Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Minsan ay hindi mo malalaman ang isang halaga ng isang sandali hanggang sa ito ay maging isang alaala.
Mahaba ang byahe papunta sa Baguio, tatlong oras bago rito makarating at bus ang sinakyan namin papunta rito.
Totoo namang malamig dito sa Baguio. Maraming lugar na talaga namang babalik-balikan mo dahil sa tanawin at masasayang aktibidad dito. Kasama ko ang buong pamilya ko rito mamasyal.
Ang una naming pinuntahan dito ay ang Burnham Park, sumakay kami sa bangka rito ngunit sa panahon na iyon ay hindi maganda ang hitsura ng tubig dahil ito ay kulay berde. Ngunit naging masaya naman ang karanasan ko rito.
Sunod naman na aming pinuntahan ay ang Mines View Observation Deck. Maganda ang tanawin dito, may mga dayuhan at Pilipino ang pumupunta rito dahil sa tanawin dito. Bukod dito ay mayroon din silang kabayo na pwede mong sakyan. Nag-renta rin kami ng kanilang tradisyunal na damit ng mga Igorot.
Masaya silang kasama, puno sila ng ngiti sa kanilang mukha at mararamdam mong ikaw ay laging welkam sa kanilang lugar. Sikat din sila sa kanilang taho na flavoured strawberry at pwede ka ring mamitas ng sarili mong presas o ang strawberry.
Silang ang tinagurian bilang “Capital Summer of the Philippines.” Bukod dito ay binisita rin namin ang The Mansion ng Baguio, malaki ito at puro puti ang disenyo.
Hindi namin napuntahan lahat ng lugar sapagkat magdidilim na’t kailangan na naming umuwi. Masaya ang paglalakbay ko sa Baguio dahil kasama ko ang aking Pamilya.
1 note
·
View note
Text
Bawat alon ng buhay ay dumadating sa atin dahil ito rin ay may bawat rason.
Talaga namang magagalak kang lumangoy kapag nakita mo pa lang ang dagat na ito sa Cabongan beach, Pangasinan.
Ito ay apat na taon ng nakalilipas simula ng maranasan kong makapunta sa probinsya ng Pangasinan. T’wing bakasyon ay pumupunta ako rito upang magpahinga. 4 na oras lamang ang byahe dahil gabi kami bumyahe sa raw na iyon.
Bukang liwayway ng pumunta kami rito, kasama rin ang kaibigan ng pamilya ko. Samu’t saring pagkain ang dala ng bawat isa, kami rin ay nag-renta ng karaoke upang magkantahan at magkaroon ng sigla ang bawat isa.
Makikita mo sa mga bata ang kanilang saya habang lumalangoy sa dagat, dahil sila rin ay malaya katulad ng kalmado at tahimik na dagat.
Ang mga tao rito ay mababait din, minsan ay hindi ko sila maintindihan dahil sila ay may sariling dialekto sa pagsasalita, ang panggalatok. Masaya rito t’wing pasko at bagong taon dahil mararamdaman mo talaga ang lamig at presko ng hangin na humahampas sa iyong balat.
Sikat ang Pangasinan dahil sa mga isda, lalo na ang bangus. Sa umaga naman ay makikita mo ang mga kakanin, lalo na ang binungey na gawa sa malagkit na kanin. Masasaya rito ang mga tao at nagkalat ang mga bata t’wing sila ay may fiesta.
Maganda ang mga tanawin dito, lalo na ang mga dagat ngunit hindi ko man napuntahan lahat ay sadyang kalmado talaga ang mga dagat dito.
Kalmadong dagat, ang bagong liwayway na magbibigay ng bagong bukas at ang paglubog ng araw na siyang nanalamin sa karagatan at katapusan ng magandang paglalakbay ko sa Pangasinan.
Kagaya ng dagat, kaya ko ring kalmahin ang sarili katulad ng pagkalma niya, katulad ng bagong liwayway, ako’y may bagong bukas at katulad ng kulay kahel sa dapit-hapon na nanalamin sa dagat, ako rin ay mananalamin sa’king sarili dahil nagtagumpay akong maging masaya sa araw na ito.
1 note
·
View note
Text
Kulay kahel na dumadapo sa aking mukha, masarap pagmasdan ang tanawin sa cloud 9, Antipolo. Nakakawala ng pagod.
Kasama ko ang aking mga kaibigan pumunta sa Antipolo, bago kami pumunta roon ay nagdadalawang isip pa kami dahil ito rin ay may kalayuan sa aming lugar. Ang Antipolo ay isang lungsod sa silangan ng Maynila dito sa Pilipinas at ito rin ay kilala bilang isang Catholic Pilgrimage site.
Sa huli ay napag desisyunan naming pumunta roon dahil minsan lamang namin ito mararanasan at gusto rin namin magtanggal ng pagod.
Ang pagpunta roon ay sadyang mahirap kung ikaw ay walang sariling sasakyan kaya naman kaming magkakaibigan ay namasahe papunta roon.
Ang una naming sinakyan ay jeep na papuntang Cubao, MRT. Kasunod naman ay sa station 2 kami pumunta ng MRT. Pagkatapos ay nakarating na kami sa Antipolo, sa babaan ay may Mall at mga jeep, tricycle at mini bus. Kung saan mo gustong pumunta sa iba't ibang parte ng Antipolo ay pwede kang sumakay sa mga ito.
Napag desisyunan namin na sumakay na lamang sa mini bus dahil mas mura ito kesa sa dalawang sasakyan na aking nabanggit.
Maraming kapehan, talon, museo at restaurant sa iba't ibang parte ng Antipolo, hindi nga lamang namin ito nasubukan lahat dahil hindi sapat ang aming badyet. Dalawang oras muna bago kami makarating dito.
Pumunta kami sa overlooking o Cloud 9 na sinasabi nila at ito rin ay may entrance fee kung sakali mang gusto mong umakyat o maranasan ang tinatawag nilang overlooking. Pagka akyat namin doon ay malamig ang hangin at talaga namang nakaka-relax ang tanawin doon. Marami ring dayuhan at mga Pilipino na namamasyal dito.
Masaya ang aking naranasan sa pagpunta sa Antipolo dahil kasama ko ang aking mga kaibigan. Puno ng saya, tawanan at kwentuhan ang aming pagsasama sa Antipolo. Talaga namang babalik-balikan ang Antipolo hindi lamang sa mga tanawin kundi sa mga tao rito, dahil sila ay pala kaibigan at masayahin.
2 notes
·
View notes