Text
UGH SOBRANG LALA NG ATAKE NGAYON GRABE. UGH BAKIT BA NAIIYAK NA LANG AKO BIGLA NGAYON UGH. ANG DAMI KO NA NAMANG NARARAMDAMAN, HALO-HALO NA NAMAN. MAGULO NA NAMAN ANG ISIP KO UGH.
0 notes
Text
AAAAAAHHHHHHHHH
Mababaliw na naman ako kaiisip AAAAAAAAAHHHHHHH
Eto na naman. Akala ko okay na ako. Akala ko sanay na ako pero eto na naman.
AAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHH
‘Di ko na alam. Ayaw kong mag-isip ng gano’n pero ‘di ko naman maiwasan. AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH.
0 notes
Text
Sabi mo sabihan kita ng mga bagay-bagay na nasa isip ko, ng mga bagay na nabother sa isipan ko, ng mga bagay na ino-overthink ko...
Ang dami kong gustong sabihin, punung-puno na ‘yung isip ko, ang dami kong gustong i-kwento at i-share sa’yo...
Pero bakit gano’n?
Bakit pakiramdam ko ‘di ka naman present para makinig? Sobrang busy ka ba talaga?
0 notes
Text
Sobrang simple and easy talaga ng thesis namin jusko. Parang project lang pero ugh di naman ako makakapalag kasi di naman ako nag-isip ng topic/title namin pero ugh. ‘Di ko maipagmamalaki kasi sobrang ew talaga huhu. Ta’s ‘pag hinanay mo sa thesis ng iba parang ew, thesis ba yaaaaaaaaaan, project lang yaaaaaan. Kaya rin yan ng ibaaaaaaa. Tangina sobrang basic talaga.
I feel so sad para sa thesis namin :( Tas ngayon di pa tapos, ako na lang tumatrabaho :(
0 notes
Text
Hays kasi naman, ang clingy and attached ko. Ayan tuloy hays :(
0 notes
Text
Ugh di ko na alam ang gagawin ko.
Yung thesis namin. Aabot pa ba? Magagawan ko pa ba ng paraan? Matatapos pa ba? Kakayanin pa ba? Makakapag-evaluate pa ba? Makakapagdefense ba? Makakagraduate na ba ako ngayong sem? Madedelay na naman ba ako? Kaya ko pa ba?
‘Di ko na rin naman nagagawa thesis kasi wala pa rin akong mahanap na magandang ckt na nagana. ‘Di ko na tuloy mabuklat ‘yung mga reviewers ng PERC. Hays sabi ko pa naman, gusto ko mag-top sa boards. Kahit dun man lang mabawi ko ‘yung sarili ko. Pero ‘di ko na alam.
‘Di naman ako makatulog gabi-gabi. ‘Di ko na alam, parang ang dami kong iniisip.
Tapos syempre iniisip ko rin si K. Ugh. Miss ko na ‘yon. Tadhana ko na atang forever na maghintay sa kanya. Minsan gusto ko na s’yang hindi kausapin para makapagfocus sya sa review pero ‘di ko rin naman matiis ugh.
Ayoko na. Sobrang bigat ng puso ko ngayon.
0 notes
Text
Sobrang nakakaenjoy talaga mag-aral ng math kahit ang komplikado minsan. Nakakahappy talaga. Ang saya ko talaga tuwing nagsosolve, feeling ko stress reliever ko na hahahahahaha. Basta hindi mahirap na question chos.
Alam ko naman madali lang yung mga tanong sa review pero pag sa board exam paniguradong maiiyak ako sa hirap hahahahha
0 notes
Text
Hanggang Kailan
‘Di pa rin ako nakakapagsulat. ‘Di pa rin ako nakakabili ng ibibigay ko. Pero ‘di ko pa rin naman talaga alam kung kailan ko maibibigay kasi ‘di ko alam kung kailan kami uli magkikita.
Huli na siguro ‘yung noong nakaraang Linggo. Hindi ko alam. Wala akong ideya.
Baka hanggang chat na lang (muna?) tayo. Baka sunod na uwi mo sa Cavite, palarin na tayong magkita. Tapos engineer ka na no’n. O kaya naman mapapunta ako uli sa Maynila para dalawin kayo at mag-gala, pero malabo ‘yon kasi wala na akong pera (hahaha!). Hindi ko alam. Wala talaga akong ideya.
Sabi mo wala ka (pang?) balak umuwi sa Cavite hangga’t ‘di tapos magreview. So, makakauwi ka siguro ay October na kung kailan tapos na ang review at tapos na rin ang board exam. Sana nakakausap pa rin kita hanggang October, sana hindi mo pa ako limot no’n, sana ‘di ka makahanap ng iba sa Manila (hahaha!), sana... Pero ‘di natin alam, wala tayong ideya.
Pero kailan nga kaya ulit tayo magkikita? Baka engineer ka na no’n tapos babalik kayo sa CvSU ng mga kaklase nating pumasa rin sa board exam ta’s magkasalubong tayo habang inaasikaso ko ‘yung papel ng thesis namin. O kaya naman magkasalubong tayo sa SM Trece. Sana ‘pag nangyari ‘yon, nag-aalab pa rin ‘yung nararamdaman natin sa isa’t isa (char!).
Kakaiba ‘yung pakiramdam na nasa malayo ka. Nasanay lang siguro ako na lagi kang nasa malapit. Tuwing nalulungkot ako at naiisip ko na malayo ka, pinapatugtog ko lang ‘yung Hanggang Kailan ng Orange and Lemons. Ang tanga lang, parang tinorture ko lang ‘yung sarili ko.
Pero hanggang kailan nga ba ako maghihintay na makasama kang muli sa buhay kong puno ng paghihirap? (Haha!) Minsan iniisip ko tuloy na fate ko na siguro ‘yung forever na naghihitay.
0 notes
Text
Nakakainis wala akong maisulat, sobrang vague ng thoughts hahaha. Ang hirap naman, ilang taon na rin kasi akong di nagsusulat ugh
0 notes
Text
It’s 3AM. Again.
Eto na naman tayo. Alas-tres na naman ng madaling araw.
Eto na naman tayo. Nag-iisip ng mga bagay-bagay.
Hindi ko na alam. Ilang araw na rin talaga akong binabagabag at pinag-iisip. Hindi ko na alam.
Hindi ko na alam ‘yung mararamdaman ko. Hindi ko na rin alam ano bang iisipin ko. Hindi ko na rin alam kung ano bang gagawin ko.
Bakit kasi ganito? Bakit hindi mo ako kinakausap? Bakit bigla ka na lang hindi nagparamdam? Bakit? Ano bang meron? Anong nangyari? May nagawa ba ako? ‘Di ba okay naman tayo?
Sobrang okay naman natin ah. Masaya lang tayo, cool lang tayo ah. Nung Sabado, hindi ko na lang masyadong pinansin at inisip. Para sa akin, nakatulog ka na kasi kaya siguro hindi ka na sumagot.
Kinabukasan akala ko sasagot ka kaso wala. Hindi mo man lang binasa ‘yung mensahe ko sa’yo. Siguro busy ka. ‘Yon na lang ang inisip ko. Umasa ako kahit simpleng “good night” no’ng gabi kaso wala talaga. Siguro nakatulugan mo lang ulit.
Lunes na. Sobrang busy mo nga siguro. Wala pa rin akong natatanggap na sagot sa mga mensahe ko. Pero nakikita ko naman na online ka. Hmmm. Hindi mo pa rin binabasa ‘yung messages ko. Dati naman kahit papaano may “good night” at “good morning” ako, kaso ngayon wala pa rin. Ano ba ‘to? Nag-c-crave ba ako sa atensyon mo?
Natapos na ‘yung Martes. Wala pa rin ni isang salita galing sa’yo. Ano na ba? Ano ba?
Itinatatak ko na lang sa isip ko, baka nga busy ka. Sobrang busy mo siguro talaga. Pareho naman tayong busy ‘di ba? Naiintindihan ko naman kasi pareho namang tayo ng pinagkakabusy-han. Pero busy ka nga ba talaga? Busy ka ba o ini-ignore mo lang talaga ako?
Hindi ko na alam. Eto na naman tuloy ako at nag-iisip. May nagawa ba ako para ‘di mo ako pansinin ng ganito? Sobrang babaw ko, pasensya na, pero sobrang maisipin ko kasing tao. Ano ba? Ano bang nagawa ko? May problema ba?
Pasensya na kung nakikipagtaasan pa ako ng pride sa'yo at hindi rin ako nag-a-approach kung ano bang meron. Ayoko nang maging istorbo pa lalo. Hay nako. Ano ba naman kasi 'to?
Hindi ko na alam. Alas-tres na naman. Nag-iisip na naman ako. Tulog ka na siguro. Buti ka pa mahimbing tulog mo. Iniisip pa rin kita. Iniisip ko pa rin bakit bigla kang ganyan. Nandito lang naman kasi ako kung may problema ka ba. O kung ako man 'yung problema mo, pwede mo namang sabihin sa'kin 'di ba? Ganyan din naman 'yung sabi mo sa'kin dati 'di ba?
Hindi kita maintindihan. 'Di ko na alam gagawin ko sa'yo kaibigan.
Sana pagkagising ko bukas nabasa mo na mga mensahe ko. Sana may sagot ka na rin. Sana. Sana ‘wag naman tayong ganito...
0 notes
Text
92717
'Di na lang ako iimik. Kunwari na lang 'di ko nararamdaman 'to. 'Di na lang ako iimik. Whew. I-da-divert ko na lang sa iba 'yung isip ko.
Bakit parang nagsisinungaling ka sa'kin. Haha. Pangalawa na 'to. Ayokong ma-ruin. Na-ru-ruin ako kasi feeling ko nagsisinungaling ka sa'kin. Feeling ko betrayed ako. Ayokong ma-ruin please. Nag-t-trust kasi ako kaso bakit ba kasi ganito nararamdaman ko ngayon. Ayoko lang naman magkatrust issues sa'yo e.
Ayoko ng ganito. Mag-o-overthink na naman ako e. Bakit kasi ganyan. Ayoko mag-isip ng masama haha. Ayoko talaga. Pero sobrang bothered lang talaga ako. Bakit kasi parang 'di mo masabi 'yung totoo? Bakit ka naman kasi pupunta do'n for nothing 'di ba? Haha. Ayoko mag-isip pero papatayin talaga ako ng thoughts na 'to.
Naiinis ako. Dapat masaya ako ngayon kaso papatayin talaga ako ng thoughts na ‘to. ‘Di ko alam kung paranoid lang ako o ano pero di ko talaga maiwasang isipin. Hindi ko maiwasang mag-isip. Ayoko na. Na-ru-ruin talaga ako.
Di na lang muna siguro ako makikipag-usap sa’yo. Ida-divert ko muna sa ibang bagay ‘yung isip ko. Ayaw muna kitang maisip o makausap o makainteract. Kasi ayoko ng ganito, baka unti-unti mo na akong maruin ng totoo. Ayoko.
Tangina lang talaga. Feeling ko talaga binebetray ako, nasasaktan ako at ‘yung trust issues ko ang lala. Hays
0 notes
Text
Here I am thinking na ako na ngayon ‘yung pinaka-engot sa klase. Sobrang dami nilang alam tapos ako, nangangapa sa dilim.
Iniisip ko pa na paano kung sa Smart na lang ako nag-OJT, siguro hindi ako ganito ngayon. Siguro marami akong natutunan. Pero wala e, wala. Bobo pa rin.
Sobra tuloy akong tinatamad tapos parang walang motibasyon sa mga gawain kasi nanliliit ako hays.
0 notes
Text
Hindi ko na alam uunahin ko jusko. Di ko na alam anong subject ba uunahin kong aralin/reviewhin. Mag-aaral ba muna ako para sa quiz bee or uunahin ko ba compre or magcacatch up ba ako sa comms? Hindi ko na alam. Di ko na rin alam gagawin ko sa thesis. Napakawalang kwenta kong partner, wala man lang akong naitutulong huhuhu. Wala pa akong na-a-achieve, may pasok na bukas huhuhu.
0 notes
Text
Nakakainis kasi sobrang maisipin kong tao kaya kahit maliit na bagay, kahit wala naman talagang ibig sabihin na bagay o pangyayari, kahit walang kakwenta-kwenta, iniisip ko.
Sobrang random lang din kasi ng universe at bakit ba ako napadpad do’n. Tangina. At bakit ‘yon pa talaga ‘yung bumungad sa’kin. Sobrang random lang talaga ng uniberso, bigla-bigla ka na lang palulungkutin at pag-iisipin.
Siguro maling mag-jump into conclusions at isiping gano’n kasi dahil do’n. Siguro maling pag-isipan ko s’ya ng gano’n. Pero ‘di ko mapigilang isipin na kaya n’yang gawin ‘yon. Na hindi imposibleng kaya niyang gawin ‘yon.
Baka sign na ito ng universe na may mga bagay talagang dapat nang tigilan. Baka dati pa ako binibigyan ng sign ng universe pero pinagkikibit-balikat ko lang. Baka kailangan ko na talagang tigilan ‘tong kalokohan na ‘to.
Baka kaya parang may iba lately. Baka kaya sobrang dry na ng convo natin. Baka kaya hindi na tayo kasing fun at assertive ng dati. Baka kaya...
Bakit gano’n? Akala ko okay na? Okay tayo ‘di ba? Bakit ganito na naman? Akala ko nakaalis na tayo sa 0%, akala ko umusad na tayo pero bakit parang nando’n na naman tayo. Bakit gano’n? Bakit parang out-of-the-blue ka magbago? Tangina, para mo akong iniwan sa ere nito e. Akala ko sabay tayong nahuhulog, pero ang totoo ako lang ‘yung nahuhulog ta’s ikaw may parachute pala. Nahuhulog lang ako tapos nasisira. Buti ka pa.
Tangina. Nakakainis talaga. Bakit ba bigla-bigla ka na lang palulungkutin ng universe at 4 AM. Sobrang random lang. Ngayon tuloy, iisipin ko ‘to. Pag-iisipin lang ako.
O baka dapat na talaga akong tumigil. O baka may mga bagay talagang dapat nang tigilan lalo na kung nagpaparamdam na ‘yung uniberso. Tangina. Pero ‘di naman ako titigil, ‘di ko naman kayang tigilan. Nakakainis lang. Bakit ba laging sa huli, sa’yo pa rin ako babagsak at mahuhulog. Nakakainis, ta’s gaganitohin lang ako ng uniberso. Uniberso na nangrereject sa’kin, hindi ikaw.
Nakakainis ka. Nakakainis ka. Nakakainis ka.
Ngayon, mag-iisip tuloy ako. Malulungkot. Malulugmok. Masasaktan. Pero sa huli, ikaw pa rin. ‘Di pa rin kita susukuan. ‘Di pa rin kita bibitawan. Kasi sayang ‘yung apat na taon na ininvest kong feelings sa’yo. Kasi ikaw pa rin kahit anong mangyari, kahit saktan pa ako ng uniberso. Kasi ikaw lang talaga.
Tangina. Bakit kasi ganito? Dapat kasi natulog na lang ako... Haaay.
0 notes
Text
ZZZZZZZ
Maybe you are not really that interesting.
Maybe I got superficial feelings for you.
Why am I feeling this way?
I wanna talk to you. Let’s go deeper on our conversation. But I don’t know how to start, where to start. I don’t know.
Our conversation is dry. I feel like everything we say got no content.
I want to make things casual and fun but I think I ended up being boring. Are you being bored with me?
Now I am thinking that maybe I only got superficial feelings for you. Why am I being like this? Why is this so sudden?
Shit. I am aware of how deep my feelings are for you but why are things not working out these days. Let’s be back to the lively, charming, fun people we were. Let’s bring back the fun, sweetness and kilig on our messages.
HAHAHAHAHAHAHA
Ang arte ko.
E kasi naman. Bakit parang pinagtitiisan na lang nating kausapin yung isa’t isa lol!
Alam ko ang dry ko na kausap pero wow naman sa consistent na pagrereply mo. WTF. Ba’t ka kasi gano’n. Gusto mo rin ‘no? HAHAHAHA charot.
Sobrang random lang.
E kasi naman hays.
Kasing walang flow nitong note na ‘to tayo ngayon.
ZZZZZZZZ
0 notes
Text
((Sa OJT talaga, lalandiin na kita for real crushie hahahahahahahaha!!!
May lakas na ako ng loob at may pera na rin kasi ako hahahahahaha!!!))
0 notes