sushiiiilei
Untitled
1 post
Don't wanna be here? Send us removal request.
sushiiiilei · 2 years ago
Text
Kaakay ang Palad sa pagtungo sa Saplad
Sa likod ng mga ngiti, may mga problemang tinatangi. Sa isang siyudad ng Minalin, Pampanga, buwan ng Disyembre taong 2020, kami ay nakiisa sa programa ng Outreach Program para sa mga bata at matanda. Isang programa kung saan kami ay naghandog ng mga regalo at pagkain na maaaring maihain sa nalalapit na pasko. Sa paglalakbay na ito nakamtan ang iba’t ibang emosyon dahil sa mga realisasyon na natamasa na aking dadalhin at paiiralin sa mga darating pang taon. Dito nabigyang pagpapakahulugan na kadalasan ang kasiyahan nang isang pangyayari ay makakamtan sa iyong mga kasama.
Tumblr media
Programang Tatanglaw sa Kinabukasan
Bago magsimula ang blog na ito, nais kong maunawaan niyo bilang mambabasa kung ano nga ba ang Outreach Program base sa depinisyon at sa aking sariling pagbibigay interpretasyon. Ayon sa Child Hope Philippines (n.d,) Ang isang outreach program ay naglalayong tulungan, iangat, at suportahan ang mga pinagkaitan ng ilang mga serbisyo at karapatan. Kabilang dito ang pagbibigay ng pag-aaral, pagpaplanong panlipunan, suporta sa kalusugan, at iba pang mga proyekto para sa kanilang kapakanan. Base sa aking napansin, Ang pagpaplano ng mga programa para sa komunidad ay maaaring makatulong sa paglutas ng mas malaking pangangailangan para sa isang pangmatagalang plano tungo sa panlipunang pag-unlad. Dagdag pa, ang ibang mga miyembro ng programa ay dapat na magkaisa upang magplano at kumuha ng higit pang mga asset at paraan upang lumikha ng higit pang pangmatagalang solusyon at boluntaryong pagsisikap.
Hayaan niyong ibahagi ko sa inyo ang hindi malilimutang Outreach Program na nasaksihan ko na nagpabago ng persepyon ko sa buhay dahil sa mga munting regalong ibinigay.
HALIKA. SUMAMA. MAKIISA.
Ang lugar na aming pinuntahan ay lugar sa Saplad Minalin, Pampanga. Marami ang hindi nakakaalam at hindi pamilyar sa lugar na ito. Ang komunidad ng Saplad ay matatagpuan sa isang lugar na kadalasan ay hindi natin nakikita bilang mga tao sa siyudad, ang lugar na ito ay pinalilibutan ng ilog kung saan ang pangunahing daraanan ng mga tao ay hindi daan na gawa sa semento bagkus umaapaw na tubig na nangangailangan ng transportasyong pandagat.
Tumblr media Tumblr media
Madudungaw sa pag-andar ng bangka ang tanawin na sagana ang pagkakulay berde at sariwang hangin na malalanghap ang tunay na pahinga.
BAGO ANG LAHAT, PAANO NGA BA ANG TRANSPORTASYON NA MARAPAT GAMITIN DITO?
Hayaan niyong ibahagi ko ang transportasyong marapat na gamitin bago ko ipakita ang mga aktibidad na aming ginawa. Kung kayo ay walang pribadong sasakyan, maaari kayong magrenta ng isang jeep dahil ang lugar na daraanan ay hindi basta-basta sapagkat ang mga tatahaking daan ay halos hindi pa naiaayos kaya naman kung walang pribadong sasakyan mataimtim na iminumungkahi ang pagrenta ng jeep. Sa kabilang banda, kung kayo naman ay may pribadong sasakyan, ang bawat transportasyong gagamitin ay binibigyang pagpapahalaga ng Kapitan sa Barangay Saplad kaya naman may nakalaang lote para sa mga transportasyong gagamitin. Kapag nakarating na sa barangay, dito magsisimula ang paglalakabay kung saan kinakailangan sumakay ng sasakyang pantubig na tinatawag nating bangka na kayang isakay ang hindi lalagpas sa walong bilang ng tao.
Tumblr media Tumblr media
PANGUNAHING LAYUNIN NG BYAHE
Ang regalo at pagkain na nakalap ay donasyong pinansyal na pinagsama-sama ng bawat miyembro ng pamilya. Ang pangunahing layunin ng programang ito ay makapagbigay kasiyahan sa mga bata at matanda sa lugar ng Saplad. Karamihan ng tao rito ay kinakailangan pa ng pribado o sariling bangka upang makapamili ng kanilang kinakailangan. Ang trabahong pagkukunan ng pangangailangan ay pahirapan ding makamit sapagkat ang mga tao sa Saplad Minalin ay hindi ganoon kabihasa sa anumang trabaho pwera sa pangingisda. Dagdag pa na kasagsagan ng pandemya noong taong 2020, lubos ang kahirapang dinulot nito sa mamamayan ng Saplad lalo na mga nakatatanda dahil hindi na ganoon kasagana ang kanilang hanapbuhay.
Tumblr media Tumblr media
MGA AKTIBIDAD NA AMING NAGAWA
Palaro – Isa sa pangunahing layunin ng programang ito ay ang matamasa ang kasiyahan sa pamamagitan ng laro para sa mga bata. Bilang isang bata, alam natin na kadalasang umiikot ang buhay sa laro at kasiyahan. Bilang nakatatanda, nasa araw-araw na pamumuhay na ang responsibilidad sa pagkaing ihahain. Kaya naman naisipan namin na magkaroon ng simpleng laro kung saan ang premyo ay laruan, pera, at pagkain.
Tumblr media Tumblr media
Pangingisda – Hindi namin ipinalampas ang pagkakataong masubukan ang mangisda sa tulay sapagkat bilang isang lugar na napapalibutan ng ilog/palaisdaan, masagana ito sa isda, alimango, hipon at iba’t ibang lamang dagat na siyang nanaisin mong mahuli, mga pangyayaring maidadagdag mo bilang panibagong karanasan.
Pagbukas ng regalo kasama ang mga bata- Nagkaroon man ng problema sa camerang ginamit, nakatatak sa aking puso at isipan ang ngiti ng mga batang nabigyang laruan na isa sa hiling tuwing lumalapit ang araw ng kapaskuhan.
Tumblr media Tumblr media
Pag-ikot sakay ang bangka. Marami sa atin ang kinatatakutan ang mga anyong tubig. Natatakot ang iba na baka malunod at ito ay delikado. Ngunit kung titignan, ang pagsakay sa bangka ay isang masayang karanasan upang makahinga. Sa pamamagitan ng pagrenta ng bangka, maaari kayo nitong ilibot sa ibang bahagi ng Saplad upang makapagmasid sa tanawing kagilas-gilas pagmasdan.
Tumblr media Tumblr media
Mga aktibidad na nagbigay kulay sa bawat ngiti. Hindi lamang sa aking labi ngunit maging na rin sa mga taong nakasama at nakasalamuha namin.
MANGAN TAMU! (KAIN TAYO!)
Bilang munting salo-salo, ang komunidad na binisita namin sa Saplad ay naghanda ng pagkain sa lutong hipon at alimango. Hindi maikakaila na ang mga Kapampangan ay isa sa mga kilalang mahuhusay pagdating sa pagluluto. Isa sa kultura ng mga Kapampangan ang paghahanda ng mga pagkaing tiyak na tatatak sa puso’t isipan ng masa. Mula sa lutong sisig, adobo, lechon, crispy pata, lutong seafood at marami pang iba. Literal na nakakaputok batok ika nga! Ang lutong hipon at alimangong ito ay patuloy na hinahanap-hanap at ninanais muling malanghap.
Tumblr media Tumblr media
Ang alimango, hipon, tilapia, at iba pang lamang dagat ay matatagpuan sa bawat palengke ng Saplad. Maaaring gawing pasalubong, isang magandang oportunidad ang pagbili sapagkat mas makakabawas ka sa presyo dahil direkta ang pinagkukunan ng mga ito sa Saplad kaysa sa mga siyudad na may patong na ang presyo sapagkat ang mga ito ay nanggaling sa ibang lugar.
REALISASYON
Ang isang ngiti ay ebidensya ng buhay. Ngunit sa kabila ng bawat ngiti, iba’t ibang buhay ang ipinapakita, ito ay ang hindi pare-pareho ang buhay na ating natatamasa. Sa Outreach Program na ito ay aking napagtanto ang kahalagahan ng pagiging mapagpasalamat sa buhay. Bago pa man mangyari ang pandemya, talamas mo nang mapapansin na hindi patas ang buhay sa lahat ng tao. Hindi lahat ay maginhawa ang buhay na kinagisnan. Lahat tayo sa bawat araw ay may pagsubok na pinagdaraanan. Pansin ko ang ngiti sa kanilang mga labi, mga taong kung titignan mo ay walang problema. Naging kaakay pa namin sa pagkilala sa Saplad, ngunit hindi ko aakalain na ang sitwasyon nila ang tunay kong makikilala. Isang persepsyon ang lumiwanag na kailanman ang mga taong aakalain mong nakakaranas ng pagsubok sa buhay, sila pa ang magbibigay sayo ng karanasang hindi mo malilimutan.
Patuloy na magpapasalamat sa programang naisipan ng pamilya, ito ay nakaukit na sa aking puso. Mula sa karanasang transportasyon, tanawin, pagkain, aktibidad, at mga taong sumalubong sa amin ng buong puso at walang pag-aalinlangan. Tunay na ang diwa ng pasko ay maihahayag sa kapwa tao. Ang kapanganak ni Hesus na nagsisilbing pag-asa ng bawat isa. Kung mabibigyang pagkakataon, hihilingin ko muling makabalik dito at sisiguraduhin na ako naman ang magbabahagi sa kanila ng karanasang hindi malilimutan.
1 note · View note