org3
Untitled
4 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
org3 · 1 month ago
Text
Under The Eclipse (4/4)
Tumblr media
Ilang araw narin ang nakalipas simula ng umuwi sila sa Pilipinas, dahil inilipat si jelo ng ospital. Sa ilang araw na hindi parin nag babago ang lagay ni jelo ay mas lumalala pa ito, si jelo ay nakitaan ng pag kalat ng kagaw sa kanyang katawan, unti unti nitong pinapahina ang katawan ni jelo, hanggang sa isang araw, nagising nalamang si janet dahil sa pagalingawngaw ng malakas na ingay ng makina sa buong kwarto, agad siyang tumawag ng mga doktor upang tignan ang asawa niya na ngayon ay nangingisay kasabay ng malakas na pagtunog ng makina, si jelo ay sa kasamaang palad ay hindi kinaya at tuluyang kumalat ang kagaw sa kanyang katawan at siyang dahilan ng tuluyang pagkamatay ni jelo, inilibing ang labi ni jelo ilang araw lang makalipas ang kanyang burol, kung kailangan buntis si janet sa kanilang unang anak ay tsaka pa nawala ang kanyang pinakamamahal na asawa. Ilang buwan ang nakalipas sariwa parin para kay janet ang pagkawala ni jelo, palaging dumudungaw sa durungawan si janet at inaalala ang masasaya nilang ala-ala at ang araw kung kailan nag-umpisang magkagulo ang lahat. Si janet sa huling pagkakataon ay muling dumungaw sa durungawan habang nakahaplos sa kanyang tiyan at buong pusong nagpasya na iyon na ang huling beses na dudungaw siya sa durungawan na may kirot sa puso dahil sa pagkawala ng kanyang asawa, nangangako siya na uusad siya sa pangungulila at aalagaang niyang mabuti ang kanilang anak, si janet ay nanganak kinabukasan, at ligtas na isinilang ang kanyang malusog na lalaking sanggol, "mamahalin kita ng awanggan katulad ng pagmamahal ko sa iyong ama" "awanggan kayong nasa puso ko", huling salita ni janet matapos ang kanyang masalimuot na pagsubok sa buhay. THE END.
0 notes
org3 · 1 month ago
Text
Under The Eclipse (3/4)
Tumblr media
Hindi nagtagal ay naging mag kasintahan ang dalawa. Ilang taon narin ang nakalipas, nag pasya silang magpakasal, dahil si janet ay nag dadalang tao, nag pakasal ang dalawa at nag pulot-gata sila sa paris, Isang araw bago ang araw ng pag uwi nila sa Pilipinas ay napag pasyahan ni janet na ibili si jelo ng paborito nitong tinapay sa bakery malapit sa kanilang pansamantalang tirahan sa paris, bago ito umalis ay nag iwan siya ng sulat kay jelo upang ipaalam na pumunta lamang siya saglit sa bakery, ng makarating ito sa bakery ay bumili na ito ng paboritong tinapay ni jelo nilabas niya ang kanyang kalupi at nag bayad sa kanyang nabili, bago siya maka-alis sa bakery tila parang ang bigat ng kaniyang pakiramdam, parang may hindi magandang mangyayari, hindi nalamang ito pinansin ni janet at lumabas na ng bakery, nagulat siya dahil sa biglang pag dilim ng paligid, tumingala siya sa langit at nasaksihan niya ang duyog, nawala ang kanyang atensyon sa duyog dahil sa biglang pagtunog ng kanyang hatinig at sinagot niya ito, isang boses ng babae ang bumungad dito, tinatanong siya ng babae sa kabilang linya kung siya ba ang asawa ni jelo na si janet, sumagot ito ng pagkumpirma, natigilan nalamang si janet ng sabihin sa kanya ng babae sa linya na nasa ospital ang kanyang asawa at malala ang lagay, si jelo pala ay nabangga ng sinundan niya si janet sa bakery, hindi pala namalayan ni jelo ang paparating na sasakyan kaya siya ay nabangga, ibinaba na ni janet ang hatinig upang puntahan si jelo sa ospital, bago siya umalis ay muli siyang tumingin sa kalangitan kung saan nagaganap ang duyog, at tuluyan na itong umalis patungo sa ospital.
TO BE CONTINUE....
0 notes
org3 · 1 month ago
Text
Under The Eclipse (2/4)
Tumblr media
Isang araw nag tungo si jelo sa restaurant upang kitain ang isa sa kanyang malaking kliyente roon. Nag tungo sa loob ng restaurant si jelo upang hanapin sa loob ang kanyang kliyente, habang palinga linga siya sa maraming taong kumakain dumako ang paningin niya sa isang babaeng naka porma at nakangiting kumakaway, tila parang nahihibang na siya dahil parang biglang nag dahan-dahan ang galaw ng babae palapit sa kanya. inlove na kaya si jelo? o inlalabo? Ngunit nilagpasan lamang siya ng babaeng kumakakaway sa kanya, nawala ang kanyang ngiti at sinundan nalamang niya ito ng tingin habang papunta sa ibang table, natauhan si jelo ng mag ring ang kanyang hatinig, iyon pala ang kanyang kliyente, pinapaalam sa kaniya na mauna na siya sa restaurant at maghintay sa table na ni reserve para sa kanilang dalawa, matyagang nag hintay si jelo sa kanyang kliyente, kanina lamang ay tumawag ito at sinabing papunta sila. Ilang sandali pa ay napalingon siya sa kaniyang likuran ng tawagin siya ng kung sino, kliyente nya pala, papalapit ito sa kaniya habang malawak ang ngiti sa kaniya, nabaling ang kanyang atensyon sa babaeng papalapit rin sa kanya, iyon pala ang babaeng kumakaway kanina, itinuon muli ni jelo ang atensyon sa kanyang kliyente dahil alam niya na hindi naman siya ang lalapitan ng babae, ng huminto ang kliyente niya ganoon rin ang babae, kumapit ito sa braso ng kanyang kliyente, napasinghap ng mahina si jelo, hindi makapaniwala si jelo sa nangyayari, ang babaeng kanyang hinahangaan ay may asawa na pala at kliyente nya pa, ang liit nga naman ng mundo yung babaeng gusto nya asawa pala ng kliyente niya, hindi naging maingat si jelo at nasagi nito ang sambat sa lamesa, nahulog ito sa sahig at agad din niyang pinulot at humingi ng paumanhin sa kanyang kliyente, ang kanilang pag uusap ay natapos na at nag si uwian narin sila. Ilang linggo ang naka lipas ay nag aayos parin sila ng mga gamit na gagamitin sa proyekto, habang sila ay nag aayos, lumapit ang asawa ng kliyente niya, nag sign ito na sumunod si jelo sa kanya, ng huminto ang babae sa pag lalakad ay huminto na rin si jelo, ngayon ay nasa isang sulok sila, walang tao tangin silang dalawa lamang, sinabi ng babae kay jelo na nag papasalamat muli ito sa pag sauli ng kanyang susi, nagtataka si jelo sa sinabi nito, sinabi ng babae na siya ang nawalan ng susi noon sa event ng kanyang nakababatang kapatid, nagulat si jelo, kapatid pala ng babae ang paboritong singer ng kaibigan niya, kaya pala ganon nalamang kung mag takip siya ng mukha, panigurado kasi na pag kakaguluhan din ang babae dahil kapatid niya ang sikat na singer, tinanong siya ng babae kung pwede daw ba niyang maaya si jelo na kumain para sa pasasalamat sa pagsasauli ng susi nya, agad na tumanggi si jelo at sinabing ayaw niyang mawalan ng kontrata sa kanyang kasintahan, naguluhan ng lubusan ang babae at sinabing wala siyang kasintahan at ipagpapaalam naman niya ang pag labas nilang dalawa ni jelo sa kanyang ama, hindi naman daw problema ito sa kanyang ama dahil pinagkakatiwalaan na siya noon paman, kaya siya muli ang kinuha para sa proyektong iyon. Napagtanto ni jelo na mali pala ang kanyang hinala, nasapo nalamang siya ng noo ng mapagtanto ang kanyang pagkakamali, nanghingi siya ng tawad at tinanggap naman ito ng babae, ipinakilala ng pormal ng dalaga ang kanyang sarili kay jelo, at ang pangalan pala ng babaeng iyon ay janet, isa ring sikat na singer at ama niya ang kanyang kliyente, sa huli pumayag si jelo sa alok ng dalaga. Natuloy ang kanilang paglabas at mas lumalim ang kanilang pagkakakilala sa isa't-isa, tila ba ang gaan ng loob nila sa isa't isa, madalas ay palagi silang mag kausap sa hatinig.
TO BE CONTINUE....
0 notes
org3 · 1 month ago
Text
Under The Eclipse (1/4)
Tumblr media
Si janet ay isang tanyag na singer na umibig sa isang anluwage na si jelo. Si jelo ay isang beses ng nag trabaho sa kanilang pamilya, ngunit hindi nag k-krus ang kanilang landas dahil sa pagkaabala ni janet sa kaniyang trabaho. Isang araw si jelo ay inanyayahan ng kanyang kaibigan na daluhan ang isang concert kung saan mag tatanghal ang paboritong singer ng kanyang kaibigan ngunit naisip niya na may bayad ito kaya tumanggi na lamang siya sa alok ng kanyang matalik na kaibigan, pinilit siya ng kanyang kaibigan kaya naman pumayag nalamang ito dahil naka bili na daw ng ticket ang kanyang kaibigan para sa kanilang dalawa at wala na siyang nagawa pa. Ng dumating na ang araw ng event ay nag tungo na sila jelo upang manood ng concert, Habang pasimula na ang event ay nag tungo muna sila jelo sa banyo upang samahan ang kanyang kaibigan, si jelo ay nag aantay lamang sa labas, at sa kanyang pag aantay na aninag niya ang isang magandang painting sa hallway, nilapitan niya ito at tinignan ng mabuti, dahil sa mangha nito sa kagandahan ng painting ay hindi niya na pansin ang dumadaan, nabunggo niya ang dumaan, humingi agad ng tawad si jelo dahil sa nangyari, tumango lamang ang kanyang na bangga at nag madali ng umalis, hindi manlang nasilayan ni jelo ang itsura ng nabangga niya, nagkibit-balikat nalamang si jelo at sa pag hakbang nito, ay may naapakan siyang matigas na bagay, dinampot niya ito at inusisa, isa pala itong susi, susi ng batlag, bago pa man umalis si jelo para habulin ang naka hulog ng susing iyon ay tinawag na siya ng kanyang kaibigan, napag pasyahan ni jelo na mamaya nalamang hanapin ang nakahulog ng bagay na iyon, kaya naman nag tungong muli sila sa event at nanonood sa nag peperform sa harap. Ilang oras ang nakalipas natapos na ang event, nagpaalam si jelo sa kanyang kaibigan na may gagawin lamang siya at mauna na ang kanyang kaibigan na umuwi, nag paalam na sila sa isa't isa at nag simula ng maghanap si jelo, ngunit pag katungo niyang muli sa pinag dausan ng concert ay wala ng niisang tao na natira roon, kaya naman napag pasyahan niyang ipag pabukas ang pag hahanap at balikan nalamang ang pinag dausan ng event upang i check ang kuha ng cctv ng lugar na iyon, nag tungo siya sa paradahan upang kunin ang kanyang batlag na bigay sa kaniya ng kaniyang ama noong nabubuhay pa ito, hangga't maaari ay ayaw niya itong gamitin, kung kailan lamang importante ay tsaka niyalang ito gagamitin, bago palang makalapit si jelo sa kanyang batlag ay napansin niya ang isang babaeng naka mask at tila hindi mapakali, lalagpasan nalamang sana niya ang babae ng bigla niyang marinig na may hinahanap ito, kaya naman napahinto siya sa kanyang pag lalakad ng maalala ang napulot nitong susi kanina, nag dadalawang isip na lumapit si jelo upang mag tanong, ng biglang aalis na sana ang babae para muling bumalik sa loob ay hinarangan niya ito, agad niyang tinanong kung ano ang kanyang hinahanap, napahinto naman ang babae dahil sa hindi inaasahang paglapit ni jelo, nag aalinlangan sumagot ang babae dahil sa hindi naman niya kilala ang lalake, sumagot rin kalaunan ang babae na nawawala raw ang susi ng kanyang batlag, hindi nag alinlangan si jelo na tanungin ang detalye ng nawawalang susi at kung saan niya ito nawala, ng makump.irma na ang napulot niyang susi ay ang nawawalang susi ng babae ay agad niya itong inabot sa babae, nag tatakang tumingin sa inabot ni jelo sa kanya, binanggit ni jelo na siya ang nabangga ng dalaga kanina sa hallway bago ang event at may nahulog ito, nag pasalamat naman ang babae at nag paalam na kay jelo, hinayaan niya lamang na umalis ito sa kanyang harapan at pinag masdan ang babae habang nag lalakad palayo, napaisip siya kung ano kaya ang itsura ng babaeng iyon, maganda ang pangangatawan at maigsi ang buhok, siguro ay maganda ang babaeng iyon. Makalipas ang ilang buwan sinong mag aakala na mag tatagpo papala ang landas nilang dalawa.
TO BE CONTINUE....
1 note · View note