#ANG LUGAR MO AY SA PAKIKIBAKA!
Explore tagged Tumblr posts
Text
"Gays must be militant, serving the people." — “Inside the New People's Army” (2018), redfish
#this quote!!#redfish#new people's army#philippines#NPA#armed resistance#lgbtq#BAKLA#ANG LUGAR MO AY SA PAKIKIBAKA!
2 notes
·
View notes
Text
isang prebiliihyo ang edukasyon. walang lugar ang mga nasa laylayan dahil masyadong sakim ang mga mayayaman. kahit baliktarin mo pa ang mundo, hadlang pa rin ang kahirapan sa magandang kinabukasan ng mga kabataan.
nakakatawa si richard goma. ang lakas ng loob na magreklamo sa dalawang oras na traffic sa edsa— hindi niya ba alam na ang mga pribadong sasakyan ang puno’t dulo ng malalang trapiko sa bansa? nasaan ang simpatya para sa mga komyuter na araw-araw nakikipag-bakbakan at siksikan makapagtrabaho lang pang-laman sikmura?
kayong mga pulitiko at mayayaman ay masyadong walang muwang at hindi mulag reyalidad. ang pagiging makasarili at pagpapalaganap niyo ng prebilihiyo ay nakakasuka.
kaya ikaw, lumabas ka at pakinggan mo ang sigaw ng madla. huwag mo ng takpan ang tenga at buksan mo na ang iyong mga mata; hindi ito ang panahon para magbingi-bingihan at magbulag-bulagan. bumoses ka. hindi ka ba nababahala na ang mga nakaluklok sa taas ay walang kwenta at hindi makamasa? puro korap at mukhang pera, pero kahit kailan hindi naging makamasa. tingnan mo nalang ang mga nasa senado, ‘yan ba ang huwarang pulitiko? nakakasuka. ang mga kagaya nila ay hindi na nararapat na bigyan pa ng plataporma.
tama na ang pagiging neutral o apolitical.
magsalita ka, bumoses ka. gamitin mo ang boses at boto mo bilang sandata laban sa kanila. hindi kailanman mapapantayan ng kahit na ano ang pagtindig at pakikibaka mo para sa mga taong nangangailangan ng boses mo.
0 notes
Photo
Bihira kasi magkaroon ng content na naka-spotlight sa mga babaeng tauhan ni Rizal. So let’s give these deserving ladies a moment!
Deserve din nila ng better treatment ano. Pero mas sikapin natin magkaroon ng mas magandang pamumuhay ang mga babaeng Pilipinong namumuhay ngayon kaysa magngawa ng “representation” para sa isang nobela na isinulat naman ng lalaking matagal nang patay.
Pasalamat na lang talaga sa Picrew ni @alamangoes (mula Twitter)! <3
#el nolibusterismo#el noliyonatikos#maria clara#nmt sinang#juliana de dios#paulita gomez#nmt sisa#nmt salome#el fili pepay#nmt tiya isabel#marisinang#Julita#sisalome
34 notes
·
View notes
Text
babae, ang lugar mo ay sa pakikibaka!
happy womens day to women in the rural! women in the armed struggle! women in the working class! women of color! trans women! 💗
4 notes
·
View notes
Text
Matalinong
Manggagawa Kalasag Ng
Bansa ! 🇵🇭
Jolina Calivara Subong |February 18,2020 | Employee Tips | 👜 |
Matalinong Mangagawa! Kalasag ng Bansa
Bilang isang Manggagawa, kinakailangan na alam mo ang iyong mga karapatan upang maging maayos ang iyong pag hahanapbuhay.
Paminsan ay nagkakaroon ng mga hindi kanais nais na pangyayari sa pinagtatrabuhan kaya maiging alam nating lahat ang ating mga karapatan.
Narito ang ilan sa mga karapatan ng kailangan na malaman ng mga Manggagawa sa kahit anong Industriya:
1.Kaukulang Bayad sa Pagtatrabaho. Karapatan ng isang manggagawa ang tamang bayad para sa oras ng trabaho. Sakaling mag-over-time ang isang manggagawa, dapat bigyan siya ng karapat-dapat na pasahod. Kabilang din dito ang pag tamang pasahod sa mga nag ta trabaho sa gabi mula alas diyes ng gabi hanggang alas sais ng umaga.
2.Lingguhang Pahinga. Dalawampu’t apat na oras ang kailangang pahinga pagkatapos ng anim na araw na paggawa, at kailangan din ng konsultasyon sa mga manggagawa ukol sa kanilang araw ng pasok at pahinga.
3.Patas na Oportunidad. Anuman ang iyong kasarian, relihiyon at lahi mahalagang nakakamit mo din ang parehong oportunidad katulad ng ibang manggagawa.
4.Seguridad ng panunungkulan. Hindi maaaring patalsikin ang isang empleyado ng walang mabuting dahilan at kailangan dumaan muna ito sa tamang proseso.
5.Karapatan ng mga Kababaihan. Hiwalay ng palikuran o banyo, bihisan o lugar ng pahingahan para sa mga manggagawang babae. Kasama rin dito ang karapatan ng nagbubuntis na magkaroon ng panahon upang makapanganak.
6.Ligtas na Lugar na Trabaho. Ang bawat trabahador ay may karapatan na magkapag-trabaho ng walang panganib sa kanilang buhay o kalusugan. Ito ay dapat siguruhin ng mga employer o amo.
7.Tamang Edad ng Paghahanapbuhay. Ang legal na edad ng paghahanapbuhay ay labing walong taong gulang. Ngunit pinapayagan din naman ang ilan na may edad na hindi bababa sa labinlimang taong gulang kung may patnubay ng magulang at hindi mapanganib ang kanilang gawain.
8.Karapatan bumuo o makapag organisa ng isang lehitimong union. May karapatan na makipag-talastasan o makipag-usap tungkol sa kaniyang trabaho, mga hinaing at mga ninanais matupad sa kanilang trabaho, lugar ng paggawa at iba pang kaugnay nito.
Ang anumang karapatan ng mayroon ka bilang manggagawa ay dapat na alamin at pag-aralan. Binuo ang mga karapatang ito upang ikaw ay pangalagaan upang mas maging produktibo, malusog at mainam ang iyong maging serbisyo sa iyong pinapasukan, at upang kumita ka para sa iyong sarili.
Mahalaga ang ginagampanan ng bawat indibidwal na manggagawa sa sektor ng paglilingkod maging sa bansa. Ikaw ang mistulang susi sa pakikibaka at pagpupunyagi ng bansa pagdating sa Ekonomiya. Maging matalinong manggagawa upang magpunyagi sa iyong kinabibilangang propesyon o Trabaho .
Para sa iba pang artikulo tulad nito, maaring pumunta sa ating Career Advice at Employee Tips section ng ating blog.
Article Reference : @philjobnet
64 notes
·
View notes
Text
Kuwento ng Inspirasyon at Pag-asa sa likod ng nobelang The Beekeeper of Aleppo ni Christy Lefteri
Where there are bees there are flowers, and when there are flowers there is new life and hope.
Aminado naman akong matagal talagang nakakatapos ng isang nobela. Maliban sa naliligaw sa gitna ng mga salita at pinagtagpi-tagpi kaganapan, madalas kinakaligtaan ko na lamang itong tapusin. Tila ba sinasalamin nito ang aking pagkatao. Naaayon sa mga kaganapan ng king buhay o anomang nais tahakin; Mabuti lang sa simula subalit hindi nasu-sustain. Kaya nga may mga pagkakataong napapaisip ako kung ano ang lohikal na kaugnayan nito sa aking pagkatao. Sisnususog ba nito ang karahupan ng disiplina o di kaya ang kawalan ng responsibilidad ko? Sa madaling sabi, kulang sa’kin iyong ‘sense of comittment’ kumbaga. Ganyan ko mailarawan ang kaagapay na kahulugan ng mga bagay na di ko matapos-tapos sa buhay, katulad ng pagbabasa.
Nitong mga nakaraang araw, binalikan ko ang mga material, mga babasahin na nakaimbak sa google drive, sa flashdrive, maging sa celpon ko. Binisita ang mga babasahing may kinalaman sa kultural na pag-aaral na napapaloob sa panitikan, mga tula ni Neruda at T.S. Eliot at kung ano-ano pang babasahin. Lahat nasimulan subalit hindi ko natapos. Di ko tinapos basahin. Hanggang sa marating ko ang nobelang ito. Ang plano sana ay Kite Runner at may isa pa, nakalimutan ko lang ang pangalan.
Sinabi ko talaga sa sarili na tiya-tiyagain ko ang pagbabasa nito nang makatapos man lang. Total patapos na naman ang buwan ng Abril at nakapagsulat ng marami-raming tula, magbabasa na naman ako ng nobela. Sa halip na responsibilidad na matapos itong basahin, iba ang naidulot ng nobela sa’kin. Maliban sa mahusay ang pagkakasulat, madali kasing maunawaan. Buhay na buhay para sa’kin ang mga tagpo sa loob ng nobela at hindi ko kailangang maranasan ito upang hindi masabing ganito pala kahirap mamuhay, na sa ibang panig ng mundo, may iba pa mas mahirap sa Pilipinas. Lalo na kung ginigising na ng pangamba at hindi mo alam kung kalian tatama ang bomba sa iyong tahanan.
Ang nobela ay kuwento ni Nuri Ibrahim, isang beekeeper sa Aleppo. Isang siyudad sa Syria. Kasama ang kanyang asawang si Afra na isang pintor at anak na si Sami. Katuwang si Nuri sa pangangalaga ng mga bubuyog ang pinsang si Mustafa at mag-anak nito. Madalas wala si Mustafa dahil nagtuturo ito sa isang unibersidad kaya siya ang palaging na sa kanilang bee farm. Hanggang sa pumutok ang giyera sa Syria na kumitil sa buhay ng anak na lalaki ni Mustafa at pitong taong gulang na anak ni Nuri. Pareho silang nawalan ng anak. Bago pa man lumala ang sitwasyon, nakalipad na si Mustafa papuntang England upang makasama ang isa pa nitong anak at asawa samantalang nanatili lang sa Aleppo si Nuri dahil ayaw ng umalis ni Afra dito. Nawalan na nang saysay ang mabuhay dahil nga namatayan na sila ng anak at hindi na makakakita si Afra. Nag-iwan ng liham si Mustafa sa pinsan nito na magkikita sila sa England. Dapat makasunod sina Nuri at Afra bago pa mahuli ang lahat.
Matagal din bago nakumbinsi ni Nuri ang asawa na umalis at iwanan ang lahat sa Aleppo. Para kay Afra, ano pa ang saysay upang mabuhay kung ang kanilang nag-iisang anak ay wala na. Nasaksihan nila mismo kung paano lumiwanag ang kalangitan at bumagsak ang bomba sa hardin na pinaglalaruan ng kanilang anak. Sa mga kamay mismo ni Afra nasaksihan ang wala ng buhay na si Sami. Ngunit para kay Nuri, ninais nitong takasan ang realidad ng kanilang buhay upang magsimula muli ng panibagong buhay. Kaya sa tulong ng mga smuggler, naging mahaba ang paglalakbay ng mag-asawa pagtawid ng Syria tungo sa Turkey hanggang makarating ng Greece at England. Dito nakasalamuha nila ang iba’t ibang tao na biktima rin ng karahasan dulot ng nangyayaring giyera. Dito nakilala ni Nuri ang batang si Muhammed, pitong-taong gulang. Inakala ni Nuri na ang bata ay totoo subalit ito pala ay imahinasyong gawa ng kanyang isipan dulot na rin ng traumang bitbit ng giyera. Sa buong panahon naglakbay sina Nuri at Afra, inaakala niya na totoo ito. Nag-aalala siya rito na anaki’y kanyang dugo’t laman hanggang sa mabuksan ang kanyang isipan na ito’y kathang-isip lamang. Na ito ang paraan ng pagtakas sa katotohanan na namatayan sila ng anak. Katulad ng traumang dulot ng panlalabo ng paningin ni Afra. Dito napagtanto ni Nuri na si Muhammed ay ang imahen ni Sami bago ito mamatay. Kung hindi pa natagpuan si Nuri na nakalutang sa tubig at nakatulog ng higit sa tatlong araw sa loob ng ospital, hindi ito mapatitingnan upang matukoy ang mga bumabagabag nito.
Hindi ko maiwasang di malungkot habang binabasa ang nobela sapagkat batay sa mga naririnig, nababasa at napapanood, tunay ang mga kaganapang ito. Ibig kong sabihin, sa gitna ng digmaan, palaging ang naiipit ang mga ordinaryong mamamayan na walang ibang tanging hiling kundi ang mabuhay ng payapa at makapaghanap-buhay. Maging payapa sa sariling mga tahanan katulad ng mga bubuyog matapos makapaghanap ng bulaklakna siyang pagkukunan ng pagkain. Ngunit kung mundong kinagagalawan ay pinapalibutan ng kaguluhan at niyuyugyog ang iyong kapanatagan, wala kang ibang pagpipilian kundi ang subukang maka-alpas sa suliraning kinakaharap—ang lumaban upang mabuhay; maghanap ng panibagong tirahan. Ganito ko nakita ang kuwento ni Nuri at iba pang katulad nitong mga refugee. Bawat isa sa kanila ay may bitbit na kuwento. Mga kuwento ng pakikibaka sa buhay para mabuhay.
Dito ko napahalagahan ang papel na ginagampanan ng nobela at iba pang kuwentong katulad nito. Nangangailangan tayo ng mga storyteller na magsasalaysay ng kuwento natin. Tayo rin mismo, nangangailangan ng tagapakinig ng kuwento ng ating buhay. Hindi ko lubos maisip ang mga katawang bigla na lamang nahulugan ng bomba ‘pagkat hindi man lamang ito nabigyan ng pagkakataong makapaghanda; ni pagkakataong maikuwento ang sariling danas.
Masasabi kong, mahusay ang pagkakahabi ng mga pangyayari ni Lefteri sa nobela. Taglay nito ang katangian ng isang epektibong kuwento. Saksi ang mga stylized events at invented materials upang makapagkintal ng impresyon sa isipan ng mambabasa. Mapapansin sa karakterisasyon ng mga tauhan, sa banghay ng kuwento at maging simbolismo na napapaloob nito.
Mararamdaman ng mamababasa sa katauhan ni Nuri ang pagiging totoong tao nito. Walang bahid ng pagiging kathang-isip kumbaga. Sa danas ni Nuri, maisasantabi ng mambabasa ang personal na paniniwala, relihiyon at ideolohiya sa buhay sapagkat nagagawa ng katauhan ni Nuri na bumagtas sa mga hangganan nito. Ipinapahiwatig ng kanyang mga karanasan na hindi nalalayo sa karanasan natin. Hitik sa aral ang mapipitas kung saan hindi man tuwirang ipinasusungkit sa atin ng manunulat subalit dahil bilang tao na may personal na mga danas, nagawa nating masungkit ito nang hindi inaasahan. Ganito ko mailarawan ang karakterisasyon ni Nuri.
Samantala, magkasabay na hinabi ng manunulat ang dati karanasan at bagong pangyayari sa buhay ni Nuri sa tulong ng pagkonekta sa isang salita tungo sa kasalukuyang nagaganap. Bagkus, mayroong flashbacking sa pagitan ng mga kasalukuyang pangyayari. Sa aspektong ito, binabalikan ni Nuri ang mga kaganapan sa kanilang pagtakas tungo sa pagkuha ng asylum sa England. Matalim ang mga mata nito upang obserbahan ang galaw ng mga tao sa kanyang paligid at mga kuwento nito bilang nasa unang panauhan ang nagkukuwento. Ibig sabihin, ang pangunahing tauhan mismo na si Nuri ang nagsasalaysay.
Masasabi ko ring epektibo ang papel na ginagampanan ng bubuyog upang magdulot ng mas malalim na impresyon sa mambabasa. Napapaisip kasi nito ang mga mambabasa sa katangian ng mga bubuyog at kung paano nito tinatiyaga upang mabuhay. Ganito maiuugnay ang buhay mayroon tayong mga tao na sa kaganapan ng nobela, mahigpit ang pagkakakapit ng kuwento sa pagiging beekeeper ni Nuri, sa bilang ng tao na naghahanap ng tahanan, ng panibagong tahan na nasira dulot ng digmaan. Ganoon din ang epektong dulot sa’kin ng susi na pinahanap ni Muhammed kay Nuri na nagdala sa kanya sa iba’t ibang lugar at kinaumagahan, tinutulungan na lamang siya ng mga kakilala na makatayo sapagkat nakatulog na pala ito. Maging ang mga taong kanilang nakasalamuha katulad ng babaeng may nana sa kanyang suso, ang musikerong may lihim na pagkatao, ang kambal na magkapatid at maging ang smuggler na nanamantala kay Afra. Ganoon din ang GP na tumutulong sa kanila, ang Moroccan na lalaking kasama siya sa bahay na tinutuluyan, si Diomande at magign si Mustafa at Muhammed. Lahat ng ito ay nagdulot ng kabuuang epekto sa danas ni Nuri at kanya-kanyang sapalarang kinakaharap ng mga naiipit sa digmaan o anomang uri ng karahasan sa kanilang lugar na pinaggalingan.
Sa pangwakas, ang nobela ay nagdulot ng kabuuang epekto sa’kin kung paano mabuhay sa mundo. Sa panahon ngayon na matinding suliranin ang kinakaharap ng mundo dulot ng banta ng coronavirus, iba-ibang kuwento ang sa tingin ko ang dapat pakinggan at pagtuunan nang pansin. Alam kong ang mga kuwentong ito ay mahirap pakinggan sapagkat nakapanlulumo subalit naniniwala akong kailangan ito ng mundo upang maisalaysay at magbigay-inspirasyon sa ibang tao upang mabuhay at magpatuloy sa buhay.
Buksan pa natin ang ating mga puso at isipan upang magkaroon ng puwang sa mga nangangailangan. Alam kong mahirap tumulong kung tayo mismo ay nagdarahop. Batid ko ito subalit susubukan kong sa sariling paraan makatulong rin naman.
Nawa’y hindi lamang ito ang kuwentong mababasa ko. Marami pa sang kuwento na kapupulutan ng aral. Pasensiya hirap talaga ako umunawa kapag scifi ang binabasa. Hinahabol ko pa nga ang nais iguhit sa aking isipan batay sa binabasa lalo na kapag mga scifi o period novels ang babasahin.
1 note
·
View note
Text
REVIEW ON PHILIPPINE CONTEMPORARY AESTHETICS by Alice Guillermo
It is not enough to patronize, collect and encourage fashions in indigenous art if one does not take part in the movement to obtain a better quality of life to them, with equal opportunities in education and livelihood, with guarantees of respect for their cultures and assurances for their personal security and survival and welfare of their communities.
Hindi tayo magkakaroon ng higit na paggalang sa ating bayan, maging sa ating mga sarili maliban kung mapagtanto natin na tayo ay nagkamali at mabait na inamin ito nang walang pangangatwiran at di mabilang na kadahilanan. Iyon ay dahil tayo mismo ay nagpapakabanyaga sa ating sariling bayan.
Isang linya ang hindi mawala sa aking isipan noong panahong nagkaroon ng paguulit aral mula sa sanaysay na ginawa ni Alice Guillermo na pinamagatang “Philippine Contemporary Aesthetics”.
Ang sabi ng kaklase ko, ang pagmamahal sa sining ay makikita maging sa "pag aapreciate ng sarili mong tae".
Pwes isa kang taeng hindi naappreciate kung may mababaw kang pagkakakilanlan sa mga tinuring nating Indigenous people. Maging ang diwa ng karagatan ay hindi nakikita sa ibabaw kundi sa malalim nitong parte kung saan walang butete na puro bwelo wala namang laman.
Kung iyong lubos na sisisirin hindi mo ito masisiyasat sa kanilang dark chocolate na mga balat, na kasing kulay ng hazelnut ang mabulbol nitong mga buhok. Hindi rin swak sa pambulalo nitong pangangatawan at malaflatscreen na mga ilong. Mapapamura ka rin ng pakshet dahil hindi rin sa maiitim nilang mga utong.
Ang pagpapakabanal ay hindi natatapos sa kung paano natin patatagin, kolektahin at hikayatin ang mga obra ng katutubong sining kundi sa paanong paraan natin hahawakan nang mahigpit ang kanilang kadakilaan laban sa patuloy na dumadaloy na bulok na sistema ng ating lipunan. Pinipili kasi nating iturok sa ating mga sarili ang mala alien na pinaghalong dugong hindi sa bansa natin nanggaling kaysa sa purong dugo na umaagos sa mga likha ng bawat indigenous people na may kinalaman at nagpapakita ng kanilang buhay bilang mga katutubo. Na sila ring nagtatanggol at nakikipagbasag sining nang walang pinagtatakpang galimgim . Lingid sa kaalaman ng karamihan na ang kanilang mga likhang sining ay may kakayahang punan ang mga malalaking puwang sa tanong ng bayan at magtaguyod ng mga lugar na walang kolonyal na panuntunan o istruktura. Hubad silang humaharap sa salamin upang ililok, isayaw, hihimigin at ipipinta ang ating “national identity” na patuloy pa ring estranghero at binabalatan sa ating sariling bansa.
Bakit nga ba kulang tayo sa pagpapahalaga sa sining?
Bago ka umiling dahil walang sapat na pera para tustusan ang pag aaral mo sa sining at bago ka humindi na wala namang kinabukasan kang mapapala, bakit di mo tingnan ang kalagayan ng ating bansa?
Nandoon kasi tayo sa konsepto ng mataas na pasahod kapag naging doctor, abogado at enhinyero tayo. E kung ganoon lang naman bakit di mo man lang sinama sa pangarap mo na ” paglaki ko, magiging puta ako”.
Pwes kung katawan ang iniisip mo, maging kapuri puri ka sapagkat ang pagpuputa ay hindi lamang sa paghuhubad mo ng katawan nakikita kundi sa pamamagitan ng lantaran mong ihaharap sa madla ang presensya ng pagiging puta ng sining.
Huwag mong ikulong ang iyong sarili sa konsepto na dapat magpaka Maria Claria at maging Crisostomo Ibarra sa iyong nobela sapagkat isa kang Mona Lisa na mananatiling hiwaga sa sarili mong pinta. Hayaan mong maglakbay ang iyong gawa kaysa maging masalimuot na alaala ng bansa.
Pero hindi lang naman indigenous people at ang kanilang mga obra ang gusto kong ipunto rito. Ang sarap lang kasing makipagbasag ulo lalo na kapag walang laman yung bungo ng kabanggaan mo. Napaka “intelllectual” kasi natin pumuna at bumatikos ng mga pagkakamali ng mga artist ng bansa. Kesyo bakit mas advance pa mag isip yung dugo e hindi pa naman sinapak si Victor Magtanggol. Anak ng butete, bumuntong hininga na nga lang ako nang magyelo yon kahit tanghaling tapat e. Hindi rin naman ako intellectual pero sapat na siguro ang maintindihan at mabahagian ng diskusyon tungkol sa artist na nabigyang panayam sa kung bakit ganito kabulok ang gawa ng artist sa bansa.
Unang una sa lahat, dapat tayong sumaludo sa mga alagad ng sining sa bansa. Hindi natin masisisi ang kanilang mga likha kundi ang sirko ng medya sa bansa. Kaya lang naman undervalued yung mga artist natin dito sa Pinas ay dahil hindi nila natatamasa ang sapat na halaga na dapat ay magpaunlad sa kanila. Kaya naman nating makipasabayan sa iba. Iyon lang. Puro kasi tayo pakikipagsabayan kahit wala tayong sapat na kakayahan. Puro kasi tayo bwelo, kaya tuloy nagiging mangmang tayo sa sarili nating sining. Mas pabor kasi tayo sa “quantity over quality”. Hindi kasi puso at passion iyong umiiral sa mga artist natin ngayon kundi pressure at praktikal na pag iisip. Hindi tayo loyal. Hindi tayo tapat sa kinagisnan. Puro kasi tayo pagtalikod sa katotohanan na kaya tayo hindi makaahon ay dahil patuloy tayong nagiging pabigat sa lipunan. Walang humihila kasi kung sino iyong may alam ay sila pa itong lumulusong at pailalim tayo kung tadyakan.
Sa atin kasi pagdating sa sining ay hindi considerable yung “okay na yan”. Ika nga nila, kailangan may constant improvement, constant criticism, at constant meticulous. Ang sining kasi ay may kaakibat na dahilan. Ito mismo yung magiging instrumento para ipamulat sa ating mga tao na ang pakikibaka at pagtatangol sa bayan ay hindi lamang sa pakikipagtalastasan at literal na madugong pakikipaglaban. Ang sining ay sining kapag maayos itong naipaparating sa kaisipan ng tumitingin. Kaya lang naman natin hindi maappreciate ang sarili nating mga likha ay dahil wala tayong pag aalab na pandama at makabayan sa ating nakikita. Wala tayong pagpapahalaga sa ating bayan dahil wala tayong tamang pagpapahalaga sa kapwa. Wala tayong pagkakakilanlan dahil hindi tayo marunong kumilala. Wala tayong pagmamahal sa bansa, dahil wala tayong pagkalugod sa ating mga gawa.
5 notes
·
View notes
Text
ito na ata ang peak ng kontradiksyon ko sa acads at sa pagrerebolusyon
hindi naman magkabangga ang dalawa. kayang pagsabayin. ang tanong na lang ay kung ano ang primarya.
una sa lahat, hindi ko kayang pagsabayin haha. kaya sa siguro sa normal na konteksto. pero dahil nasa rurok na nga ako ng kontradiksyon, parang di ata kaya. matinding oras at pag-iisip ang hinihingi ng bawat. kailangan ng buong pusong pagharap.
hindi naman na talaga ako natutuwa sa pag aaral sa burgis na kurso ko. oo, gusto ko pa mag aral at matuto, sadiyang di ko lang nakikita ang katuturan sa burgis na inaaral ngayon.
pero kung pagkilos at pagrerebolusyon lang ang usapan, wala akong problema. wala akong duda sa landas ng reb at pakikibakang masa. ang duda ko ay ang lugar ko rito. petibs kaya't matindi ang tunggalian sa pag-iwan ng burgis na pamumuhay at pagtangan ng puspusang pakikibaka.
isang bahagi na nahihiya sa magulang. na nag aruga buong buhay, walang hinihinging kapalit kundi ang kasiguraduhan na maayos ang buhay ng kanilang anak matapos mawalay sa kanila. oo, kayang mabuhay nang hindi nakabatay sa burgis na pananaw. pero burgis ang kanilang pananaw. kahit papano ay gusto ko silang bigyan ng kaunting kapayapaan na magiging ok ang anak nila.
malaking bahagi, at primarya, ang burgis kong katangian. na paano kung mawala ang rebolusyonaryong diwa ko? saan na ako mapupunta? paano kung phase lang pala? paano kung may tawag ng panahon na kailangan kong magtrabaho? paano kung mali pala ang landas na aking pinili, hindi para sa akin?
alam ko, nakakabobo ang mga tanong - madali lang din ang sagot. tiyak ang rebolusyon at piyesa ako rito. tanging sa pakikibaka lamang makukuha ang tunay na pagbabago. nauuna ang kapasyahan bago ang kahandaan. lumubog sa masa, doon tunay na makapagpapanibagong hubog.
pero ang hirap pala pag ramdam na ramdam mo na ang kontradiksyon. parang mabibiyak na ang ulo kakaisip kung ano na nga ba ang pipiliin. klaro kung ano dapat. pero bakit hindi ko mapili agad nang walang pag aalinlangan.
sa tingin ko'y kailangan ko nang itigil ang pag iisip. alam ko naman na ang mga sagot. kailangan ko lang umaksyon. isang dakilang hakbang pasulong.
0 notes
Text
Buhay Sa Panahon Ng Pandemya
Ang pandemyang ito ay isang napakahirap na panahon para sa ating lahat at isang pakikibaka upang makayanan. Natutunan ko na hindi ito madali ngunit ito ay magagawa.Lumipat ako dito sa Cebu sa panahon ng pandemyang ito at naging mahirap na transisyon para sa akin na ang tanging lugar na nakilala ko ay ang Hawai'i, ang aking tahanan. Natutunan ko kung paano mas mahusay na pamahalaan ang aking oras at yakapin ang iyong mga mahal sa buhay palagi. Ang buhay ay hindi ipinangako kaya sulitin mo ito sa abot ng iyong makakaya. Umaasa ako na sa lalong madaling panahon ang buhay ay maging normal muli.
1 note
·
View note
Text
Babae, ang lugar mo ay sa pakikibaka!
ABANTE, BABAE!
PALABAN, MILITANTE!
Photo taken on: September 21, 2020
0 notes
Photo
"Ang lugar ng babae, ay sa Rebolusyon." . Ika-walong araw ng Marso- International Working Women’s Day… bilang bahagi ng buwan ng kasaysayan ng kababaihan, tandaan natin ang mga nararanasan ng mga kapatid nating kababaihan araw-araw. Ang kanilang mga ambag at militanteng pamumuno upang ipaglaban ang ating kalayaan laban sa imperyalismo, piyudalismo, burakratikong kapitalismo at machong pasismo ay patuloy na nagsisilbing inspirasyon sa lahat ng naaapi sa bawat bahagi ng mundo. . "Women in the struggle are women unbound" - Vladimir Lenin (Ang kababaihang nagsusumikap ay kababaihang hindi nakatali) . "Ang lugar ng babae, ay sa Rebolusyon." (The place of women...is in the Revolution) . “The new woman, the new Filipina, is first and foremost a militant." –Ma. Lorena Barros (Ang panibagong babae, ang bagong Pilipina, ay una sa lahat isang militante) . "Hindi ka babae lang, babae ka. Ang lugar mo ay sa pakikibaka." (You are not just a woman, you are a Woman. Your place is in the struggle) . "Ang Pagiging Babae, ay Pamumuhay sa Panahon ng Digma." (To be a woman, is to live in the time of war) . Abante Babae! Palaban Militante! . Translation thanks to Kat A. https://www.instagram.com/p/B-a4hfhgQDy/?igshid=syi0ayyvmpdd
0 notes
Text
Pagmasdan mo ako.
Damhin mo ang magaspang kong palad na bagamat ay nangulubot ay syang humahalik sa putikang sakahang pinaghihirapan.
Titigan mo ang mga mata kong hapung-hapo sa pagtanggap sa bagsak-presyong palay na katumbas ng presyo ng isang tsitsirya.
Ngunit, pakikinggan mo ba sila sa sasabihin nilang wag kaming papamarisan?
Sa bawat hakbang ko papalayo sa lupang sakahan
ay sya namang hakbang ko papalapit sa mataas na antas ng pakikibaka.
Kakalabanin ang pasistang gobyernong pilit yumuyurak sa katulad naming mga dukha.
--
Isa ako sa may pinakamaliliit na tinig sa lipunan.
Isa ako sa hindi maintindihan ng nakararami na isa sa mga nagtatanim ngunit ngayon ay walang makain.
Patawarin mo ako sa paglisan ko't pagsama sa mga pagpupulong at sa pakikidigma para sa natatanging kilusan.
Dahil ako ang bumabagtas sa estrangherong lugar na kung tawagin ay Maynila.
Ako ngayon ang mukha ng mga magbubukid, ng mga inapi at ng mga pinagkaitan ng karapatan sa ilalim ng berdugong administrasyon ng bayan kong hindi na nakalaya.
Ako ang estrangherong kumilala sa bawat sulok at lagusan ng Mendiola na piping-saksi sa mga panaghoy naming kailanma’y hindi pakikinggan ng nakatataas.
Ako at ng aking mga kasama, ang bagong dugong isasalin sa sistemang ninanais naming patakbuhin.
Patawarin mo ako sa pagpili kong matangay sa agos ng mabilisang kamatayan tungo sa pulang kulay ng rebolusyon.
Ngunit, kailanman ay hindi nyo maiintindihan,
na hindi naging mali na ipaglaban ko ang aking bayan.
09/15/19
Tasyo
0 notes
Quote
... mas makikilala ko ang mundo sa kung ano ito dahil ‘di ako mabubulag ng mga anyo.
Tessa (Sipi sa librong Kapitan Sino ni Bob Ong)
Bilog ang Mundo, Blog ang Mundo, Bulag angTao
Totoo man ngunit may mali.
Isang di mapagkakailang katotohanan ay bilog ang mundo. Patuloy itong umiikot at wala pang pagbabago. Hindi sa lahat ng oras ay nasa itaas ang isang tao at gayundin naman sa mga nasa ibaba. Pero lilipas pa ata ang taon bago makatapak sa itaas ang mga nasa ibaba.
Sa pagdating ng mga technology advancements na ika nga’y makakapagpabago sa lahat at totoo nga! Kinapitan na agad nang parang tuko ng mga tao ang oportunidad na binibigay internet.
Bukod sa komunikasyon, isa pang benepisyong dulot ng internet ay ang pagbibigay boses nito sa mga taong walang kakanyahang mahawakan ang mikropono na maririnig ng buong taong bayan kung kaya’t nariyan ang blog na nagiging instrumento upang ang mga saloobing hindi mailabas sa publiko at harap ng ibang tao ay mailabas. Ngunit ano ba talaga ang layunin ng blog at bakit ito naimbento? Sa anong paraan masasabing ginagamit mo ito ng wasto.
Mula sa akdang “Blog ang Mundo: Pagsasalsal at Pakikibaka sa Internet” ni Eliserio, malalaman mong ang blog ay isang uri ng kapangyarihan maaring mapasakamay ng lahat. Depende na lang sa iyo kung paano ito ipapamalas. Huwag ka nga lang sanang dumagdag sa dami ng keyboard warriors na hindi naman lahat ay talagang nakatutulong. Ipinakita niya rito ang tatlong sentrong dulot ng blog:
1. Private vs Public
2. Magmulat
3. Tautalitarian
Sa pag-usad ng blog, hindi nakontrol ng mga tao ang kagustuhang makuha ang spotlight kung kaya’t tuloy tuloy ang pagu-update nila sa lahat ng nangyayari sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Sa pagkain, sa lugar na pupuntahan, sinong kasama kulang na lang pati bilang ng paghinga nila sa isang minuto’y ipapaalam pa nila sa mundo. Ano nga ba naman sense ng paglalagay ng powerpoint presentation sa myday mo? Kahit nga ang ibang mga artista gusto ng privacy no!
Kung pinapangalandakan ng tao ang kanyang pribadong buhay sa publiko na ultimo buong pagkatao niya ay kilala na ng estranghero sa kanya mismo, nabibigyan niya ng pahintulot ang mga tao na hangaan siya na parang mga artista sa telebisyon. Kung may mga nagmamahal sayo, hindi pwedeng mawala ang mga haters. Binibigyan mo ng consent ang mga tao na hatulan kang parang kriminal at husgahan ng hindi naman nila nalalaman ang buong senaryo.
Ano pang sense ng pagkakaroon ng diary, pamilya at malapit na kaibigan kung ang sikreto o problemang pribado’y ibebenta mo lamang kapalit ng sandaling katanyagan. Mabubuhay ka na lang bang ang pribado mong buhay ay nasa publiko at habang-buhay kang susunod sa mga pamantayan nila upang hindi mialis ang spotlight na inaasam mo?
Atensyon ba? Nanlilimos ka ng atensyon kaya kahit labinlimang segundong pagiging katatawanan sa mga tao’ y papatusin mo na at idadaan na lang sa tawa at tuwa na kahit sa sandaling oras ay nakilala ka? At kahit masasamang salita’y masay mo pa rin na haharapin sunod ay magdadrama ka? Ganyan ganyan ang realidad ngayon. Gustong-gusto ang sandaling kaligayang natatamasa mula sa pribadong bagay na sinsasapubliko nila.
Kaya hindi talaga mawala-wala ang drama sa mundo na isa sa mabentang genre ng mga teatro’t pelikula. Punong puno ng drama bawat araw na siyang nagpapasaya sa mga tao na hangad ang layang naibibigay nito sa mga problemang tinatakasan o pilit na sinusolusyunan. Nagsusulputan ang mala-MMK na kwento ng iba’t ibang tao na hindi naman talaga dapat ibroadcast pa, na para bang normal na ito, pero sa totoo’y wala namang kwenta o dulot talaga. Naghahanap ang ibang mga tao ng atensyon ngunit sa mali at mula sa walang makabuluhanang paraan. Ang resulta? Nagiging libangan na lamang ito ng mga taong gustong tawanan at husgahan ang bawat isa.
Hindi naman sa taliwas sa pagkakaroon ng freedom of speech ngunit disiplina. Matutong limitahan ang sarili.
Kaya masyadong malakas ang liwanag na nilalabas ng mga makabagong kagamitan, nakakasilaw. Tinatakpan at natatabingan na nito ang mas dapat pagtuunan ng pansin na siyang nagiging dahilan kung bakit bulag ang masa, ang mga tao. Mas inuuna pa nila ang pamboboso sa buhay ng may buhay na kahit media handang-handa makakuha lang ng scoop na magbibigay sa kanya ng pera. Ang nakikita na lamang nila ay ang nakakasilaw na liwanag na tila ba ito ang sagot sa lahat. Pinoprotektahan ng liwanag ang mga humahawak sa kanila upang ang mga mukha’y matakpan. Ang kaligayahang dala ng ilaw ay inililiko ang mga totoong at seryosong balita na dapat kaharapin. Mas pinamumukhang mas dapat libangin ang sarili kaysa sagutin ang mga problemang dahilan kung bakit naghahanap ng kasiyahan ang masa na para bang dapat iyo lamang ang isipin at wala ng iba. Iisipin mong malaya ka ngunit sadyang malaki at malawak ang kulungan.
Malaya? Paanong magiging malaya ang mga tao sa sunod-sunod na pamantayang ginagawa nito? Sunod sa utos, sunod sa uso. Nagiging sakit ng tao na paniwalaan lamang ang kanyang kinalakihang paniniwala kahit na maraming pagbabago na ang naganap. Nagiging sarado ang kanyang pag-iisip sa mga bagong ideya na sana’y lubos na makakatulong sa kanya. Kaya imbes na magkaroon ng iisang pondasyan, bakit hindi ito palawakin mula sa ideyang hawak mo patungo sa mga ideyang pakikinggan mo.
Ang solusyon? Diskurso. Malinaw na magkakaugnay at hindi nagkakatalo-talo. Mas maging bukas at hayaang lumawak ang mga ideya upang ang perspektibo mo ay malayo ang matanaw. Tandaan lamang na matutong pakawalan ang dapat pakawalan, pigain at salain ang dapat na yakapin.
Tandaan din at huwag kalilimutan na lahat ng tao’y kailangan ng atensyon pero huwag naman sobra sobra. Ayos na kahit ang atensyong binibigay ng pamilya’t mga kaibigan mo pero mas espesyal ang atensyon na nakukuha mo sa sarili mo.
Mas ayos pang maging bulag, sapagkat mas nakikita nila ang totoong kalagayan ng bansa sapagkat bulag ang mga tao, totoo, ngunit may mali sapagkat sila’y binubulag talaga ng serbisyong binibigay ng iba pang taong nasa trono.
0 notes
Text
Isang Repleksyon sa Akda ni U Eliserio na "Blog ang Mundo: Pagsalsal at Pakikibaka sa Internet"
Mabilis na na nagbabago ang mundo at kasabay nito ang pag-usbong nang makabagong teknolohiya. Sa pagkalikha ng "internet" at mga "social media" ay naging maliit na lamang ang mundo para sa atin. Nasa dulo na ng daliri natin ang mundo ngayon, ika nga ng ilan. Sa paglipas ng panahon, naging "interactive" na ang internet. Naging isa na itong pangangailangan sa pang-araw-araw na buhay at nagkaroon na ng mahalagang papel sa pananaliksik at pag-aaral.
Napakalaking bahagdan ng ating populasyon dito sa bansa ang gumagamit ng internet. Tinatayang 71% ng ating populasyon ang aktibong nagsi-"surf" sa internet sa kabila nang kabagalan ng mga "wifi" at "data connection" sa Pilipinas. Kung ikukumpara ang ating "internet speed" sa mga kalapit nating bansa gaya ng Vietnam at Singapore ay para mong pinaghambing ang dilis at balyena. Ano pa nga bang aasahan natin sa mga kapitalistang "internet providers" na may kontrol ng monopolyo ng industriyang ito? Pagkabagal-bagal na nga, pagkamahal-mahal pa. Kahit sangkatutak pa na reklamo ang ibato natin sa mga iyan, walang silang gagawing aksyon. Wala rin naman tayong pagpipilian.
Napakalawak ng internet kung kaya't napakalawak din ng oportunidad nating pagyamanin ang ating kaalaman. Sabi nga ng iba, wala na tayong rason para hindi matuto, wala na tayong rason para maging bobo dahil nakahain na sa atin ang lahat-lahat ng impormasyon na ating kailangan. Ilang pindot lamang ay alam mo na ang pinagmulan ng isang bagay. Ilang pindot lamang ay parang ka nang nakatira sa isang lugar o bansa sa dami ng iyong nalalaman tungkol dito bagaman hindi mo pa ito napupuntahan. Ilang pindot lamang ay magbabago na ang pananaw mo sa isang partikular na isyu. Bukod sa pag-aaral at pananaliksik, nagiging daan din ang internet upang takasan ang realidad ng buhay. Gumugugol tayo ng ilang oras sa isang araw para lamang manuod ng mga nakakaaliw na bidyo, para lamang i-"stalk" ang mga paborito nating personalidad sa kanilang mga social media accounts, at para magbahagi ng personal nating buhay o sa madaling salita, para magsalsal.
Ang pribilehiyong ma-"access" ang internet ay marapat lamang na maging kapaki-pakinabang. Gamitin natin ito sa pagtalakay sa mga mahahalaga at makabuluhang usapin sa lipunan nang sa gayon ay magkaroon tayo ng ambag sa paglutas ng mga suliranin na kinakaharap ng ating bansa. Maging responasble rin tayo sa pagpapakalat ng impormasyon. Dapat ay marunong tayong kumilatis ng katotohanan at ng "fake news." Ang internet ay maaaring makatulong upang lunasan ang kamang-mangan. Manaliksik ng mga impormasyon o "data" at magkaroon tayo ng kritikal na pag-unawa dito nang makapagbahagi tayo ng matalino at konkretong opinyon. Ang pakikibaka at protesta ngayon ay makabago na rin. I-"take advantage" natin ang kapangyarihan ng internet at gamitin nang mahusay ang resulta ng pagbabagong ito tungo sa pag-unlad.
0 notes
Text
Ano ang pakinabang mo sa CUCPD?
#PHinfo: Ano ang pakinabang mo sa CUCPD?
Paglulunsad ng CUCPD sa CAMANAVA (Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela) area isang proyekto ng NCRTF ELCAC sa pakikipagtulungan ng DILG tungo sa pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran. (PIA NCR)
Ano ba ang CUCPD? May pakinabang ka ba sa CUCPD?
Nitong Martes, sabayang inilunsad sa apat na distrito ng Metro Manila ang tinatawag na CUCPD o Capacitating Urban Communities for Peace and Development ng NCTRF ELCAC o ang National Capital Region Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa tulong ng DILG at mga lokal na pamahalaan ng Quezon City, Valenzuela, Mandaluyong City at Paranque City.
Sa hilagang bahagi ng Kamaynilaan o sa CAMANAVA area, ang CUCPD ay inilunsad sa Amphitheater ng Valenzuela City at dinaluhan ng mga sektor ng lipunan.
Paliwanag ni Sudi G. Valencia, City Director ng DILG-Navotas layon ng programang CUCPD na mas mapatatag pa ang pagtutulungan ng mga Pilipino laban sa iba’t ibang elemento na nagbabantang sirain ang kaayusan at kapayapaan dito sa Kalakhang Maynila.
Para sa mga hindi nakababatid, ang Metro Manila ay itinuturing na isang ��white area” dahil bagaman walang nagaganap na armadong digmaan sa lugar ay dito naman nanggagaling ang suporta para sa mga grupong kaaway ng kaayusan at kapayapaan sa bansa.
Isa sa mga livelihood project na tampok sa CUCPD launching.(PIA NCR)
“Sa puntong ito, ay patatatagin ang mekanismo ng mabuting pamamahala para mas mabigyan ng pansin ang mga iba’t ibang isyu ng mga sektor sa lipunan na nakakahadlang sa pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran,” sabi ng opisyal.
Aniya, naka-angkla ang CUCPD sa sama-samang pagkilos ng bansa o tinatawag na “whole-of-nation approach” para mas maging maayos ang pagbibigay serbisyo sa ating mga mamamayan.
“Ang programang ito ay naglalayong ipagpatuloy ang usaping pangkapayapaan sa bawat tahanan, sa bawat komunidad, sa bawat barangay, at sa mga lungsod at munisipyo, gayundin sa mga tanggapan ng pamahalaan, sa mga institusyon at paaralan, at sa iba’t ibang lugar sa ating pamayanan,” ani Valencia.
“Ito ay naglalayon na mapalutang ang mga isyu ng lipunan kaya mahalaga po ang boses ng mga mamamayan at iba’t ibang sektor ng lipunan para mabigyan ng karampatang solusyon ang mga isyu na nararamdaman natin sa mga komunidad natin,” dagdag pa niya.
Aniya, pagtitibayin ng programang ito ang pakikilahok ng mga kabataan at mga mag-aaral sa usapin ng mabuting pamamahala at pagiging mabuting Pilipino; ang pagpapalakas ng mga liderato at institusyon ng ating mga local government units; ang pag-uugnay sa ating mga manggagawa at mga may-ari ng mga industriya; ang pagpapatatag sa pamilyang Pilipino; at ang reporma sa pampublikong sektor.
“Mahalaga rin po dito sa programang CUCPD ang pangmatagalang pagbabago at kaunlaran kung kaya naman bahagi ng programa ay ang mapagtibay ang mga barangay-based institutions natin. Kaya kasama rin po natin ang mga pinuno ng ating mga barangay,” saad pa nito.
“At tutulungan ang mga barangay na makapag-plano base sa mga pangangailangan at matulungan sila ng ating ang mga local government units, at ng ating mga national government agencies, para sa tinatawag nating convergence of basic services and alliance-building,” aniya.
Ayon kay Valencia, mahalaga sa programang ito na matuldukan ang mga isyu ng kahirapan; ang pagsasawalang-bahala o kawalan ng pakikialam; ang paghihikayat sa mga kabataan na maging kasapi sa armadong pakikibaka;
“Kaya bahagi po ng programa ang Serbisyo Caravan at Adopt-A-Barangay na naglalayon na mas maging abot-kamay ang mga programa ng pamahalaan sa mga komunidad at sa iba’t ibang sektor ng lipunan,” aniya.
“Dito po sa programang CUCPD, sinisiguro ng ating pamahalaan na lahat ay kasama sa usaping pangkapayapaan at kaunlaran at lahat po tayo ay inaanyayahang makibahagi sa mga programang naglalayon na maibigay ang karampatang serbisyo sa bawat Pilipino na kasama natin araw-araw sa ating mga komunidad,” dagdag pa nito. (PIA NCR)
***
References:
* Philippine Information Agency. "Ano ang pakinabang mo sa CUCPD?." Philippine Information Agency. https://pia.gov.ph/news/articles/1030418 (accessed November 19, 2019 at 09:20PM UTC+08).
* Philippine Infornation Agency. "Ano ang pakinabang mo sa CUCPD?." Archive Today. https://archive.ph/?run=1&url=https://pia.gov.ph/news/articles/1030418 (archived).
0 notes