Text
3/12
Exactly 90 days smoke-free today cold turkey. Walang vape, walang kahit na anong medium to ease the quitting. Nice.
Highs
My performance increase, albeit incremental, was a positive boost to keep doing what I’m doing and get better. Still waiting for an update on an application I sent out for a higher job grade position that recently opened. The initial interview went well (I think) but the hiring manager sure is taking his time to get back to me so that’s a bit of a bummer; although goods lang din cos I’ll be doing some off-the-phone peer coaching on some new hires these next two months while waiting. It feels awesome stepping into new roles tapos alam mong ineendorso ka ng lead mo kasi may tiwala sa’yo. If it’s worth anything, ‘yun e reinforced ang personal kong pakiramdam na I’m at least doing something right out of the plethora of terrible mistakes.
Lows
Nabakbak na ‘yung wisdom tooth ko at kahit hindi impacted, sabi e baka abutin ng 7k ‘yung extraction, so that’s a b-.
My second boy’s been wanting a guitar since forever so I’m getting him one this first weekend of April. Don’t know what to get for my eldest and the Diwata, however. Also, my youngest is turning 8 this month!
Hiraya, my love, there is not a day that goes by that I don’t punish myself for all the horrible things I said to you and nanay, and I can only hope to be forgiven one day, some day. My love and regrets follow you always, and my heart is full knowing that you will grow up to be the wonderful person your nanay and I know you are since the beginning. ❤️
Smellyalayta, alligayta! And don’t forget ya toilet peypa!

0 notes
Text
2/12
Going 3 months smoke-free and there’s been some noticeable improvements with mood and overall body comfort yo. The band’s all patched up and we’re hitting the studio again after a 2-month break so we’re expecting awesome things for the album moving forward.
Work’s work but I’m grateful for an awesome team and a lead I love to work with. I want to say that I’ve wisen up and learned to really value my career and hopefully nothing comes that could disrupt the rhythm.
All love!

0 notes
Photo
i talk with multiple body parts: mouth… hands… a third secret part you’ll find out later if you play your cards right… oh eyes too, forgot about eyes. look: lots of parts
171 notes
·
View notes
Text
Life is the kindest act of loving you.
La vida es el acto más amable de quererte.
18 notes
·
View notes
Text
It is beautiful to see you here, it seems that I never picked the flower, I just looked elsewhere. But the flower was looking for my eyes and telling me, "Here I am, look at me". And now it's there, at the back of my window… and it's beautiful to see it like that.
Tiene su belleza verte aquí, pareciera que jamás arranqué la flor, sólo miré hacia otra parte. Sin embargo, la flor me buscó los ojos y me dijo "aquí estoy, mírame". Y ahora, yace ahí, en la postrera de mi ventana… y es hermoso verla así.
11 notes
·
View notes
Text
1/12
Smoke-free for a full month, back on meds, and pouring energy into work and craft. Band’s on hiatus cos I’ve had to do some deep, deep introspection but all’s good. What will come will come and I’ve made peace with all that will leave with it.
Love and safety for every body!

0 notes
Text
How many hours is your time away from joining the seconds of my life?
¿A cuántas horas está tu tiempo de unirse a los segundos de mi vida?
16 notes
·
View notes
Text
That sudden palpitation of the heart that disrupts my life for a few seconds is called "you.
Ese repentino pálpito del corazón que me trastorna por unos segundos la vida se llama «tú».
29 notes
·
View notes
Text
2025 Prologue: Panata(g)
Simula nung napagbigyan iyong kalokohan ko sa musika, medyo napalayo sa nakagawian kong malayang estilo ng pagsusulat; ng mga saloobin, kalokohan, at kung anu-anong makakalat na tumatakbo sa isip. Nais kong bumalik,at muli itong gawing panglunas. Na sa tuwing may mamumutawing pakiramdam na maaring sa pangit na desisyon ako dal'hin, isusulat ko na lang. Isusulat nang umaasang sa tuwid at wasto ako tangayin ng mga letra, salita, at pangungusap.
Kung kaya't:
Sabay ng pagod sa paglinlang ng iba ay ang pagod sa paglinlang ng sarili. Ngayon ay aking aaminin na isa lamang akong karakter. Huwad na katauhan. Isang aninong nagtatanghal gamit ang samu't saring maskara upang lunasan ang malubha kong karamdaman. Ang karamdaman ng kawalan ng kamalayan.
Hindi ko kilala ang aking sarili.
Nagtatanghal ako nang pasuray-suray suot ang patong-patong na mga maskara habang lasing sa patnubay at suporta ng mga naniniwala sa aking palabas. Mga patron na nag-aabang sa isang magandang katuparan ng aking istorya, ngunit paulit-ulit lamang na nagtatapos sa hinayang, sawa, pagsisisi, at kung minsa'y galit. Marahil dahil ito sa hindi pagkakilanlan. Hindi ko kilala ang taong nasa likod ng mga maskara at hindi ko alam kung ano ang pagtatanghal sa totoo kung kaya't inakap na lamang kung ano ang nakasanayan. Ako ang mga maskara, at ang mga maskara ay ako. Bawat isa ay nakapagtala ng kani-kaniyang pitak at nagpamalas ng katauhang akma sa kung anong hinahanap ng episodyo. Ginawang sandatang pangganti laban sa mga away na nakakapanakit, koritas na panapal sa mga salitang nakakapanugat, halakhak na panakip sa mga trahedyang nakasisira ng ulo, at tugon na panlinlang sa kawalan ng kasiguradahan. Iba't ibang mukha na may samu't saring sadya ngunit iisang layunin na makapandaraya ng ginhawa.
"Ikaw ba, Ram, ang mga maskara? At ang mga maskara ba ay ikaw?"
Hindi ko alam. Sana'y hindi. Ito ang ngayon ko tinutukoy. Nahuli man, paumanhin.
Ngunit tiyak ako sa isang bagay. Hindi ka nanatili para sa palabas. Pinili mong tunghayan ang aking pagganap hindi para sa mga maskarang suot at karakter na ginagampanan, bagkus para sa kung ano at sino ang nasa likod ng mga ito. Ang pananampalatayang binuno ng iyong pagsubaybay ay tungo sa kaliwanagan na hindi ako ang mga maskara at marapat ko na silang hubarin. Batid ng iyong pagtitimpi ang leksyong kailangan kong matutunan na hindi ako espesyal. Hindi lang ako ang may ginagampanang karakter. Na gaya ko, may ibang taong gumigising bawat umaga na siyang gumaganap rin ng sarili niyang papel sa sarsuwela ng buhay. Tinatapangan ang entablado ng mundo. Hinaharap ang mga palakpak, singhal, iyak, mangha at suklam ng madlang nakasubabay gamit ang napiling mga maskara, ngunit nananatiling mabuti. Ang kaibihan ay alam nila kung kailan ito huhubarin. Kilala at hindi limot ang sarili magtago man sa likod ng napakaraming pagganap, at alam ang pagtatanghal lamang sa hindi. Malinaw ang paningin ng puso. Arok ang tunay na ibig sabihin ng katotohanan at pagmamahal. Sa sarili. Sa iba.
Ngayon ko tunay na nararamdaman ang bigat ng mga maskarang nais ko nang hubarin. Dahil ngayon ay pinili mo nang titigan ang bawat isa nang mata sa mata at tukuyin, kutkutin ang mga peke at nakasusukang detalye. Ikaw ang kasukdulan. Ang aking hinatnan matapos ang napakapangit na pagganap.
Malugod kitang tinatanggap.
Sabay ng aking maliliit na hakbang tungo sa katapusan at pagtuklas at pagkilala sa sarili, ay ang pagpataw mo ng karampatang parusa. Ang marahas na pagpilas sa bawat huwad na katauhan na pinilit mong mahalin sa minsan nating naging istorya.
Ako ay panatag.
Pahabol Sulat:
Sa iyo, na maliligaw dito sa maliit kong espasyo ng saloobin, pakiusap, maging mabuti ka. Mahirap ang mundo, alam mo naman na siguro 'yon. Maraming mga bagay ang susubok sa kabutihan mong taglay at mahalagang malaman mo na hindi lahat ng katangian mo ay kagiliw-giliw. Higit sa lahat, ano mang pilit mong iwasan, tanggapin mong sa maraming pagkakataon ika'y masasaktan at ika'y makakapanakit.
Kung ika'y makakapanakit, 'wag na 'wag mong gagamitin ang iyong mga kamay. Gamitin mo ang salita at katotohanan nang marahan at malumanay. Hindi laging nakagiginhawa ang pagiging tapat, lalo na sa sarili, ngunit palagi mo pa ring piliin ang pagsabi ng totoo at pagiging totoo. May kalayaan at paglago ng pagkatao sa ganitong klaseng sakit, pero sa karahasan at kasinungalingan, wala.
At sa'yo, aking oksihina. Aking panata ang pagpapatuloy ng kuwento nang wala nang pagpapanggap.
At sakaling maisipan mo ulit bumisita, alalahaning hindi mo kailanman kakailanganin ng imbitasyon.
1 note
·
View note