#Dalanh
Explore tagged Tumblr posts
Text

Arcana Liturgia | The Ruins of Dalanh (2021)
19 notes
·
View notes
Photo
Our first announced artist, Arcana Liturgia, hails from Italy, and released in "The Grey Wanderer" digitaly in July of 2022. This latest offering has just been released on cassette by Dark Age Productions.
Arcana Liturgia is a first wave pioneer, who released three seminal releases in the late 90's, beginning with “MCCXXXI” in 1997. After two decades, the project made a triumphant and prolific return in 2019, starting with "Tales of An Ancient World". Since his return, the Lord of Time has led us down the old forlorn path, to the ruins of the once glittering city of Dalanh, across the Jade Sea, and towards the edge of the known world through annual releases.
In 2020 The Lord of Time was set to grace our stage but mere weeks before the Siege was to begin a dark and foul plague cursed our realm which caused the cancellation of the Siege in the Northeast. At last the time has come for the Lord to make his journey across the sea in order to take his long-awaited place on the stage of the Northeast Dungeon Siege!
https://arcanaliturgia.bandcamp.com/
1 note
·
View note
Text
Mga TAO sa BUHAY ni Reena Clarisse
Dahil hindi ako makatulog at alam kong tambak pa ang trabaho na kailangan kong harapin sa mga susunod pang araw, gagawin ko ang most sensible thing to do... ang mag-blog. HAHAHA.
Minsan, napapaisip ako kung sino ba ang mga bumuo at nangwasak sa akin upang maging ako ang ngayo'y AKO. Maaaring hindi ko gusto kung sino, at anuman ang katauhan ng naging ako kaya hinahanap ko sila na may kagagawan kung naging SINO ako ngayon.
Disclaimer: Ang mga tao sa listahang ito ay maaaring mahal ko pa, o hindi na; maaaring nasa buhay ko pa, wala na o kaya nama'y paalis na. Bahala na akong umalala kapag binasa ko ito ulit kapag matino na at klaro ang kaisipan ko. Basta labas ang lahat ng kamag-anakan, o kapamilya. Lahat ito external relations. HAHAHA
Elementary.
Alam ko sa sarili ko na hindi ako marunong humingi ng sorry. Kung ayaw, huwag. Kung nakapagtitiis at nageenjoy ako sa company mo, then go.
Kris Karlo. Unang crush. Preschool. Kinder Light yellow. Kalaro sa text at kasamang magfishball. Binigyan pa ako nyan ng kwintas na uso noon. Yung glow in the dark na may pangalan ko.
Kaye. Unang tao na inapi ko sa school. Dahilan para ma-office ako. Bakit? Kasi pinagkukurot ko sya hanggang sa mamula at magpasa ang braso nya. Naaalala ko pa ang mukha nya habang umiiyak sya at binubulungan ko sya na magkita na lamang kami sa impyerno. At doon ko narealize na may kasamaan pala ang ugali ko. Grade one lang nga pala ako nyan. So, bahala na kayong humusga.
Jessieka. Unang bestfriend ko. Kalaban sa honors pero ultimate ka-close ko. Ilang beses kong inabandona dahil kapag nagkakacrush ako, hindi nya ako maintindihan. Pero sya rin ang unang tao na nagturo sa akin kung paano gumawa ng email. Naaalala ko pa, hindi ako umuuwi dahil mag-isa lang naman ako sa bahay. Palaging sa bahay nila ang diretso ko tuwing tanghali. Hanggang ngayon, nakakausap ko pa rin ng masinsinan tungkol sa mga bagay-bagay at buhay.
Richard. First M.U ko. And BREAKING NEWS! Hindi sya matalino. Baka nga below average pa. Pero nag-enjoy akong itutor yan kapag may exams at recitation. Mas masaya pa ako kapag nakakasagot sya. Doon ko narealize na kapag bet ko pala ang isang tao, lahat ng gawin nya, nagiging maganda at mahusay sa paningin ko. Pero sakanya ko rin narealize na ang mga lalaki, kapag madalas walang pakialam. Lalo na kapag alam nilang gusto na sila ng isang babae. Kaya ayun, isang araw, ayoko na sakanya. Napagod na lang ako na hintayin sya at maovercome yung hiya nya sa akin. Grade 5 to Grade 6 ito.
Anne. Unang babae na nagpaconfuse sa akin kung tomboy ba ako or ano. Grade 4 kami. Magaling sumayaw, magandang manamit. Pero pangit sya at hindi rin matalino. So, ayun, naisip ko, baka natutuwa lang ako sakanya dahil mahilig ako sa paper dolls at natutuwa sa pagmatch up ng clothes. Ewan ko. Di ko naman na sya bet after ng 4th grade.
Highschool
Vibas. Unang boyfriend ko. Na ako talaga ang may gusto nung una pa lang. Sumali ako at halos magpakamatay sa mga orgs kahit ang dami-dami na nila para lang makasama ko sya. Nagpaka-active ako sa lahat ng extra curricular activities kasi nandoon sya. Pati campus ministry na nung una wala talaga akong pakialam, pinatulan ko dahil sa kanya. Sadly, nung nanligaw na sya at naging kami na, saka ko narealize na ayoko na. Sobrang invested nya sa feelings nya for me before na kahit inaway na sya ng lahat ng barkada nya dahil sa 3 year gap namin, pinipili nya pa rin ako. Hanggang ngayon, naniniwala pa rin ako na kinakarma ako dahil ginago ko sya. Di ko malilimutan yung ilang beses syang umiyak para lang wag kaming maghiwalay. At yung pinakahuli, tinalikuran ko sya completely at umarteng walang naririnig habang hinahabol nya ako at umiiyak. Sorry 9, sorry talaga. Your 18 wasn't worth your tears. Buti masaya ka na ngayon and I'm happy for you.
Jaypee. Si kuya. Sobrang attached ako sa presence nya noon. Malambing, maalaga, maloko at madaldal. Naalala ko magkasama nating pinagdaan lahat ng hirap sa AC. Hinika ka pa habang umaakyat ng puno ng kamatsile. Naging sobrang close natin na na-fall ako sayo. Fondest memory ko is yung nagworry ka sakin dahil nahilo ako at sumakit ang puson. Napasugod ka at sumamang ihatid ako sa bahay. Tapos, wala ka naman palang dalanh wallet. Hahaha. Nagpapalit pa tayo ng cellphones noon ng ilang weeks. Nababasa ko chats ng gf mo. Single ako that time. Kaya wala akong sinabi kahit isang salita na gusto kita. Sinagot ko si MJ para makalimutan ko yung feelings ko sayo. Tuwing maghihiwalay kami, or magaaway, kahit college ka na non, bumabalik ka pa rin para sunduin ako. Tapos sinasamahan mo ako rito sa bahay or kumakain tayo ng ice cream sa NE crossing. Basta hindi la umuuwi hangga't hindi ako tumatawa. Palagi kang magiging special sa buhay ko. Hindi bilang SO kundi bilang kuya na alam kong maaasahan ko.
Sa ibang araw na lang yung iba.. pagod na ako. Overwhelming na rin yung memories ko. Good night.
0 notes