, kasi nga naman sa'yo yan. Privacy mo yan. Pero sana maisip mo na yan rin yung dahilan kung bakit lagi akong nagdududa. May tiwala ako sa'yo, pero sa mga tao sa paligid mo wala e. Palagi kitang iniintindi, kaya sana maintindihan mo ako. Hindi ko alam sa paanong paraan mo ako maiintindihan, pero sana pag dumating yung point na gets mo na bakit ko nararamdaman lahat ng eto, sana andito pa ako. Sana kaya ko pa. Sana hindi pa huli ang lahat. 😊 Mahirap tumingin on the bigger picture kasi kung andaming maliliit na details na paulit-ulit, hindi natututunan o ayaw matutunan di ba? Mahirap magmahal kung paulit-ulit yung sakit.
0 notes
patrickdelacrz · 6 years ago
Text
ii. Tito Benjie
Mahirap respetuhin ang sarili kapag hindi mo alam ang gusto mo at kung sino ka ba. Itong linggo ay paguusapan natin ang maikling kwento na "Dangal". Isinulat ni G. Norman Wilwayco, isang prestihiyosong manunulat na ilang beses na nanalo sa gantimpalang Palanca. May kaunting bias ako sa kanya dahil isa siyan bahista, katulad ko. Kaya hindi ko alam kung ano aasahan ko noong nabasa ko ang kwento.
Nasabi ko nga na isa siyang manunulat na kilala ng karamihan sa kanyang mga titulo, pero bakit habang binabasa ko ang kwento ay mistulang katabi ko siya. Tipong sa isang silid-aralan na wala pa ang guro, o kaya sa computer shop na naguusap ng kaswal. Ang pagbitaw niya ng mga salitang hindi mo makikita sa libro ng kanlurang bahagi ng mundo. Madaling intindihin ang sulat ni N. Wilwayco dahil ang babaw ng panunulat niya na mahihila ka lang sa bawat salitang nabibitawan niya at nahuhulog sa papel. At kung mapansin ay may mga kamalian sa pag-type. Ito ay dahil sa pagiging malaya niya hindi lamang sa pagsusulat ng kwento, pero sa pagsusulat mismo. Makasarili siya. Konsepto, isip, sulat, edit, publish, tatak Norman.
Unang mga linya pa lang ng kwento ay mapapaisip ka ano itong bagong paraan? Ibang klaseng paguusap ito and nakuha ni G. Norman na maging nakakaintindi at tsaka malalim. Kahit anong porma ng bullying ay nagaganap pa rin naman, pero naiiba lang ang midyum. Sa kwento, si Marissa ay parang nagkaroon ng mabantot na tsismis at nasilaw sa pera. Wala siyang pake dati kay Chris noong "average" lang siya, kaya noong nagkaroon ng karangyaan ang "average", dun lang siya pinansin ng mga tao kasi pake lang nila yung nakikita nila. Akala ni Chris na maayos talaga si Marissa, ngunit noong bumigay siya, wasak ang akala niya na iba si Marissa, na siya ang tunay na babae. Makatarungan, tapat sa pinaniniwalaan, at mamahalin ang tao ng totoo na hindi ipagpapalit ang katawan para sa pera. Tulad ng pagwasak ng "reputasyon" ni Marissa, ay may nasirang respeto sa sarili ang isa pang karakter -- walang iba kundi si Chris.
Wala pala talaga siyang kwenta, pinansin lang siya ng mga tao noong nagkapera at nakakakain sa canteen. Nagpapakuha ng atensyon ang bawat babae't lalaki sa kanya, pero hindi si Marissa. Akala siguro ni Chris perpekto na si Marissa, na hindi siya magbibigay tulad ng mga pakitang tao na napapansin niya sa paligid. Nagkamali siya at nawasak ang respeto sa sarili, kung meron man. Hindi naman talaga gustong ipapunta sa motel ang kanyang relasyon kay Marissa, ang gusto niya ay habang-buhay niya itong tunay na mamahalin. Iba at kwestyonable ang paraan ni Chris, pero sa dulo nito ay napakita ang tunay na kulay ni Marissa. Tuloy siguro ang butas ng buhay ni Chris sa pamamaraan ng alak, sugal at posibleng babae. Parehong landas lang siguro sa kanyang tiyahin? Sino makakaalam? Ganito na lang: Kahit anong takip ng butas, kahit saan ka maghanap ng pagmamahal galing sa mundo ay mabibigo ka lang paulit-ulit.
Bilang katoliko, naniniwala ako na walang kahit ano ay papantay sa pagmamahal na binibigay ng libre ng Diyos. At patuloy siyang magbibigay ng biyaya at pagmamahal, ngunit nasa sa atin na kung tatanggapin natin ito at ipapahalagahan at pasasalamatan na galing sa totoong nagmamahal o kaya babastusin ko siya at papanghawakan ko ang biyaya at ibabase ko ang aking sarili sa nagagawa ko at wala ng iba. Iniisip natin na pag nakamit na natin ang pagiging perpekto sa mata ng tao ay magiging masaya tayo. Doon tayo nagkakamali. Kaya nga binigay sa atin hindi dahil kaya natin, ngunit sabay nating natututunan na ang kapangyarihan ay lagi may kasamang responsibilidad at para malaman na hindi natin makokontrol lahat ng bagay. Nakakalungkot nga naman kung magkamali tayo at mawawala na respeto ng tao sa atin. Pre, hindi tayo perpekto. Tao lang tayo, nagkakamali, okay lang yun. Matututo ka naman eh. Kapag naulit mo yung pagkakamali mo ay may problema ka na talaga. Matuto sana tayong umintindi sa opinyon ng iba kasi may konting katotohanan kahit papano ang opinyon. Galing sa ibang mata maliban sa'yo yun eh, baka mas gumanda ang iyong kinalalagyan 'pag naisabuhay mo ang tama at hindi ang nararamdaman.
Magpahinga ka.
Patrick
Link to original text: https://facebook.com/notes/norman-wilwayco/dangal/444036357458/
0 notes
cristan5 · 8 years ago
Text
red paper bag 01
Ayoko na sanang magkwento tungkol sa pag-ibig. Minsan nakaka-umay na din. Dahil gaya ng lumang mantika na ilang beses na pinagprituhan, maanta na sa panlasa. Sarap magmumog ng atsara. Lahat kasi sa modernong liko ng pakikipagkapwa tao, yun ang sanhi ng kasiyahan o puno’t dulo ng problema.  Pero ano pa nga bang pwede kong ibahagi? Ang kagilagilalas na pagtutupi ko ng aking brief at panyo kaninang tanghali? Kung paano ko buong tapang na kinuskos ang kalawang sa patungan ng naghihingalo naming kalan? Bakit kanang kamay ang ginagamit kong panguha ng ulam sa hapag-kainan imbes na kaliwa o di naman kaya ay kutsara? Wala namang matutuwa dun. Mukhang walang palag. Sige. Pag-ibig na nga lang ulit.
Sabagay, hindi naman ito kwentong ordinaryo.
Sabi nila, isa sa mga advantage ng kababaihan sa mga lalaki ay ang woman’s intuition. Ang matinding kapangyarihan na ibinibigay lamang sa mga may vagina. Kaya siguro karamihan sa mga manghuhula sa Quiapo ay mga babae. At kalimitan, kapag kapwa babae ang nagpapahula ng tungkol sa kanilang buhay-pag-ibig ay dalawa lang ang posibleng resulta: (a) ‘magkakatuluyan kayo, ikakasal at tatanda ng magkasama’ at (b) ‘may kabit ang kupal na yan’.
Pero teka. Para lang ba sa mga lihim na ka-draguhan ng mga lalaki gumagana ang alamat ng woman’s intuition gaya ng spider sense ni Batman? Mali ata yung pagkukumpara. Hindi ba ito applicable sa mga positibong pangyayari gaya ng isang lalaking palihim na may gusto sa isang dalaga na sadyang walang sapat na lakas ng loob at dami ng ‘moves’ para umamin o magparamdam man lang. Kailan ba nagsisimulang magkaroon ng woman’s intuition ang isang babae? May age limit ba at tipong kailangan isang full fledged woman na talaga? Nasa bra size ba? Kapag tinubuan na ng buhok sa kili-kili? Kapag inahit na ang unang bugso ng buhok sa kili-kili? Kusa lang ba itong dumadating at automatic na sasapi sa katawan nila? O may isang underground training facility na magsasanay sa mga kababaihan para lumakas ang kanilang pang-amoy at pangdama sa bumubulang third-party?
Hindi ko kasi alam kung meron siya nun. At kung meron man, sapat kaya ang wavelength ng antenna nito para kahit pahapyaw na singhot man lang ay nalaman niyang halos kainin ko ang table of contents ng english textbook na madalas naming sabay na basahin tuwing may reading exercise. Hindi na siguro kailangan ng mahabang paliwanag at masalitang deskripsiyon ng mga pangyayari. Torpe ako. Panaginip siya. Hindi ko nasabi. Naubos ang oras. Cliche ng lahat ng mga cliche.
Naaalala ko na lang yung huling beses na nakita ko siya. Mga huling araw na estudyante kami sa iisang paaralan. Kumaway na lang ako habang papaalis na siya. Ewan. Wala man akong sexist gift of sight, parang may kung anong nagsasabi sa akin nun na yun na ang huling beses na magkikita kami.
Bakit ako masyadong apektado ng presensya o kawalan niya? Hindi ko din alam. Sa totoo nga medyo irita din ako sa kanya noon. Para kasi siyang perlas sa loob ng isang endangered na kabibe kung ituring ng mga teacher namin dati. HIndi man ako naaalibadbaran sa talino niya, nakaka-urat lang talaga dahil wala namang espesyal pero parang lahat aligagang bilhin ang atensyon niyang binudburan ng kinayod na niyog sa ibabaw.
Pero sa bandang ending, wala eh, nahulog din ako. Una mukha, salubsob at hindi na makabangon. Huli na ng malaman kong patapos na ang oras samantalang nagpapagpag pa rin ako at pilit na sinisilip ang mga galos. HIndi ko na siya nakita ulit. Kung namumuhay ba siyang mapayapa at buong kasiyahan o nagsisilbing pataba sa lupa at source of nourishment ng mga bulate ay hindi ko alam. Sino bang may alam? Wala na akong natanggap na balita.
Hindi naman big deal. Hindi naman ako namatay o nalublob sa matinding depression. Kaso gaya ng kati sa likod na kapag puro pahapyaw lang ang kamot, maya-maya, paminsan-minsan, bumabalik ang alaala niya. Makulit. Walang balak manahimik. Nagkaroon na din ako ng girlfriend. Iniwan na din ako ng girlfriend. Nagkaroon ulit. Tapos nawala din pagkatapos niyang malaman na kami na pala.
Sabi kasi nila, pagdating ng panahon kung saan nasa bandang takip-silim ka na ng buhay, mas pagsisisihan mo daw ang mga bagay na hindi mo nagawa kaysa sa mga bagay na ginawa mo. Wala man akong malinaw na paliwanag o matibay na eksplenasyon kung bakit, pero sa tingin ko, hanggang huli, iisip isipin ko pa rin kung ano kayang nangyari kung sakaling niyaya ko siyang lumabas para manood ng sine o kung sinabayan ko siyang pumunta ng library. Ako rin. Hindi ko maintindihan.
Hindi kaya dahil sa gitna ng punyemas na kahulugan ng salitang destiny o fate eh may nagtatagong hibla ng katotohanan at posibilidad. Na baka kaya kahit anong hinay lang ng naging koneksyon namin ay hindi ko siya maipagpag. Hindi kaya nabuhay na kami noon. At patuloy na nagku-krus ang aming landas sa bawat pahina ng reincarnation evaporated milk theory. HIndi kaya mag-sing irog kami sa panahon ng mga kastila kung saan isa akong katipunero samantalang treasurer naman siya o taga lista ng not in proper seat sa tuwing may lihim na pagpupulong ang Katipunan?  O di kaya ay isa siya sa mga teller ng bangko na aking hinoldap noong panahon ng great depression? Pwede ring ako ang pinakaunang tao na gumamit ng bato bilang kasangkapan sa pangangaso samantalang siya naman ang unang gumamit ng balat ng hayop bilang underwear.
Baka kahit anong lipat, bago at lipas ng tagpo, anyo at panahon, pilit kaming pinagkikiskis ng pagkakataon. Parang nang-aasar lang. Nanunuya. Naghahanap ng mabu-bwiset. Tipong saktong dikit lang, makadama lang ng konting init ng kislap, iiiwas na din kami at saka na ulit. Sa susunod na yugto ng walang katapusang kwento.
Nagising ako kanina. Tumayo para kunin ang isusuot. Laking gulat ko ng makita ang mga lumang poster na nakadikit pa rin sa walang pinturang dingding ng aking kwarto. Ilang taon na mula nang pinilas ko ang mga iyon. Napaglipasan na kasi ng panahon ang mga basketbolistang tampok. Kailangan na ding ayusin at pinturahan ang parte na pinagdidikitan nila para hindi mabulok sa tuwing malakas ang ulan. Nakakapagtaka. Paano sila nakabalik?
Mas lalong naging praning ang eksena nang makita ang uniform ko na nakahanger sa hawakan ng aking lumang cabinet. May kung anong retro-party bang nangyayari sa bahay namin? Bigla bang naging sentimental ang nanay ko at palihim na binabalik ang mga bagay na matagal nang nabago?
Bumaba ako. Amoy hotdog na pinirito. Bakit daw hindi pa ako bihis sabi ni nanay. Male-late na daw ako sa klase.
ANONG LATE? ANONG KLASE? SAAN? NAKA-ECSTASY BA LAHAT NGAYON? WORLD ECSTASY DAY?
Pumasok ako ng banyo. Naghilamos. Baka kasi kapag sinampal ko ang sarili ko ng tubig, magigising din ako habang nasa kama kung saan napapaligiran ako ng madaming bote ng beer at ilang bukas na supot ng lecheng chicharon na vegetarian daw pero mas maalat pa sa karagatang pasipiko.
BAKA LASING LANG AKO.
Kaso wala. Walang warp o flash ang dumating para umayos ang mundo. Naririnig ko lang ang paulit ulit na pagmamadali sa akin ni nanay habang buong sindak ko namang tinititigan ang de bateryang toothbrush na niregalo sa akin noon ng ninang ko mula sa ibang bansa. Bakit buhay pa ‘to? Tandang tanda ko pa noong magretiro ito at gamitin ko na lamang bilang  panglinis ng sapatos. Ano bang nangyayari?
Saklaw pa rin ng takot, kaba at pagkalito. Pero pinilit kong umayos. Ayokong magcommute papuntang mental hospital. Nagbihis na din ako at pumasok. Lahat ng lugar, bahay at kalsadang madaan ko ay tila umatras ng ilang taon. Malala na ‘to.
Pumikit ako saglit, ilang hakbang bago pumasok sa classroom. Baka kasi sa pagkakataong ito, umayos na. Pero isang tuktok ang dumating sa katauhan ng chalk box ni Ma’am Chemistry. Ano daw ang tinatayo tayo ko dun gayong madumi pa ang blackboard. Naalala ko, madalas nga pala akong mautusan na maglinis ng pisara at singhutin ng buong giliw ang mga puting alikabok sabay pagpag na din sa mga napunta sa pantalon ko.
Umupo ako sabay lumingon sa kabilang row. Andun siya. Nakatingin sa harap. Walang kibo. Gaya ng dati. Gusto ko siyang sigawan o sutsutan. Kahit ano. Matawag lang ang kanyang atensyon. Pero paano kung panaginip lang ito? At paano kung hindi?
(tbc)
3 notes · View notes
imangggeee · 8 years ago
Text
August 22, 2017 💔
Naiinis ako sa sarili ko, Kung bakit ako nagkakaganito. Mahirap intindihin, Maski ako hindi ko maintindihan. Bakit kasi nasanay ako sa mga ganitong bagay? Na alam kong panandalian lamang. Hindi ko maipaliwanag. Pinilit kong intindihin ang sitwasyon. Ang sa akin lang bakit wala man lang kahit konting panahon? Nakakamatay ba mag bigay ng atensyon? Kahit isang mensahe lang sa araw na iyon. Naghantay ako. Kung maaalala mo pa ba ako. Wala mang kasiguraduhan. Pero wala akong pakialam. Natatandaan mo pa ba ang petsya ngayon? Siguro nga'y hindi na. Gusto ko lamang ipaalala. Na dalawang buwan na tayong magkakilala. Alam kong sobrang babaw ng aking dahilan. Pero pakiramdam ko'y ako'y iyong nakalimutan. Ayoko ng sabihin. Dahil wala naman ng patutunguhan.
1 note · View note