sociallyambivertedperson
Inside my Thoughts.
44 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
sociallyambivertedperson · 10 years ago
Text
Day 2 of 365(January 2, 2015):
Woke up and did my usual routine: Internet. Umalis ung tita ko, ate ko nagwork from home and umalis lang to god-knows-where, and yung kuya ko may trabaho so solo lng ako kung pumunta ako ng mall or whatever. 
Pumunta nlng ako ng SM BF para ipacheck yung HDD ko which was a total bust. After that, kumain ako sa Katsu Sora which i enjoyed very much. After that, bumili nlng ako ng Gatorade sa Supermarket and umuwi. 
1 note · View note
sociallyambivertedperson · 10 years ago
Text
The challenge of the first few days of the start of the new year:
Remembering to write the current year instead of the previous year.
Sample: Remember to write 2015 this year instead of 2014 when you write the date.
9 notes · View notes
sociallyambivertedperson · 10 years ago
Text
Day 1 of 365(January 1, 2015).
Happy New Year. Another year has come and another year has gone by. A new start, if you will.
It was almost the same thing we always did: nagsindi ng paputok, kumain, nanuod ng TV, nag-computer at yung iba naman natulog na ng maaga. Dumating yung umaga tapos the afternoon bumalik parents ko sa subic, kaya in a way it's a first para sa amin: First time namin d kasama yung parents namin sa New Years buong araw. Bumalik sila dun kasama pamangkin ko.
Honestly, it was a bit quiet buong araw. Pumunta yung 2 katulong namin sa ninong nila, yung tita ko may event na pupuntahan pero hindi natuloy, tapos yung ate ko naman may trabaho. Medyo matumal yung araw kaya inaya ko kuya ko lumabas. Pumunta kami ATC para magrelax lng. Since ang lamig nung panahon, nagpantalon at sapatos kami. 
Anu ginawa namin dun? Wala, ikot-ikot lng. Hanap ng makainan, kung ano pwede bilhin na pwede kainin sa labas, pero wala eh. Kuya ko kumain sa Shu Lin, ako naman nag-burger king nlng ako kahit nagc-crave ako ng Japanese food. Mga 8 na kami nakaalis at nakarating ng bahay. Mabuti nlng walang traffic. Pagkadating namin, nakauwi na yung mga katulong namin. And ayun, bumalik kami sa usual naming ginagawa sa bahay.
Not a bad way to start the year. At least nakalabas naman kami. And on the upside, bumili nko ng bagong eyemask to replace yung sira-sira kong eyemask. My first purchase of the year, and i'm satisfied with it. :3
1 note · View note
sociallyambivertedperson · 10 years ago
Text
Huwag kang mag-CR ng 11:59 ng December 31.
Kasi next year ka pa makakalabas.
11 notes · View notes
sociallyambivertedperson · 10 years ago
Text
Dear 2014 Tumblristas/Friends.
Thank you sa mga:
Nakilala ko dito at naging kaibigan ko: I mean, andito ako kasi dito lang talaga ako makapaglabas ng nararamdaman ko pero you guys make it more interesting. Napaka-understanding niyo. Kaya maraming salamat.
Nakilala ko tapos naging snob na/hindi na namamansin: Kahit saglit lang, naging parte rin kayo ng buhay ko. Masakit na umalis kayo pero wala ako magagawa kung gusto niyo umalis.
Andito pa rin: Maraming salamat sa pag-stay. Alam ko mismo mahirap ako i-handle, pero salamat sa pagtimpi sa ugali ko.
Sana'y magkaibigan/magkakilala pa rin tayo or mas naging mas close pa sa susunod na taon. :)
6 notes · View notes
sociallyambivertedperson · 10 years ago
Text
Good morning.
So this is it. THE LAST DAY OF 2014. I have no idea why but i'm compelled to do something more different than my usual to make the last day memorable, but honestly i'm gonna do my usual routine.
Because after this day, may 365 days ako ulet na pwede kong gawin memorable kada-araw. As much as i want to make this day memorable, i'm just not compelled to do so.
7 notes · View notes
sociallyambivertedperson · 10 years ago
Photo
Tumblr media
Mabagal magreply dahil kinakain nito ang time ko ngayon.
Pokemon Platinum. :3
0 notes
sociallyambivertedperson · 10 years ago
Text
jeroldvizconde replied to your post “jeroldvizconde replied to your post: December 26: Zoobic Safari. I...”
Pero kasi galing ako dun ung bagong bukas pa lang sila kung icocompare waley ung service ngayon hahahaha! Anyway nagpunta kayong subic adventure? :) san kayo nagstay?
Aw. Baka nung pumunta kayo sobrang dami talaga yung pumunta. Kami kasi madami rin pumunta pero nakapag-enjoy prin kami regardless.
Sa may Subic Bay Travelers Hotel kami nag-stay, though for 1 night lang kasi fully booked sila. :)
0 notes
sociallyambivertedperson · 10 years ago
Text
jeroldvizconde replied to your post: December 26: Zoobic Safari.
I was there in subic 26-28, 28 kami nag zoobic safari di ko naenjoy sa dami ng tao :(
Yeah, inagahan nga rin namin eh. Na-enjoy naman namin. Konti lang namiss namin pero okay lang. :)
3 notes · View notes
sociallyambivertedperson · 10 years ago
Text
December 28: Early Dismissal.
Maaga kami gumising. Kumain kami ng breakfast kasama ang parents namin. Naiwan yung pamangkin ko. Mga 11 na kami nakaalis. Medyo na-traffic kami sa may Dinalupihan Exit malapit pero saglit lang yung traffic. Nag-exit kami sa may San Fernando at nag-biyahe sa NLEX. Tapos dumating sa Edsa, then Service road and then sa bahay. mga 3 hrs mahigit byahe namin bago kami makauwi.
Lahat talaga kami nagkasakit after ng trip sa subic. 4 kami nilagnat. Ako nilagnat rin ako. Nag-computer ako ng mahigit 1 hr tapos humiga rin kasi dko kinaya. Ang init ng pakiramdam ko, ang hina ko, ang sakit pa ng katawan ko. Uminom ako ng gaomt tapos humiga. Nagising ako ng mga 6, medyo pinapawisan nko ng konti, which is a good sign. Bumalik ako sa pag-computer. Medyo ok nko pero hindi pa rin totally. Maingat pa rin ako sa pag-overexert kaya dko pinilit mag-stay up ng maaga. Natulog ako ulet ng mga 10:30-11 para makapagpahinga.
0 notes
sociallyambivertedperson · 10 years ago
Text
December 27: Too Many Destinations.
December 27: Sakit ng likod ko sa pag-gising. Paano kasi, sa maliit na bedding na pinrovide nung hotel pinilit namin magkasya nung kuya ko. Wala ako maayos na tulog. Kumain ng breakfast tapos pumunta na kami ng Treetop Adventure sa Subic. Medyo nag-long route kami kasi medyo d alam ng dad namin kung san yung daan. May mas malapit, yung malayo ung pinuntahan, ganun. Dumating kmi ng mga bandang 11 tapos pumili na kami ng package namin. Pili namin magkakapatid Package E. Antagal namin naghintay for each rides. Heto experience ko from each ride:
Tree Drop Adventure: Medyo mayabang pa ako nung nakapila pa kami eh. Tapos nung turn na namin, kinakabitan na kami ng harness sa likod at may paanan, basta yung mga kelangan lagyan para safe. Ako pinakauna tapos ako pa yung sobrang nerbyos. Sinasabi nung mga kuya dun na ok lng yan safe yan. Nasa ere na yung 2 paa ko pero dko talaga mabitawan yung kamay ko sa rails. 1 minute ako nakalutang sa ere bago ko dinecide na ituloy nlng. Hindi ako sumigaw, hindi lumabas boses ko kasi masyado ako natakot! Pagkababa ko, nanginginig pa rin ako. 
Canopy Ride: Medyo anti-climactic siya compared sa last ride, pero medyo okay naman sya. Nakaupo lng kami sa 3 seater na upuan, palipat-lipat from one tree to another hanggang narating namin yung last stop. After that, isang medyo malayong lakad pabalik sa entrance.
Superman Ride: The last ride of the day. Medyo nerbyos rin pero after nung Tree Drop, medyo ok lng naman. Ang nerbyos lng ako is kung mabitawan ko yung hawak ko sa mga bars. Biro pa nga ng kuya nung tinanong ko kung ano mangyayari kung mabitawan ko yung handle, "Pasensya na lang po". Awtsu. Medyo mabilis lng siya. It lasted for 15 seconds. 15 thrilling seconds. After that, naghintay nlng kami sa mga kasama namin matapos and after that umalis na kami.
After that, pumunta kami Puregold para kumain sa S&R, pumunta ng Harbor Point para mag-ikot saglit, pumunta ng Gerry's Grill para mag-dinner and umuwi na. Mga 10 natulog na ako. Maaga ako natulog kasi sobrang pagod na ako at medyo masama pa pakiramdam ko.
0 notes
sociallyambivertedperson · 10 years ago
Text
December 26: Zoobic Safari.
Lol, hindi ako nakapagkwento kagabi at kanina pero ngayon ako babawi.
Pumunta/Umuwi kami subic ng madaling araw para hindi kami ma-traffic. Pumunta kami ng Zoobic Safari. Nakita namin mga ibat-ibang animals like Birds, Snakes, Tigers, Camels atbp. Halos buong hapon kami dun kaya after nun nag-check in kami sa hotel namin at nagpahinga. Nag-swimming pamangkin ko sa pool habang kami lahat nakahiga at nagpahinga. Hindi na ako kumain ksi kinain namin yung pagkain na dala namin galing bahay na tira sa noche buena. Chill mode pa rin ako hanggang sa oras na matulog kami.
2 notes · View notes
sociallyambivertedperson · 10 years ago
Text
Good morning!
Feeling 75% better right now. Wala na akong lagnat, hindi na ako sinisipon at hindi na gaano kasakit tuwing umuubo ako.
Pero masakit pa rin mga braso ko dahil sa ginawa namin nung nasa subic kami. Pero i think i'll be okay na tomorrow.
6 notes · View notes
sociallyambivertedperson · 10 years ago
Text
Dko talaga kaya.
Dapat talaga ib-blog ko yung nangyari for the past 2 days, pero ang sakit tlaga ng katawan ko. Nilalagnat pa rin ako, ambigat ng katawan ko, sinisipon at ang sakit ng lalamunan ko tuwing iluluwa ko yung phlegm and masakit rin tuwing umuubo ako. Hayz...
Bukas nlng. Goodnight na po sa lahat. 
1 note · View note
sociallyambivertedperson · 10 years ago
Text
JGH from Subic.
Mamaya na magp-post/kwento tungkol dun. Pakiramdam ko lalagnatin ako. Pahinga muna ako. :3
2 notes · View notes
sociallyambivertedperson · 10 years ago
Text
Walang diet(For now)!
Bakit? Kasi madami handa na pagkain na pwedeng kainin. Hirap i-resist. Plus, minsan-minsan lng naman eh. 
Sa January nlng yung diet-diet na yan. Chibog/Lamon/Kain mode muna. xD
11 notes · View notes
sociallyambivertedperson · 10 years ago
Text
Good evening!
Kaninang umaga nag-umpisa na magluto parents ko dito ng handa para sa pasko. 
Kakatamad lumabas ngayon dahil lam ko crowded masyado sa mga malls. -_-
4 notes · View notes