Text
Pain, can you just stop?
Ayoko na. Ang sakit sakit na. I’ve given and still giving what I can. Pagod na ko, chasing you, chasing our love. Pagod na ko fighting for us, fighting alone. Gusto ko nalang maging okay. Gusto ko nalang umalis. Di ko na alam. I feel so dumb and numb. Mahal pa rin kita, kahit hindi mo na kayang ibigay yung pagmamahal na pinangako mo. 😭
0 notes
Text
Have you?
Have you ever feel so insignificant? Insignificant in your work and career. Insignificant to your friends and family. Insignificant in your past,present and future. Insignificant to your love one. Insignificant in this world. Insignificant to yourself?
0 notes
Text
Few hours to go and the result for ..... will be posted. Hindi ko alam yung nararamdaman ko ngayon. Mali, pero yung pakiramdam ko ngayon parang nakasalalay lahat dito sa result na to. Natatakot ako sa sasabihin ng ibang tao. Sa mararamdaman ko. Magiging reaksyon… Paano kung? . . Yung takot ko ngayon hindi ko maipalaiwanag. Nagtatalo yung takot at disappointments. Parang ang ingay ng paligid. Yung wala kang masabihan. Yung gusto mo lang iiyak lahat sa Lord. Sana maging okay ang lahat. Tinataas ko na lahat sa Lord. . . Kayo na po bahala. 😭😭
0 notes
Text
Naiinis ako sa sarili ko dahil ang tamad tamad ko at dami kong excuse pag nagrereview. Putek. Iniwan iwan ko pa trabaho ganun din naman. Mas lalo lang lumala pressure at anxiety ko. :((((((((((( Di ko na alam pano mag sisimula sa mga minutong to kinakabahan na ko tlaaga. Isang buwan nalanggggggggggg
T.T
0 notes
Text
Pagod na kong magpanggap sa harapan mo na di ako nasasaktan.
Kahit ang sakit sakit na, T.T
Pagod na kong ipakitang malakas ako.
Kahit all this time sobrang hinang hina na ko.
---
Pagod na din kasi akong ipakitang umiiyak ako.
Pagod na ko sa pakiramdam na kaya lang ako minamahal dahil sa mga kaya kong ibigay o hindi ko kayang gawin.
Pagod na kong magtanong ng mga bagay na di ko alam kung totoo pa ba yung mga naririnig ko.
Nakakapagod na itago yung sarili mo sa kasinungalingan na may taig humigit na sayo.
Masakit isipin na ihahalintulad ka sa ibang tao.
Tapos bumababa yung tingin mo sa sarili mo.
Yung taong dapat napapalakas nang loob mo, sya yung humila pababa sayo.
Hindi mo namamalayan, di mo din napansin nandoon ka na sa sa dulo.
At nakakapagod din pala yung kahit gano mo ipilit lumaban, yung sarili mo na yung kalaban mo.
Na kada ipipikit mo yung mga mata mo, natatakot ka sa mga hindi mo nakikita.
Na kapag aalis sya, iniisip mo kung saan sya pupunta. Kung sino yung pupuntahan nya.
Na kapag tahimik sya, ano yung iniisip nya.
O kapag masaya ka, ikaw pa ba yung dahilan non.
Na oo, katabi mo sya. Kayakap mo sya. Pero ikaw ba talaga yung nasa isip nya. Ikaw ba talaga yung gusto nyang kasama.
Na sa araw-araw natin magkasama baka bukas sabihin mo na naman na nagsawa ka na, o di kaya naguguluhan ka na naman.
Hindi ko na alam pano ko haharapin at tatanggapin lahat pag dumating na naman yung araw na ‘yon.
--
Gusto kong magmahal uli ng buo.
At gusto ko didn mahalin kung sino ako.
Gusto ko uli magtiwala.
Pero paano?
-
Ako pa ba yung gusto mong kasama sa tayo?
O lahat ng ‘to pansamantala at bukas pwede magbago?
0 notes
Audio
I need my current location, to be your current location You.
0 notes
Text
Been wasted. So wasted these past few weeks. Napaka unproductive. Sobrang daming cortisol na siguro ng utak ko. … I got drunk. I kissed and flirted the guy. And even though somehow he makes me happy(he's not aware). What we did or what I did is such a wrong thing. A wrong way to start, and a sign to stop? I got drunk. I was unaware of the rest of the things I did. But I felt abused. Felt dumb and helpless. A mess. I got drunk. I rant. I laugh. I shouted. I cried. Still I am carrying the heavy baggage in my heart. I got drunk. To somehow forget you. But I found myself. Reminiscing. Crying. Dying. And just hating the things you did that ruined us. I got drunk. And I cannot longer identify myself. I hate who am I now. I hate my decisions. I hate my current situation. I got drunk.
Still, i love you.
Still........
0 notes
Text
08.30.17
Dalawang linggo.
Exactly, dalawang linggo nung parehas na lang tayo sinuko ng tadhana.
---
Kung kailan mas patagal ng patagal mas lalong nagiging masakit at mahirap ang lahat para sakin.
Nung mga nakaraang araw kahit pano natutulungan ko na yung sarili ko e.
Akala ko nga magiging masaya na ako ulit kahit pano.
Tapos hanggang netong mga nagdaang araw, hindi ko alam bakit naalala na naman kita.
Ang ewan lang kasi napapanaginipan kita, minsan gising ako sa umaga na ikaw yung hinahanap ko.
Kamusta ka na kaya?
Nung mga nakaraang gabi tinitignan ko yung mga pictures natin.
Grabe. Yung iba parang kahapon lang nangyari.
Yung iba parang sobrang fresh pa sa isip ko.
Tapos hanggang pa recent ng pa recent yung mga pictures, mas bumibigat yung emosyon.
Kamusta ka na kaya?
May mga araw pa kaya na naiisip mo ko?
O hahaha, baka masaya ka na.
Ang ewan ko din e no.
Parang gusto pa yata nasasaktan ako,
Alam naman natin na ngayon, nahihirapan ka siguro kahit paano.
Pero on the other side may bagong tao ng nagbibigay kulay sa buhay mo.
Hindi ko ba alam bakit di ko yun matanggap hanggang ngayon.
Badtrip naman kase.
Parag ang bilis lang ng lahat.
Bigla mo nalang akong iniwan na wasak at mag isa.
Bigla nalang ako nalang pala yung nakakapit.
.
.
.
Miss na miss na kita.
Ngayong mga minutong ‘to, isa lang yung gusto ko mangyari.
Gusto kong bumalik nung unang beses tayong lumabas.
Naalala mo ba yon?
Inabot mo na sakin libro ni Ate.
Tapos, wala na tayong pupuntahan kasi paalam yata may activity or klase.
Kaya nag circle nalang tayo.
Yun yong nagkakapaan pa e.
Pero alam ko, kahit matagal na yun yung isa sa pinaka masayang araw.
Parang ang bilis lang ng oras nung araw na ýon.
Hanggang nasundan na ng marami pang masasayang araw.
Miss na miss na kita.
0 notes
Text
08.26.17
Hindi ko alam kung normal ba yung nararamdaman ko. O baka pinaglalaruan nalang din ako ng sarili kong mga emosyon.
After the last time I saw him. Parang imbis na mas bumalik,parang ngayon kahit papano mas nagiging madali ng tanggapin? Or.... Wala baka distracted din ako? I don’t know.
I feel so guilty. Dapat nag aaral na ko ngayon at tapos ko na requirements e. Pero wala, Di ako nakapagreview ngayon. WHY. Kasi lasing ako kagabi. WHY Dahil birthday ni Althur. WHY. Gusto ko din uminom. WHY. Para makalimot. WHY. Kasi feeling ko halaman na ko sooner or later. Wala ng pakiramdam.
At kasama ‘tong isang lalaki, na yes recently ko lang din nakilala. Actually kung gano ako katagal sa previous work ko ganun na din katagal ko syang kilala. Kilala lang. Nakikita. Nakakasama sa morning prayer. At monday and friday activity sa office. But to be honest. Recently ko lang din talaga sya nakausap. Tahimik na medyo may pagka talkative, matangakad, yung taong parang hindi mo mababasa yung ugali or pwede nya i respond sayo, Seenlord. Medyo naging close kami nung ipapa hack ko sana sa kanya yung acct ng ex ko. Hahaha. Di naman hack talaga, papa retrieve ko lang sana yung deleted messages. Kaso ayaw nya, Di daw marunong. Asus. Di ko din alam pero biglang na brought up na inasar nila ko sa kanya sa office. Syempre nakakatawa lang. Sa 4 months stay parang sakto lang pag nandyan sya. Saka may boyfriend ako non. Yoko ng ganun. Pero ayun, dahil nga nakiusap ako sa kanya about sa hacking, napapawento na din ako sa kanya non. Thru chat. So nasundan ng labas, uminom kami sa cubao. At syempre lasing ako. Galing ko e no. Bilis tumama ng alak sa broken, o di lang talaga ko sanay uminom? Hhahahah. Hindi ko lang makakalimutan yung sabi nya sumakay na ko ng bus. Edi sumakay ako. Sa harap ako pumwesto kasi hilo na ko nun. Nung paandar na biglang andon sya. Nakalimutan ko sinabi nya non. Hahaha hassle ko talaga sa buhay. Sinundo ako ni Ram after non. Sya uwi pa Nova. And then i focused to Ex we had a lot of fight na din dahil nga sa party na inattendan nya. Hahaha. Then we(ex syempre) broke up. Isa siya sa pinaka unang nakaalam. At ewan ko. He seems to be uninterested. O ganon lang talaga sya. Kumabaga sa pasyente mo sa psych ward. flat affect sya bes. And ako naman kasi tong pilit na kami nalang.Kasi feeling ko mafifix ako pag may sumalo din sakin. Kahit di ko naman talaga gusto. Sama e no? Anyway, ofcourse he said no. In a short period of time. Di iko napansin na sumasaya ako whenever I have a chance to talk to him. Kahit flat affect talaga sya madalas kausap. At kahit di ko talaga sya kilala, ang komportable na. And then last night, lumabas nga, And sinama siya ng mga ka officemate ko. G naman sya. Ewan ko medyo awkward na non nakakakaba. Pero syempre act normal lang si ate girl mo. Hanggang nalasing ako. Tapos ano ano na yata pinagsasabi ko. Saka ko na kkwento. Yung highlight nalang siguro, yung mga mata nya. Nung magkausap kami kagabi nung medyo tipsy na. Yun lang yung malinaw na naaalala ko. Yung mga mata saka ngiti nya. Paggising ko nung umaga. Shems yon na. Sobrang affected ako na nasaktan ko sya last night. Pero may part na na excite. Na biglang after kong mamatay nung kailan lang, medyo may maliit na parte ng puso ko yung biglang dinaluyan uli ng dugo. Sya agad naisip ko nung umaga instead of Ex. Sya yung gusto ko makita at makausap, And then i texted him I told him na I think I like him. Medyo matagal nya din sineenzone. Tapos sinabi nya medyo di pa nagsisink in lahat. Ayusin ko daw muna sarili ko. Then go with the flow. Madami pang pwedeng mangyari.
Rejected ba ko non? Hahaha. Pero sudden realization. Tama sya. How could I give something I don’t have? Medyo naubos din kasi ako diba.And ako sa sarili ko confused pa samin ni Ex. Tho sure naman ako na napapasaya talaga ako ni M. Yun nga lang. Parang di pa ulit ready ang tadhana for us. Siguro kailangan ng space.... Tama space. Ayoko namang matulad lang ‘to sa nangyari samin... And knowing M so far... he deserve a true and pure love.
---
Hi,
Thank you sa saya ng binibigay mo ngayon sakin. Siguro di ka aware. Pero ayon. Masaya. Pero natatakot. Kaya siguro, tama ka. Sorry uli. Sa lahaaaaaaat ng hassle na pinagsasabi ko sayo. SORRY.
Hindi ko din alam bakit ikaw, at bakit ngayon.
Pero salamat.
0 notes
Text
08.23.17
Hindi ko rin alam kung bakit naging ganun nalang kabilis lahat.
Parang kailan lang yakap pa kita.
Sabay pa tayong nangangarap para sa mga bukas na dapat tayo yung magkasama.
Ngayon parang ang layo layo mo na sakin.
Na bawat araw mas dumadami yung tanong na bakit.
Hindi ko din matanggap at maunawaan ang lahat.
-----
Hi,
Parang nung nakaraan lang, ganitong oras tatawagan mo kasi mag lulunch ka na. Parang feeing ko nanaginip pa din ako. Sobrang bilis ng mga pangyayari. Parang kailan lang, tayo, Pero ngayon ibang tayo na yung meron kayo.
Hindi ko pa din maiwasang umasa. Kahit oo alam kong mali, Sorruy kung pag nagkakachat tayo ginugulo pa kita. Pero salamat din kasi di mo pa ko binbigyan ng false hope uli. Salamat kasi unti unti mas pinaparealize mo na sakin na wala na talaga. Na kahit anong pilit ko, wala na talaga tayo.
Alam mo ba miss na miss na kita. T.T
Yung mga lugar na pinupuntahan natin, dinadaanan. Yung mga pagkain. Yung mga kahit simpleng bagay naaalala kita. Miss ko na yung mga yakap mo. Yung tawa mong yuyugyog sa kama namin. Yung mga oras na hawak ko lang yung mga kamay mo. Yung mga mata mo. Miss na miss na kita. :’(
Pero tama nga siguro sila. Kailangan ko ng tanggapin na hindi na ako yung mahal mo. Na hindi porket mahal kita, mahal mo din ako. Na wala na talaga tayo. ... Hindi ko alam kung hanggang kailan ako sa estado na to. Actually, hindi ko na din nga naiintindihan yung nangyayari sakin ngayon e. Minsan parang manhid nalang ako. Pero madalas pa din kitang naalala syempre. Pag online ka at di mo ko pinapansin, pag chinachat kita at parang wala lang sayo. Siguro ayaw mo sya nasasaktan no? Kaya hindi mo nalang ako pinapansin. Saka, siguro masaya ka na sa naging desisyon mo
Buti ka pa.
Sana sooner or later, maging okay na din ako. Gusto ko na umusad. Gusto ko na magpatawad at kalimutan lahat. Mag iisang linggo na pero sobrang fresh pa sakin lahat. Ay oo nga, Tuesday night ngayon ha? Eto na yung one week nyo. Hehe. Ewan. Siguro mula ngayon hayaan ko nalang yung sarili ko masaktan, masaktan ng masaktan hanggang wala na kong maramdaman.
Mag iingat ka lagi.
----
Masaya na sya.
Wala ka na sa buhay nya.
Bitaw na, KC.
Bitaw na.
0 notes
Photo
08.19.17
Sa kasinungalingan.
Sa galit.
Sa mga tanong.
Sa luha.
Sa pagpili.
Sa pagbitaw mo sa mga pangakong tayo hanggang dulo.
Sa apat na tuldok natapos ang masayang dating tayo.
----
Wala bang madaling daan parang makatakas sa sakit?
:(
---
Edited.
Di ko kayang ipost yung pictures ng huli naming convo.
Masakit. HA HA.
0 notes
Text
8.18.17
Yung alam mong buhay ka pa kasi nasasaktan ka.
Yung alam mong buhay pa, pero hinihiling mo sana hindi nalang muna.
---
Everyday is getting harder. Every step away is like walking in darkness.
Gusto ko mag habol. Gusto ko mag tanong. Gusto ko nalang balewalain lahat. Pero kada babalikan ko yung mga usapan na nabasa ko para kong sinasaksak ng paulit ulit, Parang walang katapusang sakit, walang katapusajng bakit.
--
Hi,
Hindi ko alam bakit tayo umabot sa ganito, Alam mo ba iniisip pa din kita. Kahit alam kong dapat hindi ko na inaantay kung nagcchat ka sakin.Kaya kita chinat pero hindi mo naman ako pinansin, Siguro ayaw mo sya masaktan no? Kaya di mo na ko rereplyan. Na kakalimutan mo nalang talaga ako. Alam mo, naiingit ako sa kanya. Naiinggit ako kasi sya kailan lang pero natumbasan nya agad lahat. Napakalma ka nya. Sinugal mo na agad lahat ng meron tayo, At ang unfair sa pakiramdam, Ang unfair kasi ikaw masaya ka na, Ikaw binitawan mo nalang lahat lahat. Ikaw okay ka na e. May bagong tao na sa buhay mo.
Nakakatawa nga e. Nung nareceive ko yung text na di ka na naman daw nakauwi. Iniisip ko siguro magksama na kayo Siguro kinocomfort mo sya no. Yung mga yakap na dating sakin. Yung mga mata na nagsasabing ‘di kita iiwan’ ‘magkasama tayo dito; siguro sya na yung nakakakita non. Yung armssss. Yung mga halik sa noo. Yung mga kamay na hahawakan ako pag natatakot na ko. Yung mga tawa na nakakawala ng lungkot. Yung Popo ko. Yung Sol na sobrang mahal ko. Yung Sweetest ko. Wala na sya.... WAla na sya T,T
Ang hirap hirap hirap tanggapin. Gusto kong magalit pero sobrang sakit. Sobrang nanliliit ako sa sarili ko. Sobrang sakit nakakamanhid na,Yung gusto ko na sayo padin ako tatakbo. Pero wala na. Wala na e.
Lahat ng pupuntahan ko. Lahat ng kakainin ko. Lahat ng tao. Lahat ng titignan ko lagi kang konektado. Hindi ko alam kung bakit naging ganito. Akala ko magkasama tayo. Akala ko ako yung mahal mo. Akala ko tayo yung pipiliin mo.
0 notes
Quote
I stood by your side. I didn’t walk away, you pushed me away.
0 notes
Text
I feel so alone and tired tonight. I wanna be with someone. But it seems that he doesn't want to be with me. #dramateh
0 notes
Text
Paano ba. Sa tuwing pakiramdam ko na okay na ko. Biglang may mga bagay na magpapaalang hindi. Na tuwing pinipilit kong buuin yung tiwalang ilang beses nang nasira, hindi ko magawa. Laging may nga bagay na magpapaalala sayo. Laging may rason. Minsan naiisip ko baka unfair na ko. Kasi nagmamahal lang ako pero di ko magawang magtiwala. Hindi ko na magawa. Gusto ko. Gustong gusto. Pero paano? Paano.
0 notes
Text
+-
Been accepted as HR Assistant for Onésimus. Wow. After almost a year. Kinakabahan ako na ewan. Thank you Lord for the blessings! Next week will be my big jump. New job && Review for exam. Nervous? Yeah. And I hope i could still do something to help Jayson out sa problema nya. Sakit sa puso :(
0 notes