Magandang Umaga, Tanghali o Gabi! Ako po si Janessa Acenas galing sa Section OD5C at ito ang aking blog :)
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
NIAGRA FALLS
Pumunta ang aking tiyahin sa Niagra falls, napaka-saya niya noong nakita niya ito sa personal dahil lagi lang niya ito nakikita sa palabas. Napaka-lamig raw sa pwesto na yan at maraming mga malalaking ibon kayong makikita ang tawag ay seagull. Marami ka ring makikita sa lugar na yan tulad ng Hard Rock cafe.
Ang hard rock cafe ay isa sa mga sikat na cafe dahil dito din pwede tumugtog ang mga artista.
Marami ring bilihan ang makikita sa pwesto ng Niagra Falls, at nagulat ang aking tiyahin noong makakita sya ng malaking Hershey's kaso hindi nila binili ito dahil ito raw ay nakakadiabetic
0 notes
Text
CN TOWER
Sa panahon ng pandemya - ang tanging lugar na maaari mong bisitahin ay mga bukas at malalawak lang na lugar. Ang aking tita ay bumisita sa Canadian National Railway Tower na siyang pambansang palatandaan ng Canada, ang tanawin ay napaka-akit sa mata dahil ito ay malapit sa dagat, at makikita mo doon ang isang istasyon ng tren na pupunta hanggang Mexico. Hindi naging hassle sa aking tita ang pagbisita sa tower dahil disiplinado ang lahat ng tao sa Canada, bagama't sa kanyang edad ay hindi siya pinapayagang magtagal sa labas dahil sa COVID19.
Sabi ni Tita, hindi naman ganoon kalamig sa Canada sa pagbisita, pero presko ang hangin at disiplinado ang mga tao. Maaari mo ring makita ang Lake City Ontario kapag ikaw ang CN tower at sa gabi ay makikita mo na ang tore ay umiilaw.
Mas maganda raw pumunta doon na walang tao, ito ang itsura ng tower kapag gabi na.
0 notes
Text
Sweet Ridge Farms - Toronto
Noong panahon ng pandemya, pumunta ang aking tita sa Canada at tumira sa bahay ng aking mga pinsan. Tulad ng makikita mo dito sa imahe, binisita niya ang mga matatamis na bukid ng "sweet ridge farms" na sikat sa mga kalabasa. First time niyang makakita ng malalaking kalabasa sa totoong buhay at puno siya ng saya. Sa kanyang pagbisita ay nasiyahan siya sa kapaligiran at sariwang hangin, dahil ito ay napakalinis at makikita mo na ang mga may-ari ay nag-aalaga ng kanilang mga kalabasa. Bumili din sila ng isang kalabasa para gamitin sa kanilang ulam.
Ganitong ganito raw ang reaksyon ng aking tiyahin noong makakita siya ng maraming kalabasa, napaka-mahinahon HAHAHA
1 note
·
View note