some-unsent-letters
letters that were never sent
89 posts
to the boy who broke me
Don't wanna be here? Send us removal request.
some-unsent-letters · 2 years ago
Text
Letter #61
I think this is the kind of love I’ve been searching for my whole life. No butterflies in my stomach. Just pure peace.
7 notes · View notes
some-unsent-letters · 6 years ago
Text
letter #60
Hello, it’s been a while HAHAHAHA dami ng changes na nangyari sa buhay ko, and alam mo I have fully moved on from you. Akalain mo yon, ibang tao na naman yung kinakalungkot ko ngayong. From the start pa lang kasi dapt tinigil ko na eh. Dapat di nako pumatol knowing na may girlfriend siya. Tama nga sila, nasa losing end ako. Kahit anong gawin ko, ako at ako yung talo kasi hindi naman ako yung girlfriend. Bakit ko ba kasi ginawa yon. Una pa lang, alam ko na eh pero bat ko ginawa. Ang sakit kasi sa sitwasyon ko ngayon, wala akong ibang dapat sisihin kundi yung sarili ko. Ang lungkot lungkot ko. Gusto ko lang naman sumaya eh, eh dumatingn sa point na napapasaya niya yung araw ko. Pero sa maling paraan. Siguro nga karma ko na to. Sa masasamang sinabi ko sayo. Sa masasamang sinabi ko sa girlfriend niya. Oo na talo nako. Tatanggapin ko na na hindi talaga siya yung para sakin. Tatanggapin ko na na kahit kailan, di niya hihiwalayan yung girlfriend niya. Tatanggapin ko na na talo ako. In all ways. Kaya ngayon, kailangan ko na magmove on. Wala ng chat chat. Kahit anong sabihin niya, wag ka makonsensya self utang na loob. Para sayo din to. Wag ka ng marupok please. Kaya ko namang mabuhay ng wala siya eh, malungkot nga lang pero kaya naman tyaka mas okay kasi wala akong ginagawang mali. Pero malungkot. Pero nakakabagot. Pero mas okay. Mawawala din siya sa sistema ko tulad ng pagkawala mo sa sistema ko. Oo na, mahal ko na yata siya pero alam kong hindi tama kaya kailangan ko ng gawin yung dapat, which is ang wag na siya kausapin. Move on. Mag aral ng mabuti. Makatapos. Maging successful.
1 note · View note
some-unsent-letters · 7 years ago
Text
Hello! Today mejo hindi ako okay. Diba dapat friends should make you feel better? Pero bakit yung tinuturing kong bestfriend, hindi ganon. Ano ba yung sabihin niya kung bakit siya naiinis? Di ko nga alam kung naiinis ba talaga siya sakin o nag ooverthink lang ako eh. Yon yung masakit, nag ooverthink ako. I know I shouldn’t be feeling this way pero shempre affected ako. Kaibigan ko yon eh. Pero parang sa kanya, wala lang. Ayoko na magtanong kung bakit. Wala naman akong ginawang mali eh. Lagi ko naman siyang iniintindi. I won’t talk about it na lang. Bahala na siya. Lagi na lang ako yung lumalapit pag naiinis siya ng wala namang dahilan. Tapos pag tinanong mo kung bakit, sasabihin di naman daw siya galit. Anong tingin niya sakin? Tanga?
1 note · View note
some-unsent-letters · 7 years ago
Link
0 notes
some-unsent-letters · 7 years ago
Text
letter 59 (3/3)
Sorry kung hanggang ngayon di pa din kita kayang ipaglaban. Kahit two years na kitang gustongn gustong yakapin. Kasi weak ako. At weak ka din. Di kita kayang ipaglaban. Di mo din ako pinaglaban. Siguro di sapat yung pagmamahal mo sakin para ipaglaban ako. Pero alam ko dadating yung araw na makakasalubong kita. Baka next month, or two years ulit, or baka pag matanda na tao at may sari sariling buhay. Or baka bukas. And we'll talk about things we didn't talk about. Over coffee. Tatanungin kita kung bakit. Maybe we'll get the closure which is so long overdue. Maybe. Or maybe, we'll get back to each other. Maybe if we're meant to be. Hindi ko alam pero naniniwala akong magkkrus pa din ang landas natin to fix what has been broken for a very long time. Kung hindi man, baka oras na lang maghihilom sa lahat. Maybe two years wasn't enough for me to heal, that's why. Di ko alam. Ang alam ko lang is magiging okay din ang lahat. In God's perfect time.
0 notes
some-unsent-letters · 7 years ago
Text
letter 59 (2/3)
Nabalitaan ko sa kaibigan mo na broken hearted ka daw. Na yung akala mong gusto ka, may iba na palang gusto. Siguro karma mo na din yan kasi ganyan na ganyan din ginawa mo sakin. Mas malala pa nga yung ginawa mo kasi we did a lot of things that only couples would normally do. Pero alam kong kakayanin mo yan kasi ako, dalawang taon ko nang kinakaya. Kahit may mga times na nagigising ako na gusto kong umiyak pero walang luha na lumalabas. Kahit may mga araw na ang dami dami kong ginagawa pero naaalala pa din kita. Kahit may mga gabi na matutulog na lang ako pero bigla na naman kitang maaalala. Alam kong kakayanin mong maging okay kasi strong tayo. Sana maging okay ka. Kahit di tayo okay. Kahit di pa din ako okay. Masaya ako pag okay ka. Kahit iba yung sinasabi ko sa mga kaibigan ko. Alam nila kasi nakamove on nako sayo eh. Oo na, weakshit nako kasi di ko maamin na mahal pa din kita. Na ginamit ko lang si J for temporary happiness. Para makatakas ako sa nararamdaman ko sayo. Well, that was the unhealthiest coping mechanism that I did for the entire two years and you can't blame me. Hayaan na natin si J. Masaya na siya sa girlfriend niya. Makakalimutan din kita. Lalo pa gayon na isang sem na lang, gagraduate ka na. Ilang months na lang, di na kita makikita. Di na kita makakasalubong sa hallway. Di na kita makikita sa labas ng room ko. Di na tayo magtitinginan at mag iiwasan ng tingin. Di na natin kailangang gawin yon kasi di na tayo magkikita. Makakalimutan ko din yung mga mata mo. Makakalimutan ko din yung boses mo. Makakalimutan ko din yung mga bagay na minahal ko sayo. Makakalimutan ko yung ngiti mo. Konti na lang. Alam kong hindi ko ikasasaya yon pero yon siguro yung pinakatamang gawin. Ang kalimutan ka. Para maalala ko yung buhay ko na wala ka. Para masanay na ako sa buhay na wala ka. Kailangan na kitang kalimutan kasi for god's sake it's been two years.
0 notes
some-unsent-letters · 7 years ago
Text
Tumblr media Tumblr media
letter #59 (1/3)
That was a snippet of our conversation way back 2015. Two years ago. My favorite conversation. Nagbackread ako last time and alam mo habang nagbabasa ako, ang saya ko. Ang saya saya ko. Narealize ko nga na ang cute ko pala magtampo. Charot. Ang cute natin mag away. Happy ako pero a very huge part of me was sad. If I had known earlier that we'll end up this way, edi sana nasabi ko na sayo na mahal na mahal kita. Ng paulit ulit. Para di mo makalimutan. Para kung sakaling matukso kang maghanap ng iba, maalala mo kung gano kita kamahal. Kaso di ko ginawa. Kasi akala ko forever na tayong ganon kasaya. Mali pala ako. Kung nalaman ko lang sana agad, edi sana niyakap na kita ng super higpit. Sana di nako nahiya. Sana niyakap kita hangga't gusto ko. Sana hindi ko binitawan kamay mo dahil lang basa na yung kamay ko. Sana hindi nako nahiyang halikan ang mga labi mo. Ang daming bagay ang pinagsisisihan ko hanggang sa ngayon pero hindi ko alam kung alin don. Kung mas pagsisisihan ko bang nakilala kita o mas pagsisisihan kong gumive up ako agad. Sana mas pinaglaban kita. Sana mas naging matapang ako. Kahit alam kong ayaw mo na. Sana nagtyaga pako kahit konti. Para kahit matalo man ako, alam kong wala akong pagsisisihan. Matalo man ako, walang 'what if' na manggugulo sa utak ko. Pasensya na ha nagsulat na naman ako sayo. Namimiss na naman kasi kita eh. Nung isang beses nga napanaginipan kita eh. And it was beautiful. Gusto mo daw akong balikan. Grabe. Akala ko totoo na. Sobrang naramdaman ko yung paghawak mo sa kamay ko eh. Kaso nagising ako sa katotohanan na hindi mo pa din ako binabalikan, after two years. Di ko alam kung bakit kita namimiss. Maybe because of the fact na 2nd anniversary na sana natin nung saturday. Well, not an official anniversary kasi never naman naging tayo pero yon yung araw na unang beses kong sinabi sayo na mahal kita. September 9, 2015, 12:36am. Sabi ko nga sayo diba nagbackread ako nung isang araw kaya tinignan ko pati oras nung unang beses kong pag-i love you sayo. Sabihin niyo ng tanga ako pero wala, reading our conversation makes my heart happy
0 notes
some-unsent-letters · 7 years ago
Quote
Is this me giving up on something that lessens my sadness? Or is this me finally choosing my own battles? Gusto na kitang sukuan pero yung puso ko, ayaw. Gusto ko ng itigil yung nararamdaman ko para sayo kasi pakiramdam ko hindi na tama. Nasasaktan nako. Pero yung mga panahon na napapasaya mo ako ng hindi mo alam, yon yung mga bagay na pumipigil sakin para bitawan ka. Never kong inamin sa sarili ko to pero mahal na nga yata kita. Oo mahal na kita. Pero eto na nga siguro yung tamang oras para bitawan ka kasi alam kong maling battle tong ipapaglaban ko kung sakali. Alam kong kahit ipaglaban ko to, hinding hindi ako mananalo. Alam ko naman sa sarili ko na hindi mo ko kayang mahalin eh. Hindi ko alam kung bakit pinatagal ko pa ng ganito yung feelings ko para sayo. Nasasaktan na naman ako kasi kailangan na kitang tigilan. Kailangan ko ng ipaalala sa sarili ko na kailangan ko na tumigil kasi hindi na tama. Kailangan kong maging fair sa sarili ko. Kailangan kong unahin sa lahat ng pagkakataon yung sarili ko. Oo napapasaya mo ako pero mas madami kasi yung mga pagkakataon na nasasaktan moko eh at hindi yon tama. Panahon na para ingatan ko yung sarili ko sa isang tao na wala namang pakielam sa nararamdaman ko at ikaw yon. Well, okay. For the record, this is definitely not me giving up on you. This is me finally choosing myself before anything else.
letter #58
2 notes · View notes
some-unsent-letters · 8 years ago
Quote
Siya yung tao na tumulong sakin para makalimutan yung sakit na dinulot mo. Siya yung tao na nagbigay sakin ulit ng kasiyahan pagkatapos ng lahat ng lungkot na binigay mo. Siya yung taong nagpatibok ulit ng puso ko. Pero wala. Walang kami. At nawala na siya sakin. Masakit pero oo, naramdaman ko na naman yung pakiramdam na hindi pinili. Pero salamat pa din kasi kahit papano, pinaramdam niya sakin kung anong feeling na gusto ka ng crush mo. Oo crush ko lang siya. At oo, nahing crush niya din ako. Mga tatlong buwan din kaming ganon. Magchachat tungkol sa acads pero di nag uusap sa personal. Binati niya ko nung birthday ko. Nalaman ko na may gusto siya sakin. Pero isa lang ang kinahinatnan, nasaktan na naman ako. Masaya ako para sa kanya kasi sa wakas, nahanap niya na yung para sa kanya. Nahanap niya na yung babae na magtutulak sa kanya na manligaw. Sana masaya siya sa ginawa niya. Kahit na alam niya na nalungkot ako sa nalaman ko. Okay lang ako. Nalungkot ako pero mga ilang araw lang. Narealize ko lang na siguro isa din siya sa tao na darating lang sa buhay ko para magbigay ng lesson. Salamat, j.
letter #57
1 note · View note
some-unsent-letters · 8 years ago
Quote
Siya yung tao na tumulong sakin para makalimutan yung sakit na dinulot mo. Siya yung tao na nagbigay sakin ulit ng kasiyahan pagkatapos ng lahat ng lungkot na binigay mo. Siya yung taong nagpatibok ulit ng puso ko. Pero wala. Walang kami. At nawala na siya sakin. Masakit pero oo, naramdaman ko na naman yung pakiramdam na hindi pinili. Pero salamat pa din kasi kahit papano, pinaramdam niya sakin kung anong feeling na gusto ka ng crush mo. Oo crush ko lang siya. At oo, nahing crush niya din ako. Mga tatlong buwan din kaming ganon. Magchachat tungkol sa acads pero di nag uusap sa personal. Binati niya ko nung birthday ko. Nalaman ko na may gusto siya sakin. Pero isa lang ang kinahinatnan, nasaktan na naman ako. Masaya ako para sa kanya kasi sa wakas, nahanap niya na yung para sa kanya. Nahanap niya na yung babae na magtutulak sa kanya na manligaw. Sana masaya siya sa ginawa niya. Kahit na alam niya na nalungkot ako sa nalaman ko. Okay lang ako. Nalungkot ako pero mga ilang araw lang. Narealize ko lang na siguro isa din siya sa tao na darating lang sa buhay ko para magbigay ng lesson. Salamat, j.
letter #57
0 notes
some-unsent-letters · 8 years ago
Quote
Nagpahula ako nung isang linggo. Alam mo kung ano sabi niya sakin? Mahal pa din daw kita. Nagulat ako kasi ang akala ko, wala na. Pero bakit ganon? Nagkamali ba siya? O ako yung nagkamali? Baka nagkamali ako sa akala kong hindi na kita mahal? Pero kung mahal pa kita, bakit hindi nako nasasaktan? Bakit wala nakong maramdaman? Mahal pa nga ba talaga kita o nagkamali lang siya ng hula? Ikaw nga ba yung tinutukoy niya na mahal ko pa? O si j? Hindi ko minahal si j. Sigurado ako don kasi hindi ako nasaktan ng sobra nung malaman ko na may liligawan na siya. Pero bakit ganon? Napaisip ako bigla. Nagdalawang isip ako bigla sa sarili ko na baka nga mali ako? Baka sa kaila-ilaliman ng puso ko, andon ka pa din. Pero hindi na pwedeng maibalik yung dati. Hindi ko na hahayaan pa na saktan mo ako ulit. At ikaw, may sarili ka na ding buhay. Hindi na tayo yung dati. Madami ng nagbago. Madami ng nawala. Madami ng nag iba simula ng magkahiwalay tayo kaya kahit anong gawin natin, kahit ano pang nararamdaman natin, wala tayong kahahantungan kasi hindi tayo itinakda para sa isa't isa. Siguro nga tama yung manghuhula. Siguro nga mahal pa din kita. Pero sa paraan na alam ko. Sa paraan na hindi na yung tulad ng dati. Mahal pa din kita siguro. Pero hindi na ganon. Siguro mahal pa din kita kasi first love kita. And first love never dies. Siguro ganon nga yon. Pero wala na talaga akong nararamdaman sa tuwing may naririnig akong kwento tungkol sayo. Wala na yung sumasaksak sa dibdib ko sa tuwing naririnig ko pangalan mo. Wala na. Yung pagmamahal ko sayo dati, wala na. Kaya hindi dapat tayo naniniwala sa mga hula.
letter #56
0 notes
some-unsent-letters · 8 years ago
Quote
Nasasaktan na naman ako. Hindi dahil sayo. Hindi na dahil sayo. Nasasaktan ako kasi pinaasa na naman ako. Nasasaktan ako kasi lagi ko na lang nararamdaman to. Yung pakiramdam na hindi na ako gusto ng taong gusto ko. Bakit ganon? Ilang beses ko siyang pinagdadasal pero di ko pa din siya maabot. Bakit hindi kami para sa isa't isa? Bakit hinayaan ako na magkagusto sa isang tao na di naman para sakin? Ang sakit kasi nararamdaman kong iba na gusto niya. Tama nga yung sinabi nila. Lahat ng tao nagbabago. Lahat ng damdamin, nawawala. Sana kasi hindi na lang ganon eh para di ako nasasaktan ng ganito. Siguro kung hindi nawawala yung feelings, walang nasasaktan ng ganito. Siguro nga, deserve ko ding masaktan kasi masama ugali ko. Kung eto talaga yung tadhana ko, yung masaktan na lang lagi, sige tatanggapin ko na lang. Kasi yung pagmamahal na binibigay ko sa mga tao, hindi nasusuklian kaya siguro I feel super empty. Nauubos na yung pagmamahal ko kasi hindi naibabalik. Pero eto naman ako, bigay pa din ng bigay. Masama ako sa mga taong masama sakin pero sa mga taong mahal ko, sobra sobra akong magbigay. Kahit walang kapalit. Pero wala eh, di niya na talaga ako gusto. Nararamdaman ko na naman yung naramdaman ko dati nung niloko moko. Nararamdaman ko na naman yung pakiramdam na ipagpalit. Yung pakiramdam na ayawan ka ng taong gusto mo. I'm watching him like someone else right in front of me. Masakit. Sobra. Pero wala na naman akong magawa. Wala na naman akong ibang magagawa kundi magmove on kasi ganon naman talaga eh. You can't force people to like you. Tanggapin mo na lang na wala talaga.
letter #55
0 notes
some-unsent-letters · 8 years ago
Quote
Di ko alam kung bakit sayo ko naisipang magkwento ng nararamdaman ko ngayon pero since wala akong ibang mapagkwentuhan, sige na sayo na lang ako magkkwento. Sa taong nanakit sakin. Hahaha. Galing ko mag isip diba? Pero anyways, gusto ko kasing ishare tong nararamdaman ko pero kasi baka ijudge lang nila ako haha. Nasasaktan na naman kasi ako pero this time, hindi na dahil sayo. Hays siguro nga pinanganak talaga akong ganito. Pinanganak ako na lubus lubusan kung makapag invest ng emotion. There's this guy kasi. Sobrang crush ko siya pero take note ha, di ko pa siya mahal okay? Siguro sobrang gustong gusto lang ganon. Tapos akala ko gusto niya din ako kasi sabi ng kaibigan niya. Sabi ng kaibigan niya, gusto daw ako non. Sabi daw sa kanya nung guy na yon. Tapos ako naman etong si tanga, tuwang tuwa. Ang tanga ko talaga eh no? Ang tanga tanga ko. Madalas din kasi kaming nagkakachat about acads kasi classmate ko siya sa dalawang subject. Tapos ayon, after ilang weeks di niya nako chinachat. Tapos ngayon, nalaman ko na nag oomegle siya. Tapos ang dami daw ka-viber. Ang sakit diba? Feeling ko na naman, never akong naging enough para sa isang tao. Walang magsasabi sakin ng "ikHaW lHanG zxShapHat nuAh" kasi kahit kailan di ako magiging sapat para sa isang tao. Ganon yung nararamdaman ko ngayon. Siguro nga nagustuhan niya ko pero di sapat yon para gumawa siya ng move? Siguro nga nagustuhan niya ko pero narealize niya na di ako sapat para sa kanya. Bakit ang unfair na naman? Pag nakikita ko siya, pakiramdam ko sobrang perfect niya. Yung tingin ko sa kanya, pakiramdam ko siya yung tao na kayang kong masabihan ng "ikaw lang sapat na" Tapos siya, hindi ganon yung tingin sa akin. Ang unfair. Bakit yung mga kaibigan ko, ginawan ng move. Niligawan, chinachat. Samantalang ako, pinatikim lang na naman sakin yung pakiramdam na gusto ka din ng crush mo. Ang sakit lang. Kasi umasa na naman ako. Umasa na naman ako na may patutunguhan kami. Kami ng crush ko. Kaso nga nga na naman ako. Siguro lesson din to sakin na wag masyadong ma-overwhelm sa pag iinvest ng emotions. Sa ngayon, napagdesisyunan ko na iwas iwasan ang pag iisip tungkol sa kanya. Hays eto na naman. Mahihirapan na naman ako. Parang nag back to zero ako sa pagmomove on haha. Pero bahala na, di na naman ikaw tong pagmomove on-an ko eh. Ibang tao na hahaha. Sana kayanin ko ulit. Di naman siya kasing sakit nung ginawa mo sakin eh hahahaha eto mejo light lang kaya naniniwala akong kakayanin ko. Aja!
letter #54
0 notes
some-unsent-letters · 8 years ago
Quote
It's been 4(????) long months HAHAHAHA and sa tingin ko, nakamove on na nga ako. Di ko alam kung bakit naisip ko pang magsulat dito. Siguro gusto ko lang din magpaalam ng tuluyan sa lahat ng pinagsamahan nating dalawa. Hindi mo man mabasa to. Gusto ko lang sabihin sayo na okay na ako. Na kaya ko na ulit mag isa. Na sa wakas, malaya nako. Salamat sa mga memories na shinare nating dalawa. Masaya ako na naging part ka ng buhay ko kahit saglit na saglit lang. Siguro nga di kita makakalimutan pero ngayon kaya ko ng sabihin na hindi na kita mahal. Na may parte ka sa puso ko na hindi mawawala pero hindi na kita mahal. Yung moment na narealize ko yon, sobrang saya ko kasi para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Yung moment na kaya ko ng sabihin ulit yung pangalan mo ng walang nararamdamang sakit. Sobrang saya. Akala ko di na mangyayari yon pero kinaya ko. Tama nga sila, after ilang months/years, tatawanan ko na lang to. Maswerte pa nga ako kasi after a year, kaya ko na. Pero yung iba, after all these years, di pa din kaya. Haha. Thank you kasi sobrang dami kong natutunan dahil sayo. Alam ko di pa din tayo okay sa isa't isa pero siguro nga mas okay na ganito na lang tayo. Yung di kita kilala tapos di mo din ako kilala. Mas okay na sigurong ganon kasi sa ngayon, masasabi ko na talagang okay na ako. Kahit di tayo okay. Alam mo ngayon pag nakikita kita, di nako nasasaktan. Di na ako nagagalit. Ayaw ko lang makita ka kasi awkward pero di na ako nasasaktan. Salamat sa lahat. Sana okay ka na din sa kung ano mang pinagkakaabalahan mo. Sana maging masaya ka din kahit na nagkaganito tayo. Di kita makakalimutan tandaan mo yan.
letter #53
0 notes
some-unsent-letters · 8 years ago
Quote
After 2(???) weeks simula ng inannounce ni taylor swift na break na sila ni calvin harris, confirmed na may bago ng jowa si taylor swift aka tom hiddleston. Tapos ayon, syempre mga reaksyon ng mga tao like grabe naman bilis maka-move etc. etc. AT ETO NA NAMAN TONG UTAK KO unti unti na namang lumipad papunta sayo. Siguro may mga taong mabikis magmove on. Meron din namang mga tao na sobrang tagal magmove on. At syempre, meron ding mga tao na hindi na kailangan magmove on. Una, kasi sila talaga ang para sa isa't isa. Period. Pangalawa, kasi may jowa pa lumalandi na. Like wtf diba? Bakit mo pa kakailanganin magmove on eh matagal ka na namang bumitaw simula pa lang nung nakipagflirt ka sa iba? Anong point ng pag iyak iyak mo na nagbreak kayo ng jowa mo eh gusto mo naman yon kasi nga niloloko mo na lang siya? And yes, you just fell into that category. Alam kong never kang umiyak ng dahil sakin. Alam kong never mong kinailangan magmove on ng dahil sakin kasi ginusto mo yon. Ginusto mo na mawalan ng 'tayo.' Ginusto mo na bumitaw nako. Kaya mo nga ako niloko diba? Di ko alam kung bakit. Siguro nagsawa ka na sakin or siguro di mo naman talaga ako mahal. Sinabi ko kanina sa kaibigan ko na matatagalan pa bago kita mapatawad kasi alam ko lahat ng panggagago na ginawa mo sa akin. Di ko man aminin sa kanila pero alam ko sa sarili ko na nasasaktan pa din ako sa tuwing nakikita kita. Kasi nakikita ko sayo yung tao na inayawan ako. Yung tao na kaya akong saktan. Yung tao na nawalan ng gana kausapin ako. Yung tao na sumira ng pananaw ko sa pagmamahal. Ang sakit sa puso na makita ka. Pero kailangan kong masanay kasi sobrang liit ng mundo nating dalawa. Hindi pwedeng hindi tayo magkikita. Oo inaamin ko, matatagalan bago kita mapatawad pero alam ko dadating din yung araw na yon. At sana pag dumating yung araw na yon, marealize mo lung gano kalalim yung sugat na binigay mo sa akin. Kung gano kasakit yung sugat na yon na sa tuwing makikita kita, lalong bumabaon at nahihirapang maghilom. Sana nakita mo lahat ng bagay na ginawa ko sa sarili ko ng dahil sayo at sana maramdaman mo yung sakit na naramdaman ko ng dahil sayo. Sana. Pag dumating yung araw na yon, marealize mo na nagkamali ka at dapat kang humingi ng tawad na kahit kailan hindi mo ginawa.
letter #52
0 notes
some-unsent-letters · 8 years ago
Quote
Hello di ko alam kung bakit sobrang dami kong feels ngayon pero here i am, about to pour all these feels into this letter. Gusto na kita kausapin pero feeling ko di pa din ako handa. Never siguro akong magiging handa. Siguro nga, first true love kita. Kasi it takes true love to hurt this much. Siguro, hindi mo pwedeng matawag na true love kung di ka nasaktan ng ganito. Imagine, 7 months. 7 months nakong willing saktan yung sarili ko para lang di mabura sa isip ko yung mga bagay na minahal ko sayo. 7 months nakong on the verge of crying kasi hanggang ngayon di ko pa din maintindihan yung nangyari. Di ko maintindihan kung bakit kailangan mangyari yon. Ang hirap. Paminsan iniisip ko baka nga kasalanan ko talaga kasi pumayag akong saktan mo ako. Ang hassle lang kasi hanggang ngayon ang sakit sakit pa din. Ang hassle lang kasi kahit ang sakit sakit na, okay lang sakin kasi ayaw kang kalimutan ng puso ko. Ang corny ko na hay. Hanggang ngayon, naiiyak pa din ako. First true love nga kita diba? Pero alam ko balang araw, matatanggap ko din na wala na. Baka bukas, or sa isang linggo or sa isang buwan. Di ko alam basta alam ko darating din ako sa point na matatanggap ko lahat. Yung kahit di ko makalimutan lahat ng memories natin, okay lang kasi di dapat kinakalimutan yung mga bagay na once nagpasaya sakin. Alam ko dadating din yung oras na kahit makita kita, di na kita iiwasan ng tingin. Yung di ko na kailangan maglook away sa tuwing makakasalubong kita. Alam ko dadating din ako don. Siguro kaya di din ako makamove on kasi andami kong gustong itanong sayo pero alam kong di mo na masasagot. Gustong gusto na palayain sarili ko pero hindi ko magawa. Ni hindi ko nga alam kung mahal pa din kita o hindi na eh. Basta ang alam ko, sobrang saya ko nung mga araw na yon.
letter #51
0 notes
some-unsent-letters · 8 years ago
Quote
Di ako makatulog. Iniisip na naman kita. Di ko alam kung bakit bumabaha na naman ng feels ngayon. Maybe, it's a sign na nakakalimutan ko na magtumblr. Nalulungkot na naman ako kasi chinika sakin ng common friend natin na may bago ka na ulit. Nakamove on ka na nga talaga no? Bakit ganon. Bakit hanggang ngayon di ko magawa yung bagay na madali mong nagawa? Bakit nakamove on ka kaagad? Sobrang naaawa nako sa sarili ko kasi lagi na lang ako yung umiiyak. Di mo kasi naramdaman yung sakit na hanggang ngayon ay ramdam ko pa din. Mahal ko sarili ko pero ewan ko ba kung bakit sa ngayon, pakiramdam ko mas mahal kita kesa sa sarili ko. Nakakainis kasi mali na ganito yung maramdaman ko kasi ilang beses mo akong binalewala. Ilang beses mo na akong nasasaktan. Gabi gabi kong dinadasal na sana dumating na yung araw na di na kita maiisip pero bakit sobrang tagal na? To the point na nagtatanong nako sa sarili ko kung magiging okay pa ba ako ulit. Ang sakit pa din. Kasi damang dama ko pa din kung gano ka-worthless yung tingin mo sa akin. Pag naaalala ko na dineny mo ako don sa babaeng nilandi mo tapos pag naaalala ko na masaya kang kasama yung babaeng yon samantalang ako, di mo man lang matext kahit alam mong galit ako sayo. Pag naaalala ko na wala ka ng balak magsorry kasi sinabi ng kaibigan ko sayo na okay na kaya di mo na kailangang magsorry. Sobrang dama ko kung pano maging worthless. Alam ko di ko dapat iniisip na worthless ako pero kasi pinaramdam mo sa akin eh at yong pakiramdam na yon yung dahilan kung bakit hanggang ngayon nasasaktan pa din ako. Gusto ko ng sumaya. Gusto ko ng maging okay ulit. Gusto ko ng makalimot sa lahat ng sakit na pinaramdam mo sa akin kasi ikaw, masaya na. Ngayong gabi gusto ko na naman magsorry sa sarili ko for making myself feel this way. Ang sama sama ko sa sarili ko.
letter #50
0 notes