Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Summative Test 1
Don Bosco Makati, Tahanan ng mga Pambihirang Mag-aaral
Ang Don Bosco Makati ay isa sa mga maraming paaralan na mayroon ang Senior High School. Nagsimula ito magkaroon ng Senior High School noong taong 2016. Kilala ang Don Bosco Makati dahil hindi lang puro akademiks ang itinuturo ditto. Ito rin ay nagtuturo ng mga teknikal na asignatura. Sa high school, mayroong mga shops at ito ay ang mechanical, automotive, Drafting, Electrical at Electronics. Mayroon din ang mga ito sa Senior High School ngunit E-Tech na ang tawag. Kung gusto mo nang mas maraming matutunan pagdating sa mga teknikal na mga bagay, para sayo ang paaralan na ito. Hindi lang mga shops ang makikita mo dito, kundi marami ka ding makikitang mga basketball court. Meron din itong volleyball court, football field, at iba pa. Tulad nga sa motto ni Don Bosco, “Run, jump, shout, but do not sin”, tinuruan din tayong magsaya. Kada taon, nagkakaroon ng intramurals na inaanyayahan ang mga estudyante na makipagkumpitensya sa kanilang mga kapwa mag-aaral. At ang pinakamagandang bagay na makikita mo sa Don Bosco ay ang pagturo ng magkaroon ng takot sa Diyos. Ito ang dahilan kung bakit mahilig mag mano ang mga Bosconians. Tuwing may nakikita silang guro o kaya pari, ang unang una nilang gagawin ay mag mamano. Ito ay dahil isa ang Christian Living sa mga asignatura na itinuturo sa mga estudyante. Kasama din dito ang pag mimisa ng mga estudyante tuwing mayroong pagdiriwang. Ang kakaiba sa Don Bosco Makati ay habang nag-aaral ang mga estudyante, nauugalian din nilang maging mabuting mga kristiyano at marangal na mamamayan.
Pambihirang Lahi
Sa maunlad na lungsod ng Makati nakatayo ang Don Bosco Technical Institute. Isang maganda at malaking pribadong paaralan na kung saan ako nag-aaral. Ako ngayon ay nasa baitang labing-isa ng departamento ng Senior High School at sa paaralang ito rin ako lumaki bilang isa Bosconian mula pa sa aking paunang paaralan. Kilalang-kilala ko na ang eksklusibong paaralan na ito at pati na rin si San Juan Bosco. Ang Senior High School ay ang huling yugto ng ating buhay bilang isang mag-aaral ng High School at dito na tayo magsisimulang pumili ng ating pangarap at kinabukasang tatahakin. Mga pangarap na mahirap abutin ngunit kakayanin. Mahirap ang Senior High School sa Don Bosco Makati. Ngunit sa kabila ng mga pagsubok na ito, hindi nawawala ang mga programang handog ng mga mag-aaral at guro para rin matumbasan ng kasiyahan sa ating pag-aaral sa Don Bosco Makati. Hindi pa rin nawawala ang pagtutulungan ng mga mag-aaral at guro para maabot ang hinahangad ng bawat isa, sapagkat ang pangunahing layunin natin dito ay matuto at umunlad sa buhay. Dahil sa pagkakaisa ng bawat isa ay nabuo ang pamilya ng departamentog Senior High. Masasabi mo nang matulungin ang mga Bosconian dahil ito ay hindi na lamang tamang asal para sa atin, kundi ang ito na rin ang nagbibigay buhay sa atin upang tahakin ang mga landas ng bawat isa. Sa tahanang ito, walang mag-aaral ang nahuhuli o nag-iisa, sapagkat magkakasama lahat sa mga landas at magkasama ring nagsisiyahan dahil na lamang isa tayong pamilya. Sa mga ganitong katangian ay maituturing natin Bosconian lamang ang malakas. Malakas kay Inang Maria, malakas kay Don Bosco, at malakas na rin kay Diyos, Panginoong Ama. Sapagkat ang lahat ng ating karaniwang gawain ay ginagawa nating pambihira, dahil ang mas nakakabuting mga desisyon ang magsisilbing daan para ikaw ay bumuti.
Ang Panaginip sa ika-9 ng Disyembre
Sa matiwasay na lungsod ng Makati nakatira ang isang mag-aaral na nagngangalang Kulas, nakapagtapos na siya ng kanyang pag-aaral sa huling baitang ng Junior High School. Sa oras na ito ay kanya nang tatahakin ang panibagong landas ng kanyang buhay bilang isang mag-aaral ng Senior High School. Siya ay papasok sa isa ring panibagong paaralan na magsisilbing sandigan at kaagapay para sa pansariling pag-unlad tungo sa mga pagsubok na kanyang haharapin sa kanyang paglalakbay. Sa unang pagyapak ni Kulas sa paaralan ay nakasalamuha niya kaagad ang isang gurong nakikipagtawanan at biruan kasama ang mag-aaral, kanya itong nilapitan at naisipang pagtanungan. “Magandang umaga po! bagong mag-aaral lamang po ako dito at maaari po bang humingi ng payo at gabay tungkol sa paaralan,” tanong ni Kulas. Malugod na tinanggap ng guro ang hiling ni Kulas at inanyayahan muna ng guro si Kulas magdasal sa loob ng isang chapel. Matapos ang kanilang pagdarasal ay sinumulan ng guro ang kanyang pagkwento. “Ang paaralang ito ay hindi lamang kinikilala ng mga mag-aaral bilang isang eskwelahan na siyang lugar upang matuto at mag-aral tungkol sa agham, gramatika, sipnayan, at iba pang mga asignatura. Subalit ang paaralan ding ito ay ang magsisilbing pangalawang tahanan para sa mga mag-aaral tulad mo. Sa paaralang ito ay hindi pinipigilan ang mga mag-aaral na magsaya at gawin ang kanilang kagustuhan, sapagkat ang pangunahing layunin ng paaralan ay ang pag-unlad ng mag-aaral sa kanyang katuyuan sa buhay mula sa kanyang sariling pagsisikap. Maaari kang tumalon, sumigaw, at magsaya, subalit huwag ka lamang magkakasala. Sa mga salitang ito sumasalamin ang daloy ng buhay ng isang Bosconian at dahil dito, lumalaki at naglalakad pasulong ang mga mag-aaral tungo sa kanilang kinabukasan na inaasam.” Natapos ang pagkukwento ng guro dahil sa oras na para magtipun-tipon ang mga mag-aaral. Bago umalis si Kulas ay hiningi niya ang pangalan ng guro at gusto niyang magpasalamat ng marami kahit sa kakaunting oras ay marami siyang aral na naibigay. “Ano po ang inyong pangalan? Maraming Salamat po sa lahat!”. “San Juan Bosco anak at maraming salamat din sayo,” ang sabi ng guro.
Nagising si Kulas mula sa kanyang mahimbing na tulog at sakto lamang siya sa oras para makapaghanda papasok sa eskwelahan. Puno ng kasiglahan si Kulas at tila parang masaya ang kanyang panaginip, hindi matanggal sa mukha ni Kulas ang ngiting nagpapahiwatig ng kasabikan sa kanyang unang araw bilang isang mag-aaral ng Senior High sa Don Bosco Technical Institute ng Makati. Pumasok si Kulas sa paaralan at napansin niya ang isang gurong nakangiti at nakatingin sa kanya, nilapitan niya ang guro at kanyang tinanong, “Hindi na po ba ito isang panaginip?”
0 notes

Pataas ng pataas! Pababa ng pababa…
Collado, Jherald L.
Filipino, pataas ka ba nang pataas o pababa ka nang pababa? Katulad ka na lang ba ng isang basahan na matapos gamitin ay mababale wala na lamang? Hindi ka na kailangan kaya papalitan ka na lamang ng mga kabataan na siyang dapat umaakay sa iyo para higit pa ang iyong pagtaas at patuloy ang pagbibigay karunugan sa kanila.
Ang mga bagong salita ay bahagi raw ng pag-unlad ng Wikang Pilipino, tulad ng “Jeprox” na uso noong dekada-70 na tumutukoy sa mga mayayamang kabataan, “Japorms” noong 1990s o porma, ang “endo” na pinagsamang dalawang salitang Ingles na, “End of Contract”, at ang “selfie” na nauso noong 2014 bilang isang paraan ng pagkuha ng sariling litrato. Ilan lamang ito sa mga salitang nakadagdag sa ebolusyon ng Wikang Filipino at naniniwala ako na nakatulong ang mga ito upang mas lalong tumibay at umunlad ang pagkabigkis nating mga Pilipino. Mahusay nating naipakita ang ating pagiging masining at mabilis na pag-agapay ng ating wika sa pagpapalit ng bagong henerasyon. Subalit, ang mga salitang tinatawag na “Gay Lingo”, tulad ng: merlat, majubis, givenchi, jumujulanis, makyonget at iba pang mga salitang beke o salitang bakla na kung saan sila lamang ang nagkakaunawaan. Para sa akin, hindi magandang mapakinggan ang mga ganitong salita sa lansangan lalo’t panay pa sila hagalpakan ng tawa. Nakakawala ng respeto sa ating wikang pamabansa ang mga salitang pinauso ng mga bakla, hindi nito natutulungan ang pagtaas ng kalidad at pag-unlad ng Wikang Pilipino.
Alam natin sa ating mga sarili na ang mga panibagong mga salita na ating tinatanggap ay may kalidad, sapagkat nakakatulong ang mga ito sa ating pag-unlad bilang mga Pilipino. Subalit, huwag naman sanang samahan ng mga bagong salita kagaya ng “Gay Lingo”, sapagkat hinihila nito pababa ang kalidad ng ating mahal na wika. May mga salitang umuusbong na sa iyong pakiramdam mo ay maganda ang maidudulot nitong epekto sa paggamit ng mga Pilipino sa kanilang pang-araw-araw na pakikipagtalastasan sa lipunan.
0 notes
Text
Paalam! Goodbye!
Paalam! Goodbye! Collado, Jherald L.
Paalam! Goodbye! Ganoon na lamang ba ang kanilang gagawin sa Wikang Filipino? Dahil ang mga nagpanukala ng pag-aalis nito bilang isang aralin o asignatura sa kolehiyo ay bihasa na sa pagsasalita ng Ingles o sila yung mga pangkat ng tao na hirap magsalita o umunawa nito dahil banyaga sila sa Wikang Filipino. Ang mga mag-aaral sa mababa at mataas na paaralan pa nga lamang mahina na ang mga kasanayan sa Wikang Filipino di lalo na itong namaalam sa atin kung aalisin ang pag-aaral nito sa kolehiyo.
Ako, bilang isang mag-aaral ay nababagabag sa mga pangyayaring nagaganap patungkol sa pagtanggal sa asignaturang Filipino sa pagtuturo sa kolehiyo. Ang Wikang Filipino ay isa sa ating pagkakakilanlan bilang isang Pilipino. Kung ikaw ay nagbakasyon sa mga kilalang pook-pasyalang pulo sa ating bansa, ang karaniwang gamit pambati sa iyo ng mga tao ay sa pamamagitan ng Wikang Filipino, kahit pa sa Luzon, Visayas o Mindanao ka pumunta na may sariling wikang katutubo ay ganap pa rin nilang ginagamit ang Wikang Filipino at makikita mo sa kanilang mga masasayahing ngiti ang pagmamalaki sa sariling wika, sapagkat ito ay parte ng ating kinalakihang kultura. Ano ngayon ang mangyayari kung aalisin sa ating mga kolehiyo ang wikang ating tinubuan, na basta-basta na lamang maglalaho sa pagdaan ng panahon?
Sa pagpapatuloy ng pag-aaral ng Wikang Filipino sa kolehiyo ay mas lalo pang magkakaroon ng kasanayan ang mga mag-aaral sa pakikipagtalastasan sa kapwa nila Pilipino. Lalo pa nilang gagamitin ito dahil mas napag-aralan nila ito ng mabuti at dito sisibol ang ating pagkamakabayan. Bukod sa watawat na naging simbolo na tayo ay isang malayang bansa ay meron din tayong wikang pinapayabong na siyang nagbibigay sa ating ng pangalan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Kung mababawasan ang mga taong magiging bihasa sa paggamit ng ating wika ay papaano na ang ating pagiging katangi-tangi sa daigdig? Mapait ang magiging epekto sa mga Pilipino sa pagkawala ng pag-aaral ng Wikang Filipino sa kolehiyo, sapagkat ito ang magiging simula ng pagbaba sa kasanayan ng mga kabataang Pilipino.
“Paalam, malapit ka ng mawala as amin, sa susunod na dalawang taon kapag kami ay nasa kolehiyo na ay hindi ka na naming maririnig at mababasa. Pero huwag kang mag-alala, sapagkat nasa puso ka namin at mananatiling Pambansang wika na nagpapatunay sa aming pagkakakilanlan bilang tunay na Pilipino, sapagkat buhay ang wika at ito ay patuloy na dumadaloy sa aming mga dugo na siyang nagpapatakbo sa bawat Pilipinong makabayan kaya walang mawawala, walang magpapaalam, at wala rin good-bye.”
1 note
·
View note