rionneeeangelo
rionneeeangelo
Rionne Angelo Ugale
2 posts
Just Believe.
Don't wanna be here? Send us removal request.
rionneeeangelo · 2 months ago
Text
Letter to my younger self
061925, 062625
Hmm. It was grade 9, during a similar event today, nu'ng una mong napagdesisyunan kung anong gusto mong kunin at tahakin. Naalala ko pa nu'n, sobrang excited ka kasi finally, may gusto ka nang mangyari sa buhay mo. May motivation ka na kumbaga. ESP time 'yun. Nilagay mo sa itlog 'yung dream mo, nilagyan mo ng icon ng Flash Drive. Tinabi mo 'yung itlog na 'yun hanggang tumuntong ka ng kolehiyo. Pagkatapos mo gawin 'yun, sunod mong inoverthink paano sasabihin sa parents mo, lalo kay Papa, knowing na gusto niya maging Accountant ka. Pero nawala lahat ng kaba na 'yun nu'ng finally, pagkauwi, sinabi mo na agad, at kahit andami mong inexplain kung bakit iyon gusto mong kunin, hindi niya pinakinggan iyon at agad niyang tinanggap kung anong gusto mong tahakin. Sobrang saya mo nu'n, self. Hindi mo inexpect na susuportahan ka nila.
Pagdating mo ng senior high school, mas nabuo 'yung pangarap mo nu'ng sinamahan ka nila na pumunta sa dream school mo. Mas excited pa sila kaysa sa iyo na matupad mo 'yung pangarap mo. Lunchtime ng araw na iyon, kumain kayo sa McDo sa intramuros. Naiwan kayo ni Mama doon habang umoorder si Papa. Doon, nangako ka kay Mama na makakapasok ka ng Mapúa. Na magiging computer engineer ka rin. She replied "Kaya mo 'yan Angelo. Basta galingan mo lang!" Mas naging motivated ka dahil doon. Just to let you know, buo pa rin 'yung McDo na 'yun hanggang ngayon, self. And sa buong stay ko sa Mapua, isang beses lang akong naglakas loob na bumalik doon dahil si Mama at Papa ang naalala ko ro'n. Pagpasok ko ro'n, ganoong-ganoon pa rin ang layout ng mga lamesa at upuan. Nadagdagan lang ng Order Kiosk. Kasabay kong kumain nu'n sila Magahis, Ben, at Melor. Inaya ko silang umupo ro'n sa upuan kung saan eksaktong umupo tayo nila Mama at Papa. Pero hindi rin kami ro'n nakaupo. All throughout that eating duration, nililibot ko lang mata ko sa place, but more on the exact seats na inupuan natin. Nakakatuwa dahil hindi pa rin binago ng panahon ang spot na 'yun, pero at the same time, nakakalungkot. 
Sa totoo lang self, masaya akong pupunta si Jaslaine sa graduation ko. Hindi ko alam kung saang yugto ng younger self ko ang kausap ko ngayon, pero si Jaslaine, siya 'yung babaeng mahal ko at gusto kong makasama habambuhay. Siya gusto kong maging partner sa lahat. Masaya dahil makakasama siya. Siya na lang at mga kapatid ko ang meron ako ngayon, self. Pasensiya ka na. Sana mabasa mo 'to at yakapin mo nang mahigpit si Mama. Huling alala kong yakap ko siya ay nu'ng 5 years old pa ako, nakahiga sa kama, madilim, habang pinaplay mo sa utak mo na parang hindi si Papa ang papa mo talaga. Mabuti na lang na si Papa, maraming beses mo siyang mayayakap pagtapos mawala ni Mama. Sa mga panahon na nalulungkot siya at naalala si Mama, dadamayan mo siya at yayakapin dahil kahit ilang taon na ang lumipas, masakit pa rin. Ihanda mo nga lang ang sarili mo kasi kahit si Papa, mawawala rin. I'm sorry. I continued writing this today at dawn on the day of my Graduation from Mapua. It's sad kasi simula nu'ng inannounce na candidate for graduation na ako, to my recollection, to my baccalaureate mass, up to now, I still don't feel the graduation. Parang normal day lang. Regardless of the congratulations I received from my love, my extended family, my friends, my workmates, I feel nothing at all. Parang hindi nakakaproud. Or naging numb na ba ako? Hindi ko rin alam. 
Naalala ko na naman ang SHS, nu'ng grade 11, nu'ng parang nagunaw ang mundo ko sa gitna ng kalsada ng Mendiola. Naalala ko na naman kung paanong frozen ang katawan ni Papa. Pasensiya ka na self at hindi ko ito dapat sinasabi sa iyo, pero if ever this reaches to you, please wake up early. Life is cruel. Maghanda ka na. Ituloy mo na 'yung pagwork mo sa McDo. Para maioffer mo agad physically ang unang sahod mo kay Mama at Papa mo. Ipakilala mo na agad si Jaslaine, o kahit ikuwento mo na. Mag-aral ka na rin ng SQL, para makakakwentuhan mo si Mama tungkol doon. Mag-aral ka na rin magmotor para makakwentuhan mo si Papa tungkol doon, at mahatid sundo mo si Mama sa trabaho niya or kahit sa BCDA lang. Gawin mo na lahat agad. Sabihin mo kay Mama at Papa na namimiss ko na sila, na grumaduate kang Top 5 overall sa CEU Manila. Na nakapasok ka sa Mapua ng college. Na nakapasa ka ng DOST. Na sana present si Mama nu'ng SHS graduation ko. Na sana present si Mama at Papa sa graduation ni Jericho, sa graduation ni Janna, at sa magiging graduation ni Andrea. Na nakapasa si Janna sa PUP. Na si Jericho sa TIP siya nag-aaral. Na bawat stay mo sa Mapua, mga kwentuhan niyo ni Mama mo tungkol sa codes ang naalala mo. Na sobrang nagtagal ka dahil sa Thesis at Design. Na published na ang paper niyo. Na ito na ngayon, after 6 years, gagraduate na rin ako. 
Pero okay lang kung hindi mo man masabi lahat ng ito. Basta 'wag mo lang kalimutan na sabihin na mahal na mahal mo sila Mama at Papa. Na kailangan mo sila. At yakapin mo sila nang mahigpit, okay?
Proud ako sa iyo, self. Hindi ko alam kung magiging proud ka sa akin ngayon. Dahil parang sobrang hirap gawin 'yun right now. Kwentuhan mo ako soon. Sana kahit sa ibang timeline, gumawa ka ng sariling branch of life mo, kung saan nagawa mo lahat ng sinabi ko sa iyo ngayon. Please treat everyone better, especially your parents, your siblings, and your love: Jaslaine. 'Wag ka nang maghanap ng iba. She was already in the same classroom as you, since grade 7. Approach her agad hehe. 
Congrats and sana after today's graduation ko, may mafeel ako na something huhu. Most special thanks goes to my love, Jaslaine, for being with a loser like me for years. I hope kami ang para sa isa't-isa. Pero I won't force this on her will. I really love her and I'm sure you will as well after you get to know her. Please treat her gently and make her feel special always. She will be with you as you go through several stages of your life :)
- Engr. Rionne Angelo Ugale
Tumblr media
0 notes
rionneeeangelo · 6 months ago
Text
022725
Hellooo, Happy Birthday my love 🥳🎂🫶
Izz your birthday na and wow, it's 2025 na. Happy 24th Birthdayy!! 🥳🥳Wow! Grabe time flies so fast! Parang kailan lang, we're just highschool students. But now, we're both adults working and chasing our dream life na. Over the years, I've been a witness to how hard you studied and worked just to get that degree. Like can you imagine na that was 2 years ago na, when you finally became an RMT, not to mention that after a year, you became a DTA as well! Wow!
Kaya to the current you, who's facing another chapter right now returning service for DOST, I just want to let you know na you're doing well 🫶🫶 That even though teaching is not what you studied for, you're still doing well ✨ Just remember na there may be times na hindi mo naibibigay ang best mo dahil you're tired or you're occupied with something, but that doesn't mean na it's bad, okayy? Sabi ko nga, galingan mo man o hindi, it's fine. Ang importante, you have a healthy body, a healthy mind, and you're comfortable moving at your own pace, alright?
I'll be right here by your side lang always.
Ganu'n din naman, super duper appreciated ko 'yung moments na you're there for me, kahit na walang-wala akong maibigay, and kahit na hindi ganu'n kabongga 'yung mga gifts ko for you compared to others, and kahit pa marami akong pagkukulang at kasalanan sa iyo. I feel really guilty for all those times wherein I could have done better for you. But I promise that I will make up to you. I will always be open to your criticisms, whether it be positive or negative. I want to change my bad habits, not only for myself, but for you as well.
I hope you'll live a long life pa, and you'll live them full of blessings and love from the people around you. Enjoy every single day you have, especiallly today, since it's your day 🥳🥳 I love you always 🫂🫂
- rion
Tumblr media
0 notes