paolafaithlariane-blog
Untitled
1 post
Don't wanna be here? Send us removal request.
paolafaithlariane-blog · 6 years ago
Text
Batas Pangwika
St. John’s Academy Dinalupihan , Bataan
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO:PATAKARANG PANGWIKA
11- ABM ST. ANTONINE Paola Mae-Sally Mercado Lariane Joy Santos Faith Culala
         Ang patakarang pangwika na nakasaad sa Saligang-Batas ng 1973 at 1987 ay tumutugon sa instrumental na pangangailangan ng mga Pilipino upang magkaroon ng pagkakaisa hindi lamang sa identidad sa pamamagitan ng wika. Ang bilingguwalismo ay isang penomenang pangwika na tahasan at puspusang tinatalakay sa larangan ng sosyolinggwistiks. Nakasaad sa patakarang ito ang malaking ugnayan ng wika at lipunan at kung paano nakapag-ambag ang lipunan sa debelopment ng wika. Makikita sa patakarang ito kung paano tumutugon sa pangangailangan ng mga Pilipino upang magkaroon ng pagkakaisa. Sa pamamagitan ng pagkakaisa ng mga Pilipino ay doon magsisimulang umunlad ang wikang pambansa. Ginagamit ito ng mga Pilipino bilang midyum ng pagtuturo at ang sinumang estudyante ay makagagamit ng Ingles at Filipino sa anumang asignatura o aralin. Dito mas lalong makakatulong sa mga Pilipino ang paggamit ng bilinguwal. Sa patakaran din ito ay makakatulong sa mga Pilipino na makipagkomunikasyon sa ibang bansa o lugar.          Mas mapapadali ang pakikipagkomunikasyon dahil alam na ang lengguwaheng kailangang gamitin. Mapapalago ang ekonomiya dahil magkakaroon ng oportunidad ang mga Pilipinong makipagsapalaran sa labas o sa loob man ng bansa dahil sa paggamit ng wikang Ingles at wikang Filipino. Ang pagtuturo ng wikang Ingles at wikang Filipino ay makatutulong din sa pagpasok o pag aapply sa isang trabaho sa ibang bansa o isang kumpanya na Ingles ang wikang kailangan gamitin. Malaki rin ang maitutulong nito sapagkat bukod sa paggamit ng wikang Filipino, ang wikang ingles ay ginagamit din ng ibang mga rehiyon at ibang bansa bilang kanilang lengguwahe sa pakikipag-usap. Kaya mas mabuting ituro ang wikang Ingles mula sa simula ng pag aaral pa lamang sapagkat ang mga bata ay mas mabilis matuto ng iba't-ibang lengguwahe sa kanilang murang edad. Ang mga Pilipino ay makakasabay sa ibang bansa kung tayo ay magiging matatas o magaling sa parehong lengguwahe.          Ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 210, s. 2003 ay patakaran na nagpapaigting sa paggamit ng ingles bilang pangalawang wika sa sistemang pang-edukasyon. Ito ay ang patakaran sa pagtuturo ng wikang ingles bilang pangalawang wika simula pa lamang sa unang baitang sa elementarya. Ito’y patakaran sa paggamit ng wikang Ingles sa mga panuto o sa pagtuturo ng asignaturang Mathematics, English at Science at Health. Ito ay isinakatuparan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo dahil nakita nya na marami lamang na nakatengga na trabaho tulad na lamang ng Call Center. Sa panahong ito, dumami na ang mga nagtatrabaho bilang mga Call Center Agent at nabawasan din ang bilang ng walang mga trabaho. Maganda ang layunin ng patakarang ito dahil makakatulong ito ng malaki sa karamihan. Wala namang mawawala kung maituturo ang Ingles dahil hindi naman layunin nito na mawala ang wika nating sarili bagkus ang pagtuturo nito ay makakadagdag pa sa ating kaalaman. Dahil maagang naituro ang ingles, hindi na nahihirapan na makipag-ugnayan ang mga Pilipino sa mga ibang tao.          Ang pagtuturo ng Ingles sa elementarya ay dapat ipagpatuloy lamang dahil mahirap  makipag-ugnayan kung ang alam lamang ay Tagalog. At dahil sa pagtuturo ng Ingles sa elementarya pa lang, nahahasa na ang dila ng mga taong magsalita at nahahasa na ang ating utak na mag isip ng mga ingles na salita. Malaki na ang impluwensiya ng ingles sa lahat ng bagay kung kaya't hindi na maaari pang alisin o tanggalin pa. Sa katunayan, mas malaki pa nga ang mawawala kung ito ay tatanggalin dahil ang mga tao ay magmumukang mang-mang o walang alam sa tingin ng ibang lahi at iisipin nila na madali na lamang utuin o lokohin ang mga Pilipino. Malaki din ang tulong ng ingles o ano mang wikang banyaga lalo na sa mga nangingibang bansa o mga OFW(Overseas Filipino Workers) dahil madali nilang nakakausap ang mga ibang lahi. At higit sa lahat malaki ang tulong nito sa pakikipag kalakalan sa ibang bansa na nagpapaangat ng ekonomiya ng Pilipinas. Ingles ang gimagamit sa pakikipag kalakalan kung kaya ito na siguro ang pinaka malaking tulong na nagawa ng ingles.          Ang MTB-MLE ay mas kilala din sa tawag na Mother Tongue Based- Multilingual Education at ito ay paraan ng pagtuturo kung saan unang binibigyang pansin ang pagiging bihasa ng mag-aaral, partikular na sa kindergarten at unang tatlong taon ng Elementarya, paggamit ng kanilang Lingua Franca o unang wika(dayalekto). Ang paraan na ito ay mayroong mga mabubuting epekto sa mga mag-aaral lalo na sa mga nagsisimula pa lamang. Nakakatulong ito sa pagkakaroon ng resulta sa pagiging mahusay sa pagsasalita ng wikang Filipino. Magkakaroon rin ng mataas na kumpyansa sa sarili ang mga mag aaral sapagkat maipapaliwanag nila ng mabuti ang kanilang mga ninanais na sabihin. Mapapansin na may kagandahang nabago sa paraan ng pag-iisip ng mga bata, partikular sa akademiko at intelektuwal na aspeto. Tuland ng nabawasan ang mga Drop out o lumiliban ng klase, nabawasan na pag-uulit sa klase, naging mas aktibo sa klase ang mga bata, ang mga bata ay umunlad sa pananalita at pagkakatuto, at pag-unlad sa komunikasyon. Unti-unti nang nababawasan ang mga drop-outs at pag-uulit dahil sa pagkakabuo at pag-unlad ng tiwala sa sarili ng mga mag-aaral.          Masasabi na ito ay dulot ng pag engganyo sa mga bata na mas gamitin ang kanilang wika na ginagamit sa bahay o unang wika. Hindi rin napapahiya sa kanilang klase ang mga bata kung ginagamit ang kanilang kinagisnang wika sa bahay, dahil ito mismo ay kanilang pinag-aaralan. Ito rin ang dahilan kung bakit naging aktibo ang mga bata sa klase. Ang mga bata ay umunlad sapagkatuto at pananalita dahil mas naiprepresenta ng mga bata ang kanilang nais. Sa kadahilanang ito, nasasabi at naisasaad ng mabuti ng mga bata ang kanilang nais matutunan, hindi naintindihan, at pangangailangan. Bunga nito, nahahasa ang kanilang kakayahan, dahil nasasagot ang katanungan sa kanilang mga isipan. Sa kabila ng lahat ng magagandang dulot ay mayroon ding oras na kinakailangang gumamit ng ibang wika upang mas maintindihan at maipaliwanag natin ng maayos ang ating mga nais sabihin at ipahiwatig. Katulad na lamang sa mga guro na nagtuturo sa asignaturang Matematika at Siyensya. Kung ipapaliwanag nila ang mga ito gamit ang wikang Filipino, kinakailangan nila ng mahabang mga salitain upang maipaliwanag lahat ng ito at kailangan din nila ng mahabang oras. Dito pa lamang ay maggugugol na ng mahabang oras ang mga estudyante sa pag- aaral sa mga asignatura na ito at mahihirapan din silang intindihin ang mga ito.          “Panatilihin at bigyan ng mas mataas na unit ang Filipino kaysa sa ibang asignatura sa kolehiyo” ang nais na gawaing batas ng mga mananaliksik.Sa opinyon ng mga mananaliksik, hindi dapat alisin ang asignaturang Filipino sa pag-aaral lalong lalo na sa kolehiyo sapagkat mahalaga na pangalagaan ng bawat mamamayan ang wikang Filipino. Kung babalikan ang sinabi ng bayaning si Dr. Jose P. Rizal na "Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa amoy ng malansang isda". Ang kahulugan nito ay dapat na pakatandaan na ang pagmamahal sa inang wika ay hindi nangangahulugan ng pagtakwil sa salitang banyaga o pagpigil na matuto ng ibang wika. Huwag itakwil at kalimutan ang inang wika dahil dito nagmula at bahagi na ito ng kasaysayan. Ito rin ang tanyag na katagang nagmula sa ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal na nagbibigay kahalagahan sa wika sa buhay ng isang tao. Isang inspirasyonal na kataga at kapupulutan ng aral tungkol sa pagpapahalaga ng wika. Kahit maraming wikang banyaga ang alam na sabihin ni Rizal, hindi niya tinalikuran ang kanyang bansa at pinalagahan ang wikang Tagalog na isa sa mga parating ginagamit ng mga Pilipino noon.          Ang asignaturang Filipino ang nagbibigay kaalaman sa mga mag-aaral ukol sa ating wika at panitikan. Bukod dito, ay nalilinang din sa mga mag-aaral ang kaisipang makabayan. Kaugnay ng pag-aaral ng panitikan, napag-aaralan din ng mga mag aaral ang kasaysayan ng Pilipinas. Lubos na mahalaga ang asignaturang Filipino upang maintindihang mabuti ng mga bagong henerasyon hindi lamang ang wika, pati na rin ang bansang kanilang sinilangan. Ang wika ay bahagi na ng kultura sa bayan. Kaya ito ay dapat pagyabungin at ipagmalaki. Nararapat ipatupad ang batas na ito upang mas mabigyan ng pagpapahalaga ang Filipino kaysa sa ibang asignatura. Maisapuso ng mga mag-aaral na napakahalaga ng pag-aaral ng wikang Filipino lalo ito ang ating pambansang wika. Napakahalaga na bilang Pilipino na matutunan ang kasaysayan at kultura na maipagmamalaki sa ibang bansa. Sa Pilipinas, mas nagkakaunawaan ang bawat isa sa pamamagitan ng paggamit ng wikang Filipino na kung saan ito ang wikang pambansa.          Ang wikang pambansa ay siyang susi ng pagkakabuklod-buklod ng damdamin at diwa ng mamamayan. Ang kahalagahan ng wikang Filipino sa edukasyon ay kasing halaga ng iba pang ginagamit na wika sa paaralan. Mahalaga ang papel na ginagampanan nito sa pag-aaral sapagkat ito rin ang pangunahing wika. Pinakakaraniwan itong wika na kinagisnan ng mga Pilipino bilang pangunahing salita. Isa itong kasangkapan sa pagkakaintindihan at komunikasyon ng mga Pilipino. Dito rin isinasagawa ang pagbabahagi ng kaalaman ng pagbibigay inspirasyon sa wika. Ang kabataan ang magtataguyod at magpapatuloy kung ano man ang nasimulan. Dapat lamang na mas bigyang pansin o bigyang diin ang pagtuturo ng sariling wika na Filipino kaysa sa ibang lenggwahe upang ito ay lumakas pa at hindi makalimutan. Dahil magsisimula lahat sa kabataan ang pag-asa at magtutuloy tuloy sa susunod pa na henerasyon. Paano pa mamahalin ng sunsunod na henerasyon ang wikang Filipino kung ngayon pa lamang ay nagpapakita na ng hindi pagmamahal sa sariling wika ang gobyerno sa pagpapatanggal ng asignaturang Filipino.          Bigyang pansin ang Filipino kaysa sa ibang wika dahil ito ang magbibigay sa atin ng sariling pagkakakilanlan at pagiging orihinal. Ang ating wika ay ipinagtanggol ng mga magigiting na Pilipino at ngayon nakamtan na natin ay bakit agad-agad nalang kung ito ay alisin. Paano masasabi na isa kang Pilipino kung ang sariling wika ay hindi man alam. Kung ito ay aalisin para nading tinanggalan ng sariling pagkakakilanlan ang Pilipinas. Ang sariling wika ay dapat manaig ngayon pa na ang mga kabataan ay may kanya kanyang ipinaglalaban. Ika nga ni Dr. Jose Rizal, “Ang Kabataan ang Pag-asa ng Bayan” kung kaya’t hindi maaaring tanggalin ang Filipino sa Kolehiyo dahil ang mananaliksik ay naniniwalang nasa kamay ng kabataan ang susi ng tagumpay upang manaig ang sariling wika.Ano pang saysay ng pagiging malaya ng Pilipinas kung sa lenggwahe pa lamang ay nasakop na ang bansa at ngayon ay balak pang tanggalin ang asignaturang Filipino.          Huwag tanggalin ang asignaturang Filipino bagkus palakasin pa ito at huwag iwawala dahil kapag ito ay tinanggal ay tuluyan na itong mawawala at baka sa susunod na henerasyon ay hindi na ito maaabutan at makikilala. Maaaring naituro na ito sa elementarya at sekondarya ngunit marami paring hindi nakakaintindi at maaaring nakalimutan na. At tuluyan pa itong makakalimutan o ito ay mabubura na kung aalisin ang asignaturang Filipino sa kolehiya. Baka dumating ang araw na wala ng gagamit ng sarili wika kung mangyayari nga ang pagtatanggal ng asignatura. Naniniwala ang mananaliksik na wala ng ibang magtataguyod ng sariling wika kung hindi ang kabataan lamang dahil mismong gobyerno na ang kakalimot dito.
1 note · View note