Tumgik
psalmerjha · 5 months
Text
If the idea of hearing you out is being misunderstood,
I'd rather choose not to be heard at all.
If the idea of understanding is being invalidated,
I'd rather choose not to be understood.
If placing things fine and organize while chaos occur,
I'd rather be place out of peace.
If a home doesn't feel safe anymore,
I'd rather be lost with no direction.
I'd rather be in darkness than to be hurt again.
Tumblr media
0 notes
psalmerjha · 1 year
Text
Nakabubulabog din pala ang katahimikan.
Sa madilim na gabi na tila walang kapayapaan, halos durugin ako ng mga alaalang marahil tumutulak sakin papalayo sa kasalukuyan. May mga pagkakataon na tanging paghikbi na lamang ang nagpapakalma sa tahimik na pasilyong dinaraanan. Naging maskara na lang siguro ang bawat pagtawa sa umaga at naging pagpapanggap na lamang ang pagtayo ng matikas sa harap ng madla upang magmukhang matapang at malakas. Sa katahimikan, marahil nagiging malakas ang sigaw ng bawat bulong.
Masyadong mabigat pa rin ang lahat, at habang tumatagal pabigat pa ng pabigat.
Mabigat pa rin ang pagkawala mo, Ma.
0 notes
psalmerjha · 2 years
Text
Travel and tell no one. Live a true love story and tell no one. Live happily and tell no one. People ruin beautiful things.
Khalil Gibran
60K notes · View notes
psalmerjha · 2 years
Text
There are these things that left to be “unsaid.
Have you ever wonder how does it feel to keep those things inside? You always wanted to be heard, but you’ve never tried to spoke either. Will it ended up to be part of your untold stories?
0 notes
psalmerjha · 3 years
Text
When you give your trust to someone, take all the consequences that it may have. They may break it anytime. They may disappoint you anytime.
That's why I'm afraid to give my whole trust to anyone. Madali lang sa iba na baliin yung tiwalang matagal nating binuo para maibigay sa kanila.
— Jha
0 notes
psalmerjha · 3 years
Text
Katulad ng unti-unting pagbagsak ng talulot ng mga bulaklak. Pagkatuyo ng mga sanga na piniling wag tumubo sa gitna ng parang na madilim. Unti-unti ring nauubos ang paghinga upang sa nalalapit na oras, makatagpo na ang isang manunulat ng tunay na pahingang mapayapa. Hindi man sa yakap ng bisig mo sinta, kasama ang bawat pag-ikot ng kamay sa isang gintong relo na minsang pinuno ng galak at pagmamahal. Magiging payapa at tahimik ang gabi. Sa huling paghinga maging kasabay ng walang humpay na pagluha.
— Jha
0 notes
psalmerjha · 3 years
Text
Yakap
Ang di alam ng mga tao, napapagod din ako. Na kapag sinabi kong gusto ko ng yakap, ibig sabihin no’n pagod na pagod ako at kailangan ko ng taong masasandalan ko. Na kapag hiniling kong yakapin mo ko ibig sabihin may tiwala ako sayo kaya sayo ako iiiyak lahat ng pangamba ko. Pagod na ako at kailangan ko ng kausap. Sana kahit sa isipan ko lang, maramdaman kong niyayakap mo ko. 
This is your writer,
— Jha
1 note · View note
psalmerjha · 3 years
Photo
Tumblr media
Mahaba man ang oras na
ako'y mapagod,
Hindi ko man mamalayan
ang paglubog ng araw sa dapit hapon,
Mapalitan man ng puyat ang
maayos na pagtulog,
Sa Iyo ako'y palaging tatakbo
At sa bisig mo'y yayakap ng mahigpit
Ikaw ang aking pahinga.
— Psalmer Jha
0 notes
psalmerjha · 3 years
Text
Kalawakan
Hindi ko na hihilingin na
balang araw ay makakilala
pa ng iba.Hindi ko na
ipapanalangin na maging akin
ang buwan sa kalangitan,
Sapagkat nariyan kana
aking kalawakan. Handang hawakan
ang aking mga kamay sa gitna
ng madilim na unos at malakas
na ulan. Hindi ko na mararanasan
pang maging mag-isa sapagkat
nariyan kana kasama ko sa bawat paglalakbay. Isa na lamang ang
panalangin ko sa tuwina, na sana'y
hindi lang tayo pang habang buhay
kundi pang walang hanggan.
Mahal kita, aking kalawakan.
0 notes
psalmerjha · 3 years
Text
Pagtangis ng Bukang Liwayway
 Nag-uumpisa ang lahat pagsapit ng alas dose ng hatinggabi. Nagkukubli sa isang sulok ng silid kong madilim. Pigil ang lakas nang pag hagulhol para lang hindi marinig ng mga kasamang natutulog ng mahimbing. Tumatangis ang puso sa sakit na iniwan ng nakaraan. Ang bawat pader na aking kaharap ang nagsilbing tagapakinig ng maliit kong tinig sa tuwing umiiyak. Basa na rin ang punda ng unan na nagsisilbing balikat sa tuwing ako’y luhaan. 
Mabigat sa pakiramdam ang bawat gunita ng mga alaala. Naninikip ang dibdib at halos maubusan na ako ng hininga. Madaling araw na ngunit abala pa rin ako sa pag-iisip ng mga sagot sa mga tanong na dapat sanay matagal ko nang binura. Dahan-dahang magbubukas ng bintana upang tanawin ang kalawakan. Titingnan kung naroroon pa rin ang buwan na nangakong hindi ako iiwan. Ako yata ang tala na nagbibigay ningning sa paligid ng maliwanag na buwan. 
Pupunasan ang mga luhang nangingilid sa mata kong nalulumbay sa pighating dinaranas. Muling uupo sa sulok ng maliit kong kwarto at magbabasa ng libro upang sarili ko naman ay may ibang mapaglibangan kaysa naman mag-isip ako ng mag-isip sa mga bagay na hindi ko na pwede pang ibalik. Kapag medyo antok na, sinusubukan kong ipikit ang mga mata pero mukhang ako yata ang hindi marunong makisama. Hindi makatulog kahit na anong pilit ang gawin. Naiikot ko na ang buong kama pero bukas pa rin ang diwa.
Kaya naman babangon akong muli upang kuhanin ang journal ko at magsulat ng panibago na namang katha. Pero katha nga bang matatawag ang sariling pagluha? Siguro medyo madrama ang kwento ko. Isa akong manunulat pero ayoko naman mag-imbento ng panibagong kwento para lang magmukhang masaya ang bawat paglalakbay ko. Wala naman sigurong masama kung magiging totoo ako sa sarili ko ‘di ba?
Konting oras na lang, makikita ko na ang araw pero hindi ko pa rin magawang matulog dahil sa dami nang pumapasok sa isipan ko.  Nag-uumpisa ang lahat pagsapit ng alas dose ng hatinggabi. Nagkukubli sa isang sulok ng silid kong madilim. Pigil ang lakas nang pag hagulhol para lang hindi marinig ng mga kasamang natutulog ng mahimbing. Tumatangis ang puso sa sakit na iniwan ng nakaraan.
1 note · View note
psalmerjha · 3 years
Text
To the person who always makes me smile, thank you for showing me my worth. You gave me the love that I didn't deserve. You love me the way I didn't expect to be loved. You hold my hands when the world seems too dark for me. You took away all the fears in my heart. You always show how much you care for me.
You came along and gave assurance to all of my doubts. You made me fall in love again when I'm about to fail myself to believe in love. You gave a spark in my eyes when all I know is to cry. You brought me smiles that you always wish to see. Thank you for not giving up to make me happy. My heart beats for you alone.
Thank you for loving me.
— Psalmer Jha
Tumblr media
0 notes
psalmerjha · 3 years
Text
Nung nag-umpisa ‘kong maging nanay-nanayan ng mga batang lansangan, namulat ako sa reyalidad na marami akong kamay na maabot at mabibigyan ng pag-asang pwede pang maging maayos lahat. There was a training I attended in one of the organizations I belong to. Ang sabi, “Poor people are not hopeless and helpless.” Before the pandemic happened, every after class dumadaan ako sa overpass just to look for the street children and vulnerable people na nagtitiis lang sa gutom. ‘Yung tipong laway na lang ‘yung ginagawa nilang pantanggal uhaw. Habang nakakasama ko sila, napakadami kong natutunan. 
Sila ‘yung mga taong tanging kalsada lang ang tanging tahanan pero pilit pa rin pinagtabuyan ng mga tao. Nagtitiis sa lamig ng gabi, swertihan na nga lang daw kung may mapupulot silang karton o sako na mahihigaan para kahit papaano...mabawasan ang lamig. Halos tatlong taon na ‘kong naging ate ng mga bata sa kalye o kaya naman nanay ng mga bata sa ampunan. Lahat sila may kanya-kanyang istorya na pinanggagalingan. May mga batang pinabayaan ng magulang, may mga batang ulila na, may mga bata din na biktima ng pang-aabuso.
Siguro marami sa inyo ang magsasabing bastos ang mga batang lansangan.Pero alam niyo po, nakakalungkot, sana maintindihan niyo na hindi sila kasing palad ng ibang batang may mga magulang na gagabay. Karamihan din sa kanila walang pinag-aralan. Huwag sana natin ipakita sa kanila na ultimong tayo na pinalad magkaroon ng maayos na edukasyon, magpapakita ng kabastusan sa mga batang lansangan na ito. Itataboy, mumurahin, sasabihan ng kung ano ano o kaya naman lalaitin at pandidirihan dahil sa madumi nilang kasuotan.
Hindi nila ginustong maging ganon. Marami sa kanila nawawalan na ng pag-asang mabuhay araw-araw. Sila din ‘yung mga batang hindi na masyadong nangangarap dahil sa kahirapan. H’wag sana natin silang ituring na iba kapag may nakita ka sa jeep na nanlilimos, humihingi ng barya o ng pagkain. Alam niyo po, ‘yung barya o pagkain na ibibigay niyo sa kanila ‘yun yung nagbibigay ng pag-asa sa kanilang mabuhay para sa susunod na araw. 
Naniniwala ako na lahat tayo may kakayahang tumulong.Lahat tayo may kakayahang maging bukas sa iba. H’wag sana natin hayaang mapabilang tayo sa mga dahilan para sumuko sila sa buhay. Yes, they are poor. They are uneducated, sabi nga ng iba “bastos”. Wala silang mga magulang na gagabay sa paglaki nila. Tayo po sana ‘yung maging daan para turuan sila ng tamang asal at mabigyan ng pag-asang lumaban at mabuhay sa bawat araw.
God bless po.
0 notes
psalmerjha · 3 years
Text
MUSIKA
Ilang musika na ba ang aking nagawa?
Mga lirikong sinulat ay puro masasakit na salita
Nilapatan ko ng nota ang bawat kataga,
Nang sa ganon panibagong awitin na naman ang aking malikha
Namalagi sa tahimik na lugar,
Tanging gitara lang ang aking kaibigan,
Wala akong ibang karamay maliban sa tinig kong umaawit ng walang humpay
Handog ko ay musika sa sariling paglalakbay
Nangangapa ng panibagong tunog
Upang sa panibagong yugto'y makagawa ng bagong tugtog
Mga tugtuging puno ng pagmamahal at inspirasyon
Na nanggagaling sa sariling komposisyon
Nangingilala sa akin ang mga tala
Tinatanong kung musika'y kailan magiging payapa
Upang sa pagningning nila'y kasabay nang muling pagtawa
Minsan na akong kinalimutan ng buwan
Ngunit alam kong tahimik itong nagbibigay liwanag sa aking paglalakbay
Kaya naman sa panibagong lirikong aking isusulat
Susubukan kong himayin ang bawat masasakit na salita
Muling isusulat ang mga ngiting matagal na panahong nawala
Sa mga susunod na komposisyon, muling aawit ang puso ng payapa
~ Handog ko ay musika sa bawat pusong lumuluha. Dalangin kong bawat isa'y makahanap ng kapayapaan at pagmamahal.
0 notes
psalmerjha · 3 years
Text
TRAUMA
Dumarating sa punto na sumasagi pa rin sa isip ko ang nangyari nung araw na 'yon. Nakakapanikip ng dibdib. Nakakaiyak. Nakakatakot. Hanggang ngayon, paulit-ulit kong pinapanalangin na 'wag na sanang mangyari ulit ang bagay na iyon na halos ikamatay ko na.
Walang kamatayang pag-iyak at paghagulgol ng malakas. Takot na takot ako at palaging may pangamba sa bawat taong nakakasalamuha ko. Noong gabing 'yon, pinagdusahan ko ang bagay na hindi naman dapat nararanasan ng isang katulad ko.
Maayos na ang kalagayan ko ngayon buhat noong gabing narinig ko mismo sa labi niya ang mga kasinungalingang mahabang panahon kong pinaniwalaan.
Naka-move on naman na ako. Wala na rin kahit katiting na pagmamahal pa. Alam kong may mga araw na palihim niya kong pinagmamasdan. Hindi ko na lang pinapansin.
May mga gusto na rin manligaw. May pasimpleng nanunuyo ng hindi ko namamalayan. Mayroon ding mga ex na nagpaparamdam. Pero lahat ng 'yon, iniiwasan ko. Hindi dahil hindi ko pa kaya. Gusto ko na ulit magmahal. Sa totoo nga lang, madalas nag d-day dream ako tungkol sa lalaking pwede kong maging Mr. Right.
Natatakot lang talaga kong masaktan ulit at maloko na naman para sa ikalimang pagkakataon. Tama, ikalimang pagkakataon. Ang saklap diba. Biruin mo ba naman, kung sino pa 'yung babaeng naging mabuti sa lahat siya pa 'yung naloloko. Nakakatawa 'di ba? Pero masakit 'yon, bes.
Dahil sa mga karanasang 'yon, nag-iingat na ako. Natatakot man ako pero bukas naman ako para magmahal ulit —sa tamang pagkakataon at sa tamang tao.
0 notes
psalmerjha · 3 years
Text
Pasahero
Mag-isa na naman ako. Tahimik na nakikinig ng musika habang naka-earphones. Mabuti na lang, karamay ko ang Leaves ng Ben&Ben. Nagmamasid sa bawat galaw ng mga pasahero habang dinudungaw ang bintana. Maraming mga bagay na bigla na lang pumapasok sa isip ko. 'Yung iba may kabuluhan, 'yung iba wala namang kinalaman sa personalidad ko. Mapapatanong na lang talaga ko kung ba't ko naiisip ang mga bagay na 'yon o gano'n talaga siguro kasi kapag weirdo.
Minsan may mga nakatingin sa'kin. Bakit kaya nakatingin sa'kin 'tong mga 'to? May pagkakataon pa na nakita kong nagbubulungan 'yung dalawang lalaki habang nakatitig sa'kin. Ewan. Yumuyuko na lang talaga ko para umiwas ng tingin. Nakakailang naman kasi 'yung gano'n. Buti na lang talaga may hawak akong cellphone para kunwari hindi ko sila pansin. Ang awkward kaya no'n. Pero...ano kaya pinagbubulungan ng dalawang lalaking 'yon? Hays, bakit ba pinag-aaksayahan ko pa isipin 'yon?
Sa bawat araw na naglalakbay ako para akong nasa isang panaginip. Hindi ko alam kung nangyayari ba talaga ang mga 'to. Pero, okay na rin naman siguro na palagi akong mag-isa. Pwede kong kausapin ang sarili ko ng hindi ako nagsasalita. Isa pa, hindi ko na kailangan magbigay ng mahabang paliwanag para lang maintindihan ako ng ibang tao.
May pasahero akong nakatabi na di ko sinasadyang masilip 'yung cellphone at mabasa 'yung ka-sweetan nila nung girlfriend niya. Ako kaya? Kailan kaya may magme-message ulit sa akin ng gano'n? Sanay na ako mag-isa pero hindi naman porket sanay na ako mag-isa eh hindi na ako naghahanap ng makakasama. Syempre, gusto ko din na may makasama sa bawat byahe ko 'no. Pero kung ang ending ay iiwanan ako mag-isa sa byahe na 'to, 'wag na lang siguro.
(Bakit ang tagal mo naman kasi, Mr. Right? Gusto ko na maramdamang mahalin :'<)
0 notes
psalmerjha · 3 years
Text
I counted it four corners
Silence speaks and whispers
The wall hears and listens
Pillows are getting wet
Hiding in a blanket
In this dark four corners,
Are diamonds...
Cascading down my cheeks
Tumblr media
1 note · View note