#'di pa ako tapos magsalita? may nagsasalita. tapos na kayO????'
Explore tagged Tumblr posts
Text
Kanina habang nakasakay ako sa UV nandon ako sa tabi ng driver, hindi kandong. Meron syang radio, yung roger roger copy copy hahaha diba ginagamit nila yun para mawarningan mga kasamahan nila pag may LTO. Tapos may mga term pa silang ginagamit sa mga lugar. Ayun nga yung nasakyan ko kanina sya lang yung nagsasalita. Daldal ni koya eh. Minsan naman may sasagot kaya lang puro maikli lang like oo nga, basta maikli lang. Hanggang sa parang nainis na si koya sabi nya "Anim na buwan na tayong gumagamit neto pero palaging ako yung nagsasalita. Aba magsalita kayo. Sayang naman tong repeater hindi man lang natin masira" Tapos may sumagot naman mga tawa lang tas copy.
Hanggang makababa ako ganon pa din walang sumasagot masyado kay kuya unlike nung iba na napakaingay nung radyo pag nakasakay ako. Hahaha
Minsan kasi hindi naman natin mapipilit yung tao na magreact sa mga sasabihin mo. May mga tao kasing mas gustong nakikinig lang kesa nagsasalita. Hindi naman sa walang pake, ganon lang talaga sila. Pero syempre nakakaano pa din pag ganon, yung salita ka ng salita tas di naman intresado sa mga sinasabi mo, walang reaksyon, para ka tuloy tanga. Di mo alam kung wala bang kwenta yung sinabi mo o ikaw mismo yung walang kwenta. O kaya naman ang dami mo sinabi pero "ah" lang yung sasabihin sayo. Hahaha sarap kaya makipagkwentuhan.
I feel you, koya.
14 notes
·
View notes
Text
Hello There Baby Thomas
Hello there Baby Thomas.
Unang apak ko pa lang sa hallway ng ward rinig na rinig ko na agad yung iyak mo. Habang palapit ng palapit sa iyong kwarto palakas ng palakas ang iyak mo. Pero nung lumapit ako tumigil ang ‘yong pag-iyak. Tinanong ko pangalan mo pero sa isip ko hindi mo pa kaya magsalita buhat ng iyong murang edad. Kinsausap ko ang mga batang katulad mo sa kabilang kama tinatanong kung okay ba sila? Tapos gulat kong nandon ka na agad sa harap ko pilit mong binabalandra ang bagong 'bote ng bubbles’ na nakuha mo. Alam kong iniinggit mo si kuya, ginagawa mo ito para pansinin kita at makipaglaro sayo. ‘Nung una’y di ko pinapansin para kausapin ang ibang nanay sa ward pero ‘di ako nakatiis dahil ‘yung ngiti mo grabe mang-akit.
Hindi ko alam ang pangalan mo. Hindi ko rin natanong sa ibang nanay kung ano ba talaga ang pangalan mo. Tinawag kitang Baby Thomas dahil una sa lahat isa kang baby, pangalawa kamukha mo si Thomas the train mula sa Thomas and Friends. Parehas kayong may defined cheeks, maliksing mukha at parehas kayong playfull. Pinakita mo sa akin ‘kung paano humipan ng bubbles mula sa hawak hawak mong bottle, pinanood kita ng parang first time ko lang makakita nito ever. Tuwang tuwa tayo sa bubbles na yon hangga’t sa lahat ng bata ay nasisi-hipan narin ng bubbles sa palibot ko.
Halos lahat tayo nagtatawanan, nakalimutan kong matanda na ako. Naging bata uli ako, lumiit, sumaya at nawalan ng problema. Higit sa lahat nakalimutan kong nasa ospital pala ako, nakalimutan kong narito pala kayo para lumaban, pwedeng maglaro pero kadalasan kailangan lumaban.
Noong pangalawa nating pagkikita imbis na iyak ang aking marinig ay tawa at halakhak ang sumambulat sa akin sa hallway pa lamang. Doon nakakwentuhan ko si Mama mo. Pilit mong inaalis ang ibang bata na nakakandong sa aking binti para ikaw ang nasa ibabaw, natatandaan mo ba noong dalawa ko kayong kinandong? Kinikilig ako nung mga oras na ‘yon, nawala ako sa kasalukuyan. Lumipad ako sa ibang pangyayari, possible pala ang ganoong feeling? Yung feeling na lost pero masaya. Tinanong kita kung anong gusto mong costume? ‘di ka nagsasalita. Sa isip ko ikaw si Superman, kasi lahat ng bata kilala si Superman. Ang pinakasafe na piliin para sa batang lalaki ay Superman.
Noong December bumisita kami tumawa ka uli ng tumawa. As usual nag takbuhan na naman tayo sa hallway ng ward mula’t parito, paikot-ikot sa nurse station, kilitian. Nakipaglaro muna ako sa ibang bata at binihisan din ng iba’t iba costume ang mga kalaro mo. Umiyak ka uli, hindi ko maalala kung bakit. Kasama mo si Mama at Papa mo pero ngayon suot-suot mo yung costume ni Superman. Tinanong kita kung bakit ka umiiyak eh ang pogi pogi mo? Ngumiti ka ng napaka onti, alam kong pinipigilan mong ngumiti. Pinuri kita ng pinuri hanggat sa nakatawa ka na uli. Pinicturan kita kasama ang mga kaibigan ko "pag sinabi kong pose, popose ka ha Baby Thomas”. Tawa ka ng tawa, hindi ka nagpopose kundi nangungulit lang. Hindi ako nainis at nagalit, nakyutan pa nga ako eh. Kinukulit ka ni mommy na magpose na ng seryoso “Anak ngiti na” “Pipicturan ka ni kuya” “ipe-peysbuk yan”.
Noong huli nating pagkikita may kakaiba. Pumayat ka at naging matamlay. Nakatingin ka lang sa akin, alam kong kilala mo ako at alam kong gusto mong lumapit. Hindi mo ako pinapansin, kakatapos lang ata ng chemo mo ‘nun? Nilapitan kita at pinakita ko sayo lahat ng pictures at videos natin sa phone ko para tumawa ka uli. Ngumiti ka lang, pero kinikiliti kita, ngumiti ka lang. “Sige na nga babalik na lang ako, next time pag balik ko magtatakbuhan uli tayo ha”. That day dun ko rin nalaman ang pangalan mo “Marcel”, ang sabi sa akin ni Lorraine.
Hindi ko alam na dapat ko na pala i-ready ang aking sarili sa mga bagay na ‘to. Makikilala ko ang mga batang tulad nyo, lalaruin at papagurin ang ating mga sarili on repeat.
Mamahalin, masasaktan, tapos’y mas mamahalin.
Kadalasa’y maaga ang paglisan, abrupt ang take off papuntang langit. Hindi kita makakalimutan Baby Thomas, I love You. Pwede ka na uli maging bata katulad ng iba pero mas masaya dyan <3

2 notes
·
View notes
Text
Dear You,
February 4, 2017.. Sumama ako sa field trip ng nakababata kong kapatid dahil sa kabila ng lahat ng stress na dinudulot ng acads, sabi ko sa sarili ko, kailangan kong mag-unwind.. Deserve kong mag-unwind. Yern.
Hindi ko lang nakita ‘yung eksaktong oras pero sigurado akong lampas alas dos ng umaga ‘yon. Bukod pa ‘yung natural na lamig na dulot ng madaling araw at lamig na dala ng buwan ng Pebrero, sa lamig na nagmumula sa aircon ng bus, kaya naman patuloy kong hinihila pababa ang dulo ng manggas ng jacket ko dahil naninigas na ang mga kamay ko. Tulala ako sa kawalan no'n sa kabila ng lamig na nararamdaman. Marami ring naglalaro sa utak ko.. Gaya ng kung anong mangyayari at kung anong pwede mangyari sa araw na ‘yon.
“Good morning po! Kumpleto na po ba tayo?”
Mula sa tenor na boses sa may gawing unahan ng bus, tila naging sapat na dahilan ang bating ‘yon para mapukaw ang atensyon ko at agad na mabaling sa ‘yo.. At isang malutong na “OMG” ang agad na nabulalas ko sa isip ko. Nag-unahan sa ‘kin ang sari-saring mga tanong, gaya na lang ng, bakit ka nag-goodmorning sa bus number 3? Pwede kayang dahil ikaw ‘yung magiging tour guide namin para sa araw? Pero bakit parang masyado ka pang baby para mag-tour guide? At ang tunay na dahilan sa likod ng makasaysayan kong reaction ever, eh ‘yung.. BAKIT ANG GWAPO MO? Ahoy! Kiligin ka please. Charot.
Nang sabihin sa ‘yong hindi pa kumpleto ang bus number 3 ay bumaba ka rin agad. Hindi kita nasundan ng tingin no'n, pero di rin nagtagal, mula sa bubog na bintana ng bus ay nakita kita sa labas na may kausap na lalaking nakasuot rin ng plain blue polo shirt gaya mo. “Tour guide nga ‘tong mga ‘to”, ni-claim ko na sa sarili ko. Napangiti ako.. Kasi sa dinami-dami ng tour guide, ikaw 'yung napunta sa bus number 3. At sa dinami-dami ng bus, sa bus number 3 pa talaga kami dinala ng pagkakataon.
Ilang minuto rin ang nakalipas nang meron uling lalaking naka-plain blue polo shirt na pumasok sa bus para muling itanong kung kumpleto na ba ang lahat. Pero nabalisa ako nang hindi na ikaw ang lalaking 'yon. Nataranta ako dahil baka siya pala talaga ang tour guide na naka-assign sa bus number 3 at mapang-asar na pinangaralan ang sariling, “Oh diba, kailan ba hindi naging masakit ang pag-assume, Rean?” Ha ha ha. Lumaglag ang balikat ko dala ng pagkadismaya. Ngunit nang malaman naman ni kuyang nagtatanong na kumpleto na ang lahat ay bumaba rin naman siya agad at may bagong dumating. Or siguro mas tama kung sasabihin kong.. may bumalik. Oh pak! Balik din ang sigla ng lola mo, iniisip na iba rin talaga ang tadhana kung magbiro. Lol.
Lumarga na ang bus ilang minuto pa bago mag-alas tres ng umaga. Dahil ang pinaka-basic na paraan para simulan ang isang trip ay humingi ng guidance kay Lord, siya mong pinangunahan ang pagdarasal. Napansin ko no'ng hindi ka nag-sign of the cross at may ginamit kang phrase na karaniwang binabanggit ng isang partikular na relihiyong alam ko. Gusto kong malungkot nang konti dahil naisip kong magkaiba tayo sa aspetong 'yon, pero agad ko ring naalalang wala akong karapatan at ang OA ko naman masyado. Anyway, pagkatapos no'n, agad ka rin namang nagpakilala bilang aming tour guide. For some reason, napangiti ako nang malaman ang pangalan mo. Nickname mo lang siguro 'yon pero nakakaloka dahil binubuo lang ito ng tatlong letra. Tatlong letra..
Binigyan mo kami ng dalawang oras para makasundo ng tulog. Pero eto ang nakakalokang katotohanan: hindi ko rin nagamit ang dalawang oras na 'yon dahil 20 minutes pa lang ata ang nakakalipas mula nang umalis ay naramdaman ko nang naiihi ako. Nakakahiya namang mag-request agad ng stop over dahil sobrang aga pa simula nang umandar ang bus kaya naisip kong maghintay muna ng 30 minutes. Kung akala ko ay mahirap nang magpigil ng feelings sa isang tao at magpigil ng antok sa klase, believe me, mas mahirap magpigil ng nagbabadyang tawag ng kalikasan.
After 30 minutes, luminga-linga ako sa loob ng bus only to find out na lahat ay tulog. Naisip kong sa 'yo sana magsabi kung pwedeng tumigil muna ang bus bilang ikaw naman ang tour guide. Kaya mula sa padalawang row ng upuan sa pinakaunahan, tumayo ako nang kaunti at sinilip ka sa pwesto mo sa may tabi ng driver. Nang maaninag kong tulog ka rin pala dahil napansin kong lumalaglag ang ulo mo sa balikat mo, nawalan ako ng pag-asa. Sa isang banda ay napaisip rin ako.. Hitting two birds with one stone sana ako dahil bukod sa makakapag-comfort room na ako eh magkakaroon pa ako ng pagkakataong makausap ka. (Paano, Rean??!) Pero agad ko rin namang kinontra ang sarili ko - na wag na lang pala. There is no way na maaaring maalala mo 'ko gamit ang palatandaang “si ateng nag-request ng stop over dahil ihing-ihi na”. Waaahh, nakakahiya ‘yon. So, plan B na lang: Magpigil, magdasal na sana ay hindi magka-UTI, at maghintay ng stop over dahil for sure naman ay meron. At hindi birong dalawang oras kong ini-hold ang kung anumang dapat kong ini-hold dahil tinamaan ng kamalasan na sa NLEX pa pala ang planong bus stop. Aguy. Pero dahil ang sulat na 'to ay hindi naman tungkol sa pagpipigil ng ihi ko, punta tayo sa part na matapos naman ang stop over na 'yon ay nagsimula ka muling magsalita sa unahan..
“May konting pa-activity lang po ako. Para medyo ma-exercise ang mga utak natin. Sa mga students po muna ‘to, tapos mamaya po, sa parents at teachers naman. Okay po ba ‘yon?”
Habang nagsasalita ka sa unahan, pinagmamasdan kita.. Maliit ngunit matangos na ilong, pantay at mapuputing mga ngipin, medyo may kapayatan ang katawan, hindi mestiso ngunit hindi rin naman sobrang moreno at approved ang height. Hindi ko alam kung baby-faced ka lang ba talaga o sadyang bata ka pa talaga. At kung makikita ka siguro ng mga kaibigan ko at mapapansin nila ang mga mata mo, papagalitan siguro nila ako at sasabihang, “Partida, kamata ni DJ eh!”. Hindi ko masyadong inintindi ‘yung pinapa-activity mo no'n dahil abala ako sa pagtingin sa ‘yo, pero tila nabalik ako sa wisyo nang mapatingin ka sa may direksyon ko at sa unang pagkakataon ay nagtagpo ang mga mata natin.. Ako na rin ang unang nag-iwas ng tingin.. Hindi ko rin alam kung bakit. Siguro dahil pagkatapos kitang titigan, feeling ko may jowa ka. Sabi ng instincts ko, may jowa ka.
Nang sabihin mong for parents and teachers naman, medyo nabuhayan ako ng loob dahil makikisali pa rin ako kahit saling pusa lang ako. Napansin kong napapadalas ang tingin mo sa may direksyon ko noon. Siguro dahil ine-expect mo ‘kong sumagot sa pa-activity mo. At syempre, hindi naman kita natiis. Charot. Sumasagot ako sa mga tanong mo kasi diba sabi mo, bibigyan mo ng Magnum ang sasagot. (Oi! Sa’n na pala Magnum ko?) After no’n, medyo nag-start kang magkwento. Naalala ko, may nabanggit kang, “..sa amin po sa Commonwealth..”, na agad ring tumatak sa ‘kin dahil nalaman kong taga-Maynila ka pala.
Fast forward na nang makarating tayo sa unang itinerary. Medyo naging matagal ang paghihintay do’n kasi sabi mo kailangan pa nating hintayin ‘yung coordinator na may hawak ng tickets. Bumaba muna ang ilan sa bus. ‘Yung seatmate ko namang teacher, nag-CR, kaya nabakante ang tabihan ko. Nanatili ako sa kinauupuan ko at nagbasa na lang ng dinala kong libro sa Law nang maramdaman kong may umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko. Literal na napa-OMG na naman ako isip ko nang ma-check ko kung sino. Nagbabasa kuno na lang ako no’n dahil wala nang pumapasok sa utak ko ng mga sandaling 'yon. Dahil sa totoo lang, pinapakiramdaman kita sa tabi ko. Torn ako between “kakausapin mo kaya ako?” o “kausapin ko kaya ‘to?”. Kung mage-end up ako sa pangalawang option, simpleng chichikahin lang sana kita gaya ng ilang taon ka na, o ilang taon ka nang nagtu-tour guide kasi parang ang bata mo pa talaga masyado. Tipong ayaw kitang i-address na “kuya” kasi feeling ko magka-edad lang tayo, or kung hindi man, ilang taon lang ang agwat ng mga edad natin. Pero nag-end up ako sa pang-unang option. Hinintay na lang kita kung kakausapin mo ba ako. Kasi syempre, na-overwhelm na rin ako ng pride ko na babae pa rin ako at hindi ko hawak ang first move. Char. Naunahan na rin pati ako ng hiya ko na ‘yun nga, baka may girlfriend ka. Kahit malinis naman ang intensyon kong makikipag-kaibigan lang sana ako, eh weird pa rin kasi aminado naman ako sa sarili kong naku-cute-an ako sa ‘yo. Tsaka syempre, naisip kong hindi makakatulong kung madadagdagan pa ang impormasyong alam ko tungkol sa ‘yo.. Mahirap ma-attach. WHAT.
Naalala kong nasa likod nga lang pala natin ang nanay ko at ang nakababata kong kapatid nang marinig ko ang nanay kong magsalita ng, “Anak, tabi ikaw kay kuya. Picture-an ko kayo.” ‘Yung nakababata kong kapatid ang tinutukoy niya, pero how I wish ako ‘yon huhu. Agad mo namang inakbayan ang kapatid ko at sunod ko na lang narinig ay ang tunog ng pag-click ng camera. Nagwawala na ako sa loob ko no’n, iniisip na, “ako rin inay, gusto ko ring magpa-picture, picture-an mo rin kami”. Pero.. waley. Hindi nag-connect ‘yung signal namin noon ng nanay ko. Lol. Eh ayoko rin namang mag-initiate na magpa-picture no’n sa ‘yo dahil.. wala lang. Kakahiya lang.
Well, wala naman talaga tayong naging moment bukod sa may mga sandali talagang mapapatingin tayo sa isa’t isa. Ayokong i-describe na “awkward” ang mga tinginang ‘yon, dahil may kiliti akong nararamdaman sa mga tinginang ‘yon. (Huluh siyuuh!) Looking forward ako lagi sa pagbalik sa bus dahil nga hindi ka naman namin nakakasama sa mismong pinupuntahan namin. Naging mahaba at masaya ang araw, at ang sunod ko na lang nalaman eh tinatahak na pala natin ang daan pauwi.
Sa byahe, dala na rin ng pagod, ay nakatulog ako. Nagising na lang akong muli makalipas ang halos apat na oras mula Subic hanggang Maynila dahil tumigil ang bus para umihi si Manong Driver. Nakita pa kita sa unahan no’n pero agad rin akong nakabalik sa pagkakatulog ko - na siya rin namang pinagsisihan ko. Nang magising kasi ako ulit pagtapos ng halos dalawang oras at mapagtantong nasa Batangas na ang bus, ay umasa akong masisilayan uli kita sa huling pagkakataon. Pero.. hindi na kita nakita. Naisip kong marahil ay bumaba ka na sa QC at hindi na nagawang makapagpaalam pa dahil tulog kaming lahat. Nalungkot ako bigla. Dahil tila naging isang panaginip ka lang.. Tipong paggising ba, wala na.
Habang naglalakad kami pauwi, nakakahiyang aminin, pero naisip kita. Tumingala ako.. Kalahati ang hugis ng buwan at maganda ang pagkakalatag ng mga bituin sa langit. Hinanap ko ang pinakamaliit ngunit pinakamaliwanag na tala na mahahagip ng mga mata ko..
Pagkakita ko, nag-wish ako.
Love, R .xx
1 note
·
View note
Text
Hi Ate.
So since mas matanda ka naman talaga samin, ate na lang tatawag ko sayo.
Hi ate. Grabe nagsisisi talaga ako. Sana nakinig na lang ako sa bf ko na wag malungkot nung time na nalaman kong nagcheat sayo jowa mo.
Inis na inis kasi talaga ako sa mga taong cheater. Mga taong di makuntento sa isa. Kung mahal pa pala ang ex bakit hindi kasi binalikan na lang? Bakit need pa manggulo ng buhay ng may buhay like I mean ba't nanligaw agad ng bago kung ganun pa pala feelings. Rebound lang? Hay ang sad nun.
Sayang energy ko talaga na malungkot sa nangyari. Na sayo sana sympathy ko. Inis na inis ako lalo dun sa ex ng jowa mo kasi nanggugulo pa din sainyo nun.
Hangang-hanga pa 'ko sayo dahil ang strong mo. Nagagawa mo ipagtanggol jowa mong nanloko sayo. Pero naniwala ako sayo nun kasi sbi mo na nagsisi na sya and di na nya uulitin un. Masaya ako para sayo nun.
Pero sa lahat ng issue na nangyayari, lalabas at lalabas pa rin talaga ang tunay na ugali 'no? Hindi ka masyado nagsasalita kasi may nagawa ka rin naman talaga. Gusto mo lng magplay safe para lahat ng sisi na sa akin. Okay gets. Baka pati pagcheat ng jowa mo kasalanan ko na rin? Hahaha!
Pero sasabhin ko lang sayo na di ko magets pano ka nakarating sa age mo ng ganyan ka pa din umasta at mag-isip. Like dude, para kang elementary kung makipag-away. Ilang taon na lang magtetrenta ka na ano ba. Napaka kitid ng utak mo sa totoo lang.
And uulitin ko lang na wag kang umasta na kala mo napaka linis nyo. Na ang kapal ng mukha mong awayin bf ko ng puro hearsay lang naman ung mga alam mo.
And please lang. Walk. the. talk. Wag ka puro Bible verse tapos kabaliktaran naman mga ginagawa mo.
Napansin ko rin palang well-trained kayo sa mga workshops nyo ah? Kuhang kuha nyo na mga ugali ng nagtuturo sainyo. Na puro sarili na lang ang iniisip. So proud of you!
Nakakatawa lang din na puro ka pa-good daughter -image lol. So sinasabi mo ba na kapag umiinom or nagpaparty ang isang tao eh hindi na tama pagpapalaki ng magulang? Lol! And wait, sabi mo strict and conservative parents mo, pero bakit ka natutulog na sa bahay ng jowa mo? Parang di tugma ah? Hehe
Bago ka sana magsalita ng kung anu-ano, make sure na totoo lahat ng sasabihin mo. And wag ka masyado pahalatang guilty ka, kung wala kang gusto patunayan bakit need mo pa ng mga witnesses. Wala ka ba tiwala sa sarili mo? Haha!
Isa pa yang jowa mo. Pano kaya nya nagawa ung ginawa nya sa bf ko. Knowing na bff nya daw bf ko. Pero imbis patayin ang apoy, lalong pinapaliyab? Anong klaseng kaibigan yan? Nahawa na sayo, ate. Grabe ang galing parehas na kayo ugali.
Ah alam ko na baka para mawala sa kanya ang focus. Na ang ugat naman talaga ng mga nangyayari is ung panloloko nya? Kung ayaw mo pala na ganyan sana di ka nagloko! Sana naisip mo yan bago mo gawin. Ay wait, baka ano mo and ng ex mo lang ung naiisip mo nun. Hmm
Pero okay na rin atleast nalaman namin sino ang mga totoong kaibigan ng bf ko.
0 notes
Text
Kwento ko din kung bakit pinatatahimik nanaman ako ni Jermaine. Hahahahaha wala e, si Jermaine lang talaga sinusunod ko. Si Jermaine lang talaga lab ko HAHAHAHAHA joke. Ayaw ko lang nagagalit si Jermaine sakin.
So yun na nga, 7 am klase namin ngayong araw. Pag dating ko nandon na sila Jermaine at Danica. So yon usap usap hanggang sa napunta na yung usapan namin sa Health Assessment kung saan kailangan namin mag advance lecture. Tinanong ako ni Danica "Nag lecture ka na sa Health Assessment?" Sagit ko "Nagsulat ako kaso di ko tinapos" sabi nya sakin "Syempre kumain ka lang" edi natawa ako kasi kumain lang naman talaga kami kahapon nila Cyrene 😂 E diba pag natatawa ko automatic na na may gagawin ako, so yon nasampal ko si Danica. HAHAHAHAHAHA. O diba nga nandon si Jermaine edi nakita nya ginawa ko. Sabi sakin "Ayan ka nanaman Sophia. Sinasaktan mo nanaman si Danica" siguro mga wala pa sa 5mins nung dumating ako sa school tapos nasampal ko agad si Danica 😂 sabi pa sakin ni Jermaine "payapa buhay kanina ni Danica" hahahahaha tapos si Luaine sabi o nag aaway nanaman kayo hahahaha pinaghihiwalay nanaman kami ni Danica juskooo. Sabi sakin ni Jermaine diba may deal tayo. Tapos naalala ko yung sinasabi sakin ni Jermaine na deal, na kapag di ko inaway si Danica makaka uni daw ako sa lahat ng subjects ko ngayon juskooo. Hahahahaha. Basta lagi ako pinagagalitan ni Jermaine pag sinasaktan ko si Danica. May ibang kausap si Jermaine. Lumapit ako kay Danica at binulungan ko sya "Pag wala si Jermaine dun kita sasaktan hahahahah" e maya maya bumalik samin si Jermaine, si Danicang papansin nag sumbong agad. Sabi "Pag wala ka daw dun nya daw ako sasaktan hahahaha" hahahahaha edi tawang tawa ko kay Danica non kasi napaka sumbungera hahahaha
So ayun sinabi nanaman ni Jermaine yung favorite line nya sabihin sakin "Subukan mo kayang manahimik at wag manakit Sophia" pagkasabi nya non di na ko nagsasalita. E kakausapin nya ko di ako sumasagot hahahahahaha nag sa-sign language ako tapos sabi nya sige lang pagpatuloy mo yan kahit ngayong araw lang hahahaha. Kaya ayon pinandigan ko talaga na hindi na magsalita buong araw.
Nagkalayo layo kasi kami seat plan. Nung una talagang meeting magkakatabi kami sa CON 3. E kanina di ko alam bat may umupo sa pwesto namin huhu. Kaya ayon kaming apat lang magkakatabi nila Danica tas sila Donna nasa kabilang side. Kaya nung lunch time na namin tinanong ni Jermaine si Danica kung inaway ko daw ba sya. Tas sabi ni magaling na Danica "Oo pasimpleng away" HAHAHAHAHAHAHA napakasumbungera talaga!!!! Kaya sabi sakin ni Jermaine "Sophia talaga e, kailan ka kaya di na mananakit?" huhuhuhuhuhu yoko na din manakit ih
0 notes