#92ndpoem
Explore tagged Tumblr posts
thelittlepoetworld · 27 days ago
Text
#92 UNOS AT ANGKLA
(Dedicated To: HORI7ON and ANCHORS) Ang paboritong barko ay naglayag sa karagatan, Upang lakbayin patungo sa kaniyang destinasyon, Habang siya’y naglalakbay ay may undos na parating, Sa kanyang paglalakbay ng ‘di niya inaasahan.
Hanggang sa dumating na nga ang mapaminsalang bagyo, Pero ito’y malayo pa sa kaniyang daraanan, Kaya may panahon siya na huminto sa daungan, At mailubog ang angkla nito sa kailaliman.
Matapos ito’y ilubog at maitali ang lubid, Sa pagtatalian nito, naramdaman na ang unos, Dahil sa tulong ng angkla kahit matindi ang alon, Kinakaya pa din nitong kumapit kahit hirap na. Copyright © 2021 BALOCSIN Disclaimer: Blank Verse poetry na sana ito pero dahil sumobra ng bilang imbes sampu para maging iambic pentameter ay naging 16 total niya tapos imbes puro malakas at mahina na consonants ay nasamahan ko pa ng vowels. Kaya baka maging Free Verse na lang siya na kind or type of poetry, subok na lang uli ako next time gumawa ng Blank Verse. hehehe...
0 notes