parakayjeyna
para kay jeyna
10 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
parakayjeyna · 3 months ago
Text
last
this would be the last time I am writing a message to you.
hi, jheana. it's me. idk kung mababasa mo 'to ever. tbh, idrc anymore kung mabasa mo man o hindi. ang mahalaga, for the first and last time, masasabi ko lahat ng gusto ko.
how could you? hahaha how could you hurt and disrespect me after everything? hinayaan kita sa gusto mo na tapusin what we have to think that the reason you gave me was true. i trusted you. hinayaan kong madurog ako sa desisyon mo, kasi ganun kita kamahal na baka nga talaga napagod ka sakin. well, after two weeks, may bago agad? as if di nangyari yung isang taon natin? ganun ba kadali sayo tapon yon? i've defended you sa lahat ng tao nung naghiwalay tayo, na sinasabi ko di magagawa sakin ni jheana yon. baka nga you cheated on me. it's so funny that ginagawa mo lahat ng ayaw gawin sayo. breaking promises? cheating? hurting? damn. it fucking sucked. it was a week before my birthday oh. i get that you want your happiness but at an expense of hurting someone?
pero tangina, despite that, why tf do i still love and care about you? it's been months, sobrang sakit pa rin. i pray everyday na iheal na ko. kasi pagod na pagod na ko sa nararamdaman ko. ayoko mabuhay na puro lungkot at galit na lang nararamdaman ko.
i hate it. i hate that i love you. how could you do this to me? genuine ako sa'yo, pure intentions ko sa'yo. pero ano nakuha kong kapalit. i hope that you do not find that pureness and love sa kahit kanino. i hope the thought of me haunts you. i hope you regret everything. i hope you feel guilty.
yes, di ako naging perfect or mabuting partner sa'yo. if nasa akin ang lahat, alam mong maibibigay ko lahat sa'yo. alam mo yan. no, in fact, kahit walang wala ako, binigay ko sayo lahat. sa bawat inconvenience ng buhay mo, sinamahan kita. napagod din ako sa mga panahong yon. pero the difference between us? i still chose you and nobody can ever do that sayo bukod sakin. kahit ilang beses kang sumuko o sinukuan ako, ako pa rin pumili sa'yo. i hope na kita mo yon.
for months, i felt na im unworthy. na kapalit palit ako. putangina, you don't know how much that pains me. ilang buwan ko hinanap sarili ko na hanggang ngayon di ko pa rin mahanap. bakit ganito epekto mo sakin? sana multuhin ka ng sarili mo. hinding hindi ako gaganti sa lahat ng ginawa mo sa akin. pero alam kong sa pagkakataong to, yung binigay mong sakit, mararamdaman mo nang sobra sobra sa ibang paraan and you would remember na it was the price you needed to pay for hurting me.
wala akong problema sa mga kaibigan o pamilya mo, in fact i root for them and wish them success. lalo na si tita liz, naging mabait pa rin sya sakin despite what you did and if ever kailangan nya tulong ko, i would do everything for her. kahit mga workmates ko, yun din gagawin.
you lost me and pagsisisihan mo yun araw-araw. sure ako dun. and by the time na okay ako, you'll be begging for my forgiveness.
0 notes
parakayjeyna · 8 months ago
Text
March 05, 2024 8:12 PM
hi, mahal! it's me again. katutulog mo lang sa mga oras na 'to. antok na ikaw kamo eh. katatapos lang din ng heart to heart talk natin. thank you for seeing my efforts. thank you for appreciating them. i know sobrang hirap sa'yo ng mga 'to. nahihirapan kang iprocess lahat. tandaan mo, di mo need ipilit ha? what flows, flows. hayaan mo ako na ibigay ko yung best ko to turn things around. and if it's not enough, hey, i still tried my best. wala akong regrets kasi tinry ko lahat. mahal kasi kita eh. di ko hahayaan na mawala ka lang basta basta. basta ikaw mahal, iprocess mo need mo iprocess. mag-iintay ako sa'yo. di mo kailangan magmadali. mamahalin kita kahit gano pa kabilis o kabagal yung pag-accept mo ulit sa akin. nakikita ko efforts mo, you are seen!
iniisip ko na baka isend ko 'tong link na 'to sa 14 para alam mo rin laman ng isip ko. just wanted to let you know that i love you. kapit lang mahal ha?
0 notes
parakayjeyna · 9 months ago
Text
March 03, 2024 9:50 PM
hello, mahal! i really don't know if nababasa mo 'to. siguro itutuloy ko na 'tong streak na 'to na pagsusulat ng mga liham para sa'yo. salamat at naging totoo ka sa'kin. not many people are true nowadays. yes, i get it. gets ko kung bakit feel mo unsecured ka sa future. tbh, sobrang unknown ng future. maski ako di ko rin alam mga mangyayari sa mga susunod na araw and it's scary. nakakatakot na wala tayong control minsan sa magiging hinaharap natin. pero mahal, haharapin ko yung unknown basta ikaw kasama ko. okay lang matakot basta matatakot tayong magkasama. thank you kasi kahit di ka certain, pinili mo pa rin na ayusin 'to. pinili mo pa rin mahalin ako nang isa pang pagkakataon. pinili mo pa rin ako. with that, sobra akong thankful.
for how many days, inooverthink ko 'tong relationship natin pero kahit papaano nakakuha akong sagot and nagkaron akong peace knowing you'd still fight for us.
malayo pa tatahakin natin, mahal. pangako, sasamahan kita sa lahat ng yon. babawi ako.
0 notes
parakayjeyna · 9 months ago
Text
March 02, 2024 10:19 PM
gabi na naman, mahal. himbing na siguro tulog mo. ano kaya panaginip mo? ano kaya nasa isip mo ngayon? kasi ako ang daming tanong na pumapasok sa isip ko, di ko alam saan magsisimula. pero pinakatumatatak ngayon sakin ay pano kung natuloy yon? pano kung naghiwalay tayo nung gabing yon? paulit-ulit ito pumapasok sa isip ko, di ko mapigilan. ayoko sabihin mga iniisip ko kasi natatakot ako. natatakot ako magkamali ulit. natatakot akong pumalpak. natatakot ako na kapag nagkamali ako, mawala ka ulit sakin. natatakot akong mawala ka, mahal. you have so much in your plate ngayon and I don't want na dumagdag pa don. so I try to hold it all together. tintry ko maging better. i want to be better. i want to be okay. i want to be with you.
alam mo, bago ko sinulat to, nabasa ko huli kong entry dito. it's about us and our individual problems dated back to July 2023. kahit noon may kanya-kanya na tayong mga problema na siguro naka-apekto rin sa relasyon natin. pero look, fast forward to 7 months, tayo pa rin magkasama. and somehow, napanatag ako. na kaya natin malagpasan lahat nang magkasama. oo, di maiiwasan mga away at gulo may it be personal or satin, pero naniniwala ako na mas malaki tayo sa mga problemang yon. at as long as magkasama tayo na haharapin yon, makakayanan natin dalawa.
idk if mababasa mo 'to. pero gusto kong sabihin na mahal kita sobra. ayoko mawala ka. wag mo ko iwan please?
Tumblr media
0 notes
parakayjeyna · 1 year ago
Text
Tumblr media
to my wife,
Hi there! Kapagod no? Hehehe. Today was exceptionally tiring for the both of us because of our families. At first, I was the one crying. After a few hours, ikaw naman. Lagi natin sinasabi dalawa na what if mamatay na lang tayo. Alam naman nating dalawa na ayaw natin iwan isa't isa pero naiintindihan ko san nanggagaling yung sentiment of death, kasi ganon din nararamdaman ko. I feel you, mahal. Nakakapagod mabuhay and gusto lang natin tumakas sa sitwasyon na meron tayo ngayon. Pero cliche man, there would be better days for both of us. I know di ito yung gusto mo marinig kasi ano ba naman magagawa nung sinabi kong yon. But trust me, magiging okay din 'to lahat. Looking back from who we were a few years back, proud ako sating dalawa for being so strong and kahit papaano mas okay.
You know what's even better? Meron na tayong isa't isa. Before, lost na lost na siguro tayo at baka may magawa na tayo. But now, alam nating may iintindi sa bawat isa. Yung alam mong at the end of the day, merong tao pa rin na iintindi at mamahalin ka. I have you and you have me. Feel ko as long as we have each other, mas kaya natin maging strong. Mas kaya natin mabuhay. So, please stay?
Marami pa tayo tatahakin together, mahal. Let's do it together. Gusto ko makita yung dulo kung saan masaya at successful tayo. Kung san nakasurvive tayo. I want that for the both of us. I want to grow old with you, wifey.
I love you so much! You are the best. You are my everything.
Love, Your cute wife
0 notes
parakayjeyna · 2 years ago
Text
three.
Sa unang pagkakataon, magkasama natin cinelebrate ang ating monthsary, kasabay rin nito ang pagdiwang ng aking kaarawan. Ang masasabi ko lang ay ito ata isa sa pinakamasasasayang araw ng buhay ko. Love at peace lang ang naramdaman ko nung araw na yon at wala na ko mahihiling pa.
Alam mo na lahat ang gusto kong sabihin sayo, pero paulit ulit ko pa ring sasabihing mahal na mahal kita. Salamat sa tatlong buwan ng pagmamahalan at evident yung pagmamahalang iyon sa larawan na kasama sa post na to. Parang perlas sa isang kabibe, merong special inside at yun ay tayong magkasama.
Happy monthsary, my love! I love you so much!
Tumblr media
1 note · View note
parakayjeyna · 2 years ago
Text
two.
All I can say is that I'm happy. Ngayon ko lang naramdaman yung gantong klaseng pagmamahal. Yung pagmamahal na tipong walang hinihinging kapalit ang isa't isa, yung gusto mo lang talaga iparamdam sa tao na mahal mo siya.
Two months, officially. Pero even way before minahal ko naman siya agad. In a span of two weeks na nakilala ko sya, nahulog ako. Wala eh, dali kasing mahalin. Ang dali niya nakuha yung puso ko.
To that siya na tinutukoy ko, I love you! Araw araw ko ipaparamdam sayo yung pagmamahal na to. Yes we fight and argue, but my love would still be the same.
Happy monthsary, my love! I love you. two infinity and beyond
Tumblr media Tumblr media
1 note · View note
parakayjeyna · 2 years ago
Text
I'm really not good at telling people how I truly feel. Kaya madalas I let them read my thoughts na lang, pero if it ends up na mali, ako lang nagiging disappointed sa sarili ko because iisipin ko na sana na lang pala sinabi ko.
To be honest, sa mga past relationships ko, madalas ako ganto. Kaya I always view myself as the toxic one kasi gusto ko dapat alam nila kung ano mga gusto ko kahit di ko sinasabi. Well, it turns out hindi pala dapat ganon. And once again, ikaw nagturo sakin ng ganong mindset.
First time ko na kaya kong macommunicate yung nararamdaman ko, yung thoughts ko at issues ko sa isang tao. That's how badly I want this relationship to work. Di ako perfect, minsan di pa rin ako marunong ako magcommunicate and evident yon sa mga nagiging misunderstandings and fights natin. For that, I'm sorry. I truly am. I will and forever will try just to make things work. Kaya rin ako huminga, if yung girlfriend mo ay past Aleth, baka di mo magustuhan and you'll not love me anymore. Ayoko mangyari yon.
Tuwing nakikita ko litratong 'to, it reminds me of how I see myself. Nakikita ko na mas masaya and mayrong better version ako pag ikaw ang katabi at kasama ko. Kaya't gagawin ko ang lahat para lang di ka mawala, even if it means communicating my feelings properly.
I love you! Please don't go away.
Tumblr media Tumblr media
1 note · View note
parakayjeyna · 2 years ago
Text
Bakit ayaw kumanta ni Aleth?
To be honest, hindi talaga ako mahilig kumanta dahil una sa lahat hindi maganda boses ko at mas prefer ko ang sumayaw. Never mo ko mapapakanta sa karaoke or kahit saan kasi madalas wala ako sa tono. One day, kasama ko mga kaibigan ko na naghihintay ng jeep. Nagpatugtog yung katabing tindahan ng appliances ng isang kanta, since alam ko yung kanta, sinabayan ko siya pero mahina lang. Isa sa kanila ay sinabihan akong tigilan ko raw kumanta kasi di bagay. At dun nadurog yung puso ko. Alam ko naman sa sarili ko na pangit ako kumanta, pero it hurts kapag iba na nagsabi. I swore to myself that time na never ko na kakantahan mga tao. Then you came along, nabago mo yon. Somehow when I'm with you, napapakita ko totoo kong sarili, at nagiging komportable ako. Never mo ako hinusgahan bagkus ay sinuportahan mo pa ko. Although natatakot pa rin ako kantahan ka, pero onti onti ko na yun nalalagpasan. Halimbawa non ay itong post na to. Ika nga ng Ben&Ben, wounds of the past will eventually heal. You helped me heal sa ganitong simpleng sitwasyon na to. And for that, I'm forever thankful. I love you, my love. Enjoy the song. <3
1 note · View note
parakayjeyna · 2 years ago
Text
one.
"and in the end, everything we have makes it worth the fight"
Ito yung eksaktong mga salita na tumatak noong pinapakinggan natin ang paborito mong kanta noong Enero 14, 2023. Ginawa mong madali para sa akin lahat nung araw na yon. Sa totoo lang, di ko alam paano ka kakausapin, yayakapin at kung ano pa man dahil natatakot ako sa magiging reaksyon mo. Pero ginawa mo 'tong madali sapagkat di ka nagdalawang isip na hawakan ang aking mga kamay at iyo mo akong ihagkan. Kaya't naging madali na rin para sa akin sabihing mahal kita at tanungin yung tanong na matagal nating inintay. Nung araw na iyon, tinuruan mo kong di matakot. Kung kaya't sa loob ng unang buwan natin, hinarap ko ang pinakakinakatakutan ko, ang umamin sa pamilya ko kung ano ako. Dahil sayo, naging malaya ako. Salamat, mahal! Salamat dahil sa isang buwan, pinaramdam mo sa akin ang walang hanggang pag-ibig. Hindi ko maipapangako na puro masasaya lamang ang mararamdaman natin sa relasyong to, pero pinapangako ko na ikaw ang pipiliin ko lalo na sa mga pagkakataong parehas tayo natatakot. Dahil tinuruan mo kong wag matakot, pinapangako ko na haharapin pa natin ang mga susunod na mga araw, buwan at mga taon na may tapang. Kaya wag ka na matakot mahal, kasi sasamahan kita palagi. Mahal na mahal kita!
Tumblr media Tumblr media
2 notes · View notes