Ang sinomang manahan dito'y busog na busog sa pagmamahal at alaga
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Kaarawan
Mahal,
Masaya akong ipagdiwang itong araw na ito dahil nakikita kong iba na ang kutitap sa iyong mga mata sa biglaang Kausapin si Jose Miguel Open Party. Pasensya na at kinailangan kong umalis agad.
Nakatatak na ang petsa ng kapanganakan mo sa akin. Ang April 30 ay Araw ni Jose Miguel. Kung sa mga nagdaan mong kaarawan ay palagi akong may pa-prod number, ngayon ay pqwede na kitang busugin.
Balita ko ay may balak ka nang magpaborta, pero kahit anong mangyari, kumain ka pa rin.
Kung pwede lang kitang yakapin anang mahigpit na mahigpit kahit na puro buto lang naman ang mararamdaman ko. Mahal na mahal kita, Jose Miguel ko. Alam mong sa mga yakap at halik ko pinakanaipadarama ang init ng pag-aaruga ko sa isang tao.
Salamat dahil palagi mo akong inaalagaan at pinakikinggan. Kahit malayo man tayo sa isa’t isa, ikaw pa rin ang Pseudo Jowa ko.
O siya. Lumafang ka na.
Palagi,
Ang iyong Placeholder Jowa
0 notes
Photo
0 notes
Text
1. Sakura
Nabinyagan na siya nang dumating ako. Kaya nung nagpakilala siya bilang Sakura, pinag-isipan ko pa.
San nga ba kinuha ang pangalan niya?
Hindi raw halaw sa pink na bulaklak, kundi ang babaeng karakter pala na kayang bihagin ang mga mahiwagang baraha.
Kapag hindi siya si Sakura, iba rin ang karugtong ng pangalan niya.
Jose Miguel, Anak ni Poseidon.
joe************.POD ang email address niya.
Ha? Di ba dapat DOP? Ano ‘yun baliktad? Photography of Director???
Ah. Prince of Darkness pala.
Kilala rin siya bilang ang History major na balak mag-shift sa Comm Arts at araw-araw umuuwi sa Cavite kahit na inaabot ng alas dose ang mga prod meeting.
Sa dinami-dami niyang alyas, mas naging matimbang sa ‘kin ang sarili kong bersyon ng pagkakakilala sa kaniya.
Si Jose Miguel, ang stage manager na bumisita sa kin sa ospital nang mabalitaang nalaglag at naaksidente ako. Siya rin ang stage manager na umuunawa sa ‘kin sa tuwing nahihiya at nagbe-break down ako.
Hindi pala doon nagtatapos ang pagkakakilala ko sa kaniya.
0 notes
Text
2. Pizza
Sa sobrang active namin sa org, bihira kami makahanap ng oras para magliwaliw kaya pagkatapos ng produksyon naghanap kami ng oras para makapagkwentuhan. Doon sa food court sa SM San Lazaro, bumili kami ng isang box ng pizza. Binuhos ko sa kaniya ang lahat ng frustration ko sa mga naging pagkakamali ko sa pag-arte. Bilang stage manager, nasaksihan niya lahat ng pakikipagsapalaran ko sa pangangapa. Baguhan pa lang ako sa pag-arte at punung-puno ng inhibitions, kaya si Jose ang palaging umintindi sa akin. Napansin niya kasi na madali ako ma-pressure.
Napaka-generous niya sa atensyon at oras. Ang katwiran niya kasi noon ay gusto niyang tulungang mag-adjust ang mga bagong salta sa org tulad ko. Naubos man ang slice ng pizza sa pagtatapos ng aming pag-uusap, palagi ko pa rin naaalala na minsan kaming nakahinga sa pressure ng pagsabak sa sunod-sunod na responsibilidad sa prod.
Nakabuo kami ng pagkakaibigan na kaya kong panghawakan hanggang sa susunod na pagkagat ng pizza.
0 notes
Text
3. Azarath Metrion Zinthos
Di mabilang ang mga mahiwagang salita na narinig ko kay Jose. Madalas niyang sabihin ang Azarath Metrion Zinthos sabay pikit ng mga mata.
Kilala niyo ba si Greyhound at Isfet? Pangalan ‘yan ng mga mahahalagang gamit niya.
Mayroon din siyang baraha, wizard costume, at stick.
Madadala ka sa hiwagang dulot niya. Salamanca.
Pinakaabangan ng lahat ang ginagawa niyang panghuhula gamit ang mga baraha.
Nilalatag sila sa mesa o sa sahig. Depende kung saan ninyo gagawin ang pagbabasa..
Nababasa niya ang kapalaran. O basta hula lang.
Pabulong-bulong, papikit-pikit. Handa na siya sa babasahing kapalarang ang hinaharap.
Paano ba niya nakikita ang hinaharap? Kahit na hindi ako mahilig magpahula dahil ayokong pinangungunahan ang bukas, pero sinubukan ko na lang din.
Nagpaubaya sa mga baraha. Nakakapangilabot ang hula sa ‘kin noon.
Azarath Metrion Zinthos
Akala ko talaga noon ay Latin spell ito. ‘Yun pala linya ito ni Raven mula sa Teen Titans.
Tawang-tawa ako. Ilang taon akong naniniwalang may hiwaga (nakakatakot man o hindi) ang mga salitang ‘to.
0 notes
Text
4. Kakaibabe
Madalas kaming umindak ni Jose sa saliw ng mga kanta ni Donna B.
Sa buto’t balat niyang pangangatawan, malaya siya nakakakilos. Likas talaga sa kaniya ang pagsasayaw. Na sa tamang beat at tempo. Di gaya ko ana di man lang tumatama sa kahit anong beat. Parating nalilihis. Pero binigyan niya akong pagkakataon na magperform nang inorganisa nya ang anniversary party ng aming organisasyon. Sinama ako ni Joe sa line up para makapag perform kami ng Cheter Dance Crew. Maari tong ituring simpleng trip pero napakalaking bagay nito sa kin.
Buong buhay ko kasi, nangangatog ako kapag sayawan na ang usapan. Hirap akong magmemorize ng dance routine at hirap akong sundan ang saliw ng musika. Madalas akong pagtawanan. Kaya nang binigyan nya akong pagkakataon na magsayaw sa entablado kasama ang Cheter Dance Crew, at pinayagan akong magsayaw bilang ako, nakahanap ako ng tiwala sa ‘king sarili.
Nag-exchange din kami ng dancing videos namin ng “Di Lahat” ni Donna B nang kaka-launch pa lang ng music video nito. Pinagtatawanan namin ang isa’t isa.
Sa kaniya ko rin natutunan na bago maging ganap na kakaibabe, kailangan kong matutong tanggapin ang aking sarili.
Kaya higit akong komportable ako maging ako kapag kasama ko si Jose.
0 notes
Text
5. Bottomless
Mahilig manlibre si Jose kapag may inuman. Ilang beses ko na ring natunghayan kung gaano siya ka lasing. Marahil dala ng sama ng loob at pagod ay mas pinipili niyang magwalwal. Ganun din naman ako.
Sa bawat lagok ng alak, iisipin mong masaya lang siya. Pasayaw-sayaw, pakanta-kanta hanggang sa nag-iiyak na. Aaminin kong ganiyan din ako.
Marami kaming pagkakatulad maliban sa pagiging galante. Haha!
Higit pa sa isang pitcher ng alak at bucket ng beer ay kaniyang binubuhos sa pagmamahal. Lahat talaga gagawin niya. Labis-labis pa sa extra mile. Kaya nga nang tinanong ko ang ilan sa napakaraming kaibigan niya, hindi ako nabigo makabasa ng imahe ni Jose na kilala ko.
Siya ang kaibigang maaasahan. Siya ang mang-iibig na di kumukupas. Siya ang taong may maraming pinagdaanan sa pag-ibig.
Hindi ko mawari noon kung kahit ilang taon na ang nagdaan ay mahal pa rin niya ang isang taong di siya kayang mahalin pabalik. Di ba’t kahangalan yun? Bakit di pa siya bumibitaw? Paano niya pinipiling manatili kahit na alam niyang di sya mamahalin pabalik? Isang matagal na mahabang palaisipan yan para sa kin.
Ilang taong niyang balak nya tiisin ang sakit?
Kahit maraming naging saksi kung paano siya magmahal ng ibang tao, hindi lahat ay nagawang puspusang obserbahan ang kaniyang paglalakbay patungong self-love.
Para sa ‘kin, ito talaga ang pinaka ipinagdidiwang ko sa lahat ng nangyari sa kaniya. May ngiti na sa kaniyang mga labi.
Sa wakas, di na niya inubos ang pagmamahal na mayroon siya para lang sa ibang tao, nagtira na rin siya para sa kaniyang sarili.
0 notes
Text
6. Usapang Unrequited
We share the same language of unrequited love. May binuo nga akong playlist tungkol dito, “Unrequited love is such a staple” Hindi na nawala. Nanatili na lang.
Kung dati ay kinukwestyon ko ang kaniyang pananatili sa pag-ibig na di naibabalik, ngayon naman sa kaniya na ako dumudulog kapag hindi ako makapag-move on.
Bakit ba kasi kami nahuhulog sa mga taong di kami kaya mahalin pabalik? Napakakomplikado tuloy. Ang hiap hindi humarap sa salamin at pagmasdan ang bawat parte ng pagkatao mo. Tapos, tatanungin mo kung bakit hindi ka niya magugustuhan kailanman. Oo na, cliche. Pero alam kong di lang naman kami ang nakaranas nito.
Dumating pa nga sa puntong para kaming nagpapaligsahan sa mga karanasan. Ako siguro ang may mas marami, pero sa kaniya yung may pinakamatagal. Hanga ako sa katatagan niya.
HIndi na ako nagtanong. Matindi ang naging impact sa kaniya ng mga taong yun at malalim ang pinanggagalingan ng kaniyang nararamdaman.
Sa kaniya ko rin natutunan na di lang sa tao maaaring makaranas ng unrequited love dahil sa maging sa mahal naming tanghalan ay ganun din. Hay, parang namumuro na kami sa aspetong ‘to. Pero dahil sanay na kaming hindi magpatinag, naging mas malawak din ang pang-unawa namin sa pagmamahal. Alam naming hindi madali magmahal.
Anumang paghanga ko sa kaniyang katatagan, naging ganun din ang paghanga ko nang pinayuhan niya ako na bumitaw na sa taong mahal ko.
“It’s time to let go.”
Iba kapag nanggaling sa kaniya. Halos magka-wavelength kasi kami dito kaya iba ang tama sa ‘kin ng mga salitang yun. Nag-iiyak ako sa kaniya noon habang nasa isang call ng madaling araw.
Pero napakalma niya ako. Kailangan ko na sigurong lisanin ang unrequited love series ng buhay ko.
Salamat, Jose.
0 notes
Text
7. Mag-isa
“Oo. Tanggap ko na Jane, Wanda na wala na kong lalaking makikita. Tanggap ko na magiging mag-isa na lang ako sa buhay.”
- Doris, Status: Single (2009)
In the wise words ng aming patron na si Doris (Rufa Mae Quinto) sa peilikulang Satutus: Single, tanggap na namin ang aming kasalukuyan at hinaharap bilang bachelor/spinster. Mamumuhay nang mag-isa.
O kung sakaling magbago ang isip ni Jose, at piliing mag-asawa, ayos lang din naman. Suportado ko naman siya. Pero as of February 2021, parehas pa kaming single. Pwede pa naming sabay i-recite ang monologo ni Doris.
Oh. Oo, naririnig ko kayo. Bakit di na lang kami? Well, di pa natin masasabi. Baka mas bagay sa ming maging celebrity love team. Basta wag lang kayo madisappoint kapag di kami nagkatuluyan sa huli. Charot.
Basta ang alam ko namili na siya panggantsilyo, bumili ng bed sheet. Ay! Pawang Haka-haka lang naman lahat ng yan. Pero malay natin yan talaga ang laman ng shopping cart niya sa Lazada o Shopee.
Baka di naman habambuhay maging single si Jose, darating at darating din ang magmamahal sa kaniya. Yung romantic. Dahil yun naman ang bet niya.
Hahayaan ko siya sa kung anomang hanap niya. Basta sumaya lang siya sa araw-araw.
0 notes
Text
8. Silang Mapapalad
Dear Charo I'm thankful for Joe for many things but in general it's for sticking with me during college. Your mere existence gave me strength to live and change myself for the better so I may change the world for you and many others. Being there with me when I need a friend or someone to talk to or someone for me to listen to. It was everything for me and I was grateful. Please keep on living till that day comes....when I change the world
- Jo Dale
*Nung bumisita ako sa BGC Fully Booked nilibre ako ni kuya joe ng pizza from the store with his employee id di ko alam pano transaction pero ang cool kasi parang VIP feeling hahahaha *Book related din omg pero nung may Sticker Con sa highest floor ng BGC fully booked nakasalubong ko si kuya joe may event sa 3rd floor ata tapos ang cute lang kasi ang daldal ni kuya joe tapos very enthusiastic siya to see me and di naman ako madalas sa BGC area so ang comforting lang ng presence niya *Book related 3.0, nung MIBF si Kuya Joe nagmaman ng fully booked booth tapos kami ni panjelu nangungulit tapos ang cute ni kuya joe hinuhumor naman kami like work mode siya pero ramdam naman namin he's happy to see us (puro recent memories ahahahaha) let's continue to make good memories sa book club kuya joe! ahahahahaha
- Chloe
I can name three unforgettable moments: the sweetest was giving me my teatro name. Hehehe. Then there was this one time, nasa Mcdo Lacson yung t****, lumapit siya saken para bulungan ako, "wag ka dyan. dito ka sa side namin, ayaw sayo ng mga tao dyan" I mean, that moment meant a lot. Siguro sakanya wala lang yun but I took it as if the person really cares for you. Then last would be during signatory. Ang dami niyang advice about love life only to figure out later on mas marupok pala siya saken. Pero at that time he made me understand na it's okay to do stupid things for love. At the end of the day, nagmahal ka lang. I look up to him din because siya talaga first mentor ko sa events management. So I super appreciate his existence po.
- Andrea L.
The sweetest thing that Joe Valera has done for me is when he gave me a book by Colleen Hoover. I believe that it's entitled November Nine. So there was a time when I was so obsessed with Colleen Hoover. Being employed in Fully Booked, he surprised me with a book and it wasn't my birthday, it wasn't anything special, it wasn't even Christmas but he gave me a present. That made me feel so special and ang sarap sa feeling that someone like Joe Valera remembered me, remembered what I shared to him, the authors that I like and all that. And it just really made me feel very special. So thank you Joe and I love you. Salamat.
- Bea
The sweetest thing that Jose has done for me would be probably just listening and laughing at my jokes dahil alam kong di naman pang masa mga joke ko HAHAHAHA and also, probably being an option for him to invite to watch a marvel movie kahit alam kong hindi ako ang kanyang 1st option And lastly, pag alaga niya pag lasing ako HAHAHAHA kahit alam kong nageenjoy siya when i am a wreck.
- Charisse
The sweetest acts that Jose Miguel have done for me were his yearly bolang kristal hula about my fate every year (hinihintay ko pa this yr ehem) and nung college years EB siya nun he was there for my heartbreaks in life and he encouraged me to be a better person. Thank you Jose Miguel you deserve someone who also has a big heart like yours.
- Katrinna
There's this one time in 2014(?), very vivid sa mind ko. Naglalakad kami papuntang Lacson from carpark tapos he did a card reading for me and it was FUCKEN ON POINT B*TCH. From the confusion with the shifting and the opposing parents, etc etc. And I knew from that point, he's now my fave witch bitch. Cheka hahaha labyu mamsh
- Chelsea
Ilan lamang sila sa maraming tao may maliit na espasyo diyan sa puso mo. Sa sobrang laki ng puso mo, napakapalad namin na makapasok at manatili dito.
0 notes
Text
9. Sa Puso Niya
Bilang anak siya ni Poseidon,
Nais kong magpaagos,
Magpatangay sa alon
Hanggang mapadausdos
Sa payapang pampang.
At di na mag-aalangan
Na may mapupwestuhan
Idadaan sa buong tapang
Ang piniling pag-ibig
Idinaan na lang sa titig
Muling umagos ang tubig
Ngunit di na nagpadaig
Sa ating pagsugod,
Lumusong, Nagpaanod,
Sumubok, Lumuhod.
Nanalangin na di mapagod.
0 notes