#88thpoem
Explore tagged Tumblr posts
thelittlepoetworld · 4 months ago
Text
#88 PAGHIHIGANTING HINDI NAGTAGUMPAY
(Tulang Ipinasa Sa: TULA LANG) (Panlahatang Paksa: “Ang Paghihiganti”) May kaibigan ako noon na akala ko ay totoo, Kaya siya ay tinuring ko na matalik sa akin, Dahil sa buong alam ko hindi siya magbabago, At hindi iba ang kanyang pakikitungo’t pagtingin. Hanggang dumating ang oras na siya’y nag-iiba na, At dahan-dahang lumabas ang tunay niyang ugali, Na abusado’t mayabang sa gaya kong mahihina, Hindi marunong lumaban sa gaya nyang mapang-api. Sa katagalan ako ay sumabog ng parang bulkan, Dahil sa sama ng loob ko sa kanya na naipon, Dulot ng aking pagtimpi sa kanyang kapalaluan, Nang kanyang pang-aapi na aking sobrang kinapikon. Kaya naman sumagi sa isipan ko ang gumanti, Sa ibang paraang alam ko na siya’y masasaktan, Kung paano sinaktan ay iyon ang aking bawi, Ngunit kahit naisip ‘yan ay hindi ko kinayanan. Copyright © 2021 BALOCSIN —————————————————————————— *Mechanics: - Gumawa ng tula na may apat (4) hanggang anim (6) na saknong at may tig-apat (4) na taludtod. - Malaya kayo sa bilang ng PANTIG (syllables) pati na rin sa Tugmaan. - ‎Tagalog/Filipino lamang ang midyum na gagamitin. - ‎Walang estilong gagamitin para sa pagkatha ng tula. - ‎Para sa titulo, ISA hanggang tatlong (1-3) SALITA lamang po!
0 notes
thelittlepoetworld · 5 years ago
Text
One-Way Street
Inspired by: Romance Is A Bonus Book Composed by: Papa GOD Written by: Beverlyn Anne Locsin Ang pag-ibig parang kalye iyan, May sasakyang dalawa ang makakadaan, At isa lang din minsan ang pwede makaraan, Kaya kung hindi magbibigayan sa pagdaan, Siguradong gulo sa daan ang kahihinatnan. Gaya nalang sa larangan ng pag-ibig, Madalas isa lang ang nagmamahal, Dahil ang isang iniibig ay walang nadarama, Na pag-ibig sa taong umiibig sa kanya, Kaya lubos na nadudurog ang puso nito.
Copyright © 2020 BALOCSIN  FYI: Romance Is A Bonus Book, is a Korean TV Series that tackles love story and all kinds of books.:)
0 notes