passahero
dumadaan
6 posts
Pagmumunimuni tungkol sa nasisira, nabibiak, at nabubulok na systema ng pagba-biyahe sa Maynila. Pageensayo sa wikang Filipino. Ang mga repleksyon dito ay mga banghay lamang.
Don't wanna be here? Send us removal request.
passahero · 5 years ago
Link
0 notes
passahero · 6 years ago
Text
LRT 1 United Nations Station | 22 Mayo 2019 | 9:52 n.g.
Mabibilang ko sa aking kamay ilang beses ako nakasakay ng LRT 1. Para saakin, ito ang pinakamaayos at pinaka-inaalagaang linya sa systemang tren natin. Nakipagkita ako sa aking mga kaibigan sa Robinsons Manila. Paalala sa sarili. Bumaba sa United Nations, at huwag sa Pedro Gil. Pedro Gil kase ang itinakda ng Google Maps. Nakakalito rin dahil kapag tina-type ko ang “Robinsons Place Manila” sa Google Maps, ang lumalabas ay hindi yung mall, pero isang bus stop sa labas nito. Pareho lang naman ang distancia ng dalawang istasyon sa mall, pero mas maluwang ang daan mula sa United Nations. Dito ka rin dapat bumaba kung gusto mong bisitahin ang Museum of Ideas. Hindi ko pa ito nadadayuhan pero parang interesante ang konsepto. Museum of Ideas. Ano ba ang isang ideya? Anong kinaibahan nito sa sining, o sa teknolohiya, o sa kultura, o kahit sa kasaysayan?
Hindi namin ito dinayo ng aking mga kaibigan ngayong araw na ito. Nanood kami ng sine sa Robinsons Manila. Maaga pa noong natapos ang palabas, kaya nakasakay pa kami ng tren pauwi. Sabay kami patungong Roosevelt, pero nauna akong bumaba sa Doroteo Jose. 
Noong nakaraang taon, sumakay rin ako sa LRT 1 pauwi at nahabol ng grupo ko ang huling tren papuntang Santolan. Pinakahuling tren na iyon. Tumakbo pa kami para habulin. Mga studyante kami. Ayaw namin gumastos para sa taxi.
Tumatakbo rin ako ngayon. Naririnig ko na ang LRT1 sa taas, pumapasok sa istasyon. May nakaharang na nagaakbayan. Nag-excuse nalang ako at tuloy takbo. Pero nasakabila pala yung dumating na tren. Nakakainis. Pawis na pawis akong nakaabang sa plataporma. 
Naaalala ko ang isang systemang tren sa Europa: nasailalim yung riles, ang entrance, sa taas. Nakikita ng mga pasahero kung alin yun parating at paalis. 
0 notes
passahero · 6 years ago
Link
Tumblr media
Mula sa artikulo: “Officials of the DOTr and LRTA, including Transport Secretary Arthur Tugade, LRTA Administrator Rey Berroya and DOTr Undersecretary for Railways TImothy John Batan, visited the injured passengers and assured them that all medical bills, follow-up checkups, and resulting loss of income will be reimbursed by the LRTA and DOTr.” Paumanhin sa mga biktima. Sana ma-reimburse talaga sila. Ganyan naman talaga tayo lagi dito: tapal tapal. Band-aid. 
0 notes
passahero · 6 years ago
Link
0 notes
passahero · 6 years ago
Text
MRT Magallanes Station | 21 Mayo 2019 | 2:21 n.h.
Sa Magallanes station ako nakaabang. Ngayon ko lang napansin ang poster na naghihiwalay sa regular na koche at koche para sa mga senior citizen, disabled at buntis. Katangi-tangi ang depenision ng tren sa mga buntis: “women who are obviously pregnant.” Sa ilalim nito nakasulat na maaaring magpakita ang mga babaeng hindi “obviously pregnant” ng ultrasound result. Ipakita kanino? Sa guardia? Sa ticket office? Laking abala naman para lang sumakay sa kocheng mapupuno lang rin kagaya sa mga iba. Naalala ko ang isang babae sa MRT sa Cubao noong ilang linggo. Buntis daw siya pero di siya pinasakay sa koche ng mga buntis. Wala sigurong ultrasound result. Bilang buntis, bakit ko naman yun dadalhin kung saan saan. Mataba yung babaeng buntis sa MRT sa Cubao. Bagaman malaki ang kanyang tiyan, hindi masasabing na “obviously pregnant” siya. May sukat ba ng tiyan ng babae na pwedeng sabihing “obviously pregnant.” Napaka problematikong kahulugan.
Sa loob ng tren na sinakyan ko sa Magallanes, may mag-inang nakaupo. Nasa pinakadulong koche kami, sa harap ng mga senior citizen, disabled at buntis. Nilalagyan ng ina ng lipstick ang kanyang mga labi. Tingin ako sa iba. Sa bintana, sa maingay na screen sa may kisame ng tren. Urong ako sa likod para magbigay ng lugar para sa mga sasakay. Ngayon, nasa harap na ako ng mag-ina. Tinutulungan ng ina ang kanyang babaeng anak na lagyan ng liquid lipstick ang kanyang labi. Tawa silang dalawa. Mabuti at malamig sa tren. Mabuti na nasa koche ako ng mga babae. Mabuti na babae ako at pwede akong sumakay dito. Ganun ba yun? Parang baliktad. Na kailangan pa ng kocheng hiwalay para sa mga babae ay sintomas ng mas malaking problema. Bakit delikadong sumakay sa harap? Bakit kulang parin ang mga koche?
Sa wakas nasa LRT na ako. Ako lang ba ang nakakapansin na madalas mas mahaba ang pila ng mga babae sa pila ng mga lalaki. Madalas rin na mga maldita ang mga guardia nito. Noon, may dala akong backpack na may zipper sa likod, para madali lang mabuksan ang bag at kumuha ng mga gamit na nasa ilalim. Binuksan ko ito sa bagcheck, pero di nakontento si Ate guard. “Yung harap, ma’am.” Binuksan ko ang harap ng bag. Inis na ako. “Ito rin, Ma’am.” Tinuro niya yung maliit na bulsa sa harap ng backpack. Ate, ano bang hinahanap mo? 
Sa Cubao ulit: mahaba ang pila sa mga babae. Sa wakas nakaabot ako sa bagcheck. Sundot si Ate sa aking bag gamit ang kanyang maliit na tungkod. Iyang tungkod na kinaiinisan naman natin lahat kung magpakatotoo tayo. Iyang tungkod na simbolo ng awtoridad at seguridad, pero sa totoo naman, wala talagang laban sa kung sinong gustong magpahamak sa mga pasahero sa tren. Kumatok sa kahoy.
Mabuti at mahangin ngayong araw na ito. May dalawang ibong lumilipad sa loob ng istasyon. Dadapo sila sa riles. Tinanong ako, noong isang araw ng aking kaibigang bago lang lumipat dito mula sa probinsya, kung bakit walang barrier sa pagitan ng plataporma at riles. “Paano kung may tatalon?” 
“Swerte ka kung mamatay ka,” sagot ko. “Mahina itong tren.” Swerte ka kung susunod ang lahat sa iyong mga plano. Madalas hindi. Kaya kailangan umalis ng maaga tuwing gumamit ng tren.
0 notes
passahero · 6 years ago
Text
LRT 2 Katipunan Station | 20 Mayo 2019 | 12:53 n.h.
Dalawang tren papuntang santolan ang dumaan bago darating ang tren papuntang Recto. Regular na ito. Ganito rin nung sumakay ako nung isang araw. “Minsan tatlo pa nga,” ika ng kasama ko. Halos lingg-linggo siya sumasakay ng tren pauwi sa bahay niya. Nagdo-dorm kase siya para malapit sa school. Sumasakay lang ako ng tren kapag may kailangan puntahan sa kabilang dulo ng Metro Manila, tulad ng job interview, o para makipagkita sa kaibigang nag-aaral sa Uste. Pero ngayon, sasakay kami ng LRT dahil gusto lang namin kumain ng Taco Bell. Natanto rin namin na may pagkatanga ang ginagawa namin. Pwede naman sana kaming nagpa-deliver. Pero hinde, ito na ang nakasanayan. Kahit maluluto ng kami sa init ng panahon sa labas, mag-LRT parin kami papuntang Cubao para lang kumain ng Taco Bell. Tiis tiis lang. Tulad ng lbo-libong trabahante at empleyadong pumipila sa MRT araw-araw para isiksik ang kanilang mga katawan sa loob ng koche. Walang reklamo reklamo. Tiis lang. Ganito naman tayo lahat dito. Tumitiis.
1 note · View note