Sining at talinhaga.
I should find my way back to the Filipino Language, and this blog has been asking for supporters.
24 notes
·
View notes
tik-tok
naririnig mo ba'ng
mabilis na pag-usad
ng kamay ng orasan?
tik-tok
pawis mo'y patuloy
na tumatagaktak
sa bilad na katawan
tik-tok
nauubos ang oras
nawawala ang lakas
mga ideya, nakahahanap
ng daan palabas
tik-tok
narito'ng papel
at patak ng tinta
kung nais mong may
patunguhan ang iyong ideya'y
isulat mo na.
2 notes
·
View notes
Pasikut-sikot na daan,
Paliku-likong dahilan
Kailan ba pabubulaanan
Mga sabi-sabi mong walang
katotohanan?
3 notes
·
View notes
on carnival grounds
ang mundo ay isang malaking karnabal. dito matatagpuan ang mga kakaibang uri ng tao na pilit sumasalungat sa agos ng mapanlinlang na buhay. marami sa kanila ang napagtatawanan, iniiyakan, maging binabayaran upang bigyang-aliw ang bayan.
masisisi mo ba ang mga taong ninanais na lisanin ang karnabal dahil sa labis na pasakit at kapaguran? makukumbinsi mo ba silang huwag nang lumisan? maibibigay mo ba ang kasiyahang patuloy nilang hinahanap at kailanman ay 'di natagpuan sa loob ng malulupit na mga rehas ng karnabal?
hindi. sapagkat maging ang labis-labis na salapi ng mga mariwasa ay hindi sapat upang bigyan sila nang kagalakang matatamasa lamang sa tulong ng mga taong handang magmahal at tumulong sa iyong pagtakas mula sa maramot na paligid nitong higanteng karnabal.
sila lamang ang makapagsasalba sa atin kung tayo'y malunod sa rumaragasang agos ng buhay.
10 notes
·
View notes
Magandang araw, mga kaibigan!
0 notes
Isang basong kasipagan
Tirik ang araw
sa bandang silangan
Nakakatutok ang bentilador
sa batok kong pawisan
Nakaharap sa patas ng aklat
na nagsusumamong mabuklat
Ayaw ko. Nakatatamad.
Ngunit kailangan, o mangangamote bukas
Nakahiga sa papag ng katamaran
Nagugutom--
Nauuhaw--
Bigyan mo ako ng isang basong kasipagan.
3 notes
·
View notes
Bawat bulong niya sa mga bituin
ay sinasalo lamang ng hangin.
Ang mga nakaw niyang tingin
ay hindi kailanman nabigyang pansin.
Sa ilalim ng sinag ng buwan,
hindi kailanman nasilayan ang katuparan
ng mga dalanging hindi napakinggan
ng mga taong kanyang pinagsabihan.
Habang nakalatag ang mga bituin sa kalangitan,
binigkas niya ang mga salitang matagal pinagnilayan.
"Mahal kita," bulong niya sa kawalan
Habang dumadaloy and mga luhang matagal nang pinaglalabanan.
2 notes
·
View notes
Ang buhay ng tao
Ang buhay ng tao ay mistulang isang papel ng manunulat. Dito nasusulat ang mga natatagong emosyon, mga salitang hindi nasabi, at mga nakaraang hindi kayang talikdan. Sa bawat guhit at patak ng tinta ng manunulat ay masasalamin ang iba't-ibang nararamdaman, mga daang tinahak na't di maaaring balikan, at mga daang walang sapat na tapang upang sundan. Sa bawat galaw ng pagod na kamay ng manunulat ay bakas ang bawat hinanakit sa mundong tinutuntungan at nais iwan.
Ito ang buhay.
Napupuno ng mga patak ng luha't tinta, mga bulong at salitang hindi na nasabi pa, at mga ngiting hindi kailanman nakita. Kung minsan, sa labis na kapaguran at kasawaan ng manunulat sa daang kanyang tinatahak ay ninanais niyang punitin na lamang ang papel ang iwanan ang lahat.
0 notes