Tumgik
ohohjon · 4 years
Text
Maraming salamat sayo
Salamat sa pag ibig mo
Sa mga gabi-gabing pagtatalo
Na sa kabila ng masasayang sandaling nabuo
Babasagin ng ating pagtatalo
Mga pangarap na sabay binuo
Yun pala, ay mapapako
Isang taong napakahalaga
Isang taong mahal na mahal ko
Isang taong pinaka gusto sa lahat na naman ang maglalaho
Maglalaho ng ganun ganon na lamang sa aking mundo
Isang tao na naman ang susuko sa buhay ko
Palagi nalang namang ganto
Tanggapin ko nalang talaga siguro
Na kahit anong ipilit ko
Babalik at babalik parin sa pagiging mag isa sa putang inang buhay na to
Pangalawang buhay ko na ‘to
Pero eto durog na naman ang puso
Wasak na naman na kahit anong pilit ingiti
Lalabas at lalabas parin ang mga luha ko
Magdurugo at magdurugo parin ang puso
Papatayin at papatayin na naman ng pag iisip
Na sa t’wing nagkakaganito
Binabalik at binabalikan ko kung pano nagsimula tayo
Mga matatamis na salitang nanggagaling sayo
Mga intensyong nakakasabik, sapagkat parehas tayo ng gusto
Yung mga panahong ikaw ay interesado
Ano na nga ba ang nangyare sa relasyong to?
Sa una lang ba sabik? Sa una lang interesado? Na kapag tumagal,
Unti unti mo ng ipaparamdam na eto, “TALO NA NAMAN TAYO”
Parati nalang ganto
Parati nalang may sumusuko
Parati nalang solo
Parati nalang ganto!
Ayoko na sa mundong to...
1 note · View note