Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Ang aking pamilya ay simple lang ang aming pamumuhay. Lagi kami magkakasama noon. Nagtatawanan at nagkukulitan kahit may problemang nararanasan, kinakaya namin ano mang unos ang dumating lagi kaming magkakasama.
Dumating ang araw na may nangyari sa aming pamilya at nagkawatak-watak ito nang dahil kay papa. Si papa ay lasinggero, at ang ayaw ni mama sa lahat ay ang pagkalasingero niya, nagbigay na si mama nang ilang tyansa para makapagbago si papa ngunit hindi talaga ni papa mawala-wala ang kaniyang ugali na pagkalasingero, kaya ayun nag desisyon si mama na hiwalayan si papa, yun din ang pinakamasakit sa amin ng aking kapatid yung araw na yun diko makakalimutan, at yun nga pinapili kami nang aming ina at ama kung saan kami sasama sa kanilang dalawa ngunit hindi kami makapagpili dahil sa dalawa namin silang mahal. Hindi kami makapagpili nang aking kapatid kaya ang ginawa nalang nilang usapan ay lunes hanggang byernes kay mama kami at sabado at linggo naman dun kami kay papa.
Grade 5 ako may masamang nangyari kay papa, na aksidente sila kasama ang kanyang mga kamag-anak silang lahat ay lasing kaya nabangga sila nang malaking sasakyan isa sa kanila ay nawala na ngayon at si papa naman ay fifty-fifty ang buhay at nang nalaman ko yung balita na yun grabe ang hagulgol ko at baka may masamang mangyari sa kanya. At yun nga nakauwi na sila galeng sa hospital kasama ang kanyang mga kapatid na galing pa sa Manila. At dumalaw kami kay papa doon sa Purok 1 halos hindi namin siya makikilala noon kase nagbago lahat mukha nya iba na lahat sa kaniya, pinatahi niya lahat ng kaniyang sugat kaya hindi namin siya madaling nakikilala noon.
Nag desisyon lahat ng kapatid ni papa na pumunta daw sila sa Manila para ma operahan si papa dahil malala daw ang kaniyang mga sugat at kailangan nadaw nang opera. Kaya ayun ilang araw nalang at aalis na sila papuntang Manila nagpaalam na kami sa kanila lalong-lalo na kay papa, iyak ng iyak kami non dahil malayo ang Manila di namin siya madadalaw. Hanggang ngayon nandon padin siya sa Manila at namimiss na namin siya ng sobra. Ilang taon na rin simula nong grade 5 pa ako, hindi parin siya nakakauwi dito sa Bukidnon.
1 note
·
View note