Tumgik
simplymao · 2 years
Text
Tunog palang ng pangalan mo ang lakas na
Xavier, xavier xavier
Xavier my savior, yan lagi kong sigaw
Sa twing darating ka.
Sa kung paano ako nahulog hindi ko alam
Sa kung anung nagustuhan ko hindi ko rin alam
Isa lang ang sigurado ako, gusto kita
Giusto kong makasama ka
Gusto kong kausap ka
Gusto ko lahat, lahat ng saya at lungkot ng buhay mo
Paglibog at paglitaw, pagbagsak at tagumpay
Minsan may nagtanong sakin kung anung kakaiba sayo?
Napaisip ako at
6 notes · View notes
simplymao · 2 years
Text
Sa panahong akalay wala ng pag asa
Dahil sa mga nakaraan puro paasa
Pangalan moy bumalandra
Sabay sigaw ng “my savior”
Laging handang lumaban
Manalo matalo, Ikay Ipaglalaban
0 notes
simplymao · 2 years
Text
Bawat araw na kasama ka ngiti ang laging dala
Ligaya ang bawat pag mulat ng mata sa umaga
At mahimbing na tulog sa gabi sa twing katabi ka
Parang awit ni Juan Carlos na “para sa’yo”
Awit na nagbibigay gaan sa pakiramdam na sa bawat
Linya at pag bigkas ng Para sayo at tila ba sinasabi mo
Sa akin ang mga katagang ito. At bawat salitang “wag
Kang mag alala nandito lang ako” ay nagpapakalma.
Na kahit walang kasiguraduhan sumusugal ako
Sabi mo nga it’s complicated! Complicated na kung
Complicated pero masaya ko sa bawat minuto na
Kasama ka, nabuang ka man o hindi. Para sa’yo
Susugal ako, para sa’yo magmamahal ako.
Para sayo
0 notes
simplymao · 3 years
Text
Mag iisang taon na pala. Mag iisang taon na pala kitang mahal. Ang bilis ng panahon parang sing bilis nung kinalimutan mo ko. Pero hayaan mo na. Ayaw ko na rin balik balik sa kung paano mo sinumulan at kung paano mo paylit ulit na tinapos. Gusto ko na lang makalaya sa pagmamahal ko sayo. Eto na siguro ung panahon na iniisip ko na ung magpapasaya sakin higit sa magpapasaya sayo. Nahihiya ako sa sarili ko, dahil sa mahabang panahon inuna ko ang mapasaya ka. Inuna kong alalahanin ung kapakanan ko higit sa sarili ko. Kaya ngaun, sa araw na ito uunahin ko na sarili ko.
0 notes
simplymao · 3 years
Text
Sorry na!!!! Uwu! Hahahaha… makulit ako eh! Sabi kasi nila ang makulit na bata pinapalo sa pwet! So Spank me baby boy! Lol! Makulit ako sa lahat ng bagay. Makulit akong magmahal, makulit akong mag effort, makulit akong magsurprise at higit sa lahat paulit ulit. Madalas sinasabi ko sa sarili ko titigil na ko pero kapag nakapahinga na ko “ashan shi warrrreeeennnn” “anyo ke yeng ginegewe ni warrreeennnn” (with braces) ikaw pa rin! At talaga namang di ko malaman kung bakit baon baon ka dito sa puso ko. Sinagad mo naman masyado. Pero seryoso na, hindi ako magsasawang sabihin sayo na MAHAL KITA hanggat Mahal pa kita. Kahit masakit na basta mahal pa rin kita. Merry christmas
0 notes
simplymao · 3 years
Text
Sa bawat pag pikit ng akong mata ikaw ang ang nakikita
Alaala ng nakaraan ang paulit ulit na bumabalik
Bawat halik, yakap na mahigpit, at mga tingin na malagkit
At pag mula’t ng aking mga mata katotohanan ang babantad na wala kana
Ang tanging hiling ay magawa ko muli sayo ang ipagluto ka sa umaga lalo na ang paborito mong sinigang
Ang ipaghanda ka ng tanghalian at ni minsan hindi ka paghugasin ng pinggan
Ang sorpresahin ka ng mga bagay na alam kong gusto mo
Ang punasan ka ng pawis
Ang hawakan ang mukha mo para iparamdam sayo na ikaw ang pinakagwapo sa paningin ko
Ang subuan ka sa twing may ginagawa ka, dahil alam kong gutom kana
Ang pakingan ka sa lahat ng problema mo
At higit sa lahat ang yakapin ka sa twing umiiyak ka para iparamdam sayo na akong kakampi mo sa lahat ng laban mo sa buhay
Pero kung sakaling hindi kana talaga babalik, nawa’y magawa nya lahat ng nagawa at hindi ko pa nagagawa
0 notes
simplymao · 3 years
Text
Kumusta ka?
Ok kapa ba?
Alam kong nahihirapan kana, yakapin mo lang lahat ng emosyon na nararamdaman mo
Di maglalaon lilipas din, dadaanan mo lang yan
Wag mong tambayan, lagi mong isipin lahat ng dahilan ng sakripisyo mo
Hindi madaling maging matatag sa paningin ng lahat
Ang ipakita na lagi kang may solusyon ka sa lahat ng problema ng mga mahal mo
Na kahit gaano kahirap at ka kumplikado kinakaya mo pra sa kanila
Kahit maupos kana, kasi minahal mo na ung responsibilidad di naman binigay sayo pero niyakap mo.
At minsang nagpakita ka ng kahinaan sa kanila hindi sila maniwala kasi napatunayan mo na sa kanila na kaya mo lahat at kakayanin mo.
Hayaan mong sabihin ko na hanga ako sayo
Hanga ako sa tibay mo sa laban ng pag ibig na kahit ilang milyong luha na ang dumaloy sayong mata patuloy kapa din
Hanga ako sayo sa lakas ng loob mo anung problema dumating sayo lumalaban kapa din
Oo, umiiyak ka umiiyak ka ng malala at dinadaab mo sa dasal lahat pero pagkatapos nun laban ulit.
Hanga ako sa bawat pagtayo mo sa twing nadarapa ka kahit ilang beses pa yan at dasal lang ang tangi mong saklay
Wag kang mag alala kahit nababalot ka ng kadiliman sa panahon ngaun. Unti unti magkakasinag at masasakop ng liwanag ang dilim.
Magtiwala ka lang, yakapin mo lang anung mang sitwasyong kinapapaloban mo at unawain ang aral na dala nito
Baunin mo lahat ng emosyong dulot bg dilim, at gamitin mo ito para sa ikakabuti mo, at ng buhay mo
0 notes
simplymao · 3 years
Text
Patawad ga
Patawad kung mas pinili kong maging tama
Patawad kung naging duwag akong lumaban
Patawad kung tinalukuran kita
Maniwala sinubukan ko ipaglaban ka pero mahina ako
Walang sapat na lakas isigaw sa mundo na ikaw ang mahal ko
Dahil wala rin akong kasiguraduhan sayo
Siguro nga mas sigurista ako kaysa matapang
Laging naninigurado, takot maiwan, takot mag isa at takot sa mga kumplekadong bagay
Kaya mas pinipili ko ang nasa harapan ko na,
Sa aking pag hakbang papalayo ga pangako di na ko lilingon
Hindi na ko lilingon hindi dahil hindi kita mahal
Hindi ako lilingon dahil mahal kita, at mas pipiliin kong palayain ka gaano man kasakit
Pinapalaya kita para bigyan ka ng pagkakataon matagpuan ang taong magbibigay ng pagmamahal na nararapat para sayo
Taong kaya kang ilaban.
Taong kaya kang piliin ng araw araw
At taong kayang sumugal sayo manalo or matalo man sa laban
Ga wag kang mag alala kakayanin ko ang sakit na makita sa iba dahil alam ko sa puntong tinalikuran kita binigyan ko ng karapatan ang iba na mahalin ka.
8 notes · View notes
simplymao · 3 years
Text
Kumusta ka?
Gusto ko lang malaman kung ok ka.
Alam mo kasi importante parin sakin na makitang maayos ka sa pinili mo
Kasi sa buhay natin may mGa pagpipilian tayo
At may tatalikuran
Pipiliin mo bang maging masaya o maging tama
At sa ating dalawa pinili mo mong maging tama
Hindi ako galit ah. tanggap ko ang desisyon mo. Wala ni katiting na sama ng loob sayo
Dahil ang tunay na nagmamahal nagpapalaya
Kaya pinapalaya na kita
Ang tanging hiling ko lang na sa bawat paghakbang mo papalayo wag lilingon o sumulyap man lang
Ayaw kong makita mo ang mga luha saking mata at maging sagabal sayo patungo sa tama kung san mas nararapat ka
Ituloy mo lang ang pghakbang, isa dalawa tatlo apat lima cge hakbang pa hanggang marating ang posisyon kung saan nasa tama kana
Di man mabilang ang kirot, masukat ang sakit, o matimbang ang ng luha ng yong paglisan pipilitin kong maging masaya para sayo. Dahil ang pagsasakripisyo ay lengwahe ng pag ibig.
0 notes
simplymao · 3 years
Text
Pwede pakibalik ako sa panahon na masaya ako kahit wala.
Pwede pakibalik sa panahon na wala akong paki alam kung may nagmamahal man sakin o wala
Pwede pakibalik ako sa panahon na hawak ko ang sarili ko
Pwede pakibalik ako sa panahon na di kapa mahalaga sakin
Pwede pakibalik ako sa kung saan mo ko kinuha
Para maibalik ko kung anu at paano ako
Sa susunod wag mong gagalawin kung wala kang balak panindigan ibalik mo sa kung saan mo kinuha ujg eksakto walng labis walang kulang
0 notes
simplymao · 3 years
Text
Sa haba ng panahon na pinaglagi mo sa puso ko
Natutunan kong buoin ang pangalan mo
Bawat letra nito’y may tumbas na pagmamahal
W - wagas na pagmamahal ang ala’y ko. Tanging ikaw lang ang laman nito
A - araw araw akong umaasa na magkakaroon ka ng lakas ng loob na ilaban ako
R - ramdam ko lahat ng emosyon mo, takot at saya mo kaya pangako ko sayo magiging sandalan mo ako
R - rason ka ng bawat ngiti ko pati ng luha ko
E - edad man natin dekada ang layo di ito magiging sagabal para mahalin ka ng lubos
N - nandito lang ako lagi sayo, magmamahal ng lubos
Pero kung sakali man na mapagod ako at lumayo hindi nangangahulugan na hindi na kita mahal. Minsan kailangan ko rin piliin ang sarili ko.
0 notes
simplymao · 3 years
Text
Madami na kong naisulat ukol sa ikaw at ako pero hayaan mong ikwento ko muli sayo ang ikaw at ako kahit walang tayo
Hayaan mong balikan ko kung paano nagsimula ang ikaw at ako bago tuluyang mamaalam sayo
Ikaw, oo ikaw, ikaw na nagbigay ngiti sakibg mga labi nuong panahon na akong namimighati
Ikaw nagbigay pagkakataon sakin na matutong magmahal buo na kahit minsan hindi tumingin sa kung anung kaya mo lang ibigay
Ikaw na nagbibigay saya sa bawat araw na makikita ang yong mga ngiti, yakap a halik.
At ako na umuunawa sa twing lumalayo ka dahil sa mga takot na ginawa lamang ng iyong imahinasyon.
Ako na yumakap sa buo mong pagkatao
Ako na nagmahal ng lahat ng mali mo higit sa tama
Ako na laging nag iisip sa kung anung magpapasaya sayo
Ako na laging handang umalalay sayo sa panahon ng kahinaan mo
Ang kwentong ikaw at ako ay parang laban o bawi
Sa twing lalayo ako, ikaw na gumagawa ng paraan na kumapit sa katiting na pisi ng pagmamahal
Sa twing ikaw ang lalayo, ako na nagpaparamdam ng pagmamahal sakin mo lang matatagpuan
Tila eksena sa teleserye Ang bigkas ng mga salitang mahal kita, mahal kita, oo mahal kita at ang pgmamahal mo’y sapat na.
Sabi nga ilan, pag mahal mo hindi ka mapapagod, hindi ka magsasawa. At araw araw mong pipiliin na mahalin sya
Kaya naman, araw araw kitang pinipiling mahalin sa kabili ng ilang ulit mong pagpili sa iba.
Kaylan darating ang panahon na ako naman ang pipilin ng ikaw? Kung kaylan suko na ang ako?
Dahil pakiramdam ko sa kwnetong ikaw at ako ikaw lang ang panalo
0 notes
simplymao · 3 years
Text
Isang araw naramdaman kong pagod na ko Pagod ng lumaban sa larong alam kong ako ang talo Pagod ng umasa na makita mong halaga ko Pagod ng maghintay na ako naman ang piliin mo Naisip ko sa ilang buwan na pagpapakita ng pagmamahal at pagpapahalaga kahit katiting na tapang para ilaban ako ay wala sayo. Mabuti pa ang tinitimpla mong kape naipaglaban ako sa antok. Pero suko na ko, nauubos na ko, naibigay ko na lahat. Mag isip ng pwedeng iluto na magugustuhan mo. Sorpresahin ka sa mahalagang araw mo. Iparamdam sayo na espesyal ka sa lahat. Iparanas sayo ang mga bagay na naranasan, nakita, at natikman ko. Ang gawing bahagi ka ng mundong ginagalawan ko. Na kahit minsan Kahit minsan hindi ako humingi ng kapalit. Sa lahat ng pangako mo na gusto mong maging masaya ako, na di ka aalis, na nahihirapan kang makita akong nasasaktan pero di mo naisip na ikaw, oo ikaw! Ikaw ang unang nananakit sakin, sa lahat ng paratang mo sa mga bagay na di ko naman ginawa. Sa lahat ng pang unawa at pagpapahalaga ko sayo ang kapalit ay pananakot Sana maisip mo na ang tanging kasalanan ko lang ay ang mahalin ka ng totoo. Pagmamahal na lagi mong itinataboy. Kaya susuko na, hahayaan ko na lang ang tadhanang dalhin ako kung para saan at kanino ako. Mahirap pero kakayanin ko
0 notes
simplymao · 3 years
Text
Pipiliin mo ba ako?
Tanong ko lagi sa sarili ko.
Pipiliin mo ba ko kung pareho tyo ng estado?
Kung di ako ang boss mo pero naisip ko di naman kita makikilala kundi ako ang boss mo.
Pipillin mo ba ako kung ka mas ma effort ako?
Pero naisip ko ginawa ko naman lahat ng magagawa ko bilang tao para mapasaya ka.
Pipiliin mo ba ko kung lagi akong kasama mo?
Lagi naman akong bakante para sayo
Pero sa lahat ng sagot ko sa tanong ko di pa rin ako pinili mo.
Siguro nga di talaga ako ang mahal mo kaya di ako pinili mo kasi kung mahal mo talaga ako kahit anung rason meron ka ako at ako ang pipiliin mo kahit nasa magkabilang mundo tayo.
Pipiliin ko ba ko?
Tanong ko sa sarili ko.
Pipiliin mo na ko kung mas maaga akong nagtapat sayo?
Kung una akong nagpaalam na manliligaw sayo
Pero wala akong paniniwala sa panliligaw, mas nagtitiwala ako sa pagkilanlan ng bawat isa.
Pipiliin mo ba ko kung mas malapit ako sayo?
Lagi naman ako bakante pra sayo, makikita, makakasama, at mahahawakan.
Pero sa lahat ng tanong ko, di pa rin ako sigurado
Dahil di ko hawak puso’t isip mo
0 notes
simplymao · 3 years
Text
Di naman talaga ikaw ang tipo ko
Pero nadala ako sa harot mo
Sinimulan mo sa truth or dare
Paraparaan ka din eh noh!
Nagdare magpayakap, magpahalik
Ultimo pag good night nandamay kapa ng iba para yakapin ko at may dahilan kang yakapin din ako
Hanggang hinahanap hanap ko ng mga yakap at halik mo
Yakap mong nagbibigay panatag sa twing aligaga ako
Halik mong nagpapakalma sa puso ko
Pero paano kung ayaw na ng mga bisig mo na dumampi sa katawan ko
At ayaw na ng mga labi mong lumapat sa labi ko
Parang kang ML hero na kapag nabawasan ang buhay nag rerecall agad dapat pinush mo na di ung nasaktan ka lang umuwi kana. Sana nag SS ka muna, sana nagtiwala ka na sasagipin kita bago pa maubos ang buhay mo.
Pero anung magagawa ko kung mas gusto mong mag AFK kaysa tapusin ang laro natin
0 notes
simplymao · 3 years
Text
May nakapagsabi sakin “balikan mo na lahat ng masayang alaala nyo para pag handa kanang iwan sya hindi kana lilingon pa muli”
Napaisip ako at isa isa kong naalala lahat ng masasayang araw natin.
Pagkain - sa twing tanghalian at hapunan na magkasabay tayo ikaw ang pinagsisilbihan ko na ni minsan di kita pinaghugas ng pinggan. Dahil gusto kong maramdaman mo na ikaw ang pinaka mahalaga sakin.
Pagluluto - ito ung paborito kong gawin para ipatikim sayo ang lahat ng masasarap. Ang pagkaka iba ng luto ko sa karamihan. Dahil ang luto ko ay may sangkap na pagmamahal.
Sapatos - higit sa materyal na aspeto nito may malalim na kahulugan ito. Nagsisilbing sapin ng mga paa mo sa paglalakbay sa buhay. Sandata laban sa anu mang init ng kalsada habang tinatahak mo ang landas patungo sa mga pangarap mo.
Sunflower - kasi ikaw ung nagbigay ng liwanag sa panahon nabalot ako ng dilim ng kalungkutan
Iyan ang ilan sa mga pagkakataon at bagay na nagbigay ngiti sayong mga labi. Pagkakataon na alam kong di na mangyayari.
0 notes
simplymao · 3 years
Text
Kumusta kana?
Sana masaya ka
Sana kontento kana
Sana panatag kana
Yan lang naman ang laging kong hiling
Ang maging masaya ka
Dahil sa bawat ngiti mo katumbas ay tripleng kaligahan sakin
Naalala ko mga panahong para sa akin pang ngiti mo sa twing sinosorpresa kita
Panahong akin pa ang bawat yakap mo sa twing sinasabi mo ako lang nagbigay ng sibrang attensyon sayo
Panahong sa akin pa ang mga halik mo sa twing puno ka ng kaligayahan sa presensya ko
Pero ngaun titingnan na lang kita sa malayo
Habang nakikita ang mga ngiti mo, higpit ng yakap mo at init ng halik mo na di na para sa akin
Masakit, oo pero anung magagawa ko kung hindi akong pinili mo.
0 notes