#Bangui Windmills
Explore tagged Tumblr posts
Text
Ilocos Norte: An Overview
The capital of Ilocos Norte is Laoag City. It serves as the political, commercial, and cultural center of the province.
New places to Visit
1. La Paz Sand Dunes- this desert- like area near Laoag City is perfect for adventure activities like 4x4, sandboarding, and ATV rides. It offers a unique landscape not commonly found in the Philippines.
2. Paoay Sand Dunes- similar to the La Paz San Dunes but located in Paoay, this spot offers thrilling activities and stunning sunset views over the sandy terrain.
3. Kapurpuran Rock Formation- located in Burgos, these unique white limestones formations are sculpted by the wind and sea. It's a picturesque site perfect for photography and exploration.
4. Cape Bojeador Lighthouse- also in Burgos, this historical lighthouse provides panoramic views of the West Philippine Sea. It's an excellent spot for history buffs and those seeking scenic vistas.
5. Bangui Windmills- these towering wind turbines along the shoreline of Bangui are not only a source of renewable energy but also a major tourist attraction due to their impressive size and picturesque setting.
6. Blue Lagoon (Maira-ira Beach)- located in Pagudpud, this beach is famous for its clear blue waters and serene atmosphere. It's a great spot for swimming and relaxation.
Garlic Delicacies
1. Garlic Longganisa
. A type of Filipino sausage that's heavily flavored with garlic, giving it a distinct and robust flavor. This longganisa is a staple in many Ilocano breakfast.
2. Garlic Chips
. Thinly sliced garlic cloves fried until crispy. They are often used as a topping for various dishes or eaten as a snack.
3. Garlic Infused Vinegar
. Local vinegar infused with garlic cloves, enhancing the vinegar's flavor and making it a great condiment for dipping meats or adding to various dishes.
Ilocos Norte offers a mix of historical sites, natural wonders, and unique culinary delights like pinakbet- a vegetable stew made with a variety of local vegetables like bitter melon, eggplant, and okra, cooked with bagoong (fermented fish paste) for a savory flavor, making it a fascinating destination for travelers.
Thank you for reading. Until next time, salamat and see you soon!
5 notes
·
View notes
Text
an argument for cutting my hair short
0 notes
Text
Bangui Windmill is not only a source of clean and green energy, but also a tourist attraction and a symbol of pride and progress for the people of Ilocos Norte. The wind farm generates about 40% of the electricity needs of the province and reduces greenhouse gas emissions by about 56,000 tons per year.
#Bangui Windmill#Bangui#Windmill#Ilocos#Ilocos Norte#philippines#Asia#AI Art#ai photo#ai image#artificial intelligence
3 notes
·
View notes
Text
© Paolo Dala
Bangui Windmills
The Bangui Wind Farm was recognized as the "first windfarm in Southeast Asia" back in 2005... I've been there twice. This photo was from the first time I was there in 2010.
#Bangui Wind Farm#Energy#Windmill#People#Water#Ocean#Sea#Beach#West Philippine Sea#Wind#Bangui#Ilocos Norte#Philippines
0 notes
Text
Bangui, Ilocos Norte
0 notes
Text
Bangui Windmills & the West Philippine Sea
Jands, gatiyog-tiyog kita!
Jands, gusto ko kunta it makara ho. Iba ta ubra it unga ho.
0 notes
Text
PAGUDPUD ILOCOS NORTE
Pagudpud, nestled at the northernmost tip of Ilocos Norte, holds a special place in my heart every Christmas or summer when we travel to Ilocos. Fondly known as the ‘Boracay of the North,’ this coastal town boasts stunning white sand beaches, inviting crystal-clear waters, and a serene ambiance that sets it apart. But Pagudpud isn’t just about its pristine coastline; it offers much more to explore. One of its iconic features is Bangui Bay, home to Southeast Asia’s inaugural windmill farm, graced by 20 majestic wind turbines.
This idyllic destination offers tranquility away from bustling crowds, making it a hidden gem yet to be discovered by many. Amidst its beauty lies the captivating Blue Lagoon Pagudpud, reminiscent of the stunning vistas found in Palawan. The beach is adorned with various activities and delectable local cuisines. Personally, I cherished my first-time experiences on the speed boat and banana boat rides, both enjoyable and surprisingly affordable.
Highly recommended for those seeking the charm of Boracay and the allure of Palawan, Pagudpud is an affordable yet enchanting alternative. Exploring Ilocos Norte further unveils hidden treasures, such as the hot spring located along the highway, a serene retreat away from the bustle. Notably, the awe-inspiring windmill farm stands as a marvel accessible to all, offering a remarkable sight and experience.
Embarking on a journey through Ilocos is an incredible adventure where every penny spent is justified. Each locale carries a healing essence; personally, every visit has provided a sense of detachment from everyday stresses, allowing for complete rejuvenation amidst its serene beauty
3 notes
·
View notes
Text
A Step Back In Time ⏱
EP 8 🎬
It’s been a year ago since we went to my first longest trip to the north, the provinces of Ilocos Sur and Ilocos Norte. These two provinces were located in Ilocos Region which is in the northern part of Luzon. Ilocos is best known for its historical and cultural sites that is really worth exploring. Our journey began with a scenic drive from Calamba Laguna to Ilocos Norte, as we made our way through the countryside, the lush greenery and picturesque landscapes served as a reminder of the beauty of nature. The long drive was made enjoyable with music and laughter, Our first destination was Laoag City and it was also where our accommodation located. Continuing our journey, we ventured to the Kapurpurawan Beach to see some of the windmills but sadly, we could not able to see them clearly, especially in Bangui, because it was raining heavily and the wind was so strong at the time we went.
No trip to Ilocos Norte would be complete without visiting the iconic Paoay Church, also known as the St. Augustine Church. This magnificent structure, built in the 17th century, showcased exquisite baroque architecture and stood as a testament to the rich history of the region. Visiting Vigan is a unique and unforgettable experience. This charming Spanish colonial town, located in the northern Philippines, features beautiful cobbled streets and authentic architecture that transports visitors back in time. Throughout the city, there are many museums, churches, and antique shops to explore. The highlight of our Vigan visit is the Raniag Festival Float Parade and their famous Empanada filled with grated green papaya, ilocos longganisa and egg.
Our trip to Ilocos Norte was an experience that will forever hold a special place in our hearts. From the historical landmarks to the breathtaking natural wonders and the warmth and hospitality of the locals, every aspect of our journey was a testament to the rich cultural heritage and natural beauty of this extraordinary province. Ilocos Norte taught us the importance of exploring and appreciating our own country, as it holds treasures that are waiting to be discovered and celebrated.
12 notes
·
View notes
Text
SINING NG ILOCOS
Sa pagbigay ng pagkakataon na muling makumpleto ang pamilya ko, hindi namin ito sinayang at nagplanong maglakbay. Noong February 2024, napagdesisyunan ng aking pamilya na libutin at pasyalan ang lugar ng Ilocos, bago muling umalis ng bansa ang aking tatay.
Alas-otso ng umaga nang magsimula kami patungo sa una naming pupuntahan, ang Vigan City. Ang binalak ng aking pamilya na puntahan sa Vigan City ay ang kilalang Calle Crisologo, kung saan ipinagmamalaki nito ang mga siglong lumang bahay na bato, magagandang tungsten lamp, at ang paggamit nito sa mga karwahe o kalesa na hinihila ng kabayo bilang transportasyon.
Mga alas-dos ng hapon kami nakarating sa Vigan City at nagcheck-in muna kami sa isang Airbnb na Happy Grey Hotel upang makapagpahinga nang saglit. Paglipas ng ilang oras na pahinga, nag-ayos na muli kami para sana pumunta sa Baluarte Resort and Mini Zoo, ngunit sarado na ito nung kami ay makarating. Kaya naman, dumiretso na kami sa Calle Crisologo nang mga alas-singko ng hapon. Pag-apak ko pa lamang ay manghang-mangha ako sa ganda ng mga bahay doon. Naglakad-lakad kami at ninais naming sumakay sa kalesa. Sumakay kami ng aking mga kapatid at ang isa kong pinsan sa karwahe o kalesa. Sa halagang dalawang daan ay inikot na kami sa mga lugar sa Calle Crisologo at makikita talagang makaluma ang mga bahay doon, ganoon din ang mga kainan, banko, at bilihan ng medisina. Pagkatapos kaming ilibot ay bumili kaming ang dirty ice cream na kilala rin doon. Nagikot-ikot muli kami para makabili ng mga pasalubong at mga souvenirs. Binilhan ko ang mga kaibigan ko ng mga pasalubong ko sa kanila. Ilang oras din kaming naglilibot sa Calle Crisologo at naisipan na naming umalis. Ang kasunod na pinuntahan namin ay ang Musical Dancing Fountain sa kanilang plaza. Bilib na bilib akong panuorin ang paggalaw ng tubig at ang mga ilaw. Pagkatapos ng show ay nag-hapunan kami sa isang sea food restaurant. Umuwi na kami at napagpasyahang magpahinga para sa muling paglakbay kinabukasan.
Alas-sais ng umaga, naglakbay kami papunta naman sa Bangui kung saan nandoon ang sikat na mga windmill. Apat na oras ang byahe papunta doon ngunit hindi ko ito naramdaman dahil sa ganda ng mga dagat at tanawin na nadadaanan namin. Pagkarating naming doon, kumuha lamang kami ng litrato at nilusong ko ang aking mga paa sa dagat. Ang panandaliang oras na iyon ay nakakawala ng pagod at problema, kasama ko lamang ang hangin, dagat, at ang aking pamilya. Napagdesisyunan naming umalis na dahil din mainit. Sinagad na namin at tumungo pa sa Pagudpud sa Patapat Viaduct. Sumaglit lamang kami doon para lamang pagmasdan ang tanawin at kumuha muli ng litrato. Naglakbay na kami pabalik para kumain dahil nakakaramdam na kami ng gutom. Kasunod ng pagkain namin, ay nilakbay namin pabalik ang Rock Formation, isang tourist attraction sa Ilocos. Mga alas-dos ng tanghali kami nakarating doon kaya init na init kami pero hindi naming sinayang ang bawat oras kaya itinuloy namin ito. Lumakad kami ng konti para makalapit sa Rock Formation at kumuha ulit ng mga litrato. Ayan ang huli naming pinuntahan bago kami umuwi. Sa lakbay namin pauwi ay kumain kami sa Jollibee sa may La Union. Tuloy-tuloy na ang byahe naming pauwi at umabot kami ng alas-dose ng madaling araw para makarating sa aming tahanan.
Ang kamakailan na paglalakbay na ito ay naging isang magandang ala-ala na madadala ko habang buhay. Lahat kami ay umuwing may bitbit na memoryang hindi malilimutan. Ang paglalakbay na ito ay nagsilbi na oras namin para sa isa’t-isa. Ang tanging hiling ko na lamang ay maulit muli ang ganitong uri ng paglalakbay sa panahon na kami ay makumpleto muli.
2 notes
·
View notes
Text
Ang mahabang biyahe sa Ilocos Sur at Ilocos Norte
Noong April 18, 2019, sa kalagitnaan ng tag-init, nagsimula ang aming pamilya ng masayang paglalakbay patungo sa Ilocos Norte. Isang planong inorganisa ng mga kapatid ni Nanay, ito ay isang pagkakataon para masaksihan ang ganda ng mga tanawin at maranasan ang kultura ng Ilocos.
Credits to TripadvisorBaluarte
Sa malapit na pagdating namin sa Ilocos Sur, nagpasya kaming huminto saglit para kumuha ng mga litrato at bumisita sa Baluarte Wild Animal Gallery. Subalit, nadismaya ako sa napabayaan na kalagayan ng lugar. Sa kabila ng kaunting hayop at kulang sa pagpapalakad.
Credits to Wikipedia
Patuloy pa rin kaming naglakbay patungo sa Vigan City. Kahit na mainit ang panahon, hindi ko nai-enjoy ang pagbisita sa mga lumang bahay. Ngunit, nakatagpo kami ng mga kakaibang produkto ng mga taga-Ilocos Sur kagaya ng Bagnet, longganisa, at kalamay na tunay na nakatatak sa alaala.Pagdating ng gabi, nagpatuloy kami sa aming biyahe patungo sa Ilocos Norte.
Credits to Laoag Ilocos Norte things to do, best travel spots and travel
Sa Laoag City, nagpasya kaming huminto saglit para magpahinga at bisitahin ang kamag-anak ng aking tito. Sa paggising kinabukasan, agad kaming nagtuloy sa Ilocos Norte. Nararamdaman ko na malapit na kami sa aming mga destinasyon dahil sa mga windmills na sumasalubong sa amin malapit sa dagat.
Credits to Wikipedia
Ang Kapurpurawan Rock Formation ang unang lugar na aming pinuntahan, kung saan namangha ako sa ganda ng mga bato na nabuo dahil sa lakas ng alon ng tubig. Matapos nito,
Credits to Guide to the PhilippinesCape Bojeador Lighthouse
Bumisita kami sa Cape Bojeador Lighthouse, isang historikal na lugar na patuloy na nagbibigay liwanag sa karagatan mula noong 1892. Ako ay natuwa dahil mura lamang ang entrance fee na nagkahalaga ng ₱40.00 at nasulit ko naman ang paglilibot sa Loob ng Lighthouse ngunit Hindi ko na naakyat ang lighthouse dahil ito ay pinagbabawal ng mga Bantay doon
Credits to Arinaya White Beach Resort
Sa Arinaya Whitebeach Resort, nagpahinga kami at nagsaya kasama ang aming mga pinsan sa ilalim ng maliwanag na araw. Ngunit, dahil sa mahal ng mga tulugan, pinili naming matulog na lamang sa aming sasakyan.
Credits to Wikipedia
Sa huling araw ng aming paglalakbay, bumisita kami sa Bangui Windmills, kung saan hindi mapapantayan ang ganda ng tanawin. Kasabay ng aming pag-alis, bumili kami ng mga souvenirs bilang alaala ng aming pagbisita sa Ilocos.Sa pag-uwi, nagpatuloy kami sa aming biyahe at dumaan sa Laoag City at Vigan City para magpahinga at magdagdag ng mga pasalubong.
Sa kabuuan, bagaman naging mapanglaw at mainit ang ilang bahagi ng aming paglalakbay, ang mga karanasan at alaala ay hindi malilimutan. Ang paglalakbay sa Ilocos Norte ay isang pagkakataon upang masilayan ang ganda ng Pilipinas at maranasan ang kultura ng mga taga-roon.
3 notes
·
View notes
Text
Masayang Paglalakbay
Ilocos Norte, isang nakabibighaning lugar sa Pilipinas na nakakaakit ng maraming turista. Matatagpuan ito sa hilagang-kanluran ng Luzon at bahagi ng Rehiyon I. Maaari kang pumunta na iba't-ibang bahagi nito gaya na lamang ng Bangui Windmills kung saan makikita ang naglalakihang windmills at Pagudpud kung saan pwede kang maligo sa napakalinis na dagat. Nagkalat ang maraming hotel dito kaya naman hindi mahirap maghanap ng tutuluyan. Masarap din ang mga pagkain at meron silang mangilan ngilang pagkain na sikat gaya na lamang ng empanada, bagnet, pinakbet, at marami pang iba.
Bawat taon naglalakbay ang aking pamilya sa iba't ibang lugar, ngunit ang lugar na ito ay isa sa pinaka maganda at masayang paglalakbay na aking naranasan. Nagpunta kami sa Ilocos Norte noong Abril 23, 2019 ngunit kahit na gaano na ito katagal ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang saya na aming naramdaman dito.
Tatlong araw kaming nanatili dito at sa unang araw namin ay nagpunta kami sa Museo Ilocos Norte. Sandyang nakakamangha ang mga gamit na mayroon ang museyong ito. Nakita at natutunan ko ang ilan sa mga kasaysayan ng Ilocos norte.
Sa ikalawang araw namin ay nagpunta na kami ng pagudpud at dito na natulog at nanuluyan. Napakasaya ko dito dahil mahilig ako sa dagat. Ang dagat dito ay sadyang nakakamangha dahil na lamang sa kalinisan nito. Ang paborito kong parte sa lugar na ito ay ang malalakas na alon na sa tingin ko ay masnakapagpapasaya sa akin.
Sa ikatlo at huling araw ay dalawang lugar ang aking napuntahan, ang Sand Dunes at Bangui Windmills. Hindi ko alintana ang pagpod sa byahe dahil sa mga naggagandahang tanawin dito. Una kong pinuntahan ang Sand Dunes upang masubukan ang mga aktibidad nila dito. Kahit na tirik na tirik ang araw at sobrang init ay nagawa ko pa ring magsaya dito, Sinubukan ko lahat ng akdibidad nila dahil para sakin ito ay isang oportunidad na makasubok ng bagong gagawin.
Ang huli naming destinasyon ay ang Bangui Windmills. Ito ang pinaka tumatak sa akin dahil labis akong namangha sa mga naglalakihag windmills na aking nasaksihan. Napakahangin dito at kasabay nito alon na maririnig mo kahit na sa malayo.
Sadyang napakabait ng mga tao sa lugar na ito. Kung bibigyan ako ng pagkakataon na maglakbay sa kahit na anong lugar, Ilocos Norte pa rin ang aking pipiliin. Dito ako nakaramdam ng saya at koneksyon sa lugar, na hindi ko naramdaman sa kahit na anong lugar na aking napuntahan. Inaabangan ko pa rin ang araw na makabalik ako sa makapigil hiningang paraiso na nagngangalang Ilocos Norte.
3 notes
·
View notes
Text
MGA LUGAR AT KARANASAN NA AKING NAGAWA SA VIGAN CITY, ILOCOS SUR AT PAGUDPUD, ILOCOS NORTE
Nagpaplano ka bang magkaroon ng magandang araw? Halika at samahan mo akong tuklasin ang lungsod ng Vigan na itinatag noong huling bahagi ng 1500s, sa panahon ng dominasyon ng mga Espanyol sa Pilipinas, at mayroon pa ring parehong hitsura at pakiramdam makalipas ang daan-daang taon. Isa pa ang Pagudpud na parang Boracay sa norte ay ating tutuklasin.
Calvo, S. (2017, March 6). Ilocos Sur, Philippines: The Heritage Province. Culture With Travel. Retrieved February 22, 2023, from https://www.culturetrav.co/2017/01/11/ilocos-sur-philippines-heritage-province/
Isa sa pinakamatandang bayan sa bansa ay ang Lungsod Vigan na itinatag noong 1572 ng Kastilang si Juan de Salcedo bilang isang sentro ng kalakalan sa rehiyong Ilocos. Naging lunsaran ito ng kalakalang Galeon sa pagitan ng Acapulco at Maynila. Bukod sa kalakalan ng mga produkto, nagsilbing daluyan din ito ng palitan ng mga tao at kultura ng iba’t ibang bansa. Tinawag ni Salcedo itong Villa Ferdinandina bilang parangal sa unang anak na lalaki ni Haring Felipe II ng España.
Ang Vigan ay siya ring matandang kabesera ng buong Ilocos noong hindi pa ito nahahati sa dalawang lalawigan. Ang salitâng “Vigan” ay nagmula sa “kabigaan” o lugar na maraming tanim na “bigaa,” isang uri ng bungang-ugat na gaya ng gabe.
Umalis kami ng madaling araw para mag byahe umabot ang 2 oras ay kami ay nag stop over para kumain ng almusal sa 7/11. Mayroong dalang baon na pangalmusal ang aking tita at bumili rin kami sa 7/11 ng mga pagkain na iba tulad ng cup noodles. Pagkatapos kumain at nagpahinga ay nagpatuloy na ulit kami sa aming byahe at umabot ito ng 6 na oras papuntang Vigan City, Ilocos Sur.
Nang makarating kami sa Vigan ay pinuntahan namin ang mga lugar na sikat rito tulad ng:
Calle Crisologo - Bilang isa sa mga pinakamahusay na napreserbang heritage site sa Vigan, ipinagmamalaki ng Calle Crisologo ang kakaibang kapaligiran na magdadala sa iyo pabalik sa nakaraan. Ang mga pamana ng bahay na itinayo ilang siglo na ang nakakaraan ay nakahanay sa magkabilang panig ng kalye, na naglalarawan sa arkitektura na naiimpluwensyahan ng Espanyol na napanatili sa loob ng ilang siglo. Habnag kami ay naglilibot rito ay bumili din kami ng mga souvenirs na maibibigay namin sa aming mga kaibigan, ibang pamilya at para sa amin din.
2. Baluarte Resort and Mini Zoo - Huling pinuntahan namin bago kami magbyahe para pumunta sa Pagudpud ay ang Baluarte Zoo na matatagpuan sa Vigan, Ilocos Sur, Pilipinas. Ito ay itinatag ng politiko at negosyanteng si Chavit Singson. Madami kaming mga hayop na nakita rito at nasiyahan kami a aming pagpunta dito.
Matapos namin sa Baluarte ay kami ay nagbyahe ulit ng 2 oras para makapuntan sa Pagudpud, Ilocos Norte. Nang makarating kami ay nag-check-in kami kaagad sa aming hotel para maibaba ang mga gamit at makapagpahinga na din. Ang hotel na aming tinuluyan ay Hannah's Beach Resort. Na kung saan kami nagpahinga, lumangoy at nag-relax.
Kinabukasan, kami ay pumunta sa Pagudpud para magpunta sa Bangui Windmills. Bilang isang salitang Ilokano na nangangahulugang "nahulog", ang mga kuwento ng Nacatnagan ay nagsasabi na noong unang panahon, dalawang kalabaw (mga kalabaw ng tubig sa Pilipinas) ang umakyat sa bundok at nahulog sa bangin. Ang bangin ay may hindi nagagalaw na kagubatan na puno ng mga ligaw na hayop, mga ligaw na orchid at mga bihirang pako sa kahabaan ng madulas at matarik na mga slopes nito.
Ang Bangui Wind Farm ay isang wind farm sa Bangui, Ilocos Norte, Pilipinas. Gumagamit ang wind farm ng 20 unit ng 70-meter (230 ft) high Vestas V82 1.65 MW wind turbine, na nakaayos sa isang hanay na umaabot sa 9-kilometro (5.6 mi) na baybayin mula sa Bangui Bay, na nakaharap sa South China Sea.
Sa Pagtatapos
Ang paglalakbay na ito sa Ilocos Sur at Norte ay sadyang nakakapagaod dahil ginawa lamang namin ito ng 2 araw. Sa pagpunta namin sa Vigan at Pagudpud ay masasabi kong ito ay nakakapagod at pudpud ang aming pwet dahil sa kakaupo para magbyahe dahil para lamang kaming nagbyahe ng matagal sa pagpunta dito.
***Ang mga ibang larawan ay galing sa google***
3 notes
·
View notes
Text
An Adventure in Ilocos: From History to Beaches
The journey began in Vigan City, a place where history comes alive in every cobblestone street and ancient facade. Walking through Calle Crisologo felt like stepping into a time machine. The Spanish-era architecture, horse-drawn carriages, and traditional shops created a unique blend of the past and present. As I passed the Syquia Mansion and the Vigan Cathedral, I could almost hear the echoes of a bygone era.
My next stop was the majestic Paoay Church, a UNESCO World Heritage site known for its massive buttresses. The church's stone walls and intricate designs were a testament to the craftsmanship of the past. The view was breathtaking, and I spent a moment soaking in the history.
The journey continued north to Bangui, where the towering windmills stood tall against the azure sky. The sight of these massive structures along the coastline was awe-inspiring. Not only did they provide renewable energy, but they also symbolized progress and innovation.
From there, I headed to Pagudpud, the "Boracay of the North". The white sandy beaches and crystal-clear waters were a dream come true for any beach lover. I stayed at Casa Consuelo Island Reef, a quaint beachfront resort that offered the perfect blend of relaxation and adventure. I spent my days swimming, snorkeling, and exploring the sorrounding areas.
A trip to Ilocos wouldn't be complete without visiting the Cape Bojeador Lighthouse in Burgos. The climb to the top was worth it, with panoramic views of the West Philippine Sea. It was a moment of pure serenity, with the sound of waves crashing against the cliff below.
On my last day, I decided to embrace my adventurous side at the La Paz Sand Dunes. Riding a 4x4 across the dunes and trying sandboarding was an adrenaline rush like no other. It was the perfect way to end my journey in the area.
Throughout my adventure, I tasted some of the best Ilocano cuisine. Bagnet- a deep fried pork dish with it's crispy exterior and tender interior, became an instant favorite. The Vigan-style empanada, filled with meat and vegetables often served with vinegar, was a delightful snack. I also enjoyed longganisa, the traditional garlic rice and pinakbet a mixed vegetable dish with shrimp paste.
The Ilocos Region is known for its unique and delicious sweets that reflect the rich culinary heritage of the area. Here's an overview of some popular Ilocano sweets: 1. Binagkal- is a type of deep-fried sesame-coated rice cake. It's crispy on the outside and chewy on the inside, with a hint of sweetness, it is often enjoyed with coffee or tea, 2. Bibingka-is a traditional Filipino rice cake made with glutinous rice, coconut milk, sugar, and other ingredients. It is often cooked in clay pots lined with banana leaves, giving it a distint flavor and aroma. It is a popular treat during special occasions and holidays especially during Christmas, 3. Patopat- is a sticky rice dessert wrapped in banana leaves or palm leaves. It's made from glutinous rice mixed with cocunt milk and sugar, giving it a sweet and rich flavor. Patopat is often enjoyed during fiestas and family gatherings. My relatives made patopat incredibly delicious 4. Chichacorn-is a crunchy snack made from deep corn kernels and it comes in various flavors like garlic, cheese and barbecue. It is an addictive snack that's perfect for munching on the go or sharing with friends.
These sweets are just a glimpse of the delicious treats you can find in the area. Try these sweets on your next visit to the Ilocos Region or find them in Filipino markets and stores to bring a taste of Ilocano culture to your home.
As I packed my bags to leave, I realized that the Region had given me more than just an adventure- It had given me a deeper appreciation for Filipino culture, and proud of the history and the indomitable spirit of the people. This journey was just the beginning.
Thank you for reading! Until next time, salamat and see you soon!
1 note
·
View note
Text
Byahe Patungong Norte
Sa paglalakbay sa magandang lalawigan ng Norte, nagsisimula ang isang karanasan na puno ng kagandahan at kasaysayan. Ang bawat lugar ay may kwento na naghihintay na masaksihan at masaliksik. Sa pagtahak sa mga daan ng Norte, hindi lamang ang mga tanawin at pasyalan ang makikita, kundi pati na rin ang yaman ng kultura at tradisyon ng mga taga-roon.
Baluarte Resort and Mini Zoo
Matapos ang halos labindalawang oras na byahe ay nakarating na rin kami sa Baluarte Resort and Mini Zoo sa bayan ng Vigan. Habang kami ay nasa loob na napagpasyahan ng aking pamilya na sumakay ng mini jeep upang maikot namin ng buo ang Baluarte. Sa aming paglalakbay sa loob nakita namin ang mga kakaibang uri ng mga hayop na bihirang makita sa ibang lugar. Bawat hayop na makikita ay may deskripsyon na kung saan ito galing na bansa at kung ano ang mga sarili nitong kakayahan. Sa pag-alis naman namin ng Baluarte Resort and Mini Zoo, may dala kaming mga bagong kaalaman at pagpapahalaga sa kalikasan at sa mga hayop.
Ilocos Norte
Kinabukasan, matapos ang aming pagpapahinga sa Vigan kami naman ay nagbyahe ng halos tatlong oras patungon Ilocos Norte. Sa Ilocos Norte ay naghanda ang pamilya namin ng isang simpleng reunion sa mga kamag-anak namin doon. Ito ay isang karanasan na hindi namin malilimutan at aming dadalhin sa aming mga puso hanggang sa aming paglalakbay sa iba pang mga lugar.
Patapat Bridge
Sa aming paglalakbay nararamdaman namin ang hangin na papalakas habang tumatagal, siguro ay dahil halos nasa dulo na kami ng Pilipinas. Gayon pa man, isa sa mga kahanga-hangang pasyalan na aming nadatnan ay ang Patapat Bridge. Mula sa taas ng tulay, aming nasaksihan ang kagandahan ng dagat na naglalaho sa kalawakan. Ang paglalakbay sa Patapat Bridge ay hindi lamang isang paglilibot, kundi isang pagtatawid patungo sa mga panibagong posibilidad at pag-asa.
Bangui Windmills
Matapos pagmasdan ang karagatan, kami ay bumalik na sa Bangui upang makapaglakad-lakad sa tabi ng dagat. Makikita rin dito ang mga naglalakihang windmills na umaalon sa ritmo ng hangin. Isa ring kakaibang pangyayari ang aming nasaksihan—ang paglitaw ng isang makulay na bahaghari sa kalangitan.
Kapurpurawan Rock Formation
Habang kami naman ay pauwi na, kami ay napadaan sa Kapurpurawan Rock Formation. Ang paglalakad sa paligid ng Kapurpurawan ay parang paglalakbay sa ibang mundo. Ang Kapurpurawan Rock Formation ay isang patunay ng ganda at kapangyarihan ng likas na yaman.
Calle Crisologo
Noong kami ay nakauwi na sa aming tinutuluyan sa bayan ng Vigan, kami ay nagpunta sa Calle Crisologo. Dito ay sumakay kami ng kalesa upang mas maramdaman namin ang vibe ng lugar na makalumang panahon. Dahil nga ito na ang huli naming destinasyon hindi na rin namin piinalagpas ang Vigan Empanada na sikat at binabalik balikan sa Vigan. Totoo nga namang babalik balikan mo ito dahil sa kakaibang lasa nito na doon mo lamang matitikman.
Sa huli, ang aming paglalakbay sa Ilocos Norte ay hindi lamang isang paglilibot, kundi isang paglalakad ng pag-asa, pagmamahal, at pagpapahalaga sa ganda ng mundo. Ang mga alaala na aming dala-dala ay hindi lamang mga kuwento na aming isasalaysay, kundi mga aral at inspirasyon na aming ipamamahagi sa bawat hakbang ng aming buhay. Sa bawat paglalakad, kami ay magpapatuloy na magtanim ng mga alaala at mag-abot ng kamay sa hinaharap, puno ng pag-asa at pangarap.
0 notes
Text
youtube
[SPOTTED]: Media Manipulation in the 2022 Presidential Campaign TV Ad of the BBM Administration.
During the 2022 Philippine Presidential elections, the candidates for president created campaign advertisements to showcase who they were and what they could offer to the country. One campaign ad that quickly became controversial in social media was the paid television advertisement of Ferdinand "Bongbong" Romualdez Marcos Jr., the 17th and current president of the Republic of the Philippines. This advertisement was played during the course of the election starting from December 2021 (Guanzon, 2022). Since then, the citizen voters have seen the windmills in Ilocos Norte as Marcos' campaign materials. The advertisement aimed to touch the heart of the citizen voters (DRPS One - PH TV Ad Archive Channel, 2021). Also, it was created with the intent to introduce Bongbong Marcos and his campaign slogan: "Bangon Bayan Muli" (Guanzon, 2022).
Although this campaign advertisement was created with the sole intention of introducing Bongbong Marcos, the ad's content detrimentally affected the citizen voters, especially the supporters. The BBM Administration claims that Bongbong Marcos initiated the construction of windmills in his hometown, Ilocos Norte (Lagman & Ines, 2022). The sad truth behind this claim is that the Bangui Bay Wind Power project was built using funds from the World Bank and was initiated by a private company named NorthWind Power Development Corporation (Salazar, 2022). This propaganda of Bongbong Marcos misled the citizen voters into thinking that BBM built the windmills. This disinformation is so widespread that it became harmful to the community, especially to his supporters, because most Filipinos do not have the critical analysis skill to identify this form of media manipulation in this campaign advertisement (Spacey, 2020).
This information is one of the many fake claims of Bongbong Marcos, his use of media manipulation to spread information shows a lot about the true agenda of his administration. Now that he is in the highest position in the Republic of the Philippines, the current state of our country proves that citizen voters should do better in choosing and critically analyzing our future leaders. Marcos' tactics made him remain at the top ranking in presidential surveys, which continued as he hid from the media and the people about his platforms and say in the social issues in our country. Always remember never again to let the past go back to the present to ruin our future. All in all, Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. would not be where he is right now if it was not for his surname, "Marcos," given that to this day, he does not have many accomplishments to live up to his name.
References:
DRPS One - PH TV Ad Archive Channel. (2021). Bongbong Marcos
Paid TV Ad Q4 2021 60s. [Video]. YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=8eyLi63P4vg
Guanzon, S. (2022). Windmills in Marcos Jr.’s campaign symbolize
return to Marcosian ‘golden age’ – study. RAPPLER. https://www.rappler.com/nation/elections/windmills-marcos-jr-campaign-return-golden-age/
Lagman, M., & Ines, J. (2022). FACT CHECK: Bangui Wind Farm in
Ilocos Norte Not Bongbong Marcos’ Project. OneNetwork. https://www.onenews.ph/articles/fact-check-bangui-wind-farm-in-ilocos-norte-not-bongbong-marcos-project
Salazar, C. (2022). Inauguration 2022: Marcos repeats false claim on
Ilocos windmills. Philippine Center for Investigative Journalism. https://pcij.org/blog/3391/inauguration-2022-marcos-repeats-false-claim-on-ilocos-windmills
#Advertisement#PH_Elections_2022#Marcos#BBM#Manipulaton#Media Manipulation#Misleading#Campaign#Youtube
0 notes
Text
Lakbay sa Pagudpud Ilocos Norte
Sabi nila, ang paglalakbay ay kaakibat ng paglago at pagtatagpo. At kung ibig mong suyudin ang rahuyo ng kapuluan sa Pilipinas, bakit di natin simulan sa kahila-hilagaan ng lupalop ng Luzon sa Pagudpud, llocos Norte. Itinuturing na Boracay ng Hilaga ang Pagudpud, subalit sa natatanging rikit at hinahon na dala sa pakiramdam ng kapaligiran, hindi sasapat na ikumpara ito sa Boracay. Kapansin-pansin ang purong puting buhangin sa dalampasigan ng karagatan. Ang maalwan at banayad na simoy na hangin ay tamang-tama sa busog kong mga mata mula sa maririlag na pagkakaporma ng mga bato, at simpleng buhay na mapapansin sa mamamayan ng Pagudpud. Sampung oras na biyahe ito mula Maynila kung sasakay ng bus, o may pribadong kotse na magagamit; samantalang apat na oras lamang kung sasakay ng eroplano. Higit sa oras ng pagbiyahe ang ginhawa at aliw na hatid sa'kin ng Pagudpud, lalo na nu'ng marating ko ang aplaya, at mapuntahan ang tinaguriang kauna-unahang windmill farm ng Timog-Silangang Asya, ang Bangui Windmills.
Tunay na isa rin sa nagbibigay kulay ng paglalakbay ay ang mga taong nakasalamuha. Kasama ko ang aking pamilya sa biyaheng ito, at iba talaga ang pakiramdam 'pag labis na ngiti ang nasisilayan mula sa mga taong malalapit sa'kin, at sama-samang nagtatawanan sa mga simpleng banat habang nagpapalipas-oras buhat ng mahabang biyahe. Sabayan na rin ng mabubuting residente ng Pagudpud, na walang humpay ang pagtanggap at pagturing saming pamilya bilang kanila. Walang kapantay ang pagsasalo-salo sapagkat masisilayan talaga rito ang kultura ng bawat Pilipino, na nanunuot sa ating dugo, ang kultura ng pagbibigayan at pagdadamayan. Kung may lugar man akong babalik-balikan, ito ay ang Pagudpud. Hinding-hindi ko malilimutan yung pakiramdam na payapa at masaya simple at makulay. Subukan mo ring tanawin ang banaag ng lumulubog na araw sa baybay-dagat ng Pagudpud. Bigyan mo rin ng pagkakataon na pukawin ang iyong puso, at katagpuin ang destinasyong ito. Sabi ko nga nung umpisa, hindi mo matatagpuan kung di mo lalakbayin.
1 note
·
View note