regiyugang
regiyugang
RegiYuGang
2 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
regiyugang · 3 years ago
Text
PETA 1 - Pangkat 5
The Bosconian Path
(Impormatibo)
Tumblr media
Ipapakilala ko sa inyo ang mga departamento ng Senior High School sa Don Bosco Makati. Mayroong apat na strands na pwedeng pagpilian, ABM, HUMSS, STEM, at Arts and Design. Ang DBTI Makati ay isa sa pinakatanyag na paaralan sa Makati. Ang programa ng Senior High School ng DBTI Makati ay nag-aalok ng maraming mga pagkakaiba-iba ng mga hibla na mapagpipilian.
Kung ito ay iyong nababasa, maaaring maging senyas ito o tanda na ito ang sundan mo na landas. Dahil ang layunin ng DBTI Makati ay hindi lamang matulungan ang iyong mga akademiko at teknikal na aspeto, ang isa pang layunin nito ay matulungan ka mas maging espiritwal at mapalapit sa panginoon. Ang Senior High School ng DBTI ay nagbibigay ng akademiko at teknikal competencies sa mga estudyante, na ginagawa silang globally competitive at college-ready.
Kulay, kalidad, kasiglahan magmula sa berde ng bumubungang puno hanggang sa mala-gatas na puti ng gusali, isang sulyap pa lang at ramdam mo na ang kulay at buhay sa DBTI SHS Makati.
______________________________
“Karaniwang Gawi”
(Naratibo)
Tumblr media
“Hay nako” ang sinabi ni Samuel habang naglalakad papuntang sa kanyang paaralan. Para sa kanya ito ay isa nanamang karaniwang araw bilang isang Grade 11 na estudyante na nagaaral sa DBTI – Makati ng labindalawang taon na. “Ano pa kaya ang gagawin ko ngayong araw?” sinabi niya sa kanyang sarili habang papasok ng gate. Dahil para sa kanya wala nang ibang nagaganap kundi ang kung ano ang kanyang inaasahan na. Papasok ng silid-aralan ay tiningnan niya ang schedule at kinausap ang kanyang mga kaibigan na nakaupo na. “Stress day nanaman ngayon pre. Dami nanamang subject. Parang 9 to 5 lang tinatrabho natin.” Ang ukol ni Samuel.
“Bayaan mo na pre. At least yung lunch break natin mahaba-haba” tugon naman ng kanyang kaibigan.
“Oo nga pero kailangan ko pa sagutan yung assignment ko” Ang sinabi ni Samuel dahil hindi niya ito ginawa kahapon.
“O di bale na yan, sama ka na lang samin habang kumakain. Madali lang naman yung assignment na yan” sinigurdao siya ng kanyang kaibigan
At kaya naman nagpatuloy si Samuel sa kanyang pang araw-araw na gawain.
Dumaan ang ilang oras at tumunog ang kampana ng paaralan na sumasagisag sa pagtapos ng tanghalian. Oras nanaman para magkaroon ng klase tungkol sa matematika, ang paborito ng lahat. Pagkatapos ng isang oras ay nakapahinga nanaman muli sI Samuel.
“Ano ba yan. Isipin mo pre binigyan nanaman tayo ni sir ng isa pang make-up quiz. Pang ilan na yan?” reklamo nanaman ni Samuel.
“Buti nga may grado ka pa” sagot naman ng kaibigan niya
“O siya, sa susunod na linggo ko na gagawin yan. Oo nga pala. Di ba may misa pa tayo mamaya? O yun, makakapahinga na rin kahit kaunti kasi wala nang science mamaya. Tapos pagkatapos noon makakauwi na rin.”
At kaya, ayun nga ang nangyari. Dumaan ang oras para kay Samuel na para bang hindi na siya tumatanda at isa nanamang araw ang kanyang nalipasan.
Ngunit sa lahat ng ito, sa lahat ng taon, sa lahat ng paghihirap, sa lahat ng nakuha at nawala. Mayroong hindi alam o di’ kaya, hindi napansin ni Samuel. Hindi niya napansin na sa kanyang karaniwang araw na ito ay naranasan niya ang mga iilang magagandang bagay tungkol sa kanyang sariling paaralan. Hindi niya napansin na ang nirereklamo niyang mararaming paksa ang dahilan pala kung bakit mahusay at bihasa na siya bilang isang estudyante at sanay na sa mga mahihirap na gawain. At ang mga nakikilala niyang tao sa paaralan niya, hindi niya napansin na halos lahat sila ay kinaibigan na niya. Ang mga paulit-ulit na payo, gawain, at turo ng mga guro ni Samuel, hindi niya napansin na ito na pala ang walang tigil na tiyaga nila para sa mga estudyante. At ang minsang natutulugang mga misa ni Samuel, ay hindi niya alam na ito na pala ang dahilan kung mas napalapit at mas nakilala niya ang Diyos. At sa lahat ng iyon, isang bagay ang ating nalaman, na kapag ang isang bagay ay parating mahusay at magaling, ito na parati ang inaasahan at masasanayan mo. Hindi naiiba diyan ang paaralan ni Samuel.
______________________________
“Isang landas tungo sa mahusay na edukasyon”
(Deskriptibo)
Tumblr media
Dito sa mga departamento ng Senior High School ng Don Bosco Technical Institute, na makikita sa Father Carlo Braga Building, may kalayaan kang pumili sa apat na strand na magagamit: STEM, HUMSS, ABM, at Arts & Design. Ang lahat ng mga silid-aralan ay puno ng mga responsable, palakaibigan, at masigasig na mga mag-aaral na nasisiyahan sa kung ano ang iniaalok sa kanila ng DBTI.
Ang programang nakatuon sa pananaliksik at makabagong programa ay ipinatutupad ng mga propesyonal, may kakayahan, at nakatuong mga guro at tauhan na nagbibigay ng de-kalidad na edukasyon at holistic na pormasyon sa pamamagitan ng isang kurikulum na may teknolohikal na oryentasyon at matatag na batayan sa mga doktrina ng pananampalatayang Katoliko. Ang mga departamento ng SHS ay nagbibigay ng magagandang pagkakataon para sa mga mag-aaral na umunlad ang kanilang mga kasanayan at talento sa pamamagitan ng mga kaganapan, paligsahan, club, at higit pa.
Ang DBTI ay nag-aalok sa iyo ng isang Senior High School na buhay kung saan marami kang matututunan at masisiyahan.
0 notes
regiyugang · 3 years ago
Text
a
1 note · View note