Tumgik
nourinemaullon-blog · 6 years
Text
02/19/2018
Dumating na sa puntong ang dating gusto ko ay siyang pinakaayaw ko na ngayon.😢
Kaya ayaw kong umamin dahil naglalaho ang lahat at bumabaligtad ang damdamin.💔
0 notes
nourinemaullon-blog · 6 years
Photo
Tumblr media
02/18/2018 Ang mga taong nagpapaalala sa akin sa kung anong tunay na buhay ang dapat kong tahakin. Sila ang mga kaibigang nais kong tularan dahil sa nakapagpapatibay na pagpili nila ng karera. 😘💕
0 notes
nourinemaullon-blog · 6 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
02/17/2018
Magkamukha na raw kami. 😂
*Ang karamay ko sa loob ng siyam na buwan at sa natitira pang isang buwan* 😘
(Unang matinong larawan naming dalawa😍)
#kaibigan
1 note · View note
nourinemaullon-blog · 6 years
Text
02/16/2018
Kailangan munang magpahinga.😊
Upang maging sapat ang lakas para sa susunod na hakbang😃
0 notes
nourinemaullon-blog · 6 years
Photo
Tumblr media
02/15/2018 "Nakangiti pa rin" *Kahit sobrang init *Kahit sobrang hirap na *Kahit masakit na ang kumapit pa *Kahit hindi na kayang tumawid Sa huli, nagawa pa ring makarating sa dulo, kahit na sumagi sa isipan ang bumitaw na lamang at maranasan ang lamig ng tubig. Dahil gaano man kaginhawa ang makalaya sa sakit, hindi pa rin masasabing ikaw ay nagwagi. Dumaan man sa maraming hirap, magiging SULIT NAMAN ANG LAHAT!😉🙌 #PagbabalikTanaw #Larawan
0 notes
nourinemaullon-blog · 6 years
Photo
Tumblr media Tumblr media
02/14/2018
Kung minsan, mas mabuting gawin ang mga bagay na nais mo, nang walang iniisip na baka may manghusga sa'yo—napagagaan nito ang mabigat na sitwasyong bitbit sa bawat oras.😊
Sa madaling salita:
Nag-enjoy lang po talaga ako sa laro na'to. SOBRA!😂 Hindi ko rin alam kung bakit. Siguro mababaw lang talaga kaligayahan ko.😂
#parangbata #unangbeses
0 notes
nourinemaullon-blog · 6 years
Text
02/13/2018
Ano ang pakiramdam ng buo ang loob sa paninindigang ipagpatuloy ang pagsusuot ng maskara?
Para palang nakagapos sa loob ng selda.
Kung maaari lamang sanang ibalik ang dati at baguhin ang ginawang desisyon.😢
0 notes
nourinemaullon-blog · 6 years
Photo
Tumblr media
02/12/2018
Ituring na isang kayamanan ang bawat araw— dahil ang bawat araw ay may sarili nitong kasaysayang hindi na mauulit at maibabalik.
📷📹☺
0 notes
nourinemaullon-blog · 6 years
Text
02/11/2018
Sabi nila, ang iyong paglisan ang magpapaaninag sa kanila ng iyong kahalagahan.
Pero......
Hindi ba't mas mabuti kung ang iyong halaga ay maipadadana na sa iyo hindi ka pa man lumilisan, o bago mo man ito naisin?
Sila mismo ang magiging dahilan ng iyong pananatili😃
0 notes
nourinemaullon-blog · 6 years
Photo
Tumblr media
02/10/2018
Mahalagang may kasamang ngiti sa isang mahabang paglalakbay.👣👣
1 note · View note
nourinemaullon-blog · 6 years
Text
02/09/2018
Halo-halong emosyon.
Masarap sa pakiramdam ang dulot ng bagong karanasan -- Magaan, walang hirap -- Malayo sa dating atmospera.
Pero patuloy pa ring nangingibabaw ang takot, ang pangamba sa mga posibleng maganap.
Upang makatakas sa matatalim na dilang mapanghusga, natutunang magsusuot ng maskara. Hindi ko alam kung hanggang kailan ito mananatili.
Hanggang kailan ko kaya ito mapaninindigan?
0 notes
nourinemaullon-blog · 6 years
Text
02/08/2018
Manatiling matatag
Huwag sumuko
Madaling sabihin, pero 'pag ikaw na ang nasa kalagayan, mahirap nang gawin.
May lakip na kirot ang bawat paglaban
May mga luhang nangingilid sa mata
Nagbabadya ang mga labing sabihin ang mga salitang
"Ayoko na"
Paano na kung gayon?
0 notes
nourinemaullon-blog · 6 years
Photo
Tumblr media
'Mga taong naging bahagi ng aking kabataan'☺💕 02/07/2018
0 notes
nourinemaullon-blog · 6 years
Text
02/06/2018
Salamat at nagbago na ang damdamin, gumaling na ang nabulag na mata at nakalaya na sa hawla ng maling pag-ibig.
Hindi na muling uulitin pa.
1 note · View note
nourinemaullon-blog · 6 years
Text
02/05/2018
Kailangan pa ring gawin ang nararapat. Hindi tamang piliin ang pagsang-ayon nila kung ang katumbas ay ang pagkonsinte sa kanilang kamalian.
0 notes
nourinemaullon-blog · 6 years
Text
02/04/2018
Kapag madalas ang pagkabigo, humahantong ito sa pagsuko. Pero gaano man karami ang naging pagkakamali, may kaisa- isang bagay na 'tama', ang magsasabi at mag uudyok sayong magpatuloy pa.
0 notes
nourinemaullon-blog · 6 years
Text
02/03/2018
Akala ko sapat na ang lahat pero nakakaramdam pa rin ako ng pangungulila sa nakalipas. Ngayon ko nauunawaan ang mga hamon ng nagbabagong mundo at na kailangan paring magpatuloy at huwag manatili sa nakaraan -- gaano man kasakit.
0 notes