pagkukubli
Kubli
71 posts
Hindi mo naman ako kailangang makilala.
Don't wanna be here? Send us removal request.
pagkukubli · 11 years ago
Text
Mahal na mahal kita. Sobra. Hindi ko alam kung masyado pang maaga para sabihin ito pero kung maaari sana, gusto kitang makasama ng matagalan, sa matagal pang panahon, kahit habambuhay na sana.
0 notes
pagkukubli · 11 years ago
Text
I am disappointed with myself that I can't make you really happy as compared to how I can make you really sad most of the time. Basta, parang kulang pa rin ang nagagawa ko. Ang naipaparamdam ko sa iyo. Na minsan, pakiramdam ko, pinipilit mo nalang magmukha at ipakita o ipabasa sa akin na masaya ka, kumpara sa mga bagay na kailangan mong ilabas kapag may gulo na in an instant, ayon na. Basta. Sorry, I'm never good enough, always.
0 notes
pagkukubli · 11 years ago
Text
Hindi mo na nga ako kailangang kamustahin. Ako na itong mismong nagsasabi sa iyo. Pero bakit ganoon, parang wala lang sa iyo. May mga panahon ding kailangan sana kita.
0 notes
pagkukubli · 11 years ago
Text
Hanggang ngayon, ang hindi ko maintindihan ay kung bakit parang wala lang ako sa iyo kahit sinasabi mo at pinaparamdam mong mahal mo ako.
0 notes
pagkukubli · 11 years ago
Text
Kaya lang naman ako natatakot na makita na puro kalungkutan ang sinusulat mo ay baka isipin mo, at isipin ng mga tao na miserable ka sa akin ngayon, na hindi ka nagiging masaya, na halos lahat ng nangyayari ay puro sakit sa ulo mo. At baka isang araw, kapag binasa mo sila ulit, wala kang makikitang maganda. Nakalimutan mo na lahat at ang mga maaalala mo nalang ay ang mga kalungkutan. At huli, ang iisipin ng mga tao ay miserable ka nga sa akin, at lalapit sila sa iyo kasi alam nilang hindi mo deserve ang isang tulad ko, na mas deserving sila sayo, na sila ang magpapaligaya sa iyo, hanggang sa tuluyang puro kalungkutan na nga lang ang maisusulat natin. Iyon din ang dahilan ko kung bakit ko ginawa ang secret blog na ito. Sorry ang gulo.
0 notes
pagkukubli · 11 years ago
Text
Tama ka nga doon sa sinabi mong hindi nga pagsisinungaling ang selective na pagsasabi ng mga bagay bagay. Hindi iyon pagsisinungaling, kasi paglilihim iyon in a way, at isang napakasakit na bagay iyon na malalaman nino man mula sa taong minamahal niya. Parang tinabla mo na rin ako bilang parte ng buhay mo, parang inalisan mo nalang din ako ng karapatan na may malaman, parang wala nalang din akong pinagkaiba sa ibang mga tao. Sige, baka ganiyan naman talaga ang alam mo. Susubukan ko nalang ding maging ganiyan para sa iyo, na pili nalang din ang mga sasabihin at aaminin ko sa iyo. At least diba, okay ang lahat. Ayon naman ang gusto mo, pilit na okay ang lahat kahit punuin pa ito o idaan pa sa mga bagay na puno ng sama ng loob or what.
0 notes
pagkukubli · 11 years ago
Text
At natutunan ko na sa tuwing paggising ko sa umaga, magpapanggap nalang ako na parang walang nangyari noong kinagabihan, na okay na ako ulit, na parang nakalimutan ko nalang ang lahat ng nangyari kung bakit natulog na naman akong umiiyak. Oo, umiiyak, hindi mo naman alam iyon kasi hindi mo rin naman inalam. Kasi, paggising ko, alam ko namang wala akong aasahang pagsuyo o effort para maging okay sana ang lahat. Sa halip, gagatungan pa minsan. Kaya ito, paggising sa umaga, itabi mo nalang muna. Itabi mo lang lahat ng sama ng loob, wala namang mangyayari rin doon e. Hayaan mo nang maipon. Hindi naman siguro ito mapupuno.
0 notes
pagkukubli · 11 years ago
Text
Hindi ko alam kung bakit hirap na hirap ka parating suyuin ako. Dahil hindi ba hindi ka mahilig sa aksyons? E pwede naman iyon kahit sa salita lang e. Mas gusto mo pang sabayan, o kaya magtampo rin, o kaya magalit, o kaya maniwala nalang na okay ang lahat. Ewan ko kung bakit ka ganiyan sa akin. Minsan, ang gusto ko lang naman sana ay iparamdam mo, at hindi lang basta iparinig kasi nagagasgas lang din ang salita at minsan nakakarindi kaya nawawalan din ng halaga ang mga salita, na mahala rin ako sa iyo sa ganitong aspeto. Shit, naglalabas na ako ng sama ng loob sa dapat na secret blog ko na dapat ay hindi mo nababasa. Pero hayaan mo na. Sabayan mo nalang din ito ng posts na sumasagot dito, na galit din, o kaya nagpapaawa. Iyon naman ang gusto mo parating gawin e, kasi para sa iyo, may nasosolusyunan iyon. Na sa huli, ako nalang din ang dapat maging okay para sa sarili ko, at para maging okay ka na rin. Self-cheering up kumbaga.
0 notes
pagkukubli · 11 years ago
Text
Sige, hindi naman pala kasi pagsisinungaling ang filtering at selective exposure na talamak na ginagawa ng mga commercials para makabenta e. Sige, ganoon nalang din ako sa lahat ng bagay sa buhay ko. Ginusto mo iyan e. Sige, hayaan ko nalang na baguhin niyo ako, ng mundo, hayaan ko nalang na baguhin mo ako. Or siguro, baguhin ang sarili ko para makaangkop. Sige. Sige. Okay lang ako. Hindi mo lang alam kung sa "oo okay ako," o "hindi ako okay" mas malapit ang pagiging okay ko.
0 notes
pagkukubli · 11 years ago
Text
Gustong gusto mong sinasabayan ang tantrums ko.
0 notes
pagkukubli · 11 years ago
Text
Naalala ko dati, nagloloko ang internet ng bahay kaya kailangan ko pang pumunta sa kung saan para magpost ng kung ano. Katatapos palang ng ikalawang weekend noon. Tapos, ewan ko ba kung nagpapapansin ka talaga o ganoon ka lang talaga sa simula, pero binabasa mo at nilalike mo lahat ng posts ko. Sabi mo, nagbabasa ka naman talaga ng posts ko. Marami ka pang oras noon para sa akin, ang sarap lang alalahanin.
0 notes
pagkukubli · 11 years ago
Text
Wala akong appointment ngayong Friday night, as compared na parati dapat may gala. Hindi na naman ako sumama sa kanila kasi akala ko dito ka uuwi. Naghanda and all that shit ako, pero sabi mo kaninang umaga, hindi pala tuloy. Okay lang, naintindihan ko, kasi gusto nating gumaling ka na rin agad para okay ka na. Sabi mo magpapahinga ka nalang bukas. Good. Mas good nga iyon. Pero shit, tuloy ka na pala bukas and all. So, ano pa ang sense ng pagpapahinga pahinga mong drama kung sa umaga palang ay lagare ka na ulit? Sino niloko mo? Hindi ko kasi maintindihan e. Walang logic. Sobrang walang logic. Parang iniwan mo lang talaga ako sa ere. Tingnan mo, ako lang ang nalaglag sa schedule mo para sa isang bagay o rason namang hindi pala talaga mangyayari. Sakit. Sarap. Hayaan na. Nangyari na e.
0 notes
pagkukubli · 11 years ago
Text
Akala ko pupuntahan mo ako kasi magaling ka naman na. Akala ko tuloy na ang plano nating dito ka matutulog. Akala ko lang naman iyon kasi magaling ka naman na at makakapunta ka na sa bukas sa gagawin niyo bukas. Akala ko lang naman iyon. Ayos lang, akala lang naman iyon.
0 notes
pagkukubli · 11 years ago
Text
Ayon kasi ang na mahirap. Pilit nating kino-contain ang mga bagay bagay sa mga objective shits. Gusto nating parang multiple choice lang ang buhay. Gusto nating ang sagot ay ether tama o mali lang. Gusto nating ganito, ganiyan, huwag ipaalam ang kahit anong kaputahan.
Alam mo kung gaano kasakit 'non? Sa tuwing sinasabi mong lagi kang sablay. Sa tuwing sinasabi mong mali ka parati. Sa tuwing sinasabi mong itatago mo nalang ang ibang bagay para hindi masaktan? Daig ko pa ang niloko e, ang inalisan ng karapatan. Masakit, sobra, ayoko lang pag-usapan.
At nagkakamali ka sa isang bagay. Hindi ako vocal. Hindi madali para i-express ko ang lahat ng bagay. Hindi mo alam ang lahat ng bagay na nasa loob ng kukote ko, sa buhay ko. Hindi mo alam ang mga iyon, at hindi ka rin naman kasi nagtatanong. Kaya nga hindi ko rin alam kung paano babawasan ang mga bagay na gumugulo sa isipan ko, kasi hindi ko alam kung paano sila ilalabas.
Sige, ipagpatuloy mo lang iyan. Salamat ha. Maraming salamat. Maraming maraming salamat.
Sorry, ako na naman ang nagmumukhang masama.
1 note · View note
pagkukubli · 11 years ago
Text
Mabuti nalang at sobrang dami kong distractions ngayon na hindi ko gaano napapansin ang mga nangyayari sa kapaligiran ko. Buti nalang. Buti nalang talaga.
Kung hindi, baka sumabog na ako kanina pa. Ang linaw linaw naman kasi ng usapan nating magpapahinga ka na bukas para gumaling ka na ng tuluyan, na hindi mo na ako pupuntahan mamaya para gumaling ka na, pero naiinis ako kahit alam kong hindi gaano reasonable na sobrang nagiinsist ka talagang pumunta nalang bukas. Nakakatangina lang diba na ito ako, alalang alala sa iyo, na ginagawa ko ang lahat para sana makapagpahinga ka ng hindi ako nakakaabala, pero ayan, sige, magpakapagod ka at pilitin mo ang sarili mo kahit alam nating kakagaling galing mo palang. Ayan ang gusto mo e. Sige lang. Sabi ko nga, bahala ka na. Bahala ka na sa gusto mong gawin. Hindi nalang ako mag-aalala, nasasayang lang din naman e.
Pero wala naman akong magagawa, sayang din nga iyon. Idagdag mo pa ang super pagiging magaslaw mo na naman kanina gumaling galing ka lang ng onti. Sige lang. Magpakaganiyan ka lang nakakainis.
Ewan. Minsan, ito ang mali sa sobrang pagaalaga natin sa mga tao e. Una, nababalewala na. Pangalawa, hindi rin naman nila aalagaan ang sarili nila.
Okay, wala lang talaga akong mapaglabasan, at ayokong paulit ulit na magecho ito sa utak ko. Please, huwag na nating pagusapan ito kung mabasa mo man. At please, huwag ka nang magself pity kasi hindi rin iyan nakakatulong sa atin.
Basta go, bahala ka na. Bahala nalang din ako sa sarili ko.
0 notes
pagkukubli · 11 years ago
Text
Naalala ko iyong tayo dati habang katext ko iyong isa nating kaibigan. Iyong medyo umpisa palang. Ang bilis kasi ng reply-an namin kanina, habang ikaw, medyo matagal, as usual naman ngayong mga huling buwan. Naalala ko tuloy dati na ang bilis mo akong kausapin, na para bang excited ka ng sobra sobra, mula umaga hanggang gabi, kahit nasa trabaho ka. Tapos dati, tinanong kita kung ayos lang bang magkatext tayo habang may gawain ka sa trabaho, tapos sabi mo ayos lang basta ako. Sobrang bilis mo pa ring magtext noon. Pakiramdam kong gustong gusto mo talaga akong kausap. Na para bang excited ka. O siguro, ganoon ka lang talaga pa sa umpisa kasi bago pa ang lahat. Ako, hanggang ngayon, excited pa rin na kausap ka.
0 notes
pagkukubli · 11 years ago
Text
Binigyan mo ako ng regalo. Earphones tapos may doodle mo. Alam mo bang napakalaking bagay na 'non para sa akin. Isang napakalaking bagay na iyon para sa isang taong katulad ko na hindi naman talaga basta bastang nakakatanggap ng mga regalo kahit kanino. Na simula bata pa ako, sobrang tuwang tuwa na ako makatanggap ng regalo kasi hindi naman nila ako madalas binibigyan ng regalo. Madalas, pera ang binibigay nila kaya hindi ko rin talaga gaano naranasan iyong makatanggap ng isang bagay na maitatabi mo, kahit ano pa man ito, lalo na kapag sa mga normal na araw. Maraming maraming salamat. Naalala ko lang ito bigla.
0 notes