Tumgik
#Alvin Bragais
thetrueoverlordbear · 5 years
Photo
Tumblr media
The time has come, and so have...uh...I made a recommendation for some Filipino writing. Yeah. Tobby’s Recommendation Yell: Nald Tabuzo’s Black Blood edited by Gabby Published on July 2018 under Precious Pages Corporation’s Black Ink imprint, a komiks revival effort that also takes cues from Japanese popular culture, Nald Tabuzo’s Black Blood is a refreshing Filipino take on the Japanese light novel.
0 notes
prncstrshsrcs-blog · 6 years
Text
Tumblr media
Ang obrang "CURSED" ni Alvin Bragais ang pumukaw ng aking atensyon dahil sa istilong "anime" nito. .Nagpapakita ito ng isang mahalagang depiksyon ng lagay ng mga kababaihan sa kasalukuyang panahon.
Kapansin-pansin ang tila kabaong na hinihigaan ng babae na siyang naglalaman ng kayamanan tulad ng korona, gintong barya, alahas na perlas, at mga bulaklak. Makikita rin ang pulang telang nakatakip sa pribadong parte ng katawan ng babae na napapatungan ng bungo, mga kamay at paang kapwa nakaposas, mga matang nakapiring, at ang pulang rosas na nasa dibdib nito. Panghuli ay ang dalawang patalim na tila ba nakaharang sa kanyang hinihigaan at ang dalawang ibong lumilipad sa ibabaw ng kanyang hinihigaan.
Sa aking palagay, sinisimbulo ng bungo na nasa ibabaw ng kanyang pribadong parte ang pang aabuso o kawalan ng respeto sa kanyang pagkababae. Ang kanyang hinigaan naman ay tila kabaong na syang sumisimbulo sa kamatayan, di matatakasan. Ipagpalagay nating isa syang babaeng kumakapit sa patalim upang mairaos ang sarili o di naman kaya'y ang kanyang pamilya mula sa kahirapan. Kinukulong sya ng mga patalim na iyon upang masadlak sya sa kayamanang nasa higaan na iyon. Ibig din ipahiwatig ng posas sa kanyang kamay at paa na wala na syang takas pa sa ganoong uri ng pamumuhay dahil kung aalis man sya'y wala na ring matitira sa kanya kundi ang kanyang inabusong katawan. Samakatuwid, pinapakita ng likhang sining na ito ang prostitusyon. Na bagama't marami kang pera at kayamanan, di mo pa rin maiaalis sa iyong sarili na paulit ulit kang binastos at inabuso ng mga tao sa ngalan ng pera.
Ang hindi ko maintindihan sa obrang ito ay ang mabuti at masamang simbolo ng dalawang patalim at ng dalawang ibon. Kung ang pamagat ng sining na ito ay "cursed", bakit mayroon itong puting patalim at puting ibon? Mayroon pang tila "magic circle" na nasa likod ng kabaong. Hindi ko maintindihan ang nais ipahiwatig ng mga ito ngunit isa lamang ang pumapasok sa isip ko kung titignan ko ang obrang ito: Sumpa ang prostitusyon.
1 note · View note