patrickguevarra-blog1
Untitled
1 post
Don't wanna be here? Send us removal request.
patrickguevarra-blog1 · 3 years ago
Text
Biyaheng Vigan City
               Ang Vigan City ay ang kapital ng Ilocos Sur at ito ay matatagpuan sa kahabaan ng kanlurang baybayin ng Hilagang Luzon. Isa sa mga pinakamatandang bayan sa Pilipinas, ang Vigan ay isang Spanish Colonial fairy tale ng dark-wood mansions, cobblestone streets, at ng mga kalesa. Ito ang pinakamahusay na nabubuhay na halimbawa ng isang Spanish Colonial na bayan sa Asya at isang UNESCO World Heritage Site.
Tres De Mayo
               Ang ika-3 ng Mayo ay ang araw ng fiesta sa Vigan City. Ito ay parte na rin ng kanilang kultura sa Vigan, City. Iniaalay nila ang araw na ito kay Apo Lakay o Ang Sto Cristo Milagroso de Vigan na pinaniniwalaang iniligtas niya ang Vigan mula sa mga salot noong 1882.
                 Ako at ang aking kaibigan na si Patrick ay nagkita sa tapat ng Dinalupihan Civic Center ( Complex) sa ganap na 5:00 A.M at kasama niya ang kaniyang tiyuhin at tiyahin na may dalang kotse. Ang karaniwang biyahe mula sa Dinalupihan, Bataan hanggang Vigan City ay limang oras at tatlumpung minuto hanggang pitong oras. Kami ay nakarating sa Vigan City sa ganap na 11:00 A.M.
Tara na at simulan ang ating paglalakbay!
                                            Calle Crisologo
Tumblr media
               Nauna naming pinuntahan ang Calle Crisologo kung saan matatagpuan ang mga lumang bahay na nakasaksi ng iba’t- ibang kasaysayan. Ito ang pinaka-pinupuntahan ng mga tao sa Vigan City dahil sa taglay na kagandahan ng mga bahay rito. Ang mga bahay rito ay gawa sa cobblestones at karamihan sa mga ito ay Spanish type houses. Hindi nakakapang-duda ang kagandahan ng lugar na ito sapagkat ang mga bahay rito ay nakakamangha sa paningin ng mga tao lalo na kapag ito ay nasilayan ng inyong sariling mga mata. Pagkata
            Hidden Garden Lilong and Lilang Restaurant
Tumblr media
               Kami ay nag-tanghalian sa Hidden Garden Lilong and Lilang Restaurant sa ganap na ala-una ng hapon. Napakaganda ng mga dekorasyon ng restaurant na ito sapagkat ang mga ito ay simple lamang ngunit kaakit-akit sa paningin. Ang mga pagkain rito ay napakasarap at napaka-kakaiba. Kung ikaw ay naghahanap ng sarap ng pagkain na hindi mo pa natitikman, ang kainan na ito ang kailangan mo puntahan at subukan kung sakaling ikaw ay nagbabalak pumunta sa Vigan City. Ang mga serbidor sa lugar na ito ay napakababait at palagi ang ngiti. Sila ay kusang lumalapit sa iyo at ibibigay ang kanilang menu, kaya ang akomodasyon sa Vigan ay napakaganda at aprubado para sa amin.
Vigan Cathedral – Metropolitan Cathedral of the          Conversion of St. Paul
Tumblr media
Sa ganap na alas-dos naman ng hapon, kami ay nagsimba sa Vigan Cathedral. Ito ay isa sa mga sikat na  katolikong simbahan sa Vigan City at ito rin ay minsan nang napabilang sa UNESCO World Heritage Site noong 2014. Sa ganap na alas-tres at tatlumpung minuto ng hapon, kami ay nag-meryenda ng empanada sa nakita naming tindahan na malapit lamang rin sa simbahan. Bago kami umuwi ay nagbaon rin kami ng mga pasalubong kagaya ng empanada, okoy, bibingka, at iba pa.
               Sa ganap na alas-kwatro ng hapon, kami ay nagkita-kita sa isang parke sa Vigan City at kami ay naglakbay na pauwi sa Dinalupihan, Bataan. Kami ay nakarating sa ganap na alas-dyis ng gabi sa Dinalupihan Plaza.
 Hanggang sa muli!
Dito nagtatapos ang aming paglalakbay sa Vigan City, Ilocos Sur.
 Paalam!
1 note · View note