Ang haraya ng isang manunulat ay tatagos sa anumang tarangkahan ng kamangmangan. Imumulat ang mga nakapikit na ipokrito at paiibigin ang mga inagawan ng puso, dinala sa malayo kaya may malaking kulang kahit na mukhang buo. Ang manunulat ay mamamanata na ibukas ang mga bagay na nakatiklop sa talutot ng purong intensyong ilahad ang mga pangyayaring mabilis na nagbabago. Hindi ito pambata.
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
SHET SA ISANG UMAGA, Dagli
Ronnel B. Agoncillo Jr. | April 19, 2017
Hikab. Ugh. Ungol. Shet! Sa isip ko.
‘Mahirap kumita ng pera’, ang huling linyang narinig ko sa panaginip ko.
Dumilat ang umaga. Nag-unat ako nang mahaba-haba. Pagod. Dahan-dahan lang ang pagbukas ng mata. Nangingilala sa liwanag ng papasikat na araw na sumisingit sa mga gilid-gilid ng bintana. Pagbaba ko ng aking kamay, nasagi ko ang isang handle na bakal sa gilid ng braso ng isang babae na katabi ko sa kama. Naka-t-shirt at panty lang. Ay. Shet.
Inayos ko ang aking pagkakahiga at dinala ang aking mga mata sa kanyang mukha. Shet, ang ganda. Pinagmasdan ko ang kanyang mga mata. Nakapikit pero bahagyang nakaangat ang mga talukap, sapat para masipat ang mapusyaw na orange na kulay ng kanyang mga mata. Gustong-gusto kong pinapanuod siya habang parang natutulog. Hinaplos ko ang buhok niya. Inayos ang pagkakahimlay nito sa kanyang mga balikat. Gayundin sa kanyang mukha. Katulad ito ng mga umagang pinangarap kong kagisnan. Napangiti ako. Kinilig nang kaunti. Shet. Naisip kong kung totoong nakakatunaw lang ang titig, malamang ay umaagos na ang mukha nito sa kama. Maganda siya. Bagay kami.
Pero teka. Shet. Ano nga bang pangalan ng babaeng ‘to? Nagising na naman ako sa kamang hindi naman sa akin. Ramdam ko ang pagod sa katawan. Siguro dahil sa nangyari kagabi? Shet. Pero ayos lang. Kahit ilang beses man akong magising nang pagod sa kwartong hindi ko kilala, kung ganitong mukha ba naman ang bubungad sa akin kada umaga, aba ayos lang! Siguro magpapahinga na lang muna ako nang kaunti. Itinaas ko ang braso niya at iniikot sa aking balikat. Medyo mabigat at mahirap. Pero ayos lang. Atlis nakaunan na ako sa kanyang mga bisig. Mas malapit na ang mukha ko sa kanya. Mukha kaming legit na kopol na naglalandiang magkapulupot. Shet. Nakakakilig. Alam ko ang iniisip ninyo, tsansing ito. Galawang hokage. Ano naman? Minsan lang naman. Pagod ako.
Habang magkaulayaw ang aming mga braso sa kama na paminsang may pagsanggi-sanggi sa boobs niya (hindi ko sinasadya, pramis), parang may kung anong likidong dumaloy sa katawan ko. Mula sa taas, pababa. Hindi ko mapigilan, ganunpaman, gets ko kung ano ito. Libog. Shet. Libog nga. Hindi ko to linya pero may kung anong bumubulong sa akin. Hindi ako naniniwala sa demonyo. Pero may bumubulong talaga, ang sabi, mahirap daw kumita ng pera. Walang ilang sandali ay natagpuan ko na lang ang kamay kong humahaplos sa hita niya. Naka-t-shirt lang ‘yung babae, yung maluwag na may hello kitty na design sa harap at may suot na pink na panty na may lace ang gilid. Shet. Parang kristal ang kanyang balat. Kumislot ang nakaumbok sa short ko. Shet ulit. Gusto ko sana siyang halikan, pero naisip ko, hassle. Mag-uumaga na rin. Naglikot na lang ang aking kamay. Deretso na. Pumasok sa panty. Shet, iba ka. Tuloy ko na ‘to, hindi naman ito magigising, sigurado. Nakiliti pa nang bahagya ang kamay ko nang sumayad sa lace ng panty nito.
Kumapa. Kinapa. Kumayod.
Hinagilap ko ang nanunuyo niyang hiyas. Saka sinipat-sipat. Tinantsa ang wetness level. Shet. Hindi nagbabasa. Dating gawi. Hinugot ko ang nakabaong kamay saka dinilaan at muling ipinasok sa salawal ng babae. Kulang pa. Mga tatlong dura sa palad ay dudulas rin ito. Nang nakikisayaw na ang perlas niya sa daliri ko. Ang malayang kaliwang kamay ko naman ang umaksyon. Tinanggal ang butones ng shorts ko, bahayang ibinaba at parang palang inilubog sa hukay ang kamay sa sariling kaselanan. Shet. Basa na rin agad. Iba ka talaga, sabay sulyap sa walang reaksyon na mukha ng dalaga. Diniinan ang ari. Nilaro-laro. Kiniliti. Hindi ko hilig ang kung anong pinapasok-pasok. Kaya okay na ako. Solb na akong makipagniig ang aking daliri sa sarili kong tinggil. Ungol. Iktad. Nilabasan.
Sabi nila, pinakamalinaw daw ang pag-iisip ng tao kapag katatapos lang itong labasan. Saka mo maiisip kung tama ba ang labasan, kung tama ba lugar kung saan nilabasan at lalo na, kung tama ba ang kung kanino ka nilabasan. Ay shet. Totoo nga. Bigla akong nahimasmasan. Bakit ba ako, nagpalabas kasama ang babaeng ito. Una, hindi ko naman siya kilala (ayos lang). Pangalawa, babae siya (pero ayos lang din naman, chiks naman ‘to) Pangatlo, hindi ko dapat dinadala ang kalibugan sa trabaho (Ito hindi na ayos). Ang order lang kagabi sa akin ay isang tusok ng ayspik sa tagiliran. Sa totoo lang, dapat kagabi pa ako sumibat dito. Ang asta ay dapat basta patay na, dapat alis na sa eksena. Shet.
Sibat. Naiwan na lamang ang handel na bakal sa tagiliran.
Nakaraos ang panibagong umaga.
3 notes
·
View notes
Text
Sa panulat ni Jose F. Lacaba
Halaw kay Su Tung-p’o
Kung may ipapanganak
ang dasal ng pamilya
karaniwa’y ganito:
“Maging matalino sana.”
Sapagkat ang buhay ko’y
winasak ng talino,
gusto kong ang anak ko’y
lumaking tanga’t gago.
Sa gayon ay magiging
tahimik ang buhay niya,
at sa kanyang pagtanda’y
magiging senador pa.
0 notes
Text
Tula Para Kay Lucia Joaquin
Huwag mo akong ichachat sa gabi Hindi dahil takot ako sayo O tingin mo'y ako'y mapapasilakbo Kung malamang nasa likod lang kita Kundi dahil ako'y hinding hindi Magkakainteres sa taong nagpipinid Ng mga personal na mensahe sa gabi Sa kung sinong lalaking makikitang gising Naalimpungatan lang naman marahil Ang iyong lalaking nilalandi.
Huwag na huwag mo akong ichachat sa gabi Hindi dahil takot ako sayo Kundi dahil ayon sa sabi-sabi Malagkit daw ang iyong mga labi Sa mga palahaw at pasubali Sa mga nakakausap sa tabi-tabi At kung magkakausap man kami Sigurado akong ako’y walang paki Dahil iyong linya ng salita kasi Bahagyang mayroong bahid ng pagkakiri
Huwag na huwag mo akong ichachat sa gabi At tatanungin kung ilang taon na ako At bobolahing ang mukha ko ay malayo Sa edad, katawan at estilo. At nais mo pang magpalitrato Mangstalk sa facebook ng mga tao Pakiusap, tigilan mo ako Hindi ako takot sayo. Dahil nagtatago ka sa anino Subukan mong hawakan ang aking telepono Paganahin ang flash at pailawin ito Ibablock kita sa facebook at irereport nang husto Dahil ngayon lang ako nakakita ng nag-iinternet na multo.
0 notes
Text
Pinagpalit
Itinabi niya sa bag ang hawak na isang mahabang plastic na nakabalot sa tissue dahil nagdatingan na ang mga katrabaho. Dahil kilala siyang tahimik lang sa opisina, madalas binibiro ng mga kasama o di kaya’y pinagkakatuwaan. “O andito nap ala yung broken hearted friend natin ah! Aga! Daming time?”, kantyaw ng isa. Madalas gagatungan pa iyan ng ibang nagkukunwaring may alam sa nangyari. “Oy nakita ko yung gelpren mo sa peysbuk ah! Ganda na ah! Kasama yung pinalit niya sayo,” Sabay hagalpakan sa loob ng opisina sa maliit naming cubicle. Nakitawa ako nang kaunti. Kaya ba inakala nilang okay lang gawing biro. Isa pa, halos isang taon na rin naman ang nakararaan. Pakiwari’y nila’y wala na sa akin, pero ang totoo, hindi ko alam. Humirit pa ang pinakaalaskador sa kanilang lahat, “Gwapo kaya nung pinalit sa’yo friend, kaya nga ‘dun sumama gelpren mo, kahit may anak na!”. Sakto ang bitaw ng punchline niya, hagalpakan ang mga tao. Ako, halos maknock out sa mga salitang binitawan niya. Ang balibalitang pinagpalit ako ng gelpren ko sa lalaking may anak na. Kahit napakatagal na panahon na ansakit pa rin, dahil sariwa pa ang mga katagang sinabi niya bago magpaalam. hindi ko raw kayang sumalo ng responsibilidad, na wala raw akong komitment, na ayaw ko raw mag-isip na bumuo ng pamilya”. Kaya ba siya naghanap ng lalaking may anak na, instant family? matapos ‘nung pagg-uusap na iyon, bigla na lang siyang nawala. Hindi na nagpakita, dahil ayaw na niyang magpakita. At matapos ang mahigit sa siyam na buwan, bigla na lang may lilitaw na mga larawan niya at ng kanyang bagong kasintahan kasama ang sanggol. Masakit. Masaki tang magmahal. Mas masakit ang maiwan. Pero wala nang mas sasakit pa sa dinala niyang sanggol sa sinapupunan niya, ang anak ko, na pinaako niya na lang sa iba.
0 notes
Text
Isang Araw sa Buhay ng Isang Sawi
Wala namang bago sa araw na ito. Katulad pa rin ito ng mga umagang nagigising ka na nilalamig Tulad ito ng karaniwang pag-aalmusal sa umaga nang mag-isa Tatlo ang hotdog, di dahil para sa i love you kundi gutom kasi ako Dalawa ang itlog, ngunit mag-isa ka lang uubos nito Isa. Mag-isa ka lang makikipagsalo sa alaala habang iniisip kung iniisip ka rin ba niya o pareho ba kayo ng sitwasyon sa umaga At pagkatapos sasampalin ka nang katotohanan dahil makikita mo sa post niya ang larawan niyang masaya samantalang ikaw napako na sa konseptong “babalik siya”.
Maliligo ka, bubuksan mo ang tubig at hahayaan mo itong umagos sa sahig Ngunit di tulad dati na may maririnig kang boses at sisigaw na hwag kang mag-aaksaya ng tubig. Hindi ba’t ito rin ang sinabi mo sa kaniya nang huli kayong nagkita? Hwag siyang mag-aaksaya ng pag-ibig. Magsasabon ka at maghihilod baka sakaling mahugasan mo ang lahat ng pagkakamaling naidulot nang minsan kang matukso sa isa sa mga kabarkada Maghahanda ka para sa pag-alis Ngunit hindi ang kaniya ang desisyong iwan ka Hindi ka naging handa dahil wala namang naging hudyat
Magsisimula kang maglakad Maghihintay ka sa dati ninyong tagpuan Sa lugar na madalas niyong kitaan Sa lugar na naging saksi sa matiyaga mong paghihintay sa kaniya- noong kayo pa. Maghihintay ka. kahit na alam mong wala ng pag-asang darating siya Maghihintay ka. ngunit matatagpuan mo ang sariling ikaw na lang ang naghihintay At hindi mo alam kung nais niya pa bang maghintay ka O sa iba na niya nais magpahintay pa. Mapapagod ka at uusad. Sasakay ka at mauupo sa sasakyan naging tagahatid sa inyo – mula nang maging kayo noong kolehiyo Hanggang sa ngayon- siya sa paaralan kung saan ka nagtapos Ikaw sa paaralang pilit mong niyayapos sa sistema mo. Malamig. Tulad ng pangkaraniwang lamig sa loob – ng fx at sa pakiramdam mo sa nagdaang ilang linggo nang wala siya. Guguhit sa iyong isip ang panahong sumasapat ang yakap mo sa kaniya upang pawiin ang lamig nakukuntento kayo sa mga espasyong maliliit kahit pa masikip kahit halos di makaupo ang mga puwit. Alam mong kuntento ka. Kuntento siya. sumasapat ang usapang walang patutunguhan ngunit nauuwi sa kiligan, tawanan, o tampuhan sumasapat ang mga planong pinaghahandaan ang pangarap na kasal, ang mga dapat imbitahan mga magulang, kaibigan maging ang pinakamaliit na detalye ng upuan sumasapat ang nga halik para sa anumang uri ng iniindang sakit Sumasapat ang lahat ngunit pakiramdam mo ngayo’y di ka naging sapat- sa kaniya. Bakit ikaw lang ata ang nakuntento at di siya.
Darating ka sa paaralan kung saan ka nagtatrabaho di tulad ng dati Ilang linggo nang masyadong pilit yang mga ngiti mo sa mga tugon, bati at paggalang ng mga taong nakakasalubong Pilit ang galaw. Sa lahat. Tulad ng pagpupumilit mong makapasok pa sa mga pangarap niya Habang siya, nagsusulat ng akda nangangarap na may kasamang iba. Mauupo ka sa lamesang minsang naging kaibigan niya sa tuwing abala ka pa sa tuwing hinihintay ka niya sa gabi o hapong naroon siya Mapapansin mo ang mga papel na dapat mong tsekan At saka mo maaalalang. Minsan o madalas siya ang iyong naging katuwang sa pagtatapos ng gawaing ito Kapag masyado ng tambak ang trabaho Kapag masama ang pakiramdam mo At hindi ang pagkawala ng pagtulong niya ang nagdudulot ng mga luhang namumuo ngayon sa mata mo kundi ang sakit na ang nawala ay siya mismo. Nang-aasar ba ang kalagayang bilang guro Naitatama mo ang mali ng iba ngunit hindi ang pagkakamali niya sa inyong relasyon?
Pipilitin mong maging abala sa buong araw Magbabakasakali ka. Na maibsan, matakpan man lang ang sakit na dulot ng di inaasahang hiwalayan Magbabakasali kang sakaling dumating siya isang hapon At sabihing magising ka. sapagkat panaginip lang ang lahat Panaginip lang ang pagkawala ng kislap sa mga mata niya habang kayo pa Panaginip lang na nawalan na siya sayo ng gana Panaginip lang na nagkukunyari siyang masaya Panaginip lang na di ka na niya nakikitang mangarap ng kasama ka Panaginip lang na di siya ang may problema Panaginip lang ang mas pagpili niyang bitawan ka para sa atensyon ng iba Sa isang atensyong ang tanging sigurado ay di tiyak Sa halip na ilaban ang sa inyo bumitiw siya Panaginip lang na mas pinili niyang lumayo sa halip na magsumamo Baka nanaginip ka lang. Baka naman, kahit sandali lang. Ngunit napapagod ka lang managinip at ginigising ka mismo ng sakit. Na ito na ang ito. Wala namang magbabago.
Madalas na itinatatak sa isip ng tao- ng lipunan na ang lalaki ang nang-iiwan ngunit sa sitwasyon niyo, ikaw ang pinagpalit Kahit alam mong wala kang pagkukulang At kung meron man. Putang ina! Bakit tila pinagkaitan ka ng pagkakataong bumawi man lang
Ikaw ang sinaktan Kahit sumusuko na siya Ikaw ang lumaban Ikaw ang siyang di naghanap ng iba Ikaw ang humingi ng tawad sa mga kasalanang siya ang gumawa Ikaw ang sinisisi ng mundong ito. Dahil lalaki ka. At kahit mukha kang gago Kahit na alam mong nanloloko Heto ka’t tinatanggap siya nang buo.
Ngunit tulad ng isang buong umaga, natatapos din ito. Tapos na kayo. Bagama’t walang kasiguraduhan pagsapit ng gabi May kakaibang ganda ang dilim May mga bituing maaaring maangkin Hindi ka na matatakot sa bago dahil may ligayang dulot ito kaligayang mas tumatagal sa pakiramdam. may hangganan ang malamig na pakiramdam Tapos na nga ang sa inyo. Hindi ka niya hinabol. At kung tinangka man niya? Malabo. Magulo. At nang iwan ka niya Wala kang nakitang panghihinayang Dahil kung mayroon, hinabol ka niya nung una pa lang
Iukit mo sa isip at puso mo Hindi pagsusulit ang pag-ibig niya dahil hindi siya handang magtama Hindi basta isang panaginip ang desisyon niya dahil hindi ka niya binigyan ng pagpipilian Ni hindi ka niya hinayaang magising man lang Hindi isang tagpuan ang desisyon niya dahil hindi ka man lang niya hinintay magpasya Hindi isang sasakyan ang pag-ibig niya dahil hindi siya nakuntento na ikaw lang ang pasahero niya At kailangan niyang ibaba ka sa daan Na kung nais niyang balikan ay gagawin niya nang basta basta lang.
Magtatapos ang araw na uuwi kang pagod – Pagod ka nang umunawa at sisihin ang sarili. Namanhid na ang iyong pang-unawa Nauubos na iyong mga luha at di mo na kayang magpumilit pa.
Magbibihis ka ng damit na luma ngunit pakiramdam mo’y bago Tulad ng pagsubok muli sa mga bagay na hilig mo – noon. na nung kayo pa ay naisantabi mo. Mas nasasabik ka na sa mga bagong lugar na maaaring lakbayin mga bagong karanasang subukang gawin taong nais pangarapin mga kaibigang mas nabigyan sana ng pansin Mas nangingibabaw na ang hangaring Bukas paggising di ka na maghihintay sa dating tagpuan di na pilit ang mga ngiti sa kwentuhan di na muli isang pangkaraniwang lamig ang maramdaman, bukas paggising may kasalo ka nang nag-aalmusal sa umaga. Bukas paggising Wala ng sakit Kundi tunay na pag-ibig lamang at ligaya.
0 notes
Text
Over Thinking Over
Marami tayong problema.
“Life is full of sufferings” – Buddha
May mga pagkakataon, wala tayong magawa dahil nawalan na tayo ng kontrol at pagkakataong magkaroon ng pagpipilian. Minsan, kahit naman may pagpipilian, hindi pa rin tayo tunay na malaya.
Ganunpaman, nabubuhay tayo upang maging masaya. Nabubuhay tayo hindi para lamang sa mga sarili natin kundi para rin sa iba. Nakalulungkot na kung minsan, dahil sa mga problemang ating nararananasan ay nilalamon na tayo ng sarili nating isipan sa pamamagitan ng sobrang pag-iisip, pagpaplano, at pag-asa na masusundan lahat ng ito. Sa huli, madalas, ito rin ang dahilan kung bakit tayo nasasaktan.
Nito lang, isang pagsubok ang dumating sa akin, ang paglayo ng isang mahalagang tayo sa buhay ko. Dahil doon, naapektuhan ang buong pagkatao ko, ang gawi, pagsasalita, pakikitungo, lahat. Lahat ng iyan ay maituturo nating dahil sa sobrang pag-iisip. Simula noon, nasanay na ako na maging mahusay sa pagpaplano. Ang gusto ko, alam ko ang gagawin ko. Hindi nauubusan ng ideya. Alam kung saan patungo. Ngunit ang pagkabulag ng puso ay walang katumbas kundi ang kawalan ng lahat ng bagay. Dahil ang isang taong nawalan ng lahat, kayang gawin ang lahat. Nabulag ako. Noong una, gustong gusto kong ipagpilitan ang plano ko, katulad nang lagi at dati. Hanggang sa lumipas na wala ni isa doon ang maaaring gumana. Naubos. Naupos. Hanggang isa na lamang akong diwa na walang laman. Naubos ko na lahat ng pwedeng maisip na gawin, subalit walang nangyayaring pagbabago.
Sa pagkakataong ito, dito ko natutunan ang kalahagahan ng minsanang pagsunod na lamang sa agos. Na hindi pala lahat ng bagay ay maidadaan sa isang plano. Minsan kailangan mong marinig, makita, at madama ang paligid at sitwasyon at sa parehong ppagkakataon magpasya. Dahil ang tao at ang mga nakapaligid na mga elemento dito ay tila isang tubig. Nagbabago ng anyo, oras oras, sa anumang lalagyan. Ang natutunan ko ay kailangan minsan ay sumabay tayo rito na parang isang bangka na idinuduyan ng alon. Hindi mo sasalubungin ang alon, bagkus, sasaliwan mo ang bawat pagtaas at pagbaba nito upang upang hindi ka lumubog. Pagkatapos, hindi mo mamamalayang, humupa na ang lahat. Kailangan ng oras, panahon upang maghilom ang lahat. Hindi kailangang mdaliin dahil baka lalo lamang rumupok ang pundasyon.
Ayon sa maraming teorya, nagtatapos ang lahat ng sistema sa isang natural na pagpapatas-patas. Pagkatapos ng maraming unos, normal at natural na magpapatas ang lahat ng bagay upang makabuo ng isang matatag na estadong payapa. Sa madaling salita, magiging maayos din ang lahat.
Kung susumahin ang lahat nang ito, oras at natural na paghilom ang kailangan ng anumang pusong nasasaktan. Maaaring samu’t saring emosyon ang mayroon tayo ngayon, pero hindi magtatagal at huhupa rin ang alon na idinulot ng isang isip na kulang subalit kung mag-isip ay sobra. #
0 notes
Text
Isang Tula
Mahilig siyang magkabisado ng mga tula Mga tula tungkol sa pag-ibig naming dalawa Ngunit bakit nga ba kapag nawala na ang tugma at indayog ng mga salita Ang tanging matitira ay mga hubad na letra Mga bakanteng mata Na dati’y nagliliwanag Sa tuwing titipa Ng bawat saknong talata Namumutla. Namumutla Gaano kasakit kayo ay dalawa Ang bawat taludtod at linya Sabay na dumadaloy sa isa Ngunit agos ng isang sigwa Ang unos ng tula Papunta sa kaliwa Ang manunulat ay siya Ang panulat ay punyal Sa puso ang kambas Ngunit dulo’y nagsasawa Sa papel paborito niyang dumiwa Ng laman ng puso’t paksa Ang tinta nagkalat sa papel ng tula Mga pangalang pinag-alayan ng sinta Dahil tandang tanda ko pa Kung panong pinuno mo nang Ngalan nating dalawa Nakasulat sa rosas na tinta Apelyido ko’y inangkin mo na Buhay nating naglapat na Sana. Itim na ang kulay ng tinta Napansin nang minsang nagkakabisado siya Ng mga tulang inalay noon pa Ngunit tono’y hindi mabata Bawat tula ay may pamagat Ngunit bakit kanya ay wala Puno rin ng burdang pangalan niya Ngunit iba’y hindi na mabasa Inilapit ang puso sa nabubulok na papel Ngunit mas nabulok ang pusong nabulag na Sa nakitang iba na pala Mga pangalang nakaukit sa mga mata Tumingin ako nang deretso sa kanya At nagsambit ng siya na ba? Walang alinlangan akong nakita Walang pagdadalawang isip na humambalang Walang kahit anong namagitan sa kandilang Nauupos na.
1 note
·
View note
Text
Commitment
May nakausap akong isang matagal na at matapat na kaibigan. Sa aming pag-uusap, napakarami kong napagtanto at natutunan.
Isa sa pinakaipinagpapasalamat ko ay nang banggitin niya ang salitang commitment. Sabi niya, sa isang relasyon, hindi sapat na puro pagmamahal lang. Na kapag wala nang saya at wala nang nararamdaman ay ayawan na. Dapat may commitment. Ibigsabihin, nakatali ka sa isang pangako na kailangan mong tuparin. Ibigsabihin, wala nang ayawan sana. Ibigsabihin, hindi na sana nagiging issue ang kawalan ng saya. Dahil masaya man, malungkot man o pinakamasalimuot man na pangyayari sa buhay ang dumating, kung matatag ang commitment, totoong magkakaforever. Pero kung kaiba man ang mangyari, ibig sabihin walang commitment. Sabay bigla niya akong tinanong, gusto mo bang makasama habang buhay ang isang taong walang commitment? Siguro kung hindi man ngayon, darating ang araw, baka sa mas malalim pa na estado, masasaktan at masasaktan ka lang.
0 notes
Text
Mapanghating Asignatura
Anong paborito mong subject? Math? Filipino? English? Science? Bakit mo ito naging paborito? Dahil ba sa magaling ka sa asignaturang ito? O dahil ang naging guro mo? O dahil interesado ka sa mga lessons na nakapaloob dito?
Kung ano man ang sagot mo, alam kong may iba’t ibang dahilan tayo kung bakit natin nagugustuhan ang isang asignatura. Ganunpaman, sa aking palagay, may mga pagkakataon na nahahati tayo dahil sa mga asignaturang ito. Sa perspektiba ng isang guro, may iba’t ibang larangan tayong pinagkadalubhasaan. Ibigsabihin, sa mahabang panahon, gumugol tayo ng maraming oras upang mamaster ang ating sabjek. Ibigsabihin, anumang sulok ng aralin nito alam natin. Tayo ang nangunguna sa larangan nito. Tayo ang master. Tayo ang may alam.
Sa kasamaang palad, kasabay nito, para rin tayong mga bilanggo na nakakulong sa mga asignaturang ito. Oo, tayo ay naging espesyalista at eksperto sa partikular na larangan subalit napako na tayo doon. Isang paghahalintulad nito ay ang sobrang pagtitig sa isang bagay subalit nawawalan na ng kakayahang makita ang paligid. Sa madaling salita, pinaliliit natin ang ating mundo dahil masyado na tayong nakatutok sa isang partikular na larangan.
“Ayon kay Felipe De Leon, isang national artist, sa kanyang talumpati para sa Pagtatapos ng mga mag-aaral ng Philippine Normal Univeristy – Mindanao noong 2016, “we became all specialist but all we really need are generalist”.
Pinalawig pa ni G. De Leon ito sa kanyang talumpati sa pagpapaliwanag ng isang halimbawa na mayroong tayong mga doktor para sa EENT o para sa eyes, ears, nose & throat. Inihiwalay ang unang ‘e’ dahil mayroon nang espesyalista sa mata, ang mga optalmologo at optometrist. Nakabibigla na sa kasalukuyan, mayroon pa palang mas espesyalistang doktor para sa kanang mata at para sa kaliwang mata. Nakakatawa subalit totoo. And dapat sana’y tignan natin ito bilang isang buo, dahil lahat ng partikular na bagay ay bahagi ng isang kabuuan. Ganito ipinaliwanag ni G. De Leon na ang bawat larangan o asignatura sa mundo ay magkakaugnay.
Isa pa sa talamak na hindi magandang nagaganap sa loob ng akademya ay ang hindi pantay na pagtingin sa mga asignatura. Sinasabing sa pagpasok ng ika-21 siglo, mas pinahahalagahan na ang mga asignatura sa matematika, agham at ingles. Lahat ng ito ay para sa mas mainam na pagsabay daw natin sa pabilis nang pabilis na globalisasyon. Subalit totoo nga kaya ito? Nakalulungkot na dahil sa dikta ng nagbabagong mundo at pakikibagsabayan sa ibang nasyon, (na siguradong may ibang pangangailangan, kultura, at antas ng kaunlaran) ginagawa na rin ito sa ibang Unibersidad sa Pilipinas. Hindi maikakailang nakatuon ang pansin sa mga asignaturang ito, may kinalaman sa academic freedom, pagbibigay ng badyet at polisiya sa mga paaralan. Isang halimbawa nito ay ang kamakailan lamang na ipinatupad na polisiya ng Philippine Normal University – Manila na ‘conditional passers’. Sinasabi sa polisiyang ito na ang mga mag-aaral na hindi nakapasa sa entrance exam ng Pamantasan ay bibigyan ng pagkakataong makapasok pa rin basta ay hindi sila mag-eenrol sa mga majorship katulad ng Sciences, Math o English. Ang pinapayagan lamang ay mga asignatura sa larangan ng arte, wika, pampalakasan, at araling panlipunan. Malinaw na ito ay isang uri ng hindi pantay pantay na pagtingin sa mga asignatura at isang anyo rin ng pagsagka sa karapatan at kalayaan sana ng isang mag-aaral na makapamili ng tatahaking course lalo na gayong nakapasa naman ang mga ito sa ‘majorship screening exams’ ng mga subject na ito. Malinaw na ang bansa, kaakibat ang iba’t ibang institusyon katulad ng PNU ay nagpapamalas ng maling pagtanaw sa pagpapahalaga ng mga aralin sa iba’t ibang larangan sa loob ng akademya. Ganunpaman, mariin nating nililinaw na wala tayong kahit anong nakikitang masama sa mga asignaturang nabanggit. Ang malinaw na ating kinukendena ay ang hindi pantay pantay na pagtingin ng mga administrador sa mga subject na ito na nagiging giya nila sa kasalukuyan sa pagpapatupad ng mga polisiya.
“Ang lahat ng pag-aaral sa anumang larangan, sa anumang asignatura, sa anumang akademya ay pantay pantay at dapat pinagkakasunduang mahalaga upang patuloy na umunlad ang lipunan” -Agoncillo
Bukod dito, may mas malala pang kinakaharap ang ating sistema ng edukasyon. Kung nakikita nating masama ang pagtinging di-pantay pantay sa mga asignatura, mas dapat din nating kundenahin ang hindi pagbibigay pansin nang kahit kaunti sa mga asignaturang kailangang kailangan sana ng bansa. Isa sa halimbawa nito ay ang pag-aaral ng agrikultura, sistema ng panahon, likas na yaman ng bansa at marami pang iba. Nakalulungkot na walang puwang ang mga asignaturang ito sa kurikulum ng ating basic education. Mababakas natin ito sa ating kasaysayan nang ipunla ng mga Amerikano ang isang kolonyal na sistema ng edukasyon. Kaya naman hanggang sa kasalukuyan ay may epekto pa rin sa atin ang mga impluwensyang ito. Walang masama sa pag-aaral ng Ingles, Calculus, Chemistry, Genetics at iba pa, kahit na hindi pa umaabot ang sistema ng produksyon natin para tuluyang magamit ang mga iyan. Dahil agrikultural ang bansang Pilipinas, mas mainam sana kung pinaglaanan din ng espasyo sa ating kurikulum ang iba pang mahahalaga ring asignatura na sigurado akong kailangan ng bansa sa kasalukuyan.
Lahat ng suliraning nabanggit ay nakaugat sa mas matindi pang problema na hindi madaling pagkasyahin sa isang artikulo. Kung sa pagkakahati hati ng bawat larangan ay nagiging hati hati rin ang mga Pilipino, mas mainam na muli nating repasuhin kung ano ba talaga ang kailangang pagdaanan at pag-aralan ng mga estudyante sa mga eskwelahan. Dahil hangga’t may asaran sa mga opisina ng mga guro kung anong subject ang mas mahalaga, hangga’t may mga lumilinya ng PE ‘lang’ ‘yan o Filipino ‘lang’ binagsak mo pa, patuloy tayong mamumulubi sa kaalaman at maging bulag na nakatitig na lamang sa kawalan ng kamangmangan. Malala ang problema subalit makakatulong sana tayong makabawas lalo na sa mga nagtatrabaho sa akademya. Lahat ay may mahalagang bahagi upang umusad ito. Kolektibong pagkilos ang kinakailangan. Dahil pangarap ko ang isang edukasyong tunay na hinalaw sa masang Pilipino at tunay na para sa masang Pilipino. Sana ay hindi panay mga pangarap lang ito. #
0 notes
Text
Sakuna | Suko na
Nasalanta ka na ba Ng bagyong rumaragasa ang sinasalanta pusong nawawala Nilindol and damdamin Sa kaba ng pag-iwan Dibdib nadaganan Paghinga’y nalagutan At bakit nga ba Ang daluyong ng sigwa Ang pumupuno sa baha Sa taong nagmamakaawa Hindi hinihiling ang pagbalik ng bagyo Pero sasalubong ako Sa pusod nito Dadaig sa hagupit ng paglayo Mainit ang apoy Nasusunog ang lahat Pagkakatao’y nauupos ‘Di matigil ang unos Sa lahat ng sakuna Ang pinakamasakit na bira Ay malaman na Suko ka na.
0 notes
Text
Panimula
Matagal ko nang gusto magsimula ng isang blog. Iba pa ‘yung video blog sana na nananatiling drawing. Pero wala namang bagay na hindi nagsisimula sa maliit. Kaya sa ngayon, mabuti na rin ito.
Isa sa dahilan ng pagkakalikha ko ng blog na ito ay dahil kailangan ko ng tuntungan para sa mas malayang pag-iisip. Para ang ilang dumadaang ulap sa utak ay hindi basta naglalaho at nasasayang. Atlis dito, pwede ko pang mahubog ang ulap sa iba’t ibang hugis.
Bukod dito, sana’y ito rin ang maging simula ng iba pang maraming bagay. Video blog, Travel Blog, Mga Reviews at marami pang iba. Sa ngayon, puro nasa plano pa lang iyan, pero malay natin balang araw, malay natin…
0 notes
Text
Hindi Mo Na Ako Mahal
Mabilis ang takbo ng sasakyan.
“Hindi mo na ako mahal…”, ang pahaging niya sa kasintahan habang nagmamaneho sa luma nilang sasakyan. Nabili nila ito sa pinagsamang ipon sa isang kaibigan, hulugan.
“Bakit mo naman nasabi ‘yan?”, iniikot ng nobya ang kanyang braso sa kaniyang balikat. Medyo hindi siya naging komportable sa pagkakaakbay nito dahil siya ay nagmamaneho. Humawak siya sa kambyo at inilagay sa tersera. Bumilis. Napaalis ang nakapulupot na braso ng dalaga sa kasintahan at napakapit sa hawakan ng sasakyan na halos siya lang ang gumamit sa limang taong pagmamay-ari nila ng kotse.
“Hindi ka na katulad nang dati”. sumimangot siya na parang may pasimpleng pagsulyap sa babae, tila nagpapalambing. “Hindi mo na ako sinasabihan ng ‘mahal na mahal kita'”, dagdag pa niya.
Ngumiti lang ang kanyang nobya. Tumitig sa kanya, “Ano ka ba? Ilang taon na tayo, alam mo namang mahal na mahal kita…”.
“Hmmmmmp. Hmp! Hindi pa rin!”, parang bata niyang pagsagot, “Iba pa rin ang dati”.
Hindi na sumagot ang babae at tumingin na lang sa kalsada habang nasa mas papabilis pang andar ng sasakyan. Ang mga tingin nito’y nanginginig, pero nakangiti pa rin, naiwan mula sa mga linyang huling sinabi.
Ipinatong ng kanyang nobya ang kamay sa kambyo, alam niyang hahawakan ito ng kanyang kasintahan. Nagpatong ang kanilang kamay. Parehas malamig. Ikinabig, deretso ng kinta ang takbo dahil nasa highway. Mas mabilis.
“Basta ang alam ko, ikaw lang ang mahal ko…”, paninigurado ng babae sa nagmamaneho kahit wala namang nagtatanong. Mas mabilis na ang takbo, walang pakialam sa mga kasabay na sasakyan, tuloy-tuloy lang sa pag-ilag. Tanging ang malakas na harurot ng sasakyan ang umaalingawngaw sa loob ng kotse, pero wala na silang naririnig.
Ilang sandali lang, nakauwi na sila nang ligtas. Ligtas. Tutulog nang mahimbing sa iisang kama, magkadikit. Walang nabangga. Walang nagalusan. Walang naaksidente noong gabi iyon. Ligtas. Pero may takot kasi may namamatay.
0 notes