shxhxnah-blog
shxhxnah-blog
Untitled
2 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
shxhxnah-blog · 6 years ago
Photo
Tumblr media
Ang sining na ito ay nilika ng malayang imahinasyon at malilikot na kamay ni HaringLupa. Ang apat na larawan ay pinamagatang, "Nude Series 1", "Nude Series 2", "Nude Series 3", and "Nude Series 4" kung saan makikita ang hubad na katawan ng mga babae sa iba't ibang anggulo at posisyon. 
 Ang likhang ito ay maihahalintulad sa isyung kinakaharap ng mga kababaihan ngayon, ang pambabastos. Matatandaan na naging mainit ang balitang paninipol ni President Duterte sa isang reporter na si Mariz Umali kung saan maraming mamamayan at organisasyon ng mga kababaihan ang nagbigay ng komento ukol dito.Sa katunayan, naging maugong ang ganitong usapan dahil tumataas ang bahagdan ng mga kababaihang nababastos kaya  upang maiwasan ito,inihain ni Senador Risa Hontiveros ang  Senate Bill 1326, "Safe Streets and Public Spaces Act" noong 2017, nakasaad dito na lahat ng uri ng pambabastos tulad ng paninipol, catcalling,malalaswang pagtitig, panghihipo at stalking ay sasailalim sa nasabing batas. 
 Sa kabilang banda, naging usapin din ang pananamit ng mga kababaihan, kung saan ang pagsusuot ng malalaswang damit at paglalagay ng kolorete sa mukha ang nagiging dahilan ng pambabastos sa kanila ngunit aking napapansin na anuman ang suot ay mayroon pa ring nagaganap na pambabastos at hindi na problema ng mga kababaihan iyon kundi ang mga taong walang disiplina at respeto sa kapwa. Gayumpaman, lingid sa kaalaman ng iilan na sa bawat kolorete at iksi ng kasuotan ng isang tao, mayroong kwento na natatago at ito ang nagsisilbi nilang sining upang ipahayag ang kanilang saloobin. 
 Tulad na lamang sa kathang ito na kung titignan ng iilan, iisipin nila na ito'y " bastos " dahil sa pagiging hubad ngunit ang pagiging isang hubad at pagiging malaya ay may natatagong bagay at kwento, di man alam ng iilan pero kung iisipin at titignan ang sining na ito ay tumatalakay sa isyung kinakaharap ng mga kababaihan, hubad na may ikinukubli at may malayang kulay na nais iparating.
0 notes
shxhxnah-blog · 7 years ago
Text
Minsang Magsalita Ang Pader
Sa lente ng kasaysayan ng Pilipinas, ang ating sining ay hinubog ng iba't ibang mananakop,Espanya,Amerikano at Hapon batay sa takbo ng panahon. Ang mga handog na kanilang naiambag sa ating kultura't tradisyon ay dala pa rin ng ibang mga Pilipino hanggang sa ngayon.
 Sa pagdaan ng mga taon at paghubog ng mga makabago o modernisasyon, mayroong isang sining na isinilang sa ating bansa at ito'y tinatawag na "Graffiti". 
Ang Graffiti ay isang malayang pagpipinta sa mga pampublikong pader. Ito'y baon ni Jayo "Flipone" Santiago sa Pilipinas na nagmula sa pag-unlad ng Hip Hop sa New York noong 1970-1980. Dahil sa kaniyang nakuhang impluwensiya mula sa mga sikat na gumagawa ng graffiti na sina Seen Dondi at Phase 2, napag-isipan niyang gumawa ng sariling istilo ng Graffiti ang mga Pinoy o Pilipino sa pamamagitan ng desenyo sa pangkat etniko,katutubo, alibata o baybayin, paghahabi o sa madaling salita,ito'y kaugnay sa kultura ng mga Pilipino. 
 Ngunit, ito'y itinuturing ng ibang mga mamamayan na "madumi" o "kababuyan" at madalas na nakaangkla sa salitang "vandalism" kung saan ito ay isang uri ng paninira at illegal na gawain. Lingid sa kanilang kaalaman na isa itong sining at sa pamamagitan nito naipapahayag ng mga pintor ang kanilang saloobin, mga karanasan at pakikipagkomunikasyon sa mga tao na sang-ayon sa iba't ibang aspeto ng sining mula kay Alice Guillermo.
 Samantala, ang isang uri ng sining na ito ay dala rin ng kakulangan at taas ng presyo ng kagamitan na hindi kayang mabili ng mga pintor ng graffiti. Dahil sa pagnanais na ipakita ang kanilang talento, bumibili sila ng mga spray paint sa murang halaga at gumagamit ng matutulis na bagay bilang isang argumento laban sa mga isyung kinakaharap ng ating bansa. Ang kanilang iginuguhit na linya,hugis at pakikipaglaro sa  iba't ibang kulay upang makabuo ng isang imahe ay tila isang lengguwahe na may nais iparating sa mga tao, isang paraan ng pagkilos upang ipahayag ang saloobin ukol sa isyung panlipunan gayun din sa pagpapahayag ng damdamin mula sa kanilang mga karanasan. 
 Isang halimbawa nito ay ang "Gerilya" isang kilalang graffiti artist sa Pilipinas na ginawang inspirasyon ang kultura't tradisyon at kasaysayan ng Pilipinas sa pagpipinta, sila din ay nakikilahok sa protesta tulad ng militarisasyon at Pork Barrel Corruption sa Pilipinas. 
 Alinsunod ang mga ito sa tatlong batayan ni Alice Guillermo mula sa kanyang katha na "Philippine Contemporary Aesthetic," First, "Definition and Meaning of aesthetic" Second, "Materials condition of Society" Third, "Particular time and place" kung saan ito'y pinagtibay ng isang sining na tinatawag na Graffiti. Isang makabagong humubog sa kultura ng  Pilipinas na may iba't ibang pagpapakahulugan dahil sa istilo ng pagpipinta,may mga kakulangan sa kagamitan ngunit hindi ito naging hadlang upang kumilos at gumawa ng pagkilos batay sa isyung kinakaharap ng Pilipinas, katulad din ito ng mga akdang pampanitikan tulad ng tula,nobela o maikling kuwento na ginamit ng bayani ng Pilipinas upang ipahayag ang saloobin. Dahil dito napagtanto ko na,
 "Minsa'y nagsasalita at naglalabas din ng emosyon ang mga pader." 
1 note · View note