Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Pagtuklas
Julian Velasco
Isa sa pinakahilig gawin ng aming pamilya tuwing bakasyon ay ang pumunta sa dalampasigan. Maituturing na itong isang tradisyon sapagkat hinding-hindi mabubuo ang aming taon ng walang litrato sa harap ng baybayin. Ang pinaka hindi ko makakalimutang layag namin ay sa “All Hands Beach” sa Subic. Masasabi kong maganda ang dalampasigan dito. Ito ay malawak, ang tubig ay malinaw, at ang buhangin ay talagang malambot sa haplos. Hindi ito ang pinakamagandang dalampasigan na maaaring mapuntahan ngunit ang payak na uri nito ay ang tunay niyang regalo. Walang internet sa lugar na iyon kaya ako’y napilitang makisalamuha. Angkop na magsama ng taong masarap kasama rito dahil lagi mo silang makakausap. Sa aking swerte, kasama ko noong panahong iyon ang aking mas malawak na pamilya. Habang lumalangoy sa tubig-dagat, mas nakilala ko ang aking ama at kung paano siya nakikisama sa ibang tao. Mas nakilala ko rin ang aking mga pinsan na talaga namang mababaw ang kaligayahan. Mas nakilala ko rin ang aking mga tito at tita na hinding-hindi titigil sa pagbigay ng kasiyahan. Ito ang tunay na biyaya ng “All Hands Beach”. Tumakas na sa ingay at bilis ng Maynila. Kilalanin pa ang sarili at ang iba.
0 notes
Text
Probin-saya
Daniel Bantolinao
Sa tuwing nagtatapos ang skwela, kada taon ako ay umuuwi sa aming probinsya. Lumaki ako sa Mati City, Davao Oriental kung saan ang aming lugar ay napapalibutan ng dagat. Katulad ng skwelang pinapasukan ko dati, kung saan ang likod nito ay dagat. Ang lugar na yon ay hindi ko man kailan makakalimutan, dahil dun ko naranasan ang mabuhay ng mapayapa at masaya.
Noong nakaraang pasko noong 2019 ang huli kong balik doon sa aking probinsya. Nagtipon tipon kami sa Dahican kung saan napakaganda ng tanawin at alon. Ang Dahican ay tinaguriang surf turf ng Davao Oriental sa kadahilanan na ang mga alon ay napakalaki. Bukod sa napaka mamaw nitong mga alon, narito din ang napaka-pinong buhangin na kulay puti. Sikat din dito ang tinatawag na Island hoping kung san ikaww ay makakapunta sa mga maliliit na mga karatig pulo. Kada taon sila rin ay nag hohost ng party by the beach kung saan mga tao na galing pa sa ibang lugar ay dumadayo para lang sa okasyon na to upang mag pahinga at magsaya.
Dahil sa pandemya mukhang matatagalan pa ang muling pagbabalik ko sa probinsya. Sa oras na maayos na ang lahat ay ako din naming hindi makapaghintay sa muling pagbalik ko sa amin. Ang malamig at maalat na simoy ng hangin, ang sigawan at halakhakan ng mga tao, at ang kalmadong aura na napalibot sayo ang hinding hindi ko malilimutan. Kung ikaw man ay may balak na mag bakasyon sa Mindanao, ikaw ay iniimbitahan ko sa aming probinsya. Ako na mismo ang mag totour sayo sa mga lugar na kailanman di mo makakalimutan
1 note
·
View note
Text
La Famiglia
Kendrick Rotubio
Bihira lang kami maglakbay noong bata palang ako at ng dumating ang panahon ay lumipad kami patungo sa Visayas upang puntahan ang Bohol. Pagkadating roon ay tumira muna kami sa isang pribadong resort na mayroong pansariling dalampasigan sa harap. Makikita sa dalampasigan na ito ang napakalinis na mga buhangin at kulay asul na tubig. Mayroon din sa mga gilid-gilid nito ang mga kainan at mga rentahan ng kagamitan pang snorkeling. Kalmado ang mga tubig dito, hindi ito tulad ng mga ibang dalampasigan na kung saan napalakas ng mga alon at hindi na mapag-languyan. Kasama ko ang pamilya ko sa paglakbay patungo ng Bohol. Nagpunta kami dito upang magkaroon ng bakasyon at makapag-pahinga sa kanilang mga trabaho at para narin magkaroon ng family time or bonding. Naging masaya kami sa buong linggo na pagtira namin sa Bohol dahil hindi lang kami nagpunta dito para magpahinga kundi pumunta rin kami dito upang maglibot at puntahan ang mga lugar na kung saan kilala ang Bohol. Ang halimbawa nito ay ang mga Chocolate Hills at ang endangered species na ang mga tarsier. Umuwi kami ng Maynila ng masaya at may mga nabuong ala-ala na hindi malilimutan, nasulit naming magpamilya ang pagpunta sa Bohol. Pagkauwi ko ng Maynila ay nakapagisip-isip ako na napakasaya pala makasama ang buong pamilya sa paglalakbay. Nakapagbigay ako ng oras sa kanila at hindi man lang ako naglaro sa buong oras na nandoon kami sa Bohol. Sinulit ko yung buong pagkakataon na makakasama ko pa sila dahil pagtanda ko, may oras rin ako na hindi ko na sila makakasama dahil magiging busy narin ako sa sarili kong buhay. Sa kabuuan, ang paglakbay namin papunta sa Bohol ay nag-iwan sa aking ng malaking marka saakin puso dahil isa ito sa pinakamasaya na ngyari sa buhay ko. Laging bigyan ng oras ang pamilya at huwag lang puro laro dahil may oras na ikaw naman ang manghihingi ng oras sakanila.
0 notes
Text
Ang Natatanging Sawa
Trizia Frias
Noong 2009, kasama ang aking pamilya kami ay nagtungo sa El Nido Palawan. Kami ay nag island hopping o paglukso ng isla dito. Ang napuntahan namin na hinding hindi ko makakalimutan ay ang Snake Island na matatagpuan sa El Nido Palawan. Isa ito sa mga kilalang destinasyon dito sa Pilipinas at dinarayo ng mga turista.
Sa gitna ng paglalakbay namin nabanggit ng bangkero namin na ang susunod na destinasyon ay snake island. Noong una akala ko literal na marami itong ahas kaya naman ako ay kinabahan ngunit ako pala ay nagkakamali. Dahil sabi ng mga taong kasama namin sa paglalakbay na tinatawag itong Snake Island hindi dahil sa marami itong mga ahas. Ang buhangin na mayroon sa lugar ay hugis ahas kaya dito ibinase ang pangalan ng isla. Pagkadating namin sa nasabing isla ako ay talagang namangha dahil sa buhangin na nagkokonekta sa gitna ng dalawang magkalapit na isla. Sa isla na ito ay may parte na maaaring akyatin, upang makita sa tuktok ang buong tanawin na nasa baba nito. Kitang kita ang linyang hugis ahas na kumukonekta sa dalawang isla, isa pa sa ikinaganda nito ay puting-puti din ang buhangin at pinong-pino.
Sa ilang oras na pag pasyal sa lugar ay masasabi kong para bang ayoko ng bumalik ng Maynila. Dahil sa kagandahan ng lugar, at kahit gaano pa kainit ay talagang nagsaya kaming magkakapatid at lalo na kasama namin ang aming magulang. Masasabi ko din na ang lugar na ito ay talagang napaka natatangi at kung mabibigyan ng pagkakataon ulit ay gusto ko ulit bumalik sa El Nido Palawan kasama ang pamilya ulit. Sulit na sulit talaga ang aming paglalakbay.
0 notes
Text
Eksklusibo
Lois Armamento
Noong nakaraang taon ng ika-2 ng Mayo, ako ay pumunta sa Hamilo Coast kasama ang aking pamilya at kami ay nanatili sa Pico De Loro Beach and Country Club na matatagpuan sa Nasugbu, Batangas upang magbakasyon at makapagpahinga. Ang dalampasigan dito ay may ordinaryong buhangin ngunit ang tubig ay hindi kapani-paniwala ang pagkalinaw. Ito ay napakalawak at hindi gaano kadami ang tao na pumupunta dito dahil ang puwede lamang pumunta sa dalampasigan ay ang mga nananatili sa Pico De Loro Beach and Country Club. Ito ay halatang nalilinis at naalagaan ng mabuti dahil walang duming makikita sa buong dalampasigan. Kapag malapit na gumabi ang araw ay kitang-kita bumaba dahil hindi ito natatakpan ng bundok at napakaganda tignan ito. Sa kabuuan, ang beach ay talagang maganda. Napansin ko na ang mga empleyado rito ay marespeto at masisipag dahil noong kami ay nangangailangan ng mga kagamitan sila ay parating handang tumulong. Pagkatapos lumipas ang ilang oras, kami ay naglakad papunta sa dalampasigan upang lumangoy sa dagat at sumakay ng jetski. Maaari rin pumunta sa mga cove na malapit dito ngunit hindi na namin ito nagawa kaya ako’y nag-ikot na lang sa dalampasigan kasama ang aking mga kapatid at kumain ng ice cream. Kami ay hindi makapaghintay bumalik ulit sa lugar na ito dahil kami ay sobrang nag-enjoy dito at dahil ito ang pinakamalinis at pinakatahimik na dalampasigan na aming napuntahan. Madami rin kasi mga aktibidad na puwedeng gawin dito kaya ang aking batang kapatid ay nag-enjoy dahil rito. Natuwa naman ang aking mga magulang dahil maraming higaan at payong kung saan sila ay puwede manatili kapag sila’y pagod na at iniintay kami matapos lumangoy sa dagat. Isa pa sa mga rason kung bakit kami ay babalik dito ay ang mga pagkain. Maraming puwedeng pagpilian na pagkain dito, mayroong Italian, Chinese, at Pilipino na uri ng luto. Ang pangkalahatang pananatili rito ay medyo mahal ngunit tiyak na sulit ito.
0 notes
Text
Sabayan ang mga alon
Andrew Belser
Noong 2018 pumunta ako ng Baler kasama ang aking buong pamilya. Buong-buo ang saya na aking naramdaman at inisip ko kung ano ang aking mga gagawin pag nakarating na sa beach. Habang ako ay naghahanda ng aking gamit ay inisip kong mabuti kung ano ang mga kakailanganin ko. Pagkatapos mag-impake ay dali-dali kaming sumakay ng sasakyan at pumunta na sa aming lokasyon. Pagkarating dito ay agad-agad akong bumaba para silipin ang dalampasigan at ang ganda ng aking tanawin. Tahimik na alon at tirik na araw, laking ngiti ang nakalagay sa aking mukha at agad agad nang nagmadali para kumain muna at mag ka-enerhiya. Pagkatapos ay agad-agad rin akong nagpalit ng aking shorts at kumuha ng tsinelas at pumunta na sa dagat. Langoy ng langoy hangga’t sa mapagod, nakatikim nang maalat na tubig, nakakita nang maliliit na isda, at marami pa. Pagkatapos ng araw na iyon ay bumalik muna kami sa pinagtutuluyan naming hotel malapit sa dalampasigan at nagpahinga dahil kinabukasan ay may gagawin daw kaming masaya. Ako ay natulog na at namahinga at naghintay ng kinabukasan. Sa sunod na araw ay agaran kaming kumain ulit at nagmadali papunta sa dalampasigan at nagrenta ang aking ama ng surfboards. Laking tuwa ko dahil napapanood ko ito sa social media at mukhang masaya gawin. Nang ako ay umapak sa surf board akala ko ay madali lang tulad ng aking paboritong gawin ang pag iskeytboard. Pero hindi pala dahil mas mahaba ang surfboard at kelangan mo sabayan ang mga alon. Natuto na lang ako habang paulit-ulit ko itong sinubukan. Tunay na naging masaya lahat nang aking naranasan dito dahil kasama ko ang buong pamilya ko.
0 notes
Text
Karangyaan
Dominic Canapi
Nagplano ang aking pamilya na umalis saglit at magbakasyon sa La Union. Napag Isipan nang aking pamilya na mag-check in sa Lafayette Luxury Suites Resort, ito ay isang beach resort na matatagpuan sa La Union. Nagkaroon ng biglaang pagyaya at naisipang magbakasyon muna sa realidad. Ang La Union ay kilala bilang isa sa mga patok na lugar ng bakasyon sa Pilipinas at kilala rin ang La Union sa kanilang malalaking alon na tumatama sa baybayin. Bukod sa paglangoy, maraming mga aktibidad na inaalok ang La Union tulad ng surfing, resort hopping, sight-seeing, at marami pang iba. Sa nagdaang mga taon, naging tanyag ang La Union bilang Surfing Capital ng Hilagang Luzon. Isa ito sa mga madaling ma-access na lugar mula sa Maynila na may 5-7 oras lamang na biyahe. Ang lugar ay lumalaki sa pagbuo ng maraming mga kainan at resort. Sa Pilipinas, masigla ang mga beach sa buwan ng Marso hanggang Mayo. Kung nais mong mag surfing, ang mga malalaking alon ay nagpapakita sa La Union sa mga buwan ng Oktubre hanggang Marso. Maraming turista ang pumupunta sa La Union sa panahon ng tag-init upang makapagpahinga at tangkilikin ang mahinahon na alon. Nagkaroon ako ng isang hindi malilimutang peklat sa aking dibdib noong ako ay nag-surf. Maaaring ito ay isang mapanganib na aktibidad, ngunit hindi mo maaaring tanggihan ang adrenaline na matatanggap mo mula rito. Nag-aalok sila ng mga gabay sa pag-surf kung nais mong matuto. Sa 3 araw ng aming pananatili sa La Union, napaisip ako na maaaring gumaan ang loob at magsaya sa onting oras na iyon.
0 notes
Text
kaLAIYAaan
Kirt Fernandez
Ang Laiya, Batangas ay maituturing kong isa sa mga pinakamagandang dalampasigan na aking napuntahan. Ang dalampasigan na ito ay may puting buhangin at malinaw na tubig karagatan. Ang dalampasigan na ito ay dinadayo ng mga iba’t-ibang tao lalo na ng mga taga NCR. Ang tuluyan na aming napili ay ang Acuatico Beach Resort. Pinili naming ito dahil sa magagandang tugon na nakukuha nito sa social media. Bago makarating sa aming tutuluyang resort ay kinailangan namin mag sumite ng mga papeles sa Departamento ng Kalusugan ng Batangas dahil sa kasalukuyang pandemya. Pagkarating namin sa resort ay kinailangin namin sumailalim sa Rapid AntiGen CoVid Swab Test kung saan buong pamilya namin ay negatibo sa turang test. Pagkatapos nito ay tinignan na namin ang aming kwarto na pagtutulugan at agad kaming lumabas para matanaw ang dalampasigan. Unang una ko napansin sa dalampasigan nito ay ang kanyang makapagpigil hiningang ganda habang lumulubog ang araw. Isa rin na hindi ko makakalimutang karanasan ay ang haplos ng hangin na napakalamig at presko. Natapos ang araw naming sa isang bonfire kasama ang buong pamilya. Hinding-hindi ko makakalimutan ang lugar na ito dahil kumpleto ang aming pamilya kung saan naglaan kami ng oras para sa isa’t-isa.
0 notes
Text
Kasama ang mga Tamang Tao
Jolo Penaflor
Gumising ako ng masigla kahit na ang oras ay napaka-aga. Agad-agad, ako’y napaisip sa aming pupuntahan sa Calabarzon, Batangas. Napakasaya kung isipin ang gagawin ng aming pamilya ngunit nagpakita sa aming pagdayo ang problema ng mga kasama. Dumating sa ninanais na tuluyan at mas napasaya ang mga katauhan nang makita ang tutulugan. Hindi na hinintay ng mga magpipinsan ang umaga at kaagad nagpakalasing at nagpakasaya. Inuna ang pagsakay sa jet ski sumunod ang parasailing at iba’t ibang mga gawain. Sa pag-uwi ng mga bata, kitang-kita ang pagod at saya sa kanilang mga mukha. Sinalubong sila ng masarap na pagkain na hinanda ng mga tao sa bahay. Sabay-sabay kumain hangga’t isa-isa na kami umalis sa harap ng mesa para maligo at matulog. Ngunit lumabas pa muli ako para maglakad at makita ang buong dalampasigan. Hindi nawala ang titig ko sa katawan ng tubig sa kagandahan ng lugar. Hanggang sa sinamahan na ako ng kaibigan ko at ng mga pinsan ko at hinintay namin umakyat ang araw. Sabay kami pumasok muli sa bahay at nagpahinga. Sa pag-uwi galing sa napakagandang lugar na ito, masasabi ko na sa tamang lugar kasama ng mga tamang tao, siguradong sapat ang iyong pagdadaanan.
0 notes
Text
Dunong ng Magalawa
Gabriel Torres
Tuwing pagkatapos ng panahong tag-ulan, dito sa Pilipinas kung saan napakainit, isa lamang ang takbuhan ng karamihan. Madalas tayo ay nagpupunta sa karagatan, sa mga resort na ating pinili. Posibleng magkakaparehas ang ating mga dahilan sa pagpunta at ito ay para magpalamig at magbakasyon. Kasi sino nga naman bang ayaw makaranas magbakasyon at lumangoy pagkatapos ng nakakapagod na taon. Naglalakbay tayo sa mga ganitong lugar upang makapag-relax at makapagpahinga. Ito ang aking natutunan mula sa Magalawa Island sa Zambales.
Ang karagatan ay isang nakakaginhawang tanawin. Makikita mo rito ang pagkaputi ng pinong buhangin at magkaibang lalim ng asul ng dagat at ng langit; makikita mo rin dito ang linya kung saan sila nagtatagpo. At sa oras na aking inilaan sa bakasyong ito ay nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan, at doon sa mga dati ko pang kaibigan ay mas tumibay pa ang aming pagsasamahan. Magkasamang lumangoy, magkasamang kumain, magkasamang tumuklas ng mga bagay na sa mga beach mo lamang makikita. Naririto rin ang walang-sawang kuwentuhan at tawanan, at mga kung ano-anong paksang pinag-uusapan. Sa loob ng isang paglalakbay ay nakamit ko ang tatlong bagay: Ang magandang tanawin ng karagatan, mga relasyon sa tao na aking pinahahalagahan, at ang pagkakataong magnilay sa aking sarili.
Dito ko napagtanto na may mga mahalagang bagay kang hindi matutuklasan kung mananatili ka lamang sa iyong bahay, kung hindi ka maglalakbay, kung hindi ka lalabas sa iyong comfort zone. Tandaan na ang aking kinukwento ay noong panahong wala pang pandemya sa ating bansa. Malalagpasan din natin ito at babalik tayo sa panahon kung saan normal na muli ang lahat, nang sagayon ay maaari na uli tayong maglakbay sa mga lugar na ating gusto.
1 note
·
View note