Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
"Nakaaantig Damdaming Paglalakbay sa Baguio City"
Sanggunian ng larawan: https://primer.com.ph/feature/2018/07/16/primergoesto-baguio-the-creative-city/
Sa buhay ng isang tao, nakakapukaw damdaming makatuklas nang bago sa ating patingin. Kung kaya’t ang bawat isa ay naghahanap ng kakaibang lugar na pwedeng pasyalan, lugar na kung saan ay nakakaaliw ng husto. Isa sa mga pinakamagandang pasayalan dito sa Pilipinas ay ang Baguio City at kilala bilang "Summer Capital of the Philippines", dahil sa malamig nitong klima, tag-araw o tag-ulan man, malamig pa rin ang hangin dito kaya gustong-gusto itong pasyalan ng karamihan sa atin. Hindi lamang dahil sa klima nito kundi mayroon din itong mga sikat na pasyalan tulad na lamang ng Burnharm Park, Mines View, Strawberry Farm at marami pang iba. Kaya naman noong ika-6 ng Enero ay nagtungo kami sa Baguio at ilan sa mga sikat na pasyalan doon ay napuntahan namin.
Sanggunian ng larawan: https://pilipinas.worldorgs.com/Katalogo/baguio/amusement-center/burnham-park-biking
Nang marating namin ang Baguio City tila nararamdaman na namin ang napakalamig na klima. Hindi na kami nagsayang ng oras at nagtungo na kami sa Burnharm Park. Ang Burnham Park ay ipinangalan sa sikat na Amerikanong architect na si Daniel Hudson Burnham na siya ring nag plano ng siyudad. Matatagpuan ang Burnham Park sa puso ng lungsod ng Baguio City. Maraming mga aktibidad na maaring subukan dito. Ang pinakatanyag na aktibidad sa parke ay ang pagbibisikleta. Mayroong mga bisikletang pwedeng upahan at makatwiran ang presyo ng mga ito.
Kinagabihan ng aming unang araw sa Baguio ay nagtungo kami sa Christmas Village. Ang Baguio Christmas Village ay isa sa mga pinakasikat na puntahan ng mga turista. Ito ay nagbubukas lang kapag nalalapit na ang kapaskuhan, iba’t ibang tema ng disenyo ang ginagawa rito. Noong nagpunta kami roon ang tema nito ay Oriental Winter Wonderland. Isa sa mga magandang nakikita rito ay ang snow-show, nasilayan rin namin ang iba't ibang christmas displays at amenities. May mga programa rin tulad ng live musical performances, cosplay busking, at nativity pageant na nagpapakita ng kwento ng Nativity ni Jesus.
Ang Strawberry Farm ay isa sa pinaka-tourist attraction sa bahagi ng Barangay Betag, La Trinidad sa lalawigan ng Benguet. Ito ay ang isa sa mga dinadayo ng mga turista dahil sa mga strawberries, mga iba’t ibang klaseng gulay at mga bulaklak. Makakabili ka dito ng iba’t ibang klaseng mga murang gulay at strawberries na mapipitas sa loob ng farm. Karamihang turista ay pinapayagang pitasin ang mga bunga ng strawberry bago ilagay sa timbangan kung saan sa isang kilo nito ay aabot sa P200. Naranasan namin ang pagpitas ng strawberry ngunit noong nagpunta kami roon konti lamang ang strawberry noon dahil hindi iyon ang buwan ng pagbunga nito. Sinasabing ang pinaka-best picking season sa strawberry field ay buwan ng Marso hanggang Abril.
Sanggunian ng larawan: https://travelhabeat.com/strawberry-farm-baguio/
Sa loob ng Strawberry Farm ay hindi lamang strawberry, gulay at mga halaman ang makikita roon. Maaari ka na rin bumili roon ng mga pasalubong kagaya nang sikat na Lengua De Gato, Ube Jam at mga katutubong accessories.
Sanggunian ng larawan: https://timonscabansi.com/7-cultural-attractions-in-baguio-city/
Napakarami pang mga lugar na mapupuntahan sa Baguio at sa bawat ito ay may mga tinatagong kayamanan. Tila napakaganda nito, masasabi naming ng aking pamilya na babalikan namin ito. Maraming mga kasayahang naganap at higit sa lahat mayroon kaming mga bagong kaalaman na natuklasan.
1 note
·
View note