Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
hi, ingat. lapag ko lang dito. di rin ako mag tatagal pero sana maiparating ang mga bagay na gusto sabihin
ito lang kaya kong i-access na account. nalimutan ko na password sa lahat. Gusto ko lang sabihin, indirectly, mabasa mo man o hindi, na hiling ko parin na maging matagumpay ka sa buhay. Ayoko ma tampal ng pera ah, lagi ako naniniwala sayo mula noon, ngayon, at lagi, kahit wala akong balita sayo, kahit pa anong gawin mo, susuporta ako sa mga pangarap mo. Dito ako tahimik, malayo man, pero laging sumusuporta at naniniwala. laban lang. pahinga rin minsan. pero tandaan, do not let revenge and hate fuel your passion. let your passion be its own fuel. You are worth more than your frustrations and pain. You are more capable than people's disbelief and doubts, so do not let those be your motivation. Just be you. pahinga, hinga, tawa, maging malaya, mahal ka ng Diyos, alam mo yan, di niya hahayaan na umulan ng malakas na di ka makakabangon muli; mag kapote ka lang lagi kahit 'di makulimlim, mabuti nang handa kaysa ang hindi. Nakakasakit din ng balat ang araw. At may mga bagay na di parin nagbabago. Patawad din pala, di na ako nakabati ng ilang taon. Malapit na ako magtapos, at gaya ng sabi ko noon, lagi kita maalala sa lahat ng magiging tagumpay ko sa buhay, dahil ikaw yung nandiyan nung panahong akala ko di ko na kaya. Taya... indak... sana alam mong ikaw yan. Patawad at salamat.
3 notes
·
View notes