Text

i loved eating japanese cakes after school last semester since i first tasted it. i didn't mind having to walk for several minutes from school to the plaza just so i could savour and feel the warmth of the freshly baked little cakes.
it was one of the few things i looked forward to after every hot day sitting in a tightly packed classroom. i loved the comfort it gave me, and the new sense of freedom. the type of freedom you only get from buying things for yourself without anyone watching and questioning if you really need it.
but no matter how much homely it felt to see the stall and how loud my friends would be by stealing each other's food, i have also felt a sense of dread every time we stopped by to eat.
knowing the chances of seeing you pass by, if we arrived a little late and catched up with your dismissal, i would savour both the cake and the idea of seeing you for so long. too long.
and yet, i promised myself, and you, i'd give you one of the cakes i loved. the hottest, freshest one off the grill. and hoping it had the biggest slice of cheese.
and you told me you looked forward to it. but when i said i've seen you a number of times but didn't once dare to approach you, you said i should pretend i didn't see you at all.
what did you look forward to, then?
oh, right. the cakes. the little cakes i loved eating after school.
was it the idea of me sharing a part of my life brought you comfort than my whole presence?
and i realized i wasn't just willing to give you one.
i'd give you the whole paper bag worth 20 pesos, with 4 japanese cakes in it. all warm. all freshly baked. all had cheese in it.
i wondered if you ate all of them, you'd think i was the best person in the world, or the best japanese cakes you've ever tasted.
0 notes
Text

Nakakarami ka na talaga. Pambihira, hindi ka ba nagsasawa na pigain yung utak at kaluluwa ko ng mga salitang gusto mong marinig? Parang tatlong taon mo na 'kong hindi pinapagpahinga sa rami ng beses mong binihag 'tong nakakaawa kong puso.
Maawa ka naman. Kahit isang segundo, minuto, o oras lang. Patigilin mo muna akong mahalin ka. Kasi minsan napapaisip na lang ako na baka ang tanging rason kung bakit binigyan ako ng hininga ni Bathala ay para ibigan ka.
Tignan mo, kung anu-ano na nasasabi ko. Alam ko namang hindi 'yan ang dahilan kung ba't ako binuhay ng mga magulang ko. Hindi 'lang'. Kasi kung may iba pang rason, ito siguro'y pagsisihan ka.
Ang dami ko nang naibuhos sa'yo, sana marunong kang lumangoy at hindi nalulunod sa balde-baldeng inalay ko sa'yo. Sana pala binigyan kita ng tsunami warning noon pa man.
Pero andito na tayo. Tatlong taon ka nang binabaha.
Natatawa na lang ako sa sitwasyon nating dalawa. Ikaw, andyan lang at nakatunganga, habang ako matitigan ka lang parang magkakasakit sa puso na.
Ang unfair din minsan.
Kaya siguro bukod sa tatlong taon na kitang minamahal, tatlong taon ko na ring kwinekwestyun ang sarili ko kung bakit.
Pero ang totoong pagmamahal hindi dapat nagbubunga ng duda. Dapat puro kabutihan lang. Dapat puro acceptance ng mga mali. Dapat mamahalin mo pa rin kahit anuman ang mangyari.
Pero parang hindi na 'yun pag-ibig, 'no?
Katangahan na.
Katangahan kung alam mong wala nang patutunguhan yung napakarami mong unsent messages, drafts, at libo-libong tanong na hindi mo kayang masabi sa kanya.
Pero hindi, eh. Ako, ang dami ko nang nasabi sayo. Dami ko nang natanong. Dami ko nang sinend.
Ano ba 'tong pinasok ko?
Pagmamahal ba 'to o katangahan?
Hindi ko na alam.
Basta sana huli na 'to. Huli na 'tong pagsisisi na marunong akong magmahal nang tama at tangang paraan.
0 notes
Text

medyo nahiya ako nung sinabi mo sa'kin na nakikita mo lahat nang pinagsasasabi ko sayo sa anumang plataporma ng media kahit 'yun naman talaga ang intensyon ko; ang mapansin mo. lahat ng pangungulila at pangungulit na gusto kong sabihin o ipakita sayo, may nakatagong kagustuhan na sana makita mo. sana alam mong ganito yung epekto mo sa'kin. sana alam mong may taong hindi makatulog at parati kang ipinagdadasal.
palagi akong sinasabihan ng mama ko na dapat daw bilang babae ay marunong akong magpakipot. hindi raw pwede na babae yung naghahabol, nanliligaw, at naghihintay. dapat hindi ako ang unang magsusulat ng liham at magiging desperadang ibigay ito. pinalaki akong may respeto sa iba at sa sarili, pero mas malakas ang kagustuhan kong ipakita ang pagkagusto ko sa isang tao. kailanman ay hindi ako nahiyang umamin sa mga taong nagugustuhan ko. ako ang unang kumakausap, lumalapit, nagbibigay ng liham. dahil gusto kong malaman nila na may masayang makita sila araw-araw kahit pakiramdam nila ay ayaw sa kanila ng mundo.
pero minsan nahihiya rin ako. lalo na kapag alam kong mahihirapan akong bitawan lahat ng binigay ko. oras, tulog, at salita. kaya kahit tapos na lahat ng nangyari at nakakatulog na ako ng maayos, nakauslit pa rin sa mga libro at notebook ko lahat ng sinabi ko sayo.
0 notes
Text

simula talaga nang malaman ko na hindi lang sa shooting star ako pwedeng bumulong ng mga hiling, mas dumarami na yung mga nais kong mangyari o maranasan o makita dahil hindi ko na kailangan pang maghintay ng meteor shower para lang magdasal na sana ganto, sana ganyan.
madami na kong naipon na 11:11 wishes. minsan tungkol sa akin. minsan tungkol sa reportings o exam o projects. minsan tungkol sa mga taong may kahalagahan sa buhay ko. minsan naman puro ikaw lang. kulang nalang siguro pati sa pag-hihip ko sa kandila tuwing kaarawan o brownout dapat kitang ihiling. okay lang naman. hindi naman imposible lahat ng hinihiling ko. hindi rin naman ito mabigat. simpleng sana maayos ka lang sa tuwing hindi tayo nag-uusap. sana naiisip mo rin ako. sana inaalagaan mo sarili mo. sana hindi na tayo mag-alinlangan kapag kinakamusta na'tin ang isa't isa.
nag-aalala lang ako na baka sa sobrang dami ko nang nahiling tungkol sayo, hindi na 'ko pagbibigyan na magkatotoo ito. pero sana matupad kahit isa lang sa mga paulit-ulit ko nang binibigkas sa mga kandila o sa bawat 11:11 ng orasan; sana alam mong makikinig ako kapag hindi natupad yung sana maayos ka lang.
0 notes
Text

sa tingin ko talaga, sawang-sawa na yung mga kaibigan ko kapag binabanggit ko yung pangalan mo o may kuwento ako para sa kanila tungkol sa katangahang ginawa ko sa harap mo sa tuwing nagkakausap kami. ngayon ko lang din nahinuha na baka maraming beses mo nang nakagat ang dila mo dahil halos ikaw lang ang bukambibig ko. hindi ko sinasabi na sayo umiikot yung mundo ko, isa ka lang sa mga rason kung bakit ako mahilig magkwento.
pero wag mo sanang mamasamain kung bahagi ka sa mga paborito kong pag-usapan. wala naman akong sinasabing hindi mo alam. wala rin akong sikretong binubulong sa kanila na tayong dalawa lang ang nakakaalam. kwinukwento ko lang kung panong isang buwan na tayong hindi nag-uusap kasi hinamon kita sa pataasan ng pride.
pasensya ka na kung bigla-bigla kang natatalisod, ako lang yun, may binabahagi na naman sa mga kaibigan ko. sana hindi ka nagkakapasa tuwing nangyayari 'to at sa mga susunod na pagkatalisod mo.
0 notes
Text

ilang beses mo lang sinabi sa'kin pabalik ang mga salitang "i love you" kasi mas madali sa'kin sabihin ito sayo kesa ikaw sa akin. at sa tuwing binabato mo rin ito pabalik noon, wala akong nararamdamang intensidad kasama ito. nilinaw mo rin kasi noon eh na platonic lang lahat ng pinaparamdam mo sa'kin.
pero may nadiskubre ako ngayon, na hindi ako makatulog at nakita ko na naman yung pangalan mo sa notifications ko. mahilig pala tayong sabihan ang isa't isa na matulog ng maaga o maayos o kumusta yung tulog. na para sa'kin ay parehong nakakatawa, dahil halos tuwing hatinggabi lang tayo nag-uusap, at nakakataba ng puso kasi ramdam ko ang alala at alaga mo kapag sinasabihan mo 'kong matulog na o kung naging maayos ba nung isang gabi. mas madalang ka pang mag-alala tungkol sa sleep schedule ko kesa sa nanay ko o ako mismo.
nag-aalala rin naman ako sayo, pero mas mahirap kang patulugin kesa sa'kin. mas madali kitang masabihan ng "mahal kita" o masulatan ng napakaraming liham, pero mas magaling kang magpatulog sa'kin.
0 notes
Text

kahit kelan talaga nadadale mo ko dyan sa pa-"talk to me" mo. wala kang pake kung last month ko pa yun prinoblema, o nung isang araw, o dalawa naman ngayon. tatanungin mo ko kung may gusto ba kong pag-usapan. meron, pero hindi ko gusto na tungkol sa'kin.
gusto kita na kausap. gustong-gusto. kahit naeenganyo ako makinig sa iba't ibang klase ng tao, paborito ko pa ring marinig kang magkwento.
pero hindi naman sa lahat ng oras may nangyayaring nakakatawa o nakakairita sa buhay natin na madali lang sa'tin sabihin sa iba, kaya ang natitira na lang ay yung mga pinakanakatagong problema na hanggang ngayon ay ayaw pa rin nating hukayin simula nung bata tayong nilibing ito.
naiintindihan naman kita. hindi rin madali sa'king aminin na nag-breakdown ako kanina kasi naisip ko na naman yung banta ng tatay ko dati. ang babaw kasi, matagal na rin naman yun.
pero kapag nababasa ko yung reply mo na "okay" sa "wala namang nangyari ngayon" ko, parang gusto ko sabihin sayo lahat ng sikreto ko nung bata ako.
ewan ko ba. masyado ata akong people-pleaser. lalo na pagdating sayo na pinaka gusto kong ma-please. isa pa, madali akong kausap.
ngayon, nakwento ko na yung kalahati ng buhay ko. nandito ka pa rin eh, handa pa ring makinig, at nandito pa rin ako, inuulit yung mga nakalipas na na problema pero hindi pa tapos sa utak ko.
paborito kitang kwentuhan kasi bukod sa hindi ka close-minded, madali mo ring makalimutan yung problemang kakakwento ko pa lang sayo. at mahilig akong tumakbo sa mga problema ko.
1 note
·
View note