nyltxk
Wanted
3 posts
What goes on in the head of a girl who doesn't know where to stay?
Don't wanna be here? Send us removal request.
nyltxk · 6 years ago
Text
Feelingera pero promise di talaga ako ganito
Whoo first tumblr entry ko to na matino, yung isa sa hs tropa ko kasi ineencourage kaming magpaka-active daw sa tumblr.
Sabi ko, sige itatry ko hahaha
So anyway nakakatawa lang, kasi may group chat kami na may times na biglang nagiging active (kasi adulting at iba-iba na sched namin kaya di parating nakakapag-usap). Tapos habang sinusulat ko to, active yun.
Current topic namin: crushes/love life (di magkamatayang topic na parating napag-uusapan haha)
Tapos, wala lang, currently kasi wala akong crush. Haha sad no?
Pero the thing is, pano ba malalaman kung may crush ang ibang tao sayo? 
May isa kasi akong kakilala na tingin ko may crush ATA sakin (HALA FEELER KO NO?!)
Pero no joke. Pano ba talaga? 
Recently lang kasi, may parang event kami. Parang graduation na rin, kasi yung mga kasama ko dun sa event na yun, 6 years na kami sa program na yun, and yun na yung last formal event na magkakasama kami as a batch. Tapos yung person kasi na iyon, di naman kami nagkakausap talaga. Medyo awkward ako sa kaniya kasi sa 6 years na yun ng program namin, yung first two years, may parang summer classes kami at never naman kaming naging magkaklase so hindi kami naging friends talaga. Nagkakausap kami kapag may mga activities, pero never pa kaming nagkaron ng casual conversation na labas pa sa mga activities na yun. Soooo, yeah di pa kami naging officially friends (sa standards ko).
Tapos matagal na akong may hinala na parang may crush ata siya sakin (WOW DI KO TALAGA KINAYA SARILI KO HAHAHA NAKAKAHIYA JUSKO PALIBHASA WALANG LOVE LIFE FEELER KAAGAD). Hindi naman ata since simula pa lang, pero siguro at some point nung nasa college na kami, around 3 years ago siguro? Actually wala pa akong hinala that time, pero nagkaron kasi ng isang beses na nagvolunteer ako sa isang event tapos na-assign kami sa same na section. Tapos, yung person kasi na yun, extroverted, so may pagkamadaldal talaga siya pero nung time na yun medyo tahimik siya. Hindi ko naman pinansin kaagad yung pagkatahimik niya, pero nakakutob (STARTING POINT NG PAGKAFEELER KO JUSKO) ako nung yung isa naming facilitator, narinig ko na parang inaasar siya sabi:
“O bakit ang tahimik mo ata ngayon? Palibhasa nandito kasi si ano.”
So yun, haha mula sa point na iyon, somewhere in my head may question na “crush ba ako nito?”. Pero most of the time tinatawanan ko lang pag naiisip ko haha, feelingera lang siguro ako na inooverthink na yung mga ginagawa nung tao. 
So back to the present, dun sa “graduation” namin.
Kahit sa last event na to, di pa rin kami masyadong nag-iinteract talaga. Di kasi kami same ng medyo kaclose na friends, so sa mga activities namin di kami magkasama sa group. Tapos may dalawang beses na nagsurface yung “crush ba ako nito?” feelingera moment ko hahaha.
Una, may activity kasi kami na pinagawa as a batch. Tapos may part na pipicturan kami, so ayun pose naman kami. Nakapwesto siya sa gilid ko. Smile pa rin ako sa camera, kasi picture at nagkataon lang naman siguro na nasa malapit siya. Naging feelingera lang ako nung pinagcompress kami sa picture haha, kasi sometime later on, nakita ko yung picture na yun. Sa picture kasi sobrang lapit niya sakin pero di naman talaga kailangan kasi nagkaron ng kaunting gap dun sa mga katabi niya. Definition ko ng sobrang lapit: as in parang nasqueeze ako ng slight papunta sa iba ko pang mga katabi ganun.
Pangalawa, nung uwian na. So dahil mahilig batch namin sa pictures, imbes na umuwi agad (na dapat ginawa namin kasi masama panahon at baka maabutan kami ng malakas na ulan) nagpipicture picture pa kami. Medyo pagala-gala lang din ako sa venue kasi wala pang mga umaalis talaga. Aba nagulat ako kasi nung medyo nagbababye na bigla siyang nagbye sakin nang may akbay, nacaught off guard ako kasi nakatalikod ako that time nung bigla siyang tumabi then umakbay ng mabilis sabay sabi “Bye ___”. As in dumaan lang siya ng napakabilis di ko nga alam kung nakapagreply ako ng bye eh. Paalala lang: di kami naging close diba? Kahit nga nung portion ng event namin na pwede makipag-usap one-on-one, di naman kami nag-usap. Di naman ako though yung type na ilag sa contact with guys kapag medyo naging close ko, kasi nagawa ko ngang makipaghug sa isa kong naging friend na guy dun sa same event na yun.
By the way, may isang time na break namin nun at nagchichismisan yung batch with our facis, tapos sinabi naman niya na wala raw siyang crush, sooo...
HAHA. FEELER KO NO? (o tingin niyo may basis naman para magpakafeeler ako?)
Sigurado magugulat yung tropa ko kapag nabasa nila to. hahaha
Gano kabilis kaya niyo mababasa to? Dito ko na lang nilagay imbes na ibring-up sa chat kasi wala lang haha para may matumblr at para di mahirap ikwento (di ko inakalang magiging ganito kahaba to) haha.
Sa mga makakabasa nito na di ako kilala, sorry sa pagiging feelingera ko hahaha. Promise magugulat kayo if ever kilala niyo ako in real life kasi parang di naman siya fit sa personality ko. Naflatter ako masyado sa idea na baka may taong may crush sakin, di naman kasi ako yung type na nagiging crush ng iba. 
YUN LANG PO. Gusto ko lang talaga mailabas to haha, wag niyo po sana ako majudge :)) Sa sobrang kagustuhan kong mailabas to di ko pa nga naaayos tumblr theme ko haha.
2 notes · View notes
nyltxk · 6 years ago
Text
May pagka 4d ata ako hahahahaha
Abundance of KEYT-LINs 💃💃💃
Tumblr media
Okay so Hellooo. Why is my post entitled “Abundance of Keyt-lins” kase based to sa book na “Abundance of Katherines” by John Green. Kase diba yung book na yun ay tungkol dun sa guy na yung mga girlfriends nya Katherine ang name.
Then on my side, mga bestfriends ko ay  may name pronounced as “Keyt-lin” pero different spellings sila. So sila yung nasa picture. So from left to right, she’s Kate Lynn, Keithlyn (yes pronounced as Keyt-lin) and Kaitlin.
So alam nyo ba late ko na narealize na ang gagaling ng mga nagiging bestfriends ko eh and ano, may mga common traits sila HAHAHA   😂 pero ano papakilala mo muna sila sa inyo.
KATE LYNN - So best friend ko sya since Highschool. So both kami from science high school then sa Ateneo sya nag college. She’s taking up, BS Chem. and 5th year na next year yey. Pero twice graduation nya. Kase isang BS Chem tas yung isa something may applied something yung course nya eh. ayun so sinearch ko. BS Chem with Material Science Engineering HAHAHA litsi ka diha gurl. pinahirapan mo ko sa course mo. So yun, tas ang kulit netong taong to. Jusko. ang ligalig sa buhay.  😂 😂 Labyu kate.
KEITHLYN - So bestfriend ko sya simula 3rd yr college (nung umali si Kaitlin, yung #3) and business partner, gala partner, lahat na ata ng partner HAHAHA. So sya ay isang Taiwanese citizen (and sad bumalik na sya ng Taiwan pag grad namin), tapos etong babaeng to yung tipong kalakadrin HAHAHA yun tawag ko sakanya, kase kapag may bigla akong bibilhin sa mall, isang tawag ko lang, goara na sya.  😂 I really miss this girl huhu
KAITLIN - Sya yung first bestfriend ko sa college life ko, from 1st year kaso sadly hanggang 2nd year lang sya sa UST, kase lumipat syang UP Diliman and taking up BS Geography, also kaya ka pala kami nag click din nung college kasi kami lang dalawa sa block yung from science high school. So yun eto ay isang full-time fangirl/k-popper and wag ka na mamanage nya yung time nya with acads. Pero di sya ano, yung jeje like. Like kasali sya sa fandoms or admins ng mga fandoms in the Philippines (ata?) pero alam ko oo  😂 So yun, di pa kami nag kikita for 2yrs dahil sa busy sched din. So see you soon bb.
Uhm okay that’s enough, kase mukhang hinahanapan ko sila ng jowa. pero OO, SINGLE YANG MGA YAN! (including me) HAHAHAHAHAHA  😂 😂 Charot lang. Ayun. so I’m amazed na ang galing kase parang napapalapit ako sa mga may pangalang keyt-lin  😂 😂 I just wanna share lang sa inyo guys how great my friends are. di lang sila. but lahat ng bestfriends ko.  😂
5 notes · View notes
nyltxk · 10 years ago
Photo
Tumblr media
0 notes