Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
TRUE FRIEND NEVER END
Panibagong araw na naman ang lilipas sa buhay ni Vicent na puro pagpapacute na lamang ng mga ang estudyante ang makikita niya sa school nila. Pagpasok ni Vincent sa kanilang school dimo talaga maipagkakaila ang magandang pustura na tindig ni Vincent kaya lahat na lamang ng mga babae nahuhumaling sa kanya at nagkakagusto sa kanya.
“ Baby Vincent, anakan moko!” Saad ng ng isang babae sa isang tabi habang ako ay naglalakad sa koridor papuntang room ko.
“I love you na baby Vincent” saad ng isa pang babae sa kasama
ang at sa kalagitnaan ng lecture nila biglang may pumasok sa kanilang classroom na nagpakilala sa pangalang Rj at may kasama itong matandang babae na siya palang nanay ni Rj. Kinausap ng nanay ni Rj ang principal ng skwelahan para mag-aral ang kanyang anak.
Sumunod na araw ay nagsimula nang pumasok si rj mabait ang kanyang galaw at tahimik sa kanyang upuan. Hindi siya ganong nakikipagusap sa kanyang mga kaklase at habang tumatagal ang kanyang ugali ayunti unti ng nagbabago sobrang tigas na ng kanyang ugali at lagi nang nakikipag away sa kanyang mga kaklase.
Isang lingo na ang nakakalipas ay may nangyari nang hindi maganda sa kanilang school may isang estudyante ang nabasag ang mukha at nagsumbong ito sa kanilang principal na ang gumawa sa kanya ay ang bagong estudyante na nagtransfer sa kanilang paaralan. Walang iba kundi si Rj, si Rj na pala away, mahilig makipagbasag ulo. Kaya pinatawag si Rj ngkanilang principal dahil sa nagawa niyang mali at siya ay bibigyan ng detention ng kanilang principal. Nasuspindi siya ng tatlong araw tapos ng siya ay pauwi nakita niya si Vincent na naka upo at sila’y nagusap.
“bakit aga mo umuwi bro?” tanong nit okay kay Rj
“sinuspend ako eh. Haha may binasag lng naman akong mukha badtrip kasi eh” saad naman niya.
“suspend na agad bro, kay bago bago mo palang eh may record na pre” sabi naman ni Vincent sa kanya.
“ Hihingi nalang ako ng tawad bro. ayaw ko na din na malaman pa ni lola to, tulungan moko?”
“ikaw pa, lakas ka sakin eh” tugon ni Vincent sa kanyang kaibigan.
Matapos maka hingi ng paumanhin sa kanyang binugbug dun naging mas matibay ang kanilang pagkakaibigan. Naging sandalan nila ang isa’t isa kasama niya ito sa kalokohan o kabutihan, sabay umuwi at palagi magkasama saan man pumunta. Para na silang magkapatid kung iturintg ang isat isat.
Mkalipas ang isang buwan nang kanilang pagkakaibigan. Nag aya si Vincent na magbakasyon sila ni Rj sa Zambales kung san siya pinanganak. Agad namang pumayag si Rj para maglibang libang naman sila. Paglipas ng araw ng kanilang pamamalagi sa Zambales nag away ang dalawa dahil lng sa isang babaeng nagustuhan ni Rj. Ayaw kasi ni Vincent na nakikipagrelasyon ito sa babaeng may boyfriend na. hindi kasi alam ni Rj na may boyfriend na ang babae. Pero kahit nag aaway na ang dalawa nanaig parin ang pagkakaibigan nila nagging masaya sila sa paglipas ng panahon ngunit ang sayang iyon napalitan ito ng takot at lungkot ng malaman ni Vincent na dinala sa ospital ang kaibigan na si Rj dahil siya ay napa away muli ng dahil lang sa babaeng nagustuhan niya na may boyfriend na pala. Nalaman kasi ng boyfriend ng babae na may dinedate itong iba kaya nila renesbakan kasama ang mga barkada nito at pinag bubugbog nila si Rj. Lumaban si Rj kaya pinagsasaksak nila na sanhi kung bakit nandun siya ngayon sa ospital. Nang malaman ni Vincent ang nangyari sa kanyang kaibigan agad niya itong pinuntahan at makamusta kung ok lng ba siya.
“Sabi ko kasi sayo bro wag kang pumatol sa babaeng yun. Sana wag kanang pumatol at nakipag away pa tignan mo tuloy napala mo” sabi ni Vincent sa katawang kaharap niya na wala pang malay . Kinabukasan may biglang hindi ina asaaang pangyayari dahil nagging complicated ang lahat dahil nagkaroon ng taning ang buhay ni Rj. Nang malaman muli ni Vincent na delicado na ang buhay ng kanyang kaibigan ay agad niya itong ipinagdasal kasama ang pamilya ni Rj. Hiniling nila na sana wag pa siyang kunin ng ama dahil siya ay bata pa at madami pa siyang pangarap sa buhay. Nagdasal sila ng nagdasal hanggang sa malaman nila na bumubuti na ang lagay ni Rj saka nila ito pinuntahan sa kanyang room. Pagkapasok nila sa kanyang room unti unting iminulat ni Rj ang kanyang mata na ikinasaya n g lahat ng pamilya ni Rj kasama na dun si Vincent.
“Magaling kana bro. Salamat sa Diyos at nakaligtas ka dininig niya ang panalangin naming.” saad ni Vincent sa kanyang kaibigan.
“Maraming salamat kasi hindi moko pinabayaan, hindi moko iniwan, salamat kasi pinagdasal niyo ako”pabulong na saad ni Rj dahil hindi pa siya gaanong makapagsalita ng maayos.
“hindi talaga kita pababayaan bro. You’re my best buddy at all, kasama natin ang isa’t isa kahit na anong mangyari” dun mismo nasusukat ang pagkakaibigan nila at nagging mas matalik pa ang pagkakaibigan nilang dalawa hanggang sila ay tumanda.
THE END
1 note
·
View note