Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Uri ng Pangngalan
Mala-Masusing banghay Aralin
Filipino 3
I. Layunin
Sa loob ng 45 na minuto na pagtatalakay, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy ang dalawang uri ng pangalan ;
b. Nakapagbibigay ng halimbawa ng dalawang uri ng pangngalan;
c. Nagagamit ng tama ang dalawang uri ng pangalan.
II. Paksa: Uri ng Pangalan
Sanggunian: https://www.youtube.com/watch?v=68eyIPsgZD8
Kagamitan: Laptop, Powerpoint Presentation, Zoom Application, Youtube
II. Pamamaraan
A. Pangunahing Gawain
a. Panalangin
b. Pag-Awit ng “Lupang Hinirang”
c. Pagbigkas ng Panatang Makabayan
d. Balitaan sa pamamagitan ng Pag-Awit ng “Kumusta Kumusta”
e. Pagtatala ng mga Liban/Attendance
f. Pagbabalik Aral
B. Pagganyak
Magtatanong ang guro.
Anong pangalan ng paborito mong artista?
Anong brand ng sasakyan ang gusto mong mabili?
Magbigay ng mga sabong ginagamit.
C. Paglalahad
Ang aralin natin ngayong araw na ito ay patungkol sa dalawang uri ng pangngalan.
D. Pagtatalakay
Pantangi - Pangngalang tumutukoy sa tiyak at tanging ngalan ng tao, bagay, lugar, hayop, gawain at pangyayari. Ito ay nagsisimula sa malaking titik.
Halimbawa: Romel, Sony, Pilipinas, Tarsier Pambalana - balana o pangkaraniwang ngalan ng mga bagay, tao, pook, hayop at pangyayari. Ito ay pangkalahatan, walang tinutukoy na tiyak o tangi. Halimbawa: lalaki, telebisyon, bansa, puno.
E. Paglalahat
Ang pangngalan ay bahagi ng pananalita na ginagamit bilang pantawag sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pook at pangyayari. Ito ang nagsisilbing panawag natin sa mga bagay-bagay upang madali nating matukoy ang mga gusto nating sabihin sa ating kausap.
F. Paglalapat
Panuto: Isulat sa patlang ang T kung ang uri ng pangngalan ay pantangi; B kung pambalana at L kung lansakan ang salitang nasa loob ng panaklong. ______ 1. Ang mga (Amerikano) man ay nanakop din sa Pilipinas. ______ 2. Ang mga (timawa) ay may pag-aari at hindi naglilingkod bilang alipin. ______ 3. Mga (hukbo) ng mga Pilipino at Amerikano ang lumaban sa mga Hapon. ______ 4. Si (Ferdinand Magellan) ang nakatuklas sa Pilipinas. ______ 5. Ang (koponan)ng mga Hapon ay natalo sa pagbabalik ng mga Amerikano.
IV. Pagtataya
Panuto: Bilugan ang pangngalan sa pangungusap at isulat sa patlang ang PB kung ito ay pambalana at PT kung pantangi. _____ 1. Sa Unibersidad ng Sto. Tomas sila nag-aaral. _____ 2. Dentista ang mga magulang niya. _____ 3. Nakita niya ang mga binili ng dalaga. _____ 4. Ang Kalakhang Maynila ay maunlad ngunit magulo. _____ 5. Sa isang maliit na karindirya sila kumain ng hapunan.
V. Takdang Aralin
Sagutin ang mga tanong base sa natutunan.
1.Ano ang dalawang uri ng pangngalan? 2.Ano ang pagkakaiba nito? 3.Paano natin masasabi kung ito'y pantangi o pambalana?
1 note
·
View note
Text
Pamaraang Pasaklaw - Panghalip na Panao at mga saklaw nito
Mala-Masusing Banghay Aralin
Filipino 3
I. Layunin
Sa loob ng 45 na minuto na pagtatalakay, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy ang panghalip na panao, palagyo at paari;
b. Naipapakita ang kahalagahan ng mga panghalip na panano, palagyo at paari;
c. Nakakabuo ng pangungusap gamit ang mga panghalip na panao, palagyo at paari.
II. Paksa: Pamaraang Pasaklaw - Panghalip na Panao at mga saklaw nito
Sanggunian: Bagong Edisyon, Tanglaw pahina 142-144
Kagamitan: Laptop, Powerpoint Presentation, Zoom Application, Youtube
III. Pamamaraan
A. Pangunahing Gawain
a. Panalangin
b. Pag-Awit ng “Lupang Hinirang”
c. Pagbigkas ng Panatang Makabayan
d. Balitaan sa pamamagitan ng Pag-Awit ng “Kumusta Kumusta”
e. Pagtatala ng mga Liban/Attendance
f. Pagbabalik Aral
B. Pagganyak
Pag-Awit ng “Ako, Ikaw, Tayo ay isang Komunidad”
C. Paglalahad
Ang aralin natin ngayong araw na ito ay patungkol sa Pamaraang Pasaklaw - Panghalip na Panao at mga saklaw nito.
D. Pagtatalakay
Ang panghalip ay ang salitang humahalili o pamalit sa ngalan o pangngalan na nagamit na sa parehong pangungusap o kasunod na pangungusap. Ang salitang panghalip ay nangangahulugang "panghalili" o "pamalit"
Panghalip na panao
Ang panghalip na panao (mula sa salitang "tao", kaya't nagpapahiwatig na "para sa tao" o "pangtao") ay nakikilala sa Ingles bilang personal pronoun. Ito ay panghalili sa ngalan ng tao.
Halimbawa ng mga panghalip na panao ay ang mga salitang ako (me), ko, akin (mine), amin, kami (we), kayo, atin , inyo, kita, kata, mo (you), siya (he/she), kanila (theirs), at kanya (hers/his).
E. Paglalahat
Ang panghalip ay ang salitang humahalili o pamalit sa ngalan o pangngalan na nagamit na sa parehong pangungusap o kasunod na pangungusap. Ang salitang panghalip ay nangangahulugang "panghalili" o "pamalit".
F. Paglalapat
Panuto: Isulat kung anong uri ng panghalip ang ginamit sa pangungusap.
1. Iba-iba ang anyo nating mga Pilipino dahil sa iba’t-ibang banyo ng ating mga ninuno.
2. Ang mga Pilipinong katulad ko ay may kayumangging balat.
3. Ikaw ba ay may tuwid at maitim na buhok?
4. Ang ating taas ay katamtaman lamang.
5. Silang mga Malay ang pinagkunan ng maitim na mata ng mga Pilipino.
IV. Pagtataya
Panuto: Tukuyin at bilugan ang panghalip na ginamit sa pangungusap.
1. Naniniwala ka ba na mas maganda ang isla sa probinsya ng Boracay kaysa sa probinsya ng Mindoro?
2. Ibig mo rin ba na sumama sa pagngingisda?
3. Ako ang mamimingwit mamayang dapit-hapon sa tabing ilog.
4. Mas ibig namin magpahinga sa ilalim ng puno kaysa sa kubo.
5. Maging sa pagpili ng kakainin ay sinusuri ninyong mabuti ang masusustansayng pagkain.
V. Takdang Aralin
Sumulat ng 5 pangungusap na gumagamit ng panghalip.
0 notes
Text
Anyong Tubig
Mala-Masusing Banghay Aralin
Araling Panlipunan 3
I. Layunin
Sa loob ng 45 na minuto na pagtatalakay, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nailalarawan ang iba’t-ibang anyong tubig;
b. Natutukoy ang iba’t-ibang anyong tubig;
c. Nabibigyang halaga ang mga anyong tubig.
II. Paksa: Anyong Tubig
Sanggunian: Araling Panlipunan 2, pahina 77-85
Kagamitan: Laptop, Powerpoint Presentation, Zoom Application, Youtube
III. Pamamaraan
A. Pangunahing Gawain
a. Panalangin
b. Pag-Awit ng “Lupang Hinirang”
c. Pagbigkas ng Panatang Makabayan
d. Balitaan sa pamamagitan ng Pag-Awit ng “Kumusta Kumusta”
e. Pagtatala ng mga Liban/Attendance
f. Pagbabalik Aral
B. Pagganyak
Magpapanuod ang guro ng video patungkol sa paksa.
-Batay sa pinanuod, ano ang mga nakita ?
- Nakapunta na ba kayo sa mga ito?
C. Paglalahad
Ang aralin natin ngayong araw na ito ay patungkol sa iba’t-ibang anyong tubig.
D. Pagtatalakay
Karagatan – Ito ang pinakamalawak at pinakamalalim na anyong tubig. Maalat ang tubig nito. Halimba: Karagatang Pasipiko, Karagatang Indian, Karagatang Artiko
Dagat– Malawak na anyong tubig na mas maliit sa karagatan. Maalat ang tubig sapagkat nakadugtong ito sa karagatan. Halimba: Dagat Pilipinas, Dagat Timog Tsina, Dagat Celebes
Ilog– Mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungo sa dagat. Halimba: Ilog Pasig, Ilog Cagayan, Ilog Agusan
Look – Nagsisilbing daungan ng mga sasakyang pandagat. Maalat ang tubig sapagkat nakadugtong ito sa dagat o karagatan. Halimba: Look ng Maynila, Look ng Subic, Look ng Batangas
Lawa – Anyong tubig na napapaligiran ng lupa. Matabang ang tubig nito. Halimba: Lawa ng Taal, Lawa ng Laguna (biggest lake in Luzon), Lawa ng Balinsasayao
Talon – Ang talon ay daloy ng tubig mula sa isang mataas hanggang sa mababang bahagi ng isang pook. Halimba: Talon ng Pagsanjan, Talon ng Maria Cristina(2nd highest waterfall in the Philippines), Talon ng Aliwagwag (highest waterfall in the Philippines)
Bukal – Anyong tubig na nagmumula sa ilalim ng lupa. Halimba: Tagub Hot Spring (Camiguin), Malumpati Cold Springs (Antique), Hidden Valley Spring (Laguna)
Golpo – Isang bahagi ng karagatan na makikita sa pagbubukas ng dagat. Ito ang tawag sa malaking look. Halimba: Golpo ng Lingayen, Golpo ng Leyte\
E. Paglalahat
Ang yamang tubig ay nag bibigay ng hanapbuhay sa mga taong nakatira malapit dito, ang mga yamang tubig din ay mahalaga sa ating kapaligiran kaya dating natin silang alagaan.
F. Paglalapat
Panuto: Isulat ang hinahanap na uri ng anyong tubig sa bawat pangugusap.
__________1. Ito ay nagmumula sa ilalim ng lupa.
__________2. Tinatawag na malaking look.
__________3. Tubig mula sa isang mataas hanggang sa mababang bahagi ng isang pook.
__________4. Malawak na anyong tubig na mas maliit sa karagatan.
__________5. Pinakamalawak na anyong tubig.
IV. Pagtataya
V. Takdang Aralin
Gumuhit ng isang anyong tubig at ibigay ang katangian nito. Kumuha ng litrato kasama ng natapos na Gawain at ipadala sa ating google classroom.
2 notes
·
View notes
Text
Anyong Lupa
Takdang Aralin Mala-Masusing Banghay Aralin
Araling Panlipunan 3
I. Layunin
Sa loob ng 45 na minuto na pagtatalakay, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nailalarawan ang iba’t-ibang anyong lupa;
b. Natutukoy ang iba’t-ibang anyong lupa;
c. Nabibigyang halaga ang mga anyong lupa.
II. Paksa: Anyong Lupa
Sanggunian: Araling Panlipunan 2, pahina 77-85
Kagamitan: Laptop, Powerpoint Presentation, Zoom Application, Youtube
II. Pamamaraan
A. Pangunahing Gawain
a. Panalangin
b. Pag-Awit ng “Lupang Hinirang”
c. Pagbigkas ng Panatang Makabayan
d. Balitaan sa pamamagitan ng Pag-Awit ng “Kumusta Kumusta”
e. Pagtatala ng mga Liban/Attendance
f. Pagbabalik Aral
B. Pagganyak
Pag-Awit ng “Anyong Lupa” sa himig ng Leron Leron Sinta
C. Paglalahad
Ang aralin natin ngayong araw na ito ay patungkol sa iba’t-ibang anyong lupa.
D. Pagtatalakay
Bundok – Ito ang pinakamataas na anyong lupa. Halimba: Mt. Apo, Mt. Makiling, Mount Everest (Nepal)
Burol– Mataas na anyong lupa ngunt mas mababa kaysa sa bundok. Halimba: Chocolate Hills (Bohol)
Kapatagan – Mababa, malawak at patag na lupain na maaring taniman. Halimba: Kapatagan ng Gitnang Luzon
Bulkan - Ito ay isang uri ng bundok. Ito ay maaaring magbuga ng gas, apoy o mainit na putik at maaring sumabog. Halimba: Bulkang Mayon, Bulkang Taal, Kilauea Volcano (Hawaii)
Lambak– Mababang lupain sa pagitan ng bundok o burol . Halimba: Bulkang Mayon, Bulkang Taal, Lambank ng Cagayan,
Kabundukan– Ito ay hanay ng mga bundok na magkakaugnay. Halimba: Sierra Madre, Cordillera, Himalayas (Asia)
Pulo– Maliit na anyong lupa na napapaligiran ng tubig. Halimba: Boracay, Camiguin, Siquijor
E. Paglalahat
Ang anyong lupa ang nagsisilbing pangunahing tirahan ng mga tao at hayop. Ang yamang lupa ay nagtataglay ng mga yamang mineral na pinagkukunan ng tao nang mga enerhiya,mga ibat-bang uri ng bato na ginagawang pahiyas o mga palamuti. Pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng mga magsasaka sa pamamagitan ng pagtatanim at pastolan ng mga alagang hayop. Ang ating lupain ang pinagtataniman ng sari saring halaman,tulad ng halamang gamot na pinagkukunan natin upang gawing medisina.
F. Paglalapat
Panuto: Isulat ang hinahanap na uri ng anyong lupa sa bawa pangugusap.
__________1. Mataas na bahagi ng lupa at mas mababa sa bundok.
__________2. Patag at pantay na lupa
__________3. Hugis apa at maaring sumabog ano mang oras.
__________4. Patag na lupa sa itaas ng bundok.
__________5. Patag at mababang lupain sa pagitan ng dalawang bundok.
IV. Pagtataya
Panuto: Tukuyin ang mga pangalan ng mga anyong lupa. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
V. Takdang Aralin
Gumuhit ng isang anyong lupa at ibigay ang katangian nito. Kumuha ng litrato kasama ng natapos na Gawain at ipadala sa ating google classroom.
0 notes
Text
Mga Naglilingod sa Komunidad
Mala-Masusing Banghay Aralin
Araling Panlipunan 2
I. Layunin
Sa loob ng 45 na minuto na pagtatalakay, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutuoy at nakikilala ang taong nagbibigay paglilingkod sa komunidad;
b. Nailalarawan ang mga katangian at nagawa ng mga naglilingkod sa komunidad;
c. Nakikilala ang mga mahahalagang tao/pamilyang nakaimpluwensya sa iba;’t-ibang larangan sa buhay-komunidad.
II. Paksa: Mga Naglilingkod sa Komunidad
Sanggunian: Araling Panlipunan 2, pahina 187- 195
Kagamitan: Laptop, Powerpoint Presentation, Zoom Application, Youtube
III. Pamamaraan
A. Pangunahing Gawain
a. Panalangin
b. Pag-Awit ng “Lupang Hinirang”
c. Pagbigkas ng Panatang Makabayan
d. Balitaan sa pamamagitan ng Pag-Awit ng “Kumusta Kumusta”
e. Pagtatala ng mga Liban/Attendance
f. Pagbabalik Aral
B. Pagganyak
Magpapakita ang guro ng iba’t-ibang larawan.
- Kilala niyo ba sila? Ano ang kanilang ginagawa?
- May kilala ba kayo na tumutulong at naglilingkod kahit hindi superhero?
C. Paglalahad
Ang aralin natin ngayong araw na ito ay tungkol sa mga taong naglilingkod sa ating komunidad.
D. Pagtatalakay
May mga taong nagbibigay ng paglilingkod sa ating komunidad na nakatutugon sa pangunahing pangangailangan ng mga naninirahan dito. Kilalanin natin sila.
Magsasaka - Nagtatanim ng mga halaman upang pagkunan ng pagkain.
Karpintero - Gumagawa at nagkukumpuni ng mga bahay, gusali at iba pang tirahan ng mga tao.
Guro - Nagtuturo sa mga mag-aaral upang matuto sa iba-ibang asignatura at kagandahang asal.
Tubero - Nag-aayos at nagkukumpuni ng linya ng tubo ng tubig patungo sa iba’t-ibang pang gusali.
Doktor - Nagbibigay serbisyo ng panggagamot sa mga taong may sakit.
Nars - Tumutulong sa mga doktor sa pangangalaga ng mga may sakit.
Komadrona - Tumutulong sa mga doktor sa pagpapaanak.
Barangay Health Worker - Umiikot sa komunidad uoang ipaalam ang mga impormasyong pangkalusugan. Tumutulong sa Barangay Health Center.
Kaminero - Naglilinis ng kalsad at daan upang mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran ng komunidad.
Kolektot ng Basura - Namamahala sa pagkuha at pagtatapon ng mga basura.
Bumbero - Tumutulong sa pagsugpo ng apoy sa mga nasusunog na bahayan, gusali at iba pa.
Pulis - Nagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa komunidad. Sila rin ang humuhuli sa mga nagkakasala sa batas.
Kapitan ng Barangay - Namumuno sa kapakanan, kaayusan, kaunlaran at kapayapaan ng nasasakupang komunidad.
Barangay Tanod - Tumutulong sa Kapitan ng Barangay sa pagpapanatili ng kaligtasan ng mga tao sa komunidad.
E. Paglalahat
Dapat nating tandaan na may mga tao na nagbibigay ng paglilingkod para matugunan ang pangangailangan ng komunidad. May mga mahahalagang tao sa komunidad na nagbibigay ng malaking kontribusyon sa iba’t-ibang larangan. Nagsisilbi silang huwaran ng mga tao hindi lamang sa sariling komunidad kundi maging sa buong bansa.
F. Paglalapat
Panuto: Suriin ang pangungusap. Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad at isulat ang MALI kung hindi wasto ang isinasaad. Isulat ang sagot sa papel.
1. Sinisigurado ng mga kaminero na malinis ang kapaligiran ng komunidad.
2. Mabilis ang mga pulis sa pagpatay ng sunog.
3. Tumutulong ang mga komadrona sa nanay kapag nagluluwal ito ng sanggol.
4. Tumutulong ang mga guro sa kapitan ng barangay sa pagpapanatli ng kaayusan at kapayapaan sa komunidad.
5. Hinuhuli ng mga tubero ang mga lumalabag sa batas.
IV. Pagtataya
Panuto: Piliin ang titik ng pinaka-angkop na sagot.
1. Taga-linis ng mga kalsada at kanal upang ang mga tao ay ligtas sa sakit.
A. Mananahi
B. Tubero
C. Karpintero
D. Kaminero
2. Tumutulong sa Punong Barangay at mga Kagawad sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan ng komunidad.
A. Barangay Health Worker
B. Barangay Tanod
C. Doktor
D. Nars
3. Nag-aayos ng mga tubong dinadaluyan ng tubig patungo sa mga tahanan.
A. Tubero
B. Mananahi
C. Barangay Tanod
D. Guro
4. Gumagawa at nagkukumpuni ng mga sirang kasuotan.
A. Guro
B. Doktor
C. Mananahi
D. Pulis
5. Tumutulong sa mga ina sa kanilang panganganak.
A. Komadrona
B. Pulis
C. Tubero
D. Guro
V. Takdang Aralin
Gumuhit ng isang naglilingkod sa ating komunidad at tukuyin kung ano ang kanilang ginagampanang trabaho. Kumuha ng litrato kasama ng natapos na Gawain at ipadala sa ating google classroom.
0 notes
Text
Mga Hanapbuhay sa Aking Komunidad
Mala-Masusing Banghay Aralin
Araling Panlipunan 2
I. Layunin
Sa loob ng 45 na minuto na pagtatalakay, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nabibigyang kahulugan ang salitang hanapbuhay;
b. Natutukoy ang hanapbuhay ng mga tao sa komunidad;
c. Naiuugnay ang uri ng hanapbuhay base sa kapaligiran na kinabibilangan
II. Paksa: Mga Hanapbuhay sa Aking Komunidad
Sanggunian: Araling Panlipunan 2, pahina 152-161
Kagamitan: Laptop, Powerpoint Presentation, Zoom Application, Youtube
II. Pamamaraan
A. Pangunahing Gawain
a. Panalangin
b. Pag-Awit ng “Lupang Hinirang”
c. Pagbigkas ng Panatang Makabayan
d. Balitaan sa pamamagitan ng Pag-Awit ng “Kumusta Kumusta”
e. ��Pagtatala ng mga Liban/Attendance
f. Pagbabalik Aral
B. Pagganyak
Magpapakita ang guro ng iba’t-ibang larawan.
Ano ang makikita o napapansin niyo sa mga larawan?
C. Paglalahad
Ang aralin natin ngayong araw na ito ay ang Iba’t-Ibang sa Ating Komunidad
D. Pagtatalakay
Mga Karaniwang hanapbuhay sa ating komunidad
Pangingisda - Ang pangingisda ay isa sa pinakapangunahing hanapbuhay ng mga komunidad na malapit sa dagat at lawa. Kaugnay nito ang pagdadaing, pagtitinapa at pagbabagaoong ng mga nahuling isda.
Pagsasaka - Ang pagsasakay ay angkop na hanapbuhay sa komunidad na may malawak na sakahan. Kaugnay nito ay ang pagtatanim ng palay at mga gulay na iniluluwas sa mga kabayanan at pamilihan.
Pagkakarpintero - Ang pagkakarpintero ay isa rin sa mga hanapbuhay sa komunidad. Sila ang mga gumagawa ng mga bahay, mesa, upuan at iba pang kagamitang yari sa kahoy.
Pananahi - Ang pananahi ay isa rin sa hanapbuhay sa komunidad. Ang sastre ay nananahi ng mga kasuotang panlalaki. Ang modista naman ang tumatahi sa mga kasuotang pambabae.
Paggawa ng Tinapay - Ang paggawa ng tinapay ay isa rin sa pinagkakakitaan sa komunidad.
Paghahayupan - Ang paghahayupan ay mainam ding hanapbuhay sa komunidad. May mga nagmamanukan at babuyan. Mayroon ding bakahan at itikan.
E. Paglalahat
Dapat nating tandaan na ang bawat hanapbuhay sa ating komundad ay may kanya-kanyang gampanin at pangangailangan na tinutugunan. Sa tulong ng mga hanapbuhay na ito ay natutugunan ang ating pang-araw-araw na kailangan katulad ng pagkain.
F. Paglalapat
Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang tinututukoy na hanapbuhay sa bawat bilang. Isulat ang letra ng sagot sa papel.
1. Humuhuli sa masasamang loob.
2. Katulong ng mga Doktor.
3. Nangangalaga ng ating ngipi.
4. Nagtuturo upang matuto.
5. Nag-aayos ng mga sirang tubo.
IV. Pagtataya
Ibigay ang tawag na pamumuhay sa mga sumusunod na larawan:
V. Takdang Aralin
Gumupit ng 5 larawan ng iba’t-ibang hanapbuhay na makikita sa mga magazine. Kumuha ng litrato kasama ng natapos na Gawain at ipadala sa ating google classroom.
0 notes
Text
Mga Hanapbuhay na nagbibigay ng Serbisyo
Mala-Masusing Banghay Aralin
Araling Panlipunan 2
I. Layunin
Sa loob ng 45 na minuto na pagtatalakay, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy ang iba’t-ibang hanapbuhay na nagbibigay ng serbisyo sa komunidad;
b. Nailalarawan ang iba’t-ibang hanapbuhay na nagbibigay ng serbisyo;
c. Nabibigyang halaga ang mga hanapbuhay na nagbibigay ng serbisyo.
II. Paksa: Mga Hanapbuhay na nagbibigay Sebisyo
Sanggunian: Araling Panlipunan 2,
Kagamitan: Laptop, Powerpoint Presentation, Zoom Application, Youtube
III. Pamamaraan
A. Pangunahing Gawain
a. Panalangin
b. Pag-Awit ng “Lupang Hinirang”
c. Pagbigkas ng Panatang Makabayan
d. Balitaan sa pamamagitan ng Pag-Awit ng “Kumusta Kumusta”
e. Pagtatala ng mga Liban/Attendance
f. Pagbabalik Aral
B. Pagganyak
Maglalahad ang guro patungkol sa kanyang napiling propesyon at kung bakit niya ito napili.
Pagkatapos ay tatanungin naman ng guro kung ano ang gusto nila maging paglaki. Ipapaliwanag kung bakit nila ito napili.
C. Paglalahad
Ang aralin natin ngayong araw na ito ay ang Iba’t-Ibang hanapbhay na nagbibigay ng serbisyo.
D. Pagtatalakay
Ang hanapbuhay o trabaho ay gampanin na isinasagawa ng isang tao upang matustusan ang kanyang pangangailangan at ng kanilang pamilya. Tinatawag ang taong naghahanapbuhay bilang manggagawa o trabahador. Ang ilan sa halimbawa ng mga taong manggagawa ay ang mga doktor, guro, bumbero, dentista, nurse, pulis at marami pang iba.
E. Paglalahat
Dapat nating tandaan na ang hanapbuhay na nagbibigay ng serbisyo sa komunidad ay napakahalaga sapagkat kung wala ang mga manggagawang ito ay walang magbibigay at gagawa ng mga pangangailangan natin.
F. Paglalapat
Panuto: Tukuyin kung sino ang nagbibigay ng serbisyo sa mga sumusunod na sitwasyon.
1. Ako ang gumagamot sa mga may sakit.
2. Ginagabayan ko ang mga mag-aaral upang matuto.
3. Ako ang umaapula ng sunog.
4. Ginagamot ko ang masakit na ngipin ng mga tao.
5. Pinapanatili ko ang seguridad ng komunidad at hinuhuli ang mga masasamang loob.
IV. Pagtataya
Panuto: Ilagay ang tatsulok sa patlang kung tama ang pahayag at bilog naman kung mali.
_________1. Mahalaga ang bawat ang gampanin na isinasagawa ng bawat manggagawa.
_________2. Ang mga guro ang gumagabay sa mga estudyanteng katulad mo.
_________3. Ang mga nurse ang pumapatay ng sunog.
_________4. Ang mga panadero ang gumagawa ng mga masasarap na tinapay.
_________5. Ang mga pulis ang nagpapasada at nagmamaneho ng pampublikong jeep.
V. Takdang Aralin
Panuto: Tukuyin kung sino ang kailangan mong hanapin sa mga sumusunod na sitwasyon.
_________1. Sumasakit ang ngipin mo.
_________2. May nasusunog na abandonadong bahay sa may plaza.
_________3. Nanakawan ang tindera.
_________4. Gusto mong matuto pa lalo sa pagbasa.
_________5. Pupunta ka sa mall upang bumili ng gamit pang-paaralan ngunit malayo ang mall sa bahay niyo.
0 notes
Text
Pandiwa
Mala-Masusing Banghay Aralin
Filipino 3
I. Layunin
Sa loob ng 45 na minuto na pagtatalakay, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy ang mga salitang kilos;
b. Nalalaman ang gamit ng pandiwa;
c. Nakakabuo ng mga pangungusap gamit ang mga pandiwa
II. Paksa: Pandiwa
Sanggunian: Hiyas sa Wika at Pagbasa 3
Kagamitan: Laptop, Powerpoint Presentation, Zoom Application, Youtube
III. Pamamaraan
A. Pangunahing Gawain
a. Panalangin
b. Pag-Awit ng “Lupang Hinirang”
c. Pagbigkas ng Panatang Makabayan
d. Balitaan sa pamamagitan ng Pag-Awit ng “Kumusta Kumusta”
e. Pagtatala ng mga Liban/Attendance
f. Pagbabalik Aral
B. Pagganyak
a. Magpapakita ang guro ng iba’t-ibang larawan.
Ano ang ginagawa ng nasa larawan?
Ano ang tawag sa mga salitang kilos?
C. Paglalahad
Ang aralin natin ngayong araw na ito ay tungkol sa pandiwa o salitang kilos.
D. Pagtatalakay
Ang pandiwa ay isang salita (bahagi ng pananalita) na nagsasaad ng kilos o galaw (lakad, takbo, dala), isang pangyayari (naging, nangyari), o isang katayuan (tindig, upo, umiral). Tinatawag ito na verb sa wikang Ingles.
Halimbawa:
kilos o galaw: nag-aral, takbo, kumakain
proseso o pangyayari: masunog, bumabagyo, umulan
karanasan o damdamin: matuwa, nagmahal, sumaya
E. Paglalahat
Ang pandiwa ay salitang kilos.
F. Paglalapat
Panuto: Tukuyin ang pandiwa na inilalahad sa bawat larawan.
IV. Pagtataya
V. Takdang Aralin
Magbigay ng 5 salitang kilos sa inyong tahanan. Gamitin ito sa pangungusap. Kuhanan ng litrato ang natapos na Gawain at ipadala sa ating google classroom.
1 note
·
View note
Text
Ang Mag-Anak
Mala-Masusing Banghay Aralin
Filipino - Kindergarten
I. Layunin
Sa loob ng 45 na minuto na pagtatalakay, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nakikila ang iba’t-ibang kasapi ng mag-anak;
b. Nailalarawan ang iba’t-ibang gampanin ng mag-anak;
c. Nabibigyang halaga ang bawat gampanin ng bawat myembro ng mag-anak.
II. Paksa: Ang Mag-Anak
Sanggunian: Makabagong Filipino, pahina 2-5
Kagamitan: Laptop, Powerpoint Presentation, Zoom Application, Youtube
III. Pamamaraan
A. Pangunahing Gawain
a. Panalangin
b. Pag-Awit ng “Lupang Hinirang”
c. Pagbigkas ng Panatang Makabayan
d. Balitaan sa pamamagitan ng Pag-Awit ng “Kumusta Kumusta”
e. Pagtatala ng mga Liban/Attendance
f. Pagbabalik Aral
B. Pagganyak
a. Magpapakita ang guro ng iba’t-ibang larawan.
- Ano ang napapansin ninyo sa mga larawan sa itaas?
C. Paglalahad
Ang aralin natin ngayong araw na ito ay patungkol sa iba’t-ibang kasapi ng Mag-Anak.
D. Pagtatalakay
Ito ang mga kasapi ng isang mag-anak.
Tatay - Ako ang haligi ng mag-anak. Ako ang nagtatrabaho at naghahanap nuhay para sa mag-anak.
Nanay - Ako ang ilaw ng tahanan. Ako ang nag-aalaga sa mga kasapi ng mag-anak.
Kuya - Ako ang kadalasang katulong ni tatay sa mga gawaing mabibigat.
Ate - Ako ang kadalasang katulong ni nanay sa gawaing bahay.
Bunso - Ako ang pinakabatang anak ng mag-anak.
E. Paglalahat
Dapat nating tandaan na ang mag-anak ay mayroong mga kasapi na may kanya-kanyang gampanin.
F. Paglalapat
Isulat sa sagutang papel sa pamamagitan ng pagspunan sa mga patlang ng tamang ngalan ng kasapi ng mag-anak.
V. Pagtataya
V. Takdang Aralin
Idikit sa bond paper ang larawqan ng inyong mag-anak. Kumuha ng litrato kasama ng natapos na Gawain at ipadala sa ating google classroom.
0 notes
Text
Ang Aking Komunidad – Iba’t-ibang lugar sa Komunidad
Mala-Masusing Banghay Aralin
Araling Panlipunan 2
I. Layunin
Sa loob ng 45 na minuto na pagtatalakay, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy ang iba’t-ibang lugar sa komunidad;
b. Nailalarawan ang iba’t-ibang lugar sa komunidad na kinabibilangan;
c. Nabibigyang halaga ang mga lugar na ito bilang isang mag-aaral.
II. Paksa: Ang Aking Komunidad – Iba’t-ibang lugar sa Komunidad
Sanggunian: Araling Panlipunan 2, pahina 3-31
Kagamitan: Laptop, Powerpoint Presentation, Zoom Application, Youtube
III. Pamamaraan
A. Pangunahing Gawain
a. Panalangin
b. Pag-Awit ng “Lupang Hinirang”
c. Pagbigkas ng Panatang Makabayan
d. Balitaan sa pamamagitan ng Pag-Awit ng “Kumusta Kumusta”
e. Pagtatala ng mga Liban/Attendance
f. Pagbabalik Aral
Magtatanong ang guro tungkol sa nakaraang paksa patungkol sa Komunidad.
Magpapakita ang guro ng mga parte kung saan naroroon ang isang Komunida. Hal. Kabundukan, Kapatagan o sakahan, Lungsod, at Tabing Ilog.
B. Pagganyak
a. Magpapakita ang guro ng iba’t-ibang larawan.
- Ano ang makikita o napapansin niyo sa mga larawan?
- Nakapunta na ba kayo sa mga lugar na ito?
C. Paglalahad
Ang aralin natin ngayong araw na ito ay ang Iba’t-Ibang Lugar sa Ating Komunidad
D. Pagtatalakay
Narito ang mga lugar na kadalasang makikita sa ating Komunidad.
· Paaralan – Dito hinuhubog ang kaisipan tungo sa pag-unlad. Dito pumapasok ang mga mag-aaral na katulad ninyo.
· Bahay Sambahan – Dito sama-samang nananalangin ang mga tao. Ang bawat sekta ng relihiyon ay may kanya-kanyang bahay sambahan. May pagkakaisa ang lahat kahit na magkakaiba man ang relihiyon at paniniwala.
· Pook Libangan – Dito namamasyal, naglalaro o mnag-pipikinik ang ating pamilya.
· Tahanan – Dito naninirahan ang mga tao at bawat pamilya sa isang pamayanan.
· Palengke – Dito tayo kadalasang bumibili ng ating pangangailan katulad ng pagkain, damit, laruan at iba pa.
· Ospital – Dito pumupunta ang mga taong may sakit at karamdaman. Makikita natin ditto ang mga doctor at mga nurse na tumutulong upang mapabilis an gating paggaling.
· Himpilan ng Pulisya – Dito tayo maaring makahingi ng tulong kapag mayroong masasamang tao sa ating pamayanan. Ang mga pulis an gating tagapagtanggol laban sa kanila.
· Himpilan ng Bumbero – Dito natin makikita ang mga matatapang na bumbero na tumutugon kapag mayroong sunog na nangyayari sa ating komunidad. Inaapula nila ang mga nasusunog na gusali at establisyemento.
E. Paglalahat
Dapat nating tandaan na ang bawat lugar sa ating pamayanan ay ,may kanya-kanyang gampanin sa ating pang-araw-araw na buhay. Mahalaga ang bawat lugar sa ating pamayanan sapagkat ang mga lugar na ito ay tumutugon sa ating iba’t-ibang pangangailangan.
F. Paglalapat
Panuto: Itaas ang nakangiting araw kung ang ipinapakitang larawan ay lugar na matatagpuan sa ating pamayanan. Itaas ang malungkot na ulap kung ito naman ay hindi.
IV. Pagtataya
Sa isang buong papel, kopyahin ang format sa ibaba. Lagyan ng tsek ang hanay kung ang pahayag ay tama at ekis naman kung hindi.
V. Takdang Aralin
Iguhit ang iyong pinaka-paboritong lugar sa komunidad gamit ang iba’t-ibang art materials. Kumuha ng litrato kasama ng natapos na Gawain at ipadala sa ating google classroom.
1 note
·
View note
Text
She // Her
that day since day one
she’s finally already had everything she needs within herself
it’s the world that convinced her she did not.
- rupi kaur
-------------------------------------------------------------------------------------------
I don’t really know where to start since every thing is still feels surreal. Everyday, I feel like I am still looking for something. As I live in this world for almost 22 years, why do I still feel this way? And I must admit that I can still see beauty as everything in this world star to change.
Going out is one I really miss. How long does it been since I go out with my friends? Its also been a year since we go for live concerts which is one of our way of bonding. And as I embrace and facing this new world, it also helps me to find and try new things. :)
As the lockdown starts, also learn new things and be at peace in distancing myself from others. I try to learn on how to play musical instrument such as kalimba, try to do basic things in baking such as making different flavor and color of icing, playing mobile games. I am now even watches anime and as of now, I changed my hair color 4 times. I also learn to love to watch different action movies especially when we watch it with the whole family.
Sometimes, my friends are asking me such as why they cant find my profile in facebook or can’t even message me, I just simply laugh at them and now they are use at it.
Having my me time I can say is the one thing I am longing for so long. Maybe I am just too tired to interact with others that I need to find myself again, and I guess I found her again. :))
1 note
·
View note